Share

CHAPTER 8

"M-mama.." Nagising ako nang marinig ang tila nahihirapang tinig ni Angela. Bumalikwas ako ng kama nang maramdaman ang matinding init ng kaniyang katawan. Nanginginig din ang kaniyang katawan at ang mga biluging mata ay mapungay habang nakatingin sa akin. Kinapa ko ang kaniyang leeg at noo at nakumpirma na inaapoy siya ng lagnat. Maputi ang balat ng anak ko katulad ng kaniyang ama kaya mapapansin kaagad ang pamumula ng kaniyang pisngi at labi.

"Anak ko ang taas ng lagnat mo!" Dali-dali akong bumangon at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng gamot at malamig na tubig. Naabutan kong nagluluto sa kusina si Josephine at nagtataka itong pinagmamasdan ako.

"Dai, anong nangyayari?" tanong nito.

"Ang taas ng lagnat ni Angge!"

"Ano?!" Iniwan nito ang pinipritong isda at mabilis na tinungo ang aming kuwarto.

Kumuha agad ako bimpo at binasa ito sa malamig na tubig na inilagay ko sa maliit na palanggana.

Si Josephine naman ang naghanda ng gamot na ipap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status