Share

Chapter 30

Mabilis na lumipas ang araw. Sa mga nagdaang araw na iyon ay nakalimutan namin pansamantala ang aming mga problema. Walang araw na hindi kami sinurpresa ni Greg at palagi niyang sinisigurado na masaya kami lalo na ang anak ko. Ngayong umaga ay nakatakdang tuluyang aalisin na ang benda sa kamay ko. Inaalis naman ito at pinapalitan, pero ang isiping tuluyan na itong hindi ibabalik kapag natanggal ay masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ito ba 'yong tinatawag na mahika pero sa pag-aalaga ni Greg sa akin ay mabilis na gumaling ang pilay at mga natamo kong sugat. Hindi man tuluyang nawala ang mga peklat, ang importante ay magaling na ang mga sugat.

"Sanay talaga iyang si Greg mag-alaga ng may sakit. Alam na alam niya ang gagawin niya kapag mayroong nagkakasakit. Nag-aral ng medisina 'yan noon, hindi nga lang niya naipagpatuloy. Mabait na bata 'yan at maalalahanin pa." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Nay Pacita. Papunta ako sa kusina upang kahit sana papaano ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status