"Diyos ko dai, dapat pala sumama na lang ako! Kasalanan ko 'to e!" Pinadyak-padyak ni Josephine ang kaniyang mga paa. Maya't-maya ay hinihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Dai naman, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko 'yon kasi naging pabaya ako. Hindi naman nawala si Angela e.""Hindi dai, mas kilala ko 'yang batang 'yan. Kabisado ko ang ugali niyan. Magkukusa 'yan kapag may gustong abutin, hindi siya aasa o hihingi ng tulong sa iba. Manang-mana sa iyo 'yang anak mo, dapat talaga hindi ko kayo hinayaang umalis na wala ako e! Kung nandoon ako hindi sana siya nawala sa tabi mo." Natahimik ako. Nakaramdam ako ng hiya. Ako ang ina pero mas kabisado ng kaibigan ko ang ugali ng anak ko. Mas kilala niya dahil sa loob ng maraming taon, mas maraming oras na silang dalawa lang ang magkasama."Pasensya ka na, mahal na mahal ko si Angge, ikamamatay ko kung may nangyaring masama sa kaniya." Naging mahinahon si Josephine nang maramdaman ang pananahimik ko. Ako ang may kasalanan pero
"Uy Cailee, kumusta? Balita ko mag-aasawa ka na raw?"Sa dinami-rami naman nang makakasalubong, si Aling Norma pa. Kay aga-aga nag-uumpukan na naman sila. Pero hindi katulad ng dati ang paraan ng mga tingin nila, kung noon ay puno ng panghuhusga, ngayon ay ngiting-ngiti sila. Maaamo at nagmukhang maalalahaning kapitbahay pero hindi naman mukhang mapagkakatiwalaan.Nagkunwari ako na walang nakita. Ni hindi ko nagawang bigyan kahit na isang sulyap man lang si Aling Norma. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ang anak ko at si Josephine kasi nauna na sa akin at naghihintay na sa labasan ng eskinita. Ayaw ko ring makapagbitiw ulit ng masasakit na salita katulad noong nakaraang buwan kaya mas minabuti ko na lang na umiwas. "Alam mo Cailee, ang totoo kasi hindi naman talaga ako galit sa iyo no. Medyo nagtampo lang noon, pero kalimutan mo na 'yon." Nahinto ako nang muli siyang magsalita. Isang tango lang ang ginawa ko at nagsimula nang muli maglakad."Baka gusto mong bumili ng chorizo at em
"Ano ba kasing nangyari? Bakit naman pati ang pag-aayos ng alak e sinalo mo pa?" Nakahalukipkip si Josephine at nakatayo siya sa tabi ng higaan ko. Hindi naman siya galit kahit na may tono ng katarayan ang paraan ng pagtatanong niya. Sanay na rin ako na ganoon siya kapag mayroong hindi magandang nangyari sa akin at sa anak ko.Hindi ako agad nakapagsalita dahil iniisip ko rin kung bakit nga ba humantong pa sa pag-akyat ko ng hagdan ang pag-aayos.Kaming dalawa lang ang narito ngayon sa kuwarto dahil si Greg ang nagboluntaryo na samahan si Angela sa paaralan, hiniling kasi sa kaniya 'yon ng anak ko kanina. Magmula noong naaksidente ako no'ng isang araw ay gabi-gabi na siya rito natutulog. Umaalis lang siya ng ilang oras upang umuwi at makapagpalit ng damit, pagkatapos ay bumabalik naman agad para masamahan ako at maalalayan dito. Nahihiya ako sa kaniya pero dahil mas lalong gumagaan ang loob ko at napapanatag kapag nasa tabi ko siya ay hinayaan ko nang lunukin ang lahat ng hiya sa kata
*Mansion de Montefalcon*"Inutusan ka ni papa? Ganoon ka na ba ka-desperado para sundin ang lahat ng inuutos niya?!" "Magpapaliwanag ako-"Sa bungaran pa lang ng mansyon nakita at kinompronta ko na si Greco. Natigil siya sa paghakbang at pagsasalita nang inangat ko ang kamay ko at sumenyas na huwag siyang lumapit, baka kasi pag lumapit siya ay hindi ako makapagpigil.Sigurado akong pinasusundan ako ni papa sa kaniya at sa iba pa nitong mga tauhan. Noong gabing nasa club ay natunton nila kung saan ako madalas nagpupunta. Ilang beses ko man silang iwasan, nagagawan pa rin nila ng paraan ang mahanap ako. Alam ko na desperado si Wilma na mapunta sa anak niyang si Greco ang mga ari-arian ni papa, labag man sa kalooban ni Greco ay wala siyang magagawa kapag ang ina na niya ang nag-utos. Inihabilin ni Wilma rito na gawin ang lahat ng gusto ni papa upang ang mga kayamanan na sa halip na sa akin ipamamana, ay kay Greco mapupunta. He was my father's son to other woman, and that other woman i
Humupa na ang lagnat ko pero magdamag akong hindi nakatulog nang maayos. Sa buong gabi na lumipas ay hindi pa rin naalis sa isipan ko ang mga sagutan namin ni Greg kahapon. Hindi pangkaraniwan ang galit na ipinakita niya kahapon at natakot ako bigla sa kaniya, inaamin ko 'yon sa sarili ko kahit na nilalabanan ko 'yon sa pamamagitan ng pagkainis at pagkagalit kahapon. Gusto kong unawain na marahil ay nag-aalala lang siya ng sobra sa akin kaya ganoon ang ipinakita niyang galit, pero hindi ko maiwasang isipin na mayroon pa siyang ibang dahilan. Naalala ko noong buhay pa ang mga magulang ko, ang mama at papa ko mailap sa mga tao lalo na sa mga kapitbahay namin. Si Tiya Marita ko lang yata ang kilala kong kamag-anak ng mama, malayong kamag-anak daw pero hindi ko kailanman naramdaman na itinuring niya akong kamag-anak. Si papa masyadong mapagmasid, kapag mayroong lumalapit sa akin na hindi namin kilala ay inilalayo agad niya ako. Sa paaralan na pinapasukan ko noon ay ganoon din si mama. W
"Dai!" Halos pasigaw at taranta na tawag sa akin ni Josephine. Pawis na pawis siya at humahangos. Kitang-kita rin sa mga mata niya na nagpipigil na maluha. Nanginginig ang labi niya kaya hindi makapag-umpisang magsalita. Ang anak ko naman ay nagsisimula nang humagulgol kaya nataranta na rin ako.Mag-isa lang akong nakahiga, napaangat lang ako nang dumating sila na para bang may baon na problema."Anak? Bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyayari, dai?" Salitan ko silang pinagmamasdan na may pagtataka. Naguguluhan ako at nagsimula nang kabahan dahil sa pamumutla ng mukha ng kaibigan ko."Dai, kailangan ko na munang umuwi! Tumawag si Ate Delia, nasusunog daw ang bahay!""Ano?!" Nayanig ang kuwarto sa lakas ng sigaw ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla pero halos bumagsak ang balikat ko nang maproseso sa isipan ang sinabi ni Josephine. Nabigla ako pero mabilis na tinakasan ng lakas at agarang nanghina. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagpaalam nang umalis si Josephine pero hindi pa
Nalula ako nang matapat na kami sa isang malaki at kulay itim na gate. May kalumaan na ito dahil sa mga kalawang at nakupas na pintura. Ang mataas na pader ay halos lamunin na rin ng mga ligaw na halaman. Sa unang tingin ay tila isa itong abandonado na. Nang bumusina si Greg ay agad na bumukas ang gate. Mahabang oras ang binyahe namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Liblib na lugar ang nilalakbay namin at alam kong malayo na sa siyudad ng Gensan ang lugar na ito. Wala ring kabahayan sa paligid at tanging matataas na puno at masusukal na damo lang ang makikita. Kahit na maaga pa ay aakalain mong palubog na ang araw dahil sa dilim na dulot ng mga puno. Kung ito man ang bahay na sinasabi niya, paano niya nagagawang makabalik kaagad sa hospital sa tuwing umaalis siya at nagpapalit ng damit?"We're here," mahinang usal ni Greg.Katulad nga ng sinabi niya, dalawang araw lang ang nakalipas ay dinala nga niya kami sa kung saan siya naninirahan. Mabilis na sumang-ayon ang doktor ko
Matapos ang masaya at masaganang tanghalian ay dinala na kami ni Greg sa mga kuwarto kung saan kami matutulog. Nasa second floor ang lahat ng kuwarto kaya inakyat namin ang mataas na hagdan. Mayroon pa ring benda ang siko ko at hirap pa rin ako igalaw ito kaya palaging nakaalalay si Greg sa tabi o 'di kaya ay sa likuran ko. Malawak ang bahay. Sa sala ay mayroong isang malaking bintana, nakabukas ito kaya kitang-kita ang tanawin sa labas. Napakasimple lang ng mga kagamitan ngunit kaaya-ayang tingnan. Para itong isang rest house ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga larawan sa magazine at libro. Pagkarating sa ikalawang palapag ay mayroong apat na kuwarto. Dalawang magkatabi sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Sa dulo ay mayroong terasa ngunit may salaming pinto na nakaharang. Unang binuksan ni Greg ang silid na para kay Josephine. Malapit ito sa terasa dahil nasa pinakahuling bahagi. Malungkot at matamlay pa rin si Josephine, kahit na kanina habang kumakain kami ay pinipilit niya lang