Share

Kabanata 40

IKALAWANG ARAW na ito ni Brael na wala pang malay. Kahit na ganito ang lagay ng lalaki ay kaunting napanatag si Hasumi. Puno siya nang pag-aalala noong gabing dinala nila sa bahay ni Lola Lumeng si Brael lalo na at hindi pa pumayag sa una ang matanda na tulungan ang nobyo niya.

Napabuga na lamang ng hangin si Hasumi nang maalala niya ang gabing iyon.

Nasa likod ni Kajo si Brael habang silang tatlo nina Lola Tersing at Yura ay nakasunod kay Kajo. Nabasa pa sila ng ulan nang makarating sila sa bahay ni Lola Lumeng.

"Lumeng, tulungan mo kami! May dala kaming pasyente," sabi ni Lola Tersing.

Pinapasok sila ni Lola Lumeng. Pinaupo sila ng matanda at isa-isang binigyan ng tuwalya.

"Tersing, alam mo naman na hindi ako naggagamot. Hindi ako doktor, alam mo iyan."

"Lumeng, hindi ka lang nakapagtapos pero alam kong magaling ka. Magaling kang doktor subalit ikaw ay hinamak lamang ng mga maalipustang tao."

Huminga nang malalim si Lola Lumeng. Nag-aalala na si Hasumi nang lubusan. Salitan siyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status