Maraming salamat sa mga bumabasa nito. Salamat sa mga nag-aabang, nagbigay mensahe, at nagbigay ng gems. Sobrang na-appreciate ko ang suporta ninyo. Happy New Year sa ating lahat!
Parang lutang si Arwena habang hila-hila ni Mr. Tan palabas ng coffee shop. Naririnig niya ang pagtawag sa kanya ng Mama Lorna niya, pero parang nawalan siya ng kakayahan na lingunin ito. Nasa kamay niya na hawak-hawak ni Mr. Tan napako ang tingin niya. “Arwena, ano ba ang nangyayari?” pabulong na tanong ng Papa niya. Parang naalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog si Arwena. Paulit-ulit siyang napakurap sabay bawi sa kamay niya na hawak-hawak ni Mr. Tan. “W-wala po," sagot niya, pero ang tingin ay na kay Nathan na mahimbing na natutulog habang karga ng Papa niya. Sandali niya ring nilingon si Mr. Tan. “Good evening po," magalang na bati ni Mr. Tan sa matanda, pero ang tingin ay nasa batang karga nito. Mabuti na lang at tulog na si Nathan. Kung nagkataon na hindi, madadagdagan na naman ang problema ni Arwena. Sigurado kasi na tatawagin siya nitong Mama. Sinadya namang humarang si Arwena sa pagitan ng Papa niya at Mr. Tan. Kanina pa kasi ito nakatingin kay Nathan. Gu
“Mr. Tan," sabi ni Arwena, sabay na rin ang pagbitiw nito kay Archie, na parang naiinis nang makita si Mr. Tan.Nagtangis pa ang bagang nito. Galit na galit na parang gustong sugurin si Mr. Tan. Kung hindi nga lang ito kaibigan ni Arwena ay pinagtabuyan na niya ito palabas ng coffee shop. Kota na kasi siya gulo at sakit ng ulo.Matapos ang sandaling titig kay Mr. Tan ay nagawa rin ni Archie na lingunin si Arwena. “Kilala mo siya?" tanong ni Archie na biglang naging baretono ang boses. Lalaking-lalaki na ito, na sandaling ikinagulat ni Arwena. Pero mga mata naman nito ay hindi na maperme.Tipid namang napangiti si Arwena, ito nga kasi ang napag-usapan nila Archie. Magpapanggap ito na fiancee niya at siyang ama ni Nathan. “Bakit kayo magkakilala, Wena?" tanong ulit ni Archie na parang naiinis na dahil sa hindi agad na pagsagot ni Arwena. “Archie, long story. Mamaya ko na lang iku-kwento sa’yo ang lahat," sabi ni Arwena, sabay kapit sa braso nito na sinundan naman ng tingin ni Mr. Tan.
“Fiancée?" gulat at nalilitong tanong ni Mr. Tan.Kumuyom din ang kamao nito habang nakatingin kay Archie na hinaplos-haplos ang dibdib ni Arwena. Pwede naman kasing likod lang ang hinaplos. Bakit kailangang dibdib pa? Mas nag-aalburoto pa sa galit si Mr. Tan. Wala siya sa lugar na magalit, pero hindi niya mapigil ang sarili. Hindi nga niya magawang itago ang nararamdaman niya. Bumigat kasi ang paghinga niya at pakiramdam niya, konti na lang ay masasapak na niya si Archie. "Yes, she's my fiancée," Archie replied emphatically. "So go away! Leave us alone!" sabi ni Archie sa tono na nagyayabang. Natutuwa siyang makita na kinakain ito ng selos. Hindi nga kasi ni Mr. Tan sa namumula nitong mukha at mga matang lalong naniningkit sa galit. Pero imbes na umalis si Mr. Tan, tumaas ang sulok ng labi nito at umupo sa upuan na katabi ni Arwena. Hindi ito nagpadaig sa selos at galit na nararamdaman niya. “What are you doing?" iritang tanong ni Archie na sinagot lang ni Mr. Tan ng matalim
“Arwena, ano ba? Mananahimik ka na lang ba talaga hah? Hahayaan mo na lang ba ako na mabaliw sa pag-iisip kung anong special connection mayro’n kayo ng kapatid ko?” Kanina pa paulit-ulit na tinatanong ni Archie ang kaibigan na si Arwena tungkol sa special connection na sinasabi ng kapatid niya. Sa nakita at ginawa ni Archie kanina kay Mr. Tan, natatakot si Arwena, na baka gamitin na naman ni Archie ang malalaman nito laban sa kapatid niya. At ayaw niya na maipit si Nathan sa gulo ng magkapatid. “Ay naku, Wena, kung akala mo ay titigilan kita sa pangungulit, hindi mangyayari ‘yon. Kaya sabihin mo na kung gusto mong maging tahimik ang pagsasama natin," padabog na sabi ni Archie. Nagsisi tuloy si Arwena kung bakit sumama siya kay Archie. Wala naman kasi siyang choice, kung hindi niya lang sana pinagtaasan ng boses ang Mama niya kanina, dapat sana ay doon sila umuwi ni Nathan sa bahay nila at hindi sa condo ni Archie.Alam niya kasi kung gaano ka kulit si Archie. Hinding-hindi ito
Lumapad ang ngiti ni Farah nang hawakan ni Mr. Tan kamay niya. Napakagat labi pa siya nang hinila siya nito palapit sa katawan niya. Siya ang nang-aakit, pero siya ang naakit.Sa simpleng hawak lang ni Mr. Tan sa kamay niya ay parang ginaganahan na siya. Pinagpapawisan at nag-iinit ang katawan. Nakarating na rin sa kung saan ang isip niya. Sino ba naman ang hindi maaakit sa lalaki na nasa kanya na ang lahat. Gwapo, mayaman, at higit sa lahat masarap. She can’t wait to see him naked. Hindi na siya makapaghintay na makasama ito sa kama, at ipatikim sa kanya ang putahe na siguradong hahanap-hanapin niya. Walang inarte, agad lumingkis ang isang kamay nito sa braso ni Mr. Tan. “Saan mo ako dadalhin, Mr. Tan?" tanong ni Farah, sa walang ka ngiti-ngiti na si Mr. Tan. Seryosong sulyap lang kasi ang tugon nito sa tanong niya. Kahit pinagdidiinan pa nga ni Farah ang dibdib niya sa braso ni Mr. Tan ay hindi pa rin niya ito nakitaan ng reaksyon. Wala ni kaunting emosyon na makikita sa mukha
“What the heck, Farah? You smell like hell!" Pisil ni Jake ang ilong, at nandidiring nakatingin sa girlfriend nitong parang nangalkal ng basura. “Is this your way of having fun? Ang maglaro sa basurahan o kanal?" nangiinis na tanong ni Jake. Kahit pisil nito ang sariling ilong at nadidiri kay Farah, hindi naman niya mapigil ang tawa. Alam nga kasi niya ang kaartehan sa katawan si Farah, kaya alam niya rin na kung ano man ang nangyari dito, siguradong hindi niya ito ginusto. “Ang baho-baho mo, Farah! Saan ka ba sumuot ha? Nagsawa ka na ba na humiga sa kama ng mga mayaman na gusto mong huthutan, at sinubukan mo naman sa basurahan?" tanong ni Jake na ngayon ay pinipigil na ang tawa. Para na kasing maiiyak sa inis si Farah. “Shut up! Hindi ka nakakatuwa!" sikmat ni Farah, at nagdadabog na pumasok sa kwarto nila. Sobrang naiinis siya sa ginawa sa kanya ni Mr. Tan. Napahiya siya. Pinagtawanan ng mga tao. At ang mas nakakainis ay wala man lang ni isa na tumulong sa kanya. Hinayaan l
Matamlay at parang walang ganang kumilos si Arwena. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi nga kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Bukod sa matagal natapos ang pag-uusap nila Archie, hindi pa mawala sa isip niya si Mr. Tan.Ngayon nga ay para siyang lutang. Kakatingin nga siya sa mga susi na hawak, hindi naman niya alam kung alin ang gagamitin niya sa pagbubukas ng pinto ng coffee shop.Naukupa ng magkapatid ang utak niya at sa maaring mangyari sa susunod na mga araw na alam niya na kailangan niyang paghandaan. “Kung sabihin mo na lang kay Tandre ang totoo, Wena. Siya ang tunay na ama ni Nathan, kaya may karapatan siya na malaman ang totoo. Mali na itago mo sa kanya ang katotohanan na may anak kayo." Iyon ang ginigiit ni Archie kagabi na gusto niyang gawin ng kaibigan. Pero kahit anong sabihin ni Archie, buo na ang loob ni Arwena na itago ang katotohanan sa lahat. Lalo na kay Mr. Tan.Ang gusto niya ay matapos na ang issue sa coffee shop; makabalik na sila sa Maine, at magi
“Lumayo ka! Layuan mo ako, please,” paulit-ulit na sigaw ni Arwena. Hindi na rin niya magawang tingnan si Jake. Basta sumalampak na lang siya sa sahig habang takip ang mga palad sa tainga. Nanginginig na rin ang mga kamay nito na ikinagulat ng husto ni Jake. Hindi na ito gumagalaw sa kinatatayuan at naguguluhan tumitig na lang kay Arwena. Pero maya maya ay parang nahimasmasan naman siya. Kahit naguguluhan, mabagal na siyang lumapit kay Arwena. Umupo siya sa harap nito. “Weng, sorry, hindi ko naman intention na takutin ka. Wala naman akong balak na masama sa’yo.” Paliwanag nito kay Arwena. Akmang hahawakan niya para aluin, pero lalo lang itong tumili at nagmamakaawa na naman na layuan siya na para bang may masamang mangyayari sa kanya. “Weng, ano ba ang nangyayari sa’yo? Bakit ka ba nagkaganyan?” Nag-alalang tanong ni Jake. Inaamin naman niya sa sarili na medyo iba nga ang tingin niya kay Arwena kanina. Nagnasa siya. Hindi kasi niya mapigil ang sarili, talagang na gagandahan