LOGIN"HERE'S the towel, go to the bathroom and wash yourself baka magkasakit ka pa," puno ng pag-aalalang sabi ni Ambrose kay Kiana nang makapasok siya sa bahay nito. Basang-basa, walang lakas at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya magawang magsalita, tulala lang siya habang binabalot siya ni Ambrose ng towel."Bakit basang-basa ka? Ano bang nangyari sa iyo at dala mo lahat ng gamit mo? Naglayas ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Wala pa rin siyang imik. Gusto niyang humagulhol dahil sa bigat na nararamdaman niya."Hays! Kailangan mong magbanlaw at magpalit agad ng damit baka magkasakit ka sa ginagawa mo." Iginiya siya ng kaibigan papunta sa loob ng bathroom at saka nito sinara ang pinto. Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito at pagtataka.Dahan-dahan niyang binuhay ang shower sa bathroom at hinayaang bumagsak ang malamig na tubig sa kaniyang katawan. Nanuot sa katawan niya ang lamig na kanina'y hindi niya nararamdaman.Kasabay ng pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata
"IKAW ANG dapat umalis sa bahay na ito, Kiana dahil hindi na ikaw ang may-ari nito."Umi-echo pa rin sa pandinig at isip ni Kiana ang sinabi ni Isadora bago siya tuluyang ipagtabuyan ng mga ito sa sarili niyang pamamahay.Ayon kay Lorcan, ito ang nagbayad ng malaking utang ng papa niya sa isang lending company kung saan ang bahay ang naging collateral niyon. At dahil si Lorcan ang nagbayad, may karapatan na silang angkinin ang bahay sa kaniya unless may kalahating milyon siyang pamabayad lay Lorcan. Saan naman siya kukuha ng ganoon kalaking pera? Ni wala nga siyang savings dahil binabayaran niya ang utang ng ama na akala niya'y magsasalba sa bahay na iyon pero matagal na pala siyang niloloku ng mag-ina, kasama si Lorcan."A-anong sinabi mo, Lorcan? I-ikaw ang nagbayad ng utang ng daddy sa lending company?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Nagtataka at puno ng tanong na tiningnan niya ang mag-ina. "H-hindi ba't ako ang nagbabayad ng utang niya sa lending company kaya paanong si Lorcan
NAPABUNTONG HININGA na lang si Kiana nang makalabas siya ng L.A building bitbit ang pira-pirasong papel na pinunit ni Leander at hindi tinanggap, nangangahulugang hindi siya nito pinapayagang mag-resign. Laglag ang balikat niya at parang walang lakas sa paglakad."Desisyon yarn?" inis na sabi ng isip niya. Naiinis siya sa binata dahil ayaw siya nitong hayaang mag-resign. Umay na siya sa trabaho at sa ugali nito."You want proof? I have your red panty, Kiana.""Whaa!" sigaw niya at ginulo ang buhok. Paano na siya nito gayong kilala na siya ni Leander? Ano na lang ang iisipin nito gayong alam nitong nobyo niya ang Internal Manager ng kompanya. "Why, Kiana? Bakit ang lalaking 'yon pa ang nakakuha ng virginity mo? Ok lang sana kahit sinong lalaki, huwag lang ang antipatiko, mayabang at babaerong lalaking 'yon. Matatanggap ko pa kung si Jax, ang driver niya o kaya si Sir Kalbo, huwag lang ang—""Are you mocking me?""Ay kalbo!" gulat na sabi niya nang marinig niya ang boses ng boss niya na
NAGPAKAWALA muna ng malalim na hininga si Kiana nang makarating siya sa tapat ng opisina ng boss niyang si Lenadre Aguirre. Hawak niya ang isang envelope na naglalaman ng kaniyang resignation letter. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho dahil sa nangyari sa party at sa kanila ni Lorcan.Hindi na niya kayang tumagal sa kompanyang iyon habang alam niyang araw-araw niyang makakasama ang kaniyang boss na nakasiping niya. Paano kapag nalaman nitong siya ang babae ng gabing iyon? Ayaw na niyang dumating sa puntong iyon. Isa pa, pakiramdam niya hindi pa niya kayang magtrabaho. She wants to find herself again after what happened to her and to Lorcan. Masyado pang masakit.Kumatok muna siya at hinintay ang hudyat na pwede na siyang pumasok. "Come in," sabi ng lalaking nasa loob. Calmy but manly ang boses nito. Tipong siya iyong masarap kausap sa cellphone tuwing gabi.Pumikit siya ng mariin at bumuntong-hininga muna bago pinihit ang seradura ng pinto. Tumambad sa kaniya si Leandre
Lumunok siya at sinarado ang kamao. Gusto niyang magalit at saktan ang nobyo at stepsister niyang magkatabi sa kama. Walang saplot at kapwa kumot ang nakatabing sa katawan. Nakahiga sa bisig ni Lorcan si Marigold habang magkayakap silang dalawa. Bahagya siyang kumiling at suminghap. Pinigilan niyang ang sariling magalit. Kanina lang ay nakokonsensiya siya sa nagawa niya pero katulad niya, sumiping din pala sa ibang ang nobyo niya at sa stepsister pa niya. Gusto niyang matawa. Binuksan ni Kiana ang hawak na cellphone at agad kinunan ng picture at video ang dalawang nasa kama. Gusto niyang maging kalmado pa rin kahit galit na galit siya at sasabog na. Tinapat niya ang camera sa mukha niya. Walang luha pero durog na durog siya. "Hi guys! Nakakatuwa naman dahil ngayong araw my boyfriend surprised me with my stepsister at sobrang na-surprise nila ako. Look at them and see how they surprised me. Ang galing, 'di ba? Super effective ng surprise." Mapakla siyang natawa, may sakit at kirot.
"WHERE HAVE you been ba talaga, Kiana huh? At bakit kailangan na nating umalis ng ship? Hindi ba't mamaya pang hapon ang alis natin?" nagtatakang usisa ni Ambrose Gaviola habang hawak niya ito palabas ng ship. Si Ambrose ang lalaking best friend ni Kiana simula pa high school at naging manliligaw din niya noon pero ni-reject niya ito dahil kaibigan lang talaga ang turing niya para sa binata."Ambo, I don't have time to answer all your questions, ok? Gusto ko ng umuwi at hindi pwedeng mag-stay pa ako rito," sagot niya."Wait!" Pinigilan siya nito sa paglakad habang nakatuon ang nagtataka nitong tingin sa kaniya. "Saglit nga, Kiana Elowen Dimatibag ano ba talaga nangyari at gusto mo ng umalis ng party? At saka, look at yourself, Kiana ano bang nangyari sa iyo? Kaninong sleeves 'yang suot mo?" Kumunot pa ang noo nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a red dress na gulo-gulo, a white long sleeves on top of it, pati buhok niya ay hindi na na rin niya naayos. Par







