Share

Kabanata 38

ALIYAH'S POV

Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang paghinto ng kotse. I opened my eyes and smelled the salted air immediately. Bahagya akong nag-inat. I could feel my back aching because of a long sleep. Tumingin ako sa gilid ko at napagtantong nakarating na kami ng Panglao.

My forehead creased as I turned to see the person beside me. I looked at him curiously. Bakit kami narito?

"Haba ng tulog mo," komento niya habang may ginagawang kung ano sa kanyang cellphone.

"Kinidnap mo ako para magpunta rito?" nagtataka kong tanong sa kanya at marahang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin.

Napatingin ako sa relo ko na nagsasabing alas kwatro na ng hapon. Bumaling muli ako kay Reid. Bakit kaya niya ako dinala rito?

"Gusto kitang makasama bago ako bumalik ng Maynila." aniya at saka diretsong tumingin sa akin.

"Babalik ka ng Maynila?"

He nodded. He licked his lips and removed his seatbelt too. Binuksan niya ang pinto sa gilid niya at lumabas roon. Pinanood ko siyang umikot, papunta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status