LOGINKRYSTAL
Ngayon ay nakaupo ako sa labas ng bahay namin ni Conor, habang patuloy siyang nakikipagtalik sa babaeng iyon. “Break up with him, Krystal. Wala na rin naman ang buhay na gusto ninyong i-build, ano pang ilalaban mo?” diin na sabi niya sa akin.
Napatayo ako at pilit na maging malakas. “Hindi totoo iyon madam Valeria, hindi magagawa ni Conor sa akin iyon,” naiiyak na sabi ko.
“Ano’ng hindi magagawa, tapos na Krystal, nagawa na niya. He already made a choice!” sigaw niya sa akin. “Alam mo kung sino ang babaeng iyon? That’s Celeste Montemayor, kilala ang pamilya nila, mayaman ang pamilya niya hindi kagaya mo galing lang sa lusak!” diin niya sa akin.
“Mahal ako ni Conor.” Hinawakan niya ang baba ko ng sobrang higpit.
“Kung mahal ka ng anak ko, hindi niya lalapitan si Celeste, hindi siya makikipagtalik na parang hayop na nakawala sa gubat kung mahal ka talaga niya. You’re just a peasant, Krystal. Wala kang lugar sa pamilya namin,” diin na sabi niya sa akin.“Now leave, hindi ka na kailangan ni Conor. Once na magkaanak sila ni Celeste, tapos na ang lahat sa inyo. After all yung kasal ninyong dalawa ay isang malaking fake!” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang bagay na iyon.
“Hindi totoo iyan!”
“That’s the truth Krystal, look!” agad naman niyang hinagis sa akin ang papel, doon nakasulat na ang kasal naming dalawa ni Conor ay fake lang. “Ano sa tingin mo, papayag kami ng dad niya na ikaw ang mapapangasawa niya? Ano’ng sa palagay mo hindi kami nag-iisip?!”
Napalunok na lang ako at napatingin sa papeles na nasa harapan ko. Now I understand, mas lalo ko ng naintindihan ang lahat lahat. Kung bakit sila pumayag, sila ang nag fund ng kasal namin, sila ang nag-ayos ng kasal namin dahil they already planned it. Planado na nila na gawing peke ang kasal naming dalawa.
“Wala kang pinanghahawakan sa kasal na ito, Krystal. Hindi ka niloko ni Conor dahil umpisa pa lang wala naman ng kayo,” diin niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
“Hindi mo pa ba gets?” tanong niya sa akin. “Conor did all of this, bakit? Gusto niya ng company. Binigyan namin siya ng time, para mapasakanya ang business ng Del Valle dapat magkaroon siya ng asawa. And he chose you, kasi ikaw ang available, ikaw ang nandoon sa bahay namin bilang isang yaya!” pagpapamukha niya sa akin.Lumebel siya sa mukha ko dahilan para makita ko siya ng buo. “It’s all planned by me and Conor himself. Pinakasalan ka niya kasi ikaw yung madaling mauto, pinakasalan ka niya kasi malapit ka sa Lolo niya, pero ang totoo you’re just a tool for him. Hindi ka niya mahal.” Napailing-iling naman ako dahil sa sinabi niya.
“Hindi totoo iyon, hindi totoo ang sinasabi mo!” sigaw ko sa kaniya. Agad naman niya kinuha ang cellphone niya at hinagis sa akin.
“Ayan panoorin mo ng matauhan ka na ang buhay na akala mong totoo lahat pala ay peke!”Nanginginig ako na makita si Conor doon sa video. It's CCTV footage sa office niya. “Kasal kami ni Krystal,” malamig niyang sabi.“Pwede ba, tantanan mo na ang kaka-Krystal mo, wala ka namang pinanghahawakan sa kaniya. Stop the act Conor, naibigay na sa ‘yo ng Lolo mo ang company. Cut her out, tutal malapit na rin si Celeste,” wika ni Madam Valeria. Umupo naman siya sa kaniyang swivel chair at napainom ng alak.
“Stop this act already, masyado mo namang isinabuhay ang buhay ninyo ni Krystal. Bumigay na ang Lolo mo, kaya bakit mo pa siya mamahalin?”
“Then what’s the plan?” doon ay nabitawan ko na ang cellphone niya. Nanghihina ako, hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon, talaga bang hindi totoo ang ipinakita ni Conor sa akin? Ako lang ba ang nagmahal sa aming dalawa? So sa loob ng dalawang taon na magkasama kaming dalawa walang siyang pagmamahal sa akin?
“Tapos ka na?” tanong sa akin ni Madam Valeria. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinagisan ng pera sa pagmumukha ko. “Siguro naman sapat na iyan para sa panggugulo mo sa buhay ng anak ko. Umalis ka na.” Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumayo. Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta sa mga oras na iyon.
Wala akong alam na lugar na pupuntahan. Hindi rin naman ako makakabalik kila mama dahil buntis ako at mahihirapan ako na magbuntis doon. Ayaw ko rin silang mahirapan sa lagay ko.Napalunok ako at tinignan ang pera na nakakalat sa sahig. Kahit na ayaw kong pulutin iyon, para sa anak ko gagawin ko. “See, mukha ka nga talagang pera. Pagkatapos mong pulutin iyan, lumayas ka na dito,” diin na sabi niya. Tinapos ko ang pagpulot ng pera. Kahit na blurry na lang ang nakikita ko dahil sa iyak ko ay ginawa ko pa rin iyon.
Agad namang may huminto na sasakyan sa harapan ng bahay namin. “Krystal?” rinig kong tawag ng lalaking pamilyar ang boses.
“L-Lucas?” tawag ko sa panagalan niya. Agad niya akong nilapitan at tinulungan. Wala naman siyang sinabi sa nangyari bagkus ay inalalayan lang niya ako hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.“Shh, huwag ka ng umiyak tutulungan kita,” mahinahon niyang sabi. Agad niyang sinarado ang passenger seat at agad na umikot patungo sa driver seat. Nang makapasok siya ay napatingin na lang ako sa kinatatayuan ni Madam Valeria. Kitang-kita ko ang panlilisik ng mata niya sa akin. Agad naman siyang pumasok sa loob ng bahay na parang walang nangyari.Doon ay mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Damang-dama ko ang pagtataksil ni Conor sa akin.
“Hey what happened?” tanong ni Lucas sa akin.“He cheated on me, Lucas,” naiiyak kong sabi sa kaibigan ko. “Ayaw ako ng magulang niya.” Patuloy ang pagtulo ng luha ko dahilan para yakapin ako ni Lucas.
“Shh, don’t cry baka ma-dehydrate ka.”“Hindi ko alam ang gagawin ko Lucas, paano na ako ngayon?” Tumingin naman si Lucas ng diretso sa akin.
“Don’t worry, andito lang ako, okay?” Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala niya sa akin. “Ilalayo kita kay Conor, hindi ka na masasaktan ni Conor ulit, okay?”KRYSTALSEVEN YEARS LATER… Pitong taon ang lumipas, pitong taon ang nasayang sa buhay ko… may sakit ba? May dapat ba akong malaman? May dapat ba akong tandaan? Kasi wala akong matandaan na kahit ano pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ang sabi sa akin ni Lucas na accident ako at na-comatose ng dalawang buwan. Akala niya wala ng pag-asa na mabuhay ako but miracle happens at nagising ako. Pero sa paggising ko, ni isang ala-ala sa buhay ko ay nawala. Parang puzzle na gulo-gulo. Pilit kong hinahanapan ng kaayusan at buuin ang bawat piraso nito pero hindi ko mahanap kung ano ang kasagutan doon. Pinilit ko makaalala, kasi dapat, hindi ba? Pero bakit hindi ko mapilit alalahanin ang lahat? Buong buhay ko ay ito pa rin ang iniisip ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay gumagalaw, samantalang ako ay nakahinto. Sumasabay ako sa agos ng oras, pero ang isipan ko ay naiwan sa nakaraan. Hinahanap pa rin ang kasagutan kung sino ba ako at kung ano ba ang pagkatao ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin, may
KRYSTALNagising na lang ako na puno ng ilaw sa paligid ko. Nagtataka ako kung asaan ako napunta, hindi ko ma-recognize ang lugar pinipilit ko na alamin kung asaang lugar ako. Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakahiga, sobrang sakit ng katawan ko. Napatingina ko sa aking kamay at nakita ko na merong nakaturok doon. Sinundan ko ang linya noon at nakita ko na merong IV fluids na nakasaksak sa akin. Kahit na malabo kakaunti ang paningin ko ay pinilit ko na alamin kung ano ang lugar na ito, hanggang sa unti-unting luminaw ito. Napalunok na lang ako nang mapansin ko na nasa hospital ako. Doon ay bigla kong naalala ang anak ko na isinugod ako dito dahil pumutok ang panubigan ko. Napahawa ako sa tiyan ko pero laking gulat ko na lumiit ito. Bigla na lang akong nataranta at hindi alam kung sino ang tatawagin ko dahil wala namang katao-tao sa loob ng hospital room. “Ang anak ko, asaan ang anak ko?” tanong ko sa sarili ko. Plano kong tumayo sa hospital bed para puntahan ko ang nurse at t
KRYSTAL “Ito lang yung alam kong lugar na mapapatuluyan ko sa ‘yo. Hindi ako madalas dito sa condo na ito dahil malayo dito yung pinagtatrabahuan ko.” Napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. “Okay na ako dito ano ka ba, hindi mo na nga kailangan gawin ito. Pero ginawa mo pa rin kaya thank you,” mahinahon kong sabi. Inalalayan niya ako at pinaupo sa silya. “Ano talagang nangyari? Bakit ganon yung naabutan ko?” tanong niya sa akin. “Ano’ng ginawa ni tita Valeria sa ‘yo?” Napalunok naman ako at pinigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kaniya ang nangyari? After all kamag-anak niya pa rin si Madam Valeria. “Hey, okay lang magsabi sa akin. Don’t be afraid, ano’ng ginawa ni tita sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Ano’ng sinasabi mong nagloko si Conor?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, pinsan niya si Conor, malapit siya sa pamilya ni Conor. Kaya alam na alam niya kung ano ang meron sa amin ni Conor. But telling him th
KRYSTALNgayon ay nakaupo ako sa labas ng bahay namin ni Conor, habang patuloy siyang nakikipagtalik sa babaeng iyon. “Break up with him, Krystal. Wala na rin naman ang buhay na gusto ninyong i-build, ano pang ilalaban mo?” diin na sabi niya sa akin. Napatayo ako at pilit na maging malakas. “Hindi totoo iyon madam Valeria, hindi magagawa ni Conor sa akin iyon,” naiiyak na sabi ko. “Ano’ng hindi magagawa, tapos na Krystal, nagawa na niya. He already made a choice!” sigaw niya sa akin. “Alam mo kung sino ang babaeng iyon? That’s Celeste Montemayor, kilala ang pamilya nila, mayaman ang pamilya niya hindi kagaya mo galing lang sa lusak!” diin niya sa akin. “Mahal ako ni Conor.” Hinawakan niya ang baba ko ng sobrang higpit. “Kung mahal ka ng anak ko, hindi niya lalapitan si Celeste, hindi siya makikipagtalik na parang hayop na nakawala sa gubat kung mahal ka talaga niya. You’re just a peasant, Krystal. Wala kang lugar sa pamilya namin,” diin na sabi niya sa akin. “Now leave, hindi ka
KRYSTAL Dalawang taon akong kasal sa lalaking pinaka minamahal ko, kahit na ayaw sa akin ng mga magulang niya pero pinilit namin. Ginusto namin dahil iyon ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Alam ko na mahal niya ako, alam ko na gusto niya ako makasama sa pagtanda namin. Pero nahihirapan akong makisama sa pamilya niya, dahil sila mismo ang tutol sa kasal na gusto naming dalawa. “Sorry, hon napagalitan ka na naman ni mom.” Napangiti naman ako sa kaniya at napailing-iling. “Don’t over think about it, ano ka ba, sanay na ako kay madam,” wika ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. “Mommy, mommy ang itawag mo sa kaniya. Hindi ba ilang beses na nating pinag-usapan ito?” wika niya sa akin. Napalunok naman ako at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Tandang-tanda ko kasi ang sinabi sa akin ni Madam Valeria. “Mommy? When was the last time I allowed you to call me mommy? Kasal lang kayo ng anak ko, pero hindi kita tinatanggap sa buhay niya,” matalim ang bawat salita n







