LOGINKRYSTALTumigil sasakyan ni Conor. Napatingin naman ako sa labas at nagtataka kung asaang lugar kami. Sabi niya dinner ang pupuntahan namin, pero pagtingin ko sa buong paligid, wala naman akong makitang mga restaurant. “We’re here.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Andito na kami, pero asaan naman kami kakain dito. Hindi na ako masyadong nagtanong pa, pero damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib dahil sa nangyayari. Kailangan ko bang matakot sa kaniya? Dapat ba akong kabahan na meron siyang gagawing masama sa akin? Paglabas ko ng saskayan niya, napatigil ako nang makita ko na nasa isang port kami. Kita ko ang madaming yacth sa paligid at nasa dagat kami?“Let’s go?” nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin naman ako muli sa lugar at puno’ng puno ng pag-aaliinlangan kung tutuloy ba akong sasama sa kaniya or hindi. “Are you afraid?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. Doon ay agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para mapangiti
KrystalLumipas ang buong araw ng trabaho na halos hindi ko namamalayan. Focus kung focus ako sa mga sketches para sa Aurelius Cove project, trying to bury myself in work para naman mawala ang mga kung ano-anong iniisip ko. Effective naman siya dahil for a few hours, medyo nawala sa isip ko 'yung mga sinabi ni Conor, 'yung panaginip ko kagabi tungkol sa sanggol, at 'yung matatalim na tingin ni Celestine.Pero siyempre, noong nag-ring ang bell at nag-impake na ang mga katrabaho ko para mag-uwian, doon na biglang sumagi sa isip ko 'yung patungkol sa dinner namin ngayong gabi.Napatingin ako sa phone ko. There was a text message from an unknown number, pero alam kong kay Conor 'yon. It was just a time and an address of a private restaurant, along with a note saying:"I’ll have a driver wait for you at the lobby."Medyo naging hesitant ako. Napatingin ako sa suot kong simpleng slacks at white blouse na pang-opisina. Kinalabit ako ni Liezel bago siya umalis."Huy, Krystal, una na ako, ah?
KrystalMaaga akong umalis sa bahay at tumungo sa office. Ayaw ko na maabutan pa si Lucas doon sa bahay dahil alam ko na manggugulo lang din siya. Gusto ko muna na mawala sa isip ko yung mga nangyaring gulo. I want to think for myself, hindi naman pwedeng laging ganito ang nangyayari. Pagpasok ko sa loob ng office doon ko nakita si Liezel na nag-aayos ng mga sketch pads. Kaya agad akong lumapit sa akniya para tulungan siya. "Krystal, are you sure you're okay? Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong ni Liezel habang nag-aayos kami ng mga sketch pads at materials sa desk namin. Kanina pa siya sumusulyap sa akin, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. "Oo, Liz. I’m fine. Sandali lang naman 'yung hilo ko kagabi, nakuha lang sa tulog.""Seryoso ba? Eh paano naman yung away nung dalawang lalaki kahapon sa hospital?" lumapit siya sa akin at ibinaba ang boses. "Liz, let’s not talk about that anymore. May trabaho tayong kailanghan atupagin ngayon.
KrystalBuong biyahe pauwi mula sa ospital, hindi ako nagsasalita. Tanging ang tunog lang ng makina ng sasakyan ni Lucas at ang bawat ugong ng aircon ang pumupuno sa nakabubinging katahimikan sa loob. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga nagdidilim na kalsada at mga ilaw ng siyudad na mabilis na lumilipas.Pero sa totoo lang, wala doon ang isip ko.‘We really know each other… it’s just that you forgot me…’‘It’s for you to find out… Krystal.’Paulit-ulit. Parang sirang plaka na nag-e-echo sa utak ko ang boses ni Conor. Anong ibig niyang sabihin na kailangan kong alamin? Kung magkakilala kami sa nakaraan ko, bakit walang sinumang nagsabi sa akin sa loob ng pitong taon? Bakit kahit si Lucas, na siyang nagligtas at nag-alaga sa akin, ay pilit akong itinutulak palayo sa kaniya?"Krystal," basag ni Lucas sa katahimikan. Saglit siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "You've been quiet since we left the hospital. Masakit pa ba ang ulo mo? Do you n
KrystalIlang minuto na kaming nakatitig ni Liezel sa nakasarang pinto ng hospital room ko. My head was spinning, not because of my headache, but because of confusion.Why did Lucas look so terrified when he saw Conor? And why did Conor get furious when he saw Lucas? Months ago when he spoke about Del Valle’s, Lucas distinctly told me he knew nothing about them. But the way he pulled Conor outside the room it feels like… too personal. “Kyrstal,” Liezel whispered. “I know something’s wrong between them, I swear it feels like they both hold grudges with each other.” Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya nagkakamali sa bagay na iyon dahil iyon din ang nararamdaman ko. "I know, Liz. At 'un ang hindi ko maintindihan," pabalik kong bulong habang nakahawak sa dibdib ko. My heart was still racing from Conor’s sudden embrace. Ang hagulgol niya, ang init ng hininga niya sa leeg ko, it felt so achingly familiar, and it was driving me insane.Bago pa makasagot si Liezel, ma
KRYSTAL“Asaan si Conor?” tanong ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim dahil para bang disappointed ba siya sa sinabi ko.“Seryoso ka ba? Si Conor pa talaga ang hahanapin mo? Hindi mo muna ayusin ang sarili mo?” Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong mangyari. Gusto ko lang malaman kung asaan siya ngayon.“Krystal, are you okay?” napatigil ako dahil sa nagsalita. Doon ko nakita si Lucas na nag-aalala at papalapit sa akin.Agad niyang hinawakan ang kamay ko na tila bang tinitignan kung talaga bang ayos lang ako,“Ano bang nangyari? Bakit ka nahimatay?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napahinga nang malalim. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya. Alam ko na magiging worried siya. Ngayon pa lang grabe na ang pag-aalala niya.“Sinabi na sa akin ni Madam Cecile ang nangyari,” patuloy ni Lucas, bakas ang matinding kaba at panginginig sa kaniyang boses habang mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. “May







