Compartilhar

CHAPTER 5

last update Última atualização: 2026-01-28 12:34:43

Hindi na makatagpo ng kahit katiting na katahimikan si Billy. Para siyang nawalan ng bait sa kakalakad pabalik-balik sa pasilyo, habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga matatag at tila pamamaalam na huling salita ni Samantha—mga salitang pumupuno sa kanya ng takot na hindi pa niya kailanman naramdaman.Buntis si Samantha.

At gayon pa man, sa mga nagdaang araw, itinuring niya ito na parang basura.

May pakialam ba talaga siya sa damdamin nito? Sa loob ng limang taon, ginamit niya si Samantha bilang lagusan ng galit at pagkabigo— inaangkin niya ito kapag kailangan niya na maglabas ng init ng katawan, at pagkatapos ng init, babalik na ang kanyang pagiging malamig.

Ang asawa niya ang nag aasikaso sa kanya. Kahit may katulong sila, personal nitong inaayos ang kanyang pagkain, ang kanyang gamit at kapag siya ay may sakit, nagiging personal nurse niya rin ito. Pero siya.. ano nga ba ang nagawa niya para sa kanyang asawa?

“Ngayon ka nagpapanik? Ngayon ka nag aalala? Nasaan ang puso mo noong nariyan pa siya?” mariing singhal ni Eris, nag-aapoy ang mga mata habang pinagmamasdan si Billy na paikot-ikot. Bakas ang galit sa kanyang mga mata, at hindi maipagkakailang kung kaya lang siyang patayin ng kaibigan ng kanyang asawa, baka gibawa na nito. “Billy, ang pagpapakasal sa’yo ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ni Samantha sa buong buhay niya! Kamalasan at pasakit lang ang idinulot mo sa kanya!"

Naupo si Billy sa bench, sapilitang hinihila ang kanyang buhok sa matinding pagkabalisa. Ni minsan, kahit noong kasagsagan ng pinakamalalang krisis pang-ekonomiya ng kanyang kumpanya, hindi pa niya naranasan ang ganitong antas ng takot. Ngayon, tuluyan na siyang nawalan ng kontrol. HIndi niya kakayanin ang masamang balitang matatanggap niya tungkol sa kanyang asawa.

“Maingat na pinaghahandaan ni Samantha ang bawat bakasyon at kaarawan mo,” patuloy ni Eris, nanginginig ang tinig sa galit na matagal nang kinikimkim. “Hinahanap niya ang perpektong regalo para sa’yo, pero ikaw? Ni minsan hindi mo nga naalala ang kaarawan niya. Hindi mo man lang siya maisipang i-date, hindi ka nanood ng sine kasama siya—pati operasyon niya noon sa appendix, hindi mo man lang naisipang samahan at alalayan! Tao si Samantha, Billy! Tao siya!, hindi hayop na pwede mong tapakan! Kahit ba minsan.. ha, Billy, nakaramdam ka man lang ba ng pagkakonsensiya dahil sa mga ginagawa mo sa kanya? Hindi mo siya itinuring na tao!"

Nagngitngit sa galit si Eris. Matagal  na niyang kinikimkim ang sama ng loob—pinili niyang manahimik dahil nakiusap si Samantha na hayaan na lamang ang lahat, na ito na lang ang magtitiis. Ngunit ngayon, nasa bingit ng kamatayan si Samantha, dahil sa pvtang inang pagtitiis na yan!

Nanatiling nakaupo si Billy, hindi gumagalaw, nakayuko  lamang, na tila ba iniisip na may katotohanan naman nga ang sinasabi ni Eris. Kung noon nangyari ang ganito, na hindi pa niya alam na buntis si Samantha, saka yung pahapyaw na pagtatapat nito tungkol sa nakaraan, marahil, si Eris ay ipinagulpi na niya sa labas sa kanyang mga tauhan. Ngunit ngayon… tinanggap niya ang lahat. Kinailangan niyang tanggapin, dahil sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang tama si Eris. Kailanman, hindi niya tunay na itinuring si Samantha bilang isang tao. Kailanman.

Biglang nagmamadaling dumating si Lucy sa pasilyo, hikahos ang paghinga, humahagulgol, at basang-basa ng luha ang mukha.

“Billy! Kailangan mo nang puntahan si Hera… tinangka na naman niyang laslasin ang sarili niyang pulso! Napakaraming dugo ang lumalabas sa kanyang sugat!”

Hindi man lang itinaas ni Billy ang kanyang ulo. May halo pa ng pagkairita noong siya ay sumagot. “Hindi mo ba kayang bantayan ang anak mo? Dalawa kayo sa loob ng silid, subalit hindi niyo man lang naalalayan ang anak niyo, bago maglaslas?”

Natigilan si Lucy, saka mariing pumadyak sa sahig ng may pagkainis. “Hindi ko siya napigilan! Hawak niya ngayon ang kutsilyo at nakatutok sa sarili niyang leeg. Sinabi niyang kung hindi ka niya makita sa loob ng sampung minuto, tatapusin na niya ang lahat! Billy, buhay niya ang nakataya dito!”

Dahan-dahang itinaas ni Billy ang iskanyang mga mata at tiningnan ang babae nang hungkag ang titig. Noon, kahit ang pinakamaliit na hiling ni Hera ay sapat na para gumuho ang mundo niya. Ngunit ngayon, kakaibang pamamanhid ang nararamdaman niya sa pagitan ng buhay at kamatayan nito. Sa sandaling ito, kapayapaan lang ang gusto niya. Wala siyang pakialam kung mamatay na ito sa araw na iyon.

“Maghanap ka ng doktor at sila ang abalahin mo,” malamig niyang sagot.

“Narinig mo siya, ‘di ba? Tigilan mo na ang pang i- istorbo dito tungkol kay Hera at lumayas ka!” sigaw ni Eris, halos lumipad na ang kanyang kamao sa galit, "Masyado na kayong mapapel mag ina. Ikaw ang ina, alagaan mo ang anak mo!"

“Billy, nakalimutan mo na ba?” biglang tumalim at lumamig ang boses ni Lucy. “Si Hera ang dahilan kung bakit buhay ka ngayon. Kapag namatay siya, sa tingin mo ba magkakaroon ka pa ng kapayapaan kahit kailan?”

Ang alas ni Lucy" Ang utang na loob."

Alam ng buong Batangas na minsang iniligtas ni Hera ang buhay ni Billy ilang taon na ang nakakalipas. Iyon ang dahilan kung bakit na-love at first sight siya dito—o iyon ang pinaniniwalaan niya sa sarili.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Billy. Tumayo siya nang biglaan at napatingin sa nakasarang pinto ng operating room.  Ipinangako niya sa sarili, na sisilipin lamang niya si Hera, at babalik siya kaagad.

“Billy! Hindi magpapakamatay ang babaeng ’yon—nagdadrama lang siya!” desperadong sigaw ni Eris. “Si Samantha ang nasa loob, nakikipaglaban para sa buhay niya! May puso ka pa ba?!”

“Tama na!”

Malamig na saway ni Billy, ngunit ang kanyang mga paa ay patungo na sa ward ni Hera.

Isang matagumpay na ngiti ang dumaan sa labi ni Lucy. Tinapunan niya si Eris ng mapagmataas at mapanuyang tingin bago mabilis na sumunod kay Billy.

Naiwang mag-isa si Eris, nakatitig sa kumikislap na pulang ilaw na may nakasulat na “Operating Room.” Sa tuwing may nagmamadaling dumaraang nars na may dalang bagong supot ng dugo, parang asin na ibinubuhos sa sariwang sugat ang kirot  na kanyang nadarama.

Sa mismong sandaling iyon, nakahiga si Samantha sa ibabaw ng operating table, nasa bingit ng kamatayan, habang ang kanyang asawa ay may ibang babaeng inaalagaan.

"Samantha… wala talaga siyang pakialam sa’yo.

Ang lalaking gaya niya ay hindi karapat-dapat sa kahit kapirasong pagmamahal mo.."

Pinunasan ni Eris ang kanyang mga luha, sabay buntong-hininga. Mabigat at nanginginig ang kanyang katawan Nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinitingnan ang mga bahid ng dugo na kumapit sa kanyang mga palad. Sa sandaling iyon, biglang sumugod palabas ang isang nars mula sa operating room, bakas ang matinding pagkataranta sa mukha.

“Kulang na ang supply ng dugo sa blood bank! Kailangan namin ng agarang transfer mula sa  malaking ospital sa Manila!"

“Ako na lang! Ako ang magdodonate sa kanya! Type O ako!” sigaw ni Eris, pasugod na hinawakan ang manggas ng nars. “Kunin n’yo na lahat ng kailangan n’yong dugo sa akin!”

“A+ang pasyente!” sigaw ng nars, bahagyang itinulak si Eris, saka nagmamadaling natungo sa telepono. “Hindi puwedeng gamitin ang dugo mo! Maselan ang kalagayan ng pasyente!”

Biglang may isang aninong halos lumilipad, mabilis na sinunggaban ang balikat ng nars at pinaharap ito.

“Ano ang nangyayari sa loob?” galit na sigaw ni Billy. “Sabihin mo sa akin!”

Bumalik siya.

Nang makarating na siya sa pintuan ng ward ni Hera, biglang kumirot nang matindi ang kanyang sentido, kasabay ng isang nakapangingilabot na pakiramdam na nagpahinto sa kanya. Binalewala niya ang umano’y “pagpapakamatay” ni Hera at mabilis na tumakbo pabalik sa operating room. Sa bilis ng kanyang pagtakbo, ni hindi niya narinig ang binanggit ng nars tungkol sa blood type.

“Sino ka ba? Lumayas ka sa daanan. Nagmamadali ako!” sigaw ng nars. “Huwag mong hadlangan ang gamutan sa pasyente!”

Gamutan? Pasyente?

Saglit na natigilan ang isipan ni Billy bago sumabog ang kanyang galit na parang bulkan. “Ang asawa ko ang nasa loob! Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari!”

Sanay si Billy na siya ang may huling salita sa kahit anong lugar. Sa sandaling nakataya ang buhay at kamatayan, wala siyang kakayahang maging magalang.

Nanginig ang nars, naintimidate sa bigat ng kanyang presensiya, ngunit mabilis na nanaig ang galit kaysa takot.

“Humihina na siya,” mariing sabi ng nars. “Matagal na siyang hirap magdalang-tao, tapos muntik pa siyang mamatay dahil sa pagkakasalya sa kanya sa kalsada. May mga senyales na siya ng pagkalaglag ng bata, at ngayon ay matindi ang kanyang pagdurugo—ayaw nitong tumigil! Ang mga dati niyang sugat ay nainpeksiyon, mahina  ang kanyang katawan. At may lakas ka pa ng loob na tawagin ang sarili mo na asawa? Nasa ganitong kalagayan siya dahil nabigo kang protektahan siya!”

Bilang isang babae, wala nang pasensiya ang nars sa mga lalaking iresponsable. Namula sa galit ang kanyang mga mata habang ibinubuhos ang pagkasuklam kay Billy bago siya mabilis na tumakbo patungo sa blood bank.

Nanatiling nakatayo si Billy sa labas ng pinto, hindi makagalaw. Kumakabog ang kanyang dibdib at umiikot ang kanyang paningin; pakiramdam niya ay para na lang siyang bato na sumasabay sa agos ng tubig. Naramdaman niyang gusto niyang tumakas—lumabas, huminga, pakalmahin ang sarili—ngunit ang pag-iisip sa hindi tiyak na kapalaran ng kanyang asawa at anak ang pumigil sa kanya sa kanyang kinatatayuan.

Hindi niya kailanman naramdaman ang ganitong uri ng takot para kay Hera. Kahit minsan.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 7

    Ang operasyong pinagdaanan ni Samantha, ay tapos na.. subalit ang anak na sumisibol sa kanyang sinapupunan ay wwala na.Ngunit may hindi kanais nais na pangyayari bukod sa pagkawala ng kanyang anak.. Ang kanyang bahay bata ay nagkaroon ng kumplikasyon.Agad na nakipag usap si Eris sa doctor, at tinanong ang kalagayan ng kanyang kaibigan."Doc, kumusta na ang kaibigan ko?"May halong lungkot ang mukha ng doktor. Tila ba hindi niya kayang sabihin ang kalagayan ni Samantha, subalit kailangan.Huminga siya ng malalim, saka nag umpisang magpaliwanag."Maayos na siya.. ligtas na siya sa tiyak na kapahamakan.. subalit-- ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay-- hindi na nailigtas. Isa pa.. dahil sa labis na pagdutugo na nangyari sa kanya, naging marupok ang kanyang matres.. Nagkadamage iyon at--""Diretsuhin mo na nga dok ang sinasabi mo! Wag ka ng magpaliguy ligoy pa! Ano ang lagay niya?" mataas ang tono ni Eris. Naiinis siya sa paikut ikot na kwento ng doktor.Huminga ng malalim ang doktor,

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 6

    Tila ba napakatagal ng oras.. Hindi na mapakali ang mga bantay sa labas, dahil sa labis na pag aalala.Naroon pa rin sa itaas ng pinto ang kulay pulang ilaw. Ipinapakita nito ang isang mas matagal na oras ng paghihintay. Hindi pa tapos ang operasyon. Ang ilaw na iyon ang hinihintay nilang mawala. Ang bawat yabag ng mga nars ay hindi lamang tunog ng sapatos na umaalingawngaw sa sahig; bawat hakbang nila ay tila maso na pumupukpok sa nanunuyong dibdib ni Billy.Pabalik-balik siyang naglalakad, animo’y isang sugatang hayop na nakakulong sa rehas. Para sa kanya, tila ba wala ng saysay ang lahat.. Ang kanyang kayamanan ay isa na lamang palamuti sa kanyang buhay. Ang kanyang konsensiya ang patuloy na lumalamon sa kanya. Ang tanging natira sa isip niya ay ang maputlang mukha ni Samantha at ang batang ngayon lamang niya nalaman na bahagi pala ng kanyang dugo, ngunit baka bawiin pa ng langit bago niya man lang mayakap.Nang bumukas ang pinto, sinunggaban ni Billy ang nars. Ang kanyang mga ma

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 5

    Hindi na makatagpo ng kahit katiting na katahimikan si Billy. Para siyang nawalan ng bait sa kakalakad pabalik-balik sa pasilyo, habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga matatag at tila pamamaalam na huling salita ni Samantha—mga salitang pumupuno sa kanya ng takot na hindi pa niya kailanman naramdaman.Buntis si Samantha.At gayon pa man, sa mga nagdaang araw, itinuring niya ito na parang basura.May pakialam ba talaga siya sa damdamin nito? Sa loob ng limang taon, ginamit niya si Samantha bilang lagusan ng galit at pagkabigo— inaangkin niya ito kapag kailangan niya na maglabas ng init ng katawan, at pagkatapos ng init, babalik na ang kanyang pagiging malamig.Ang asawa niya ang nag aasikaso sa kanya. Kahit may katulong sila, personal nitong inaayos ang kanyang pagkain, ang kanyang gamit at kapag siya ay may sakit, nagiging personal nurse niya rin ito. Pero siya.. ano nga ba ang nagawa niya para sa kanyang asawa?“Ngayon ka nagpapanik? Ngayon ka nag aalala? Nasaan a

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 4

    Biglang humarap si Lucy kay Billy, nanginginig sa galit ang buong katawan habang pasigaw niyang itinanggi ang lahat. Hindi maaaring malaman ng lalaki ang katotohanan!“Billy, huwag kang magpaloko sa mga kasinungalingan niya! Gawa-gawa lang lahat niya ang lahat! Hindi ganyang klaseng babae ang anak ko—alam mo iyan!”Isang malamig, hungkag na tawa ang pumunit sa katahimikan. Naroon ang determinasyon na ipagtanggol ang sarili.Mula kay Samantha iyon—walang saya, walang luha, tanging pangungutya at sakit ang laman. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, at ang malamig niyang tingin ay dumaan sa kanyang ama at madrasta, parang patalim na handang pumatay.“Tigilan na ninyo ang pagpapanggap niyo,” malamig niyang sabi. “Narinig ko ang usapan ninyo sa loob ng study room noong isang araw—lahat.”Sa isang iglap, namutla ang mukha ni Lucy. Parang umurong ang kanyang dila.“I-Ikaw… ano ang narinig mo?” halos pabulong niyang tanong, bakas ang takot na pilit tinatakpan.Biglang tumayo si Virgilio, k

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 3

    Mariing ibinagsak ni Samantha ang telepono matapos makausap ang kanyang asawa. Hinihingal siya sa galit at inis, saka biglang may naalala..Muli siyang nagdial sa kanyang phone, saka tinawagan ang isa pang numero..Nagring lang iyon saglit, bago tuluyang sinagot.“Anton, magkaibigan naman tayo di ba? Noong bata pa tayo, ako lagi ang tumutulong sayo, in short, malaki ang utang na loob mo sakin?” may halo ng panunumbat at pakiusap ang kanyang tinig.Sa kabilang linya, napatda si Anton. Parang hindi niya inaasahan ang kaibigan na magsasalita ng mga ganoong bagay. "Ha? ano namang sinasabi mo? oo naman.. magkaibigan tayo noon pa.""Hanapin mo ang ospital kung saan naka- confine si Hera.. ngayon na. Alamin mo kung naroon din ang asawa ko!""Mataas ang kanyang tono, na halos umagaw sa atensiyon ng mga dumaraan. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang phone. Namumutla na ang kanyang mga kuko dahil sa diin ng kanyang pagkakakapit.Halos isang oras ang lumipas, nakatanggap na siya ng message mula ka

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 2

    'Nais na ba niyang mawala ako sa mundo?'Limang taon silang nagsama ng kanyang asawa, at sa mga taon bang iyon, talagang matitiis siya ng lalaki sa ganoong kalagayan? Talaga bang pababayaan siya nito, at ipagpapalit sa kanyang sinungaling na half sister? Hindi man lang ba siya minahal ng lalaki kahit kailan?Parang unti unti siyang dinudurog ng bumahang katanungang iyon sa kanyang isipan.. Parang hindi niya kayang tanggapin na doon lamang hahantong ang lahat.Dahil na rin sa pagod at sakit ng katawan na dulot ng pagkakahila at pagkakasalya ni Billy sa kanya, unti unting ipinikit ni Samantha ang mga mata, na tila ba tatanggapin na lang niya ang kanyang kapalaran sa pagkakataong ito. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang mga mata, at kinain na ng karimlan ang kanyang isipan.***************Nagising si Samantha makalipas ang dalawang araw.Ang huli niyang naramdaman bago tuluyang mawalan ng ulirat, ay ang sigawan ng mga tao, ang mahinang tunog ng ambulansiya, at ang pag angat niya mula sa sem

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status