Share

CHAPTER 4

last update Huling Na-update: 2026-01-25 22:01:40

Biglang humarap si Lucy kay Billy, nanginginig sa galit ang buong katawan habang pasigaw niyang itinanggi ang lahat. Hindi maaaring malaman ng lalaki ang katotohanan!

“Billy, huwag kang magpaloko sa mga kasinungalingan niya! Gawa-gawa lang lahat niya ang lahat! Hindi ganyang klaseng babae ang anak ko—alam mo iyan!”

Isang malamig, hungkag na tawa ang pumunit sa katahimikan. Naroon ang determinasyon na ipagtanggol ang sarili.

Mula kay Samantha iyon—walang saya, walang luha, tanging pangungutya at sakit ang laman. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, at ang malamig niyang tingin ay dumaan sa kanyang ama at madrasta, parang patalim na handang pumatay.

“Tigilan na ninyo ang pagpapanggap niyo,” malamig niyang sabi. “Narinig ko ang usapan ninyo sa loob ng study room noong isang araw—lahat.”

Sa isang iglap, namutla ang mukha ni Lucy. Parang umurong ang kanyang dila.

“I-Ikaw… ano ang narinig mo?” halos pabulong niyang tanong, bakas ang takot na pilit tinatakpan.

Biglang tumayo si Virgilio, kusang umangat ang kamay na tila nais pigilan si Samantha sa pagsasalita, patahimikin ito—o marahil patahimikin ang katotohanan.

Ngunit nang magsalubong ang kanilang mga mata, nanlambot ang kanyang braso.

Ang titig ng kanyang panganay na anak ay matalim, nagbabanta, at puno ng galit—at sa isang kisapmata, umurong ang dila at katawan ni Virgilio.

Napako siya sa kanyang kinatatayuan, nababalot ng katahimikan, habang ang bigat ng konsensiya ay lantad na lantad sa kanyang mukha.

Titig na titig si Billy sa kanyang asawa—walang bakas ng awa, tanging malamig at nakamamatay na presensya ang bumabalot sa kanya. Sa bawat hakbang palapit niya, tila humahaba ang anino sa likuran niya, parang halimaw na handang manlamon ng kaaway. Mababa ang kanyang tinig, ngunit sapat na iyon para manginig ang mga tao buong silid.

“Ulitin mo nga ang sinabi mo,” malamig niyang utos. “Ulitin mo!”

Parang sinaksak ng matalim na kutsilyo ang puson ni Samantha. Isang bugso ng matinding sakit ang sumabog sa kanyang katawan, dahilan upang bahagyang magdilim ang paningin niya. Namutla siya.. halos mawalan na ng kulay ang kanyang mukha. Subalit pinanatili niya ang katatagan, wala siyang planong umatras sa pagkakataong ito.

“Noon… hindi ako ang nagplano  para pikutin ka,” mariin niyang sabi, nanginginig ang tinig ngunit matatag ang titig niya sa asawa. “Kasalanan ito ng tatay ko. Akala niya’y malulugi na ang kumpanya niyo. Akala niya, hindi na kayo makakabangon. Pinagkaisahan nila tayo. Kusa nila tayong pinainom ng alak na may halong droga, upang mapilitan kang panagutan ako, at makatakas si Hera sayo, para makakita siya ng bagong mapapangasawa, mayaman, guwapo at maganda ang estado sa buhay.”

Tumalim ang kanyang tingin kay Hera.

“Hindi ka niya mahal, Billy. Ang mahal niya ay ang kapangyarihan at kayamanang kaakibat ng pangalan mo. Ang mahal niya ay ang katayuan mo, hindi ikaw mismo!”

Nanlaki ang mga mata ni Hera, parang hayop na nahuli sa gitna ng liwanag. Sa isang iglap, tumalon siya mula sa kama— natanggal ang pagkukunwaring mahina, at napalitan iyon ng matinding pagkabalisa.

“Samantha! Tumahimik ka!” sigaw niya, basag ang tinig sa takot. “Walang basehan ang mga sinasabi mo!”

“HINDI AKO SINUNGALING!!!” sigaw ni Samantha, tuluyang bumigay ang boses habang umaapaw ang luha sa kanyang mga mata. “Pumunta ako sa resort ilang araw na ang nakalipas. Nakuha ko ang CCTV footage. Mga tauhan ng papa ko ang humila sa’yo papunta sa kwarto ko! Kung tutuusin, ikaw ang pumasok sa aking silid! Tapos ako ang magsasakripisyo ng ganito?! Ikaw Billy! Ikaw!”

Nanginginig na ang buong katawan niya, halos hindi na makatayo.

“LIMANG TAON, Billy,” halos hikbi niya. “Limang taon mo akong itinuring na halimaw. Pinahirapan mo ako dahil naniwala kang ako ang pumikot sa’yo. Tinanggap ko lahat—ang galit mo, ang panlalamig mo, ang pananakit mo—dahil mahal na mahal kita.”

Napapikit siya sandali, parang inuubos ang huling lakas.

“Pero ngayon? Wala na akong kahit ano. Ibinigay ko na ang aking pag aari sa tatay ko.. Ang pamanang iniwan sa akin ng mama ko. At ikaw…” nanginginig ang labi niya habang nagsasalita, “kinasusuklaman mo ako. Hinahamak mo ako. Itinataboy mo ako.”

Huminga siya nang malalim—at doon tuluyang bumigay ang boses niya.

“Sige. Ibinibigay ko na ang gusto mo. Binabawi ko na ang pagmamahal ko sayo. Kahit gaano kahirap, isasama ko ang anak ko… ang anak natin—”

Biglang naputol ang kanyang mga nais pang sabihin.

May umaagos na dugo sa pagitan ng kanyang mga hita. Mainit iyon, napakalansa ng amoy. Bumagsak iyon sa sahig na parang baha..

Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Nababalot ng malamig na pawis ang kanyang katawan. Ang bigat ng katotohanan na kanyang isinambulat at pagtatapat ay tuluyang s******p sa huling lakas niya.

Bumagsak siya sa malamig na tiles.

Hindi na gumalaw.

Nanatiling nakatayo si Billy, parang naging isang rebulto. Putol-putol ang kanyang paghinga. Sa sandaling iyon, isang nakapangingilabot na katotohanan ang bumalot sa kanya—limang niyang nakasama sa iisang kama ang babaeng ito, ngunit ni minsan ay hindi niya ito tunay na nakilala. HIndi man lang niya binigyan ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Ang babaeng pinagmalupitan niya ng kalahating dekada.. Ni minsan ay hindi niya binigyan ng importansiya.

“MGA WALANGHIYA KAYONG LAHAT?!” sigaw ni Eris, nagmamadali siyang huminto sa may pintuan ng ward , at nanlambot ng makita ang sitwasyon. “BUNTIS SIYA! MGA HAYOP KAYO!”

Ngunit wala na siyang magagawa.. nangyari na.. dinudugo na ang kanyang kaibigan.

Biglang gumuho ang lahat kay Billy, lalo na ng makita niya ang dugong kumalat na sa sahig. Bumalot sa kanyang katawan ang matinding takot at panlalamig. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Hindi siya makakilos, para siyang itinusok na poste.

Hindi na malaman ni Eris, kung saan siya kumuha ng lakas, subalit kailangan niyang iligtas ang kanyang kaibigan. Binuhat niya ito sa kanyang likuran. May kapayatan si Samantha, kaya hindi na siya gaanong nahirapan.

Kinakabahan siya.. Ilang araw na walang malay ang babae, dahil sa pagkakaroon ng lagnat matapos maulanan sa gitna ng kalsada.. Mahina pa ang katawan nito. Kung hindi maaagapan ang kalagayan ng babae, maaaring hindi na nito kayanin pa ang nangyari ngayon. Masyado pa itong mahina.

"Nagsisigaw siya na parang isang baliw, "TULONG!! TULUNGAN NIYO ANG KAIBIGAN KO!!" tumatakbo siya sa pasilyo at naghahanap ng taong maaaring makatulong sa kanya.

Samantala.. unti unti ng nagsisink in sa isipan ni Billy ang mga kaganapan..

"BUNTIS SIYA!"

Hindi niya napalayan, kusang gumalaw ang kanyang katawan, at nagmamadaling sumunod kay Eris papunta sa labas ng silid ni Hera. Nagmamadali siya at natatakot na baka hindi na niya maabutan ang babae.

“Samantha!”

Nagmamadali niyang kunin si Samantha mula sana sa likod ni Eris, subalit may isang tao na umagaw niyon sa kanya, at nagmamadaling inihiga si Samantha sa stretcher.

Isang doctor!

Nagmamadaling itinakbo ni Anton si Samantha patungo sa emergency room habang itinutulak ang stretcher. Sumisigaw siya at humihingi ng tulong mula sa ibang staff.

"KUMILOS KAYO! BUNTIS ANG PASYENTE! MAGHANDA AGAD NG TYPE A POSITIVE NA DUGO! BILISAN NIYO!"

Nagkagulo na sa ER sa utos na iyon ni Anton.

Si Billy naman ay unti unting napasandal sa pader. Wala na siyang lakas. Masakit ang kanyang dibdib, at nilalambot ang kanyang mga tuhod. Nahihilo siya sa mga taong gumagalaw sa paligid.

Biglang nabiling ang kanyang mukha, ng umigkas ang isang kamay. Sapul niyon ang kanyang kanang pisngi.

Dahan dahan siyang lumingon, at nakita si Eris sa harapan niya.

"Tandaan mo ito, Billy!" inis na sabi ni Eris, "kapag may nangyaring masama kay Samantha, wala akong pakialam, kahit sino ka pa! Dudurugin kita gamit ang aking mga kamay!"

Parang namanhid lang si Billy. Hindi niya naramdaman ang sakit na dulot ng sampal na iyon. Mas dama pa niya ang kirot sa kanyang puso na hindi mawala wala.

Matapos niyang makitang malapit ng magsara ang operating room, nagmamadali siyang tumakbo, saka inilusot ang katawan sa siwang ng pinto.

"PAPASUKIN NIYO KO! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA ASAWA KO, MANANAGO KAYONG LAHAT!" nawala na ang kanyang pagiging propesyunal.

Galit na galit si Anton, saka nagmamadaling sinuntok sa panga si Billy. Bahagyang napaatras ang lalaki.

"Feeling mo, tagapagtanggol ka niya?!" galit na galit at nanginginig ang katawan ni Anton. "Trinato mo ang asawa mong parang basura, tapos ngayon, magkukunwari kang nag aalala? tigilan mo ako, Billy!"

Nagmamadaling lumapit si Billy kay Anton, saka mahigpit niyang hinawaka ang lalaki sa kwelyo ng lab gown nito.

"Ikaw!!" gigil na sabi ni Billy, "kapag hindi mo sila nailigtas, mananagot kayong lahat! Naririnig mo?!"

Hindi man lang natakot si Anton, sinalubong niya ang madilim na mukha ng lalaki. "Walang panganib kay Samantha.. kapag nawala ka na sa buhay niya! Lumabas ka!"

"Kapag may nangyaring masama sa kanila, papatayin ko kayo at ang buong angkan mo!" pagbabanta pa ni Billy. Saka marahas niyang itinulak ang doktor.

"Wag mo akong pagbantaan.." nakangising sabi ni Anton, "duwag lang ang mga taong nagbabanta.. para sa isang taong kahit kailan.. wala naman siyang pakialam."

Saka marahas na nagsara ang pinto ng operating room.

Kasabay niyon, ay ang takot at kaba sa puso ni Billy.. na baka huli na ang lahat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 7

    Ang operasyong pinagdaanan ni Samantha, ay tapos na.. subalit ang anak na sumisibol sa kanyang sinapupunan ay wwala na.Ngunit may hindi kanais nais na pangyayari bukod sa pagkawala ng kanyang anak.. Ang kanyang bahay bata ay nagkaroon ng kumplikasyon.Agad na nakipag usap si Eris sa doctor, at tinanong ang kalagayan ng kanyang kaibigan."Doc, kumusta na ang kaibigan ko?"May halong lungkot ang mukha ng doktor. Tila ba hindi niya kayang sabihin ang kalagayan ni Samantha, subalit kailangan.Huminga siya ng malalim, saka nag umpisang magpaliwanag."Maayos na siya.. ligtas na siya sa tiyak na kapahamakan.. subalit-- ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay-- hindi na nailigtas. Isa pa.. dahil sa labis na pagdutugo na nangyari sa kanya, naging marupok ang kanyang matres.. Nagkadamage iyon at--""Diretsuhin mo na nga dok ang sinasabi mo! Wag ka ng magpaliguy ligoy pa! Ano ang lagay niya?" mataas ang tono ni Eris. Naiinis siya sa paikut ikot na kwento ng doktor.Huminga ng malalim ang doktor,

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 6

    Tila ba napakatagal ng oras.. Hindi na mapakali ang mga bantay sa labas, dahil sa labis na pag aalala.Naroon pa rin sa itaas ng pinto ang kulay pulang ilaw. Ipinapakita nito ang isang mas matagal na oras ng paghihintay. Hindi pa tapos ang operasyon. Ang ilaw na iyon ang hinihintay nilang mawala. Ang bawat yabag ng mga nars ay hindi lamang tunog ng sapatos na umaalingawngaw sa sahig; bawat hakbang nila ay tila maso na pumupukpok sa nanunuyong dibdib ni Billy.Pabalik-balik siyang naglalakad, animo’y isang sugatang hayop na nakakulong sa rehas. Para sa kanya, tila ba wala ng saysay ang lahat.. Ang kanyang kayamanan ay isa na lamang palamuti sa kanyang buhay. Ang kanyang konsensiya ang patuloy na lumalamon sa kanya. Ang tanging natira sa isip niya ay ang maputlang mukha ni Samantha at ang batang ngayon lamang niya nalaman na bahagi pala ng kanyang dugo, ngunit baka bawiin pa ng langit bago niya man lang mayakap.Nang bumukas ang pinto, sinunggaban ni Billy ang nars. Ang kanyang mga ma

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 5

    Hindi na makatagpo ng kahit katiting na katahimikan si Billy. Para siyang nawalan ng bait sa kakalakad pabalik-balik sa pasilyo, habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga matatag at tila pamamaalam na huling salita ni Samantha—mga salitang pumupuno sa kanya ng takot na hindi pa niya kailanman naramdaman.Buntis si Samantha.At gayon pa man, sa mga nagdaang araw, itinuring niya ito na parang basura.May pakialam ba talaga siya sa damdamin nito? Sa loob ng limang taon, ginamit niya si Samantha bilang lagusan ng galit at pagkabigo— inaangkin niya ito kapag kailangan niya na maglabas ng init ng katawan, at pagkatapos ng init, babalik na ang kanyang pagiging malamig.Ang asawa niya ang nag aasikaso sa kanya. Kahit may katulong sila, personal nitong inaayos ang kanyang pagkain, ang kanyang gamit at kapag siya ay may sakit, nagiging personal nurse niya rin ito. Pero siya.. ano nga ba ang nagawa niya para sa kanyang asawa?“Ngayon ka nagpapanik? Ngayon ka nag aalala? Nasaan a

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 4

    Biglang humarap si Lucy kay Billy, nanginginig sa galit ang buong katawan habang pasigaw niyang itinanggi ang lahat. Hindi maaaring malaman ng lalaki ang katotohanan!“Billy, huwag kang magpaloko sa mga kasinungalingan niya! Gawa-gawa lang lahat niya ang lahat! Hindi ganyang klaseng babae ang anak ko—alam mo iyan!”Isang malamig, hungkag na tawa ang pumunit sa katahimikan. Naroon ang determinasyon na ipagtanggol ang sarili.Mula kay Samantha iyon—walang saya, walang luha, tanging pangungutya at sakit ang laman. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, at ang malamig niyang tingin ay dumaan sa kanyang ama at madrasta, parang patalim na handang pumatay.“Tigilan na ninyo ang pagpapanggap niyo,” malamig niyang sabi. “Narinig ko ang usapan ninyo sa loob ng study room noong isang araw—lahat.”Sa isang iglap, namutla ang mukha ni Lucy. Parang umurong ang kanyang dila.“I-Ikaw… ano ang narinig mo?” halos pabulong niyang tanong, bakas ang takot na pilit tinatakpan.Biglang tumayo si Virgilio, k

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 3

    Mariing ibinagsak ni Samantha ang telepono matapos makausap ang kanyang asawa. Hinihingal siya sa galit at inis, saka biglang may naalala..Muli siyang nagdial sa kanyang phone, saka tinawagan ang isa pang numero..Nagring lang iyon saglit, bago tuluyang sinagot.“Anton, magkaibigan naman tayo di ba? Noong bata pa tayo, ako lagi ang tumutulong sayo, in short, malaki ang utang na loob mo sakin?” may halo ng panunumbat at pakiusap ang kanyang tinig.Sa kabilang linya, napatda si Anton. Parang hindi niya inaasahan ang kaibigan na magsasalita ng mga ganoong bagay. "Ha? ano namang sinasabi mo? oo naman.. magkaibigan tayo noon pa.""Hanapin mo ang ospital kung saan naka- confine si Hera.. ngayon na. Alamin mo kung naroon din ang asawa ko!""Mataas ang kanyang tono, na halos umagaw sa atensiyon ng mga dumaraan. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang phone. Namumutla na ang kanyang mga kuko dahil sa diin ng kanyang pagkakakapit.Halos isang oras ang lumipas, nakatanggap na siya ng message mula ka

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 2

    'Nais na ba niyang mawala ako sa mundo?'Limang taon silang nagsama ng kanyang asawa, at sa mga taon bang iyon, talagang matitiis siya ng lalaki sa ganoong kalagayan? Talaga bang pababayaan siya nito, at ipagpapalit sa kanyang sinungaling na half sister? Hindi man lang ba siya minahal ng lalaki kahit kailan?Parang unti unti siyang dinudurog ng bumahang katanungang iyon sa kanyang isipan.. Parang hindi niya kayang tanggapin na doon lamang hahantong ang lahat.Dahil na rin sa pagod at sakit ng katawan na dulot ng pagkakahila at pagkakasalya ni Billy sa kanya, unti unting ipinikit ni Samantha ang mga mata, na tila ba tatanggapin na lang niya ang kanyang kapalaran sa pagkakataong ito. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang mga mata, at kinain na ng karimlan ang kanyang isipan.***************Nagising si Samantha makalipas ang dalawang araw.Ang huli niyang naramdaman bago tuluyang mawalan ng ulirat, ay ang sigawan ng mga tao, ang mahinang tunog ng ambulansiya, at ang pag angat niya mula sa sem

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status