Paggising ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng mga regalo na natanggap ko na halos mapuno ang aking kwarto. May mga sulat, may mga litrato ko, may stuff toys, bulaklak at may nagpadala rin ng mga paborito kong Filipino snacks. Ito na yun, ito na yung mga pangarap namin na nagbunga dahil mayroon na rin kaming mga taga-suporta.
Mabuti na lang at nakatulog ako ng halos sampung oras dahil ilang araw na rin kaming hindi nakaka-kumpleto ng tulog dahil sa mga trainings at rehearsals namin. Dali-dali kong binuksan ang aking cellphone para tingnan ang mga messages at nakita ko rin ang mga litrato na ipinadala nina Wynona at Ingrid, maging sila ay masaya dahil nakatanggap din sila ng regalo, samantalang si Amaya naman, walang paramdam.
Nakita ko rin na trending kami sa social media #W4RIConqueredPHArena, #TalaQueens. Napangiti ako dahil magiging busy na naman ako nito panigurado at sana mawala rin sa isip ni Sir Carl na i-produce yung show, tama, kailangan na mas pag-igihan namin para hindi na niya maisip yun, para wala na siyang maging oras para doon.
Nag-vibrate ang phone ko at may message sa amin si Sir Carl.
Interview with Idol Avenue at 4PM. Be ready, girls, Shai will prepare your clothes so be at the studio at 2PM
Yes! Ito ang kauna-unahan naming interview at isang araw pa lang ang nakakalipas, kaya paniguradong magiging busy nga kami!
Matapos kong mag-prepare ay nakita ko ang luma kong notebook, kung saan ko isinulat lahat ng mga kanta sa aming unang album. Mabuti na lamang talaga at mayroon akong talento sa pagsusulat dahil hindi magiging madali ang journey ko dito kung hindi dahil sa mga ito.
Then it hit me.
Naalala ko ang mga unang linggo ko sa training center.“Come on, really? Pwede namang tatlo na lang kami! Bakit kailangan pa siyang isali, Sir Carl? She has no talent! She can’t sing or dance!”
“Amaya, natututunan ang pagkanta at pagsayaw pero look, she really has a talent in songwriting and playing the guitar. Believe in your teammates okay?”
“How can I believe in her?! These two girls — sila, walang problema. Talented sila. But her? What if we fail because of her?”
“Ms. Amaya, I’m sorry, I promise you, pag-iigihan ko po, mas pagtutuunan ko po ng pansin sa trainings at alam ko pong hindi hindi ako mahusay sumayaw o kumanta, pero ito na lang po talaga yung huling chance ko. I’m so lost Ms. Amaya, please, I promise you, makakasabay din ako sa inyong tatlo, please believe me”
“You better! Hindi biro ang investment ni Daddy sa grupong ‘to. I never even wanted to be in a group. But fine. People like PPOP groups now. So all of you, don’t fail me. Failure is not an option!”
Aaminin ko, hindi naging madali sa akin ang prosesong iyon.
Gusto ko lang namang makatakas sa sakit… at makabayad sa mga utang ko kaya itinaya ko ang sarili ko, pinilit ko, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya at sa wakas, ito na ang simula ng lahat ng ito.
“Ms. Reia, Ms. Reia?”
Naputol ang alaala ko nang marinig ko ang boses ni Ms. Shai. Kadarating ko lang sa studio at wala pa ang aking mga ka-grupo dahil siguro masyado pang maaga.
“Sorry Ms. Shai, kanina mo pa ba ako tinatawag?”
“Oo, tulala ka nga eh, parang ang lalim naman ng iniisip mo, Ms. Reia, eto na totoo na ito, ipinakilala na kayo sa buong Pilipinas, at heto yung outfit mo today ha, pagkatapos mo isuot yan, pumasok ka agad sa loob, hinihintay na kayo ng Make Up Team”
“Thank you Ms. Shai”
Pagkatapos kong magbihis ay narinig ko na ang masiglang boses ni Wynona, isa siyang Tausug na lumaki sa Baguio, bunso sa limang magkakapatid at palaging kasama ng kanyang supportive na pamilya sa bawat milestone ng journey namin. Ramdam mo sa kanya ang init ng pamilyang laging nasa likod niya, kaya siguro kahit anong pagod, siya ang unang bumabati ng ngiti.
“Reia! Heto nga pala yung briefing guide para sa interview mamaya sa atin, mag-ready ka ha, ikaw pa naman ang leader ng group”, bati ni Wynona sa akin at iniabot ang envelop.
“Ms. Reia, Ms. Wynona, i-prep na po namin yung skin niyo”, sambit ng isa sa aming mga make-up artist.
“Thank you po”, sagot ko pagkatapos ay umupo na ako sa make-up chair.
“Hi girls, andito na ako! I’m so excited for today!”, saad ni Ingrid habang dala-dala ang iced coffee niya. Isa siyang Cebuana, mayaman, sosyal, at kaisa-isang anak ng isang negosyanteng pamilya. Lumaki siya sa isang marangyang lifestyle, sanay sa maayos na trato, kaya noong una, inakala naming mahirap siyang pakisamahan pero sa kabila ng kanyang eleganteng panlabas, may simpleng puso si Ingrid mahiyain man, pero kapag kailangan, laging handang sumuporta.
“Ingrid, here briefing guide, basahin mong mabuti ha?”, paalala ko sa kanya. Si Ingrid naman ay may pagka-mahiyain at hindi siya ganoon kagaling sa pagsagot.
Biglang tumahimik ang paligid.
Tak… tak… tak…
Rinig na rinig ang tunog ng mamahaling takong habang papasok si Amaya sa studio. Hawak niya ang isang designer bag na mukhang hindi pa lumalabas sa Philippine market. Naka-black tube top at high-waist trousers siya, sleek ang buhok, at may kasamang sariling glam team na sumusunod na parang entourage. Walang kahit anong effort pero parang laging nasa red carpet ang lakad niya.
Inabutan siya ni Wynona ng briefing guide para sa interview. Ni hindi siya tumingin. Hindi rin siya nagpasalamat.
Amaya Richter.
Dating child star — pero hindi umabot sa stardom ng mga kasabayan niyang bida na ngayon sa primetime teleseryes. Sa totoo lang, may talento siya. Magaling siyang sumayaw, may boses na hinog sa training, at may natural stage presence.
Anak siya ng isang German na business tycoon at isang Kapampangan na dating beauty queen. She's rich, she's privileged, she's proud. At minsan, parang ayaw talaga niyang mapabilang sa amin. Lagi siyang detached, laging mas maayos ang gamit, mas maganda ang treatment ng staff, at mas mataas ang standard sa lahat.
Pero sa kabila ng pagiging talented niya, may attitude rin siya na parang laging may galit sa mundo. Laging may reklamo. Laging may sinisisi.
Pero isa lang ang sigurado ko: sa kabila ng differences namin…
Kasama siya sa W4RI.
Kahit ayaw niya.Kahit halatang hindi siya naniniwala sa amin.Kapag nasa harap ng camera, sobrang sweet at friendly ang aura niya—tipong parang kami ang best friends niyang tatlo. Pero sa likod ng lente, tahimik siya, parang kami'y hangin lang sa paligid niya. Hindi siya nakikihalubilo, at kung magsalita man, madalas may laman—laman na parang gusto niyang iparamdam na mas mataas siya.
Gusto niya lagi siyang nasa spotlight yung tipong para kaming backup dancers sa kwento niyang siya ang bida. At alam naming lahat kahit hindi sabihin ng management na ang tunay na plano ay gamitin ang grupo para mas mapansin si Amaya. Ang W4RI ay hagdan paakyat sa solo career na matagal na niyang gustong kunin.
Pero siguro hindi niya inaasahan na mamahalin kami ng tao. Bilang grupo.
Kaya para sa kanya, ito'y isang challenge.
Paano siya mag-iisa, kung gusto ng mundo na kami ay manatiling apat?At ako?
Simple lang ang gusto ko, ang makapag-simula sa buhay at unti-unting makamit ang mga pangarap ko.Tahimik. Walang gulo. Walang drama.Pero sa industriyang ito?
Walang simple. Walang tahimik. Lahat may presyo.
Pagkatapos ng halos isang oras ng paghahanda, bumungad sa pintuan si Sir Carl.
“Girls, I’ll wait for you in the car. Ten minutes. We can’t be late,” seryoso niyang sambit bago tumalikod at lumabas.
Sa huling pagkakataon, sabay-sabay kaming lumingon sa salamin. Inayos ang buhok, tinapik ang pisngi, nilagay ang best smile. Heto na ‘to. Heto na ang simula ng W4RI. Ang simula ng mga pangarap naming sabay naming pinagpaguran sa loob ng tatlong taon.
Pupunta na kami sa aming pinakaunang interview bilang isang grupo.
“Ready?” tanong ni Wynona, hawak-hawak ang hand fan niya.
Tumango kami.
Habang naglalakad kami palabas ng studio, napansin ko si Amaya. Nakauna siya, naglalakad mag-isa. Nakasuot ng shades kahit indoors, naka-headphones, para bang hindi kami kasabay.
“Leader ka nga pala,” bulong ni Ingrid sa akin, bahagyang nakangiti at bumuntot sila sa akin ni Wynona.
Naglakad kaming tatlo at pumukaw sa aking attention ang nakapaskil sa may gilid ng hallway, tumigil ako sandali. May nakita akong pamilyar na clipboard sa mesa—may schedule ng team.
Doon ko nabasa ang naka-bold na title sa ilalim ng araw ng Sabado:
“W4RI: Reality Show Proposal – Internal Meeting (Confidential)”
Nanlamig ang batok ko.
Hindi ito nabanggit. Wala kaming alam.
At sa likod ng utak ko, isang bagay lang ang pumasok:
“Kung magsimula ‘to… baka may mga bagay kaming hindi na kayang itago.”
“Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen
Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga
Mainit pa rin ang ilaw ng studio kahit naka-aircon. Sa harap namin, nakatutok ang dalawang high-definition cameras, may nakasabit na “ON AIR” sign na kumikislap-kislap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaayos ni Ms. Reese ang mic sa harap ko.“Breathe, girls,” mahina niyang bulong, pero kita ko rin ang tensyon sa mata niya.Sa gilid, may countdown sa monitor. 00:00:10… 9… 8…Tumikhim si Wynona, si Amaya naman ay sumulyap lang sa amin pero halatang namumula ang mata sa galit at pagod. Ako, bilang leader, alam kong ako ang unang magsasalita. Pero paano mo sisimulan ang isang paghingi ng tawad sa libo-libong fans na naghihintay?3… 2… 1…Nagbukas ang ilaw at nagsimulang mag-stream. Sa gilid ng screen, sunod-sunod na pumapasok ang mga chat at emojis.“Magandang gabi Seers,” mahina pero malinaw ang boses ko. “Una sa lahat, nagpapasalamat kami na nandito pa rin kayo para makinig sa amin ngayong gabi.”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “May kumakalat po ngayong fake t
Nagtungo kami agad sa backstage at sinusundan namin ang mabilis na paglalakad ni Sir Carl. Hindi magandang balita ito lalo na kapag mayroong perang involved lalo pa na halos karamihan sa aming mga fans ay estudyante. Agad agad na isinarado ni Sir Carl ang pinto at humarap sa aming apat. Nagkatinginan kami, walang nagsalita. Mula sa main stage hanggang sa maliit na silid sa likod ng venue, parang lumamig ang paligid. Ang ingay ng crowd na kanina’y nakaka-high, biglang naging parang malayong dagundong lang sa tenga ko.Agad na inilapag ni Sir Carl ang tablet sa mesa. Sa screen, sunod-sunod na larawan ng mga fan, masaya silang nakangiti habang hawak ang T-shirt, lightstick, at photo card na may mukha namin at logo ng W4RI.Sa unang tingin, dapat ikatuwa ko yun. Pero may kakaiba.“Hindi ‘yan official merch,” bulalas ni Wynona, kita ang pagkuyom ng kamao.“Exactly,” malamig na sagot ni Sir Carl. “At mas malala, dinisenyo ‘yan gamit yung exclusive merch designs na nakalaan para sa nationw
"3... 2... 1... Cue W4RI!" Umilaw ang buong stage sa kulay fuchsia at navy blue. Sumabog ang sigawan ng fans puno ang studio ng banners, light sticks, at pangalan naming apat.Nagsimula na kaming kumanta nang isa sa 12 tracks ng aming first album- ang Love Miles. [Intro - All] (Oh-oh-oh~) Running, running just to see you smile Flying through love miles~[Verse 1 - Reia]Humihiling sa mga tala,Binabanggit ang ngalan mo May mapa sa puso ko,At ang daan ay patungo sa’yo[Verse 2 - Wynona & Ingrid] (WY) Ilang countdowns pa ba,Ilang tulog pa?But don’t worry coz I will wait for you! (IN)Matagal pa ba?O naiinip na nga ba? [Pre-Chorus - Amaya] Ikaw ang tanong at sagot, Kahit malayo, I won’t stop Sa ‘yo pa rin babalik, Lahat ng daan sa ‘yo ang patik[Chorus - All] 🎵 Love miles, love smiles Every step feels worth the while Kahit saan, kahit kailan I’ll find my way back to your light Love miles, love dreams We’re connected by our hearts, it seemsNo matter, the dist
Paggising ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng mga regalo na natanggap ko na halos mapuno ang aking kwarto. May mga sulat, may mga litrato ko, may stuff toys, bulaklak at may nagpadala rin ng mga paborito kong Filipino snacks. Ito na yun, ito na yung mga pangarap namin na nagbunga dahil mayroon na rin kaming mga taga-suporta. Mabuti na lang at nakatulog ako ng halos sampung oras dahil ilang araw na rin kaming hindi nakaka-kumpleto ng tulog dahil sa mga trainings at rehearsals namin. Dali-dali kong binuksan ang aking cellphone para tingnan ang mga messages at nakita ko rin ang mga litrato na ipinadala nina Wynona at Ingrid, maging sila ay masaya dahil nakatanggap din sila ng regalo, samantalang si Amaya naman, walang paramdam. Nakita ko rin na trending kami sa social media #W4RIConqueredPHArena, #TalaQueens. Napangiti ako dahil magiging busy na naman ako nito panigurado at sana mawala rin sa isip ni Sir Carl na i-produce yung show, tama, kailangan na mas pag-igihan namin pa