Beranda / Romance / Chasing the Spotlight After Losing Him / Chapter 1 “The Stage We Built”

Share

Chasing the Spotlight After Losing Him
Chasing the Spotlight After Losing Him
Penulis: Fortress

Chapter 1 “The Stage We Built”

Penulis: Fortress
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-15 17:20:59

I never meant to chase the spotlight, I only wanted something loud enough to drown the sound of a breaking heart. 

"From years of dedication to this defining moment, please welcome the rising stars of PPOP. This is W4RI, debuting with their own take on the iconic song of one of our POP Star here "Shatterlight". Let’s go Philippine Arena!!!"

Matapos kaming ipakilala ng host, doon ko unang narinig ang dumadagundong na sigawan, nakakabingi ngunit nagbigay ito ng lakas ng loob sa amin. Aminado ako, kinakabahan ako. Sa unang pagkakataon, magpe-perform kami sa harap ng napakaraming Pilipino… mga taong naniwala sa amin bago pa man kami marating ang entablado. 

Tumunog ang unang beat ng 'Shatterlight', at sabay-sabay kaming humakbang sa entablado na tila ba iisa ang tibok ng aming puso. Sa bawat galaw, bawat awit, ibinuhos namin ang lahat, ang tatlong taong training, ang pagod, ang luha, ang pangarap. Habang sinasayaw ko ang chorus, naramdaman kong lumiliwanag ang buong venue, hindi lang dahil sa ilaw, kundi dahil sa sigawan at suporta ng taong nanonood. Sa mga sandaling ito, masasabi kong nagbunga na ang lahat ang dating iniisip kong madilim na ang buhay ko, ngayon ay nagliliwanag na parang mga Tala. 

“And that is W4RI! Hi girls, introduce yourself to your fans!”

“Maul layl ha kaw, I am Wynona!” 

“Mayáp a bengi, ku! I am Amaya!”

“Maayong gabii, I am Ingrid”

“Magandang gabi, I am Reia, the leader of the group”

“And we are W4RI, kamusta kayo?!”

Mas lumakas ang mga sigaw, halos hindi namin marinig ang aming mga sarili, naghawak-hawak kami ng kamay dahil ito ang kauna-unahan naming pag-peperform sa stage at sobrang kabado kami. 

“W4RI grabe ang lakas ng sigawan ng mga fans and this is history. Ano ang masasabi niyo sa kauna-unahang pagkakataon na first debut performance ay napuno ang Philippine Arena?” 

Kinuha ni Wyna ang mikropono at sumagot.

“Sa totoo lang po ay hindi po namin inakala na aabot kami sa ganito, taos puso po ang aming pasasalamat sa inyo SEERS dahil naniwala kayo sa amin!”

“We love you SEERS!”, dagdag pa ni Amaya.

“W4RI, 4EVER, WE HAVE THE FEVER! Wynona, Amaya, Ingrid and Reia, W4RI, W4RI!”, napangiti kami dahil rinig na rinig namin ang fan chants ng aming fans na SEERS kung aming tawagin. 

“Wow, ready na ready ang mga SEERS at may fanchant pa, anong masasabi niyo doon girls?”

“Thank you Seers, hinding-hindi magiging posible ito kung wala kayo, maraming salamat sa umaaapaw niyong suporta”, sambit ni Ingrid. 

“Tanungin natin si Reia, ang lider ng W4Ri kung ano nga ba ang inihanda nila sa inyo sa gabing ito”

Bumuntong-hininga ako dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko, dahan-dahan kong kinuha ang mikropono at rinig na rinig ko ang muling paglakas ng sigaw ng mg tao. 

“Hi Seers, ngayon nga ay maririnig ninyo lahat ng aming bagong kanta sa aming Debut Album na Half a Map, we also have surprise guests and individual performances tonight and after this is Fan Meet and Q and A, I hope everyone will enjoy this night!” 

“Again thank you W4RI, and SEERS enjoy the whole night today! For their first song on this Album Half a Map, “GPS”

GPS (Going Please Stay) Performance 

Verse 1 – Reia & Ingrid

📍

(Reia)

You said you’ll call when you land,

But baby I’m still checkin’ my phone,

You’re a dot on the map again,

Far away but feelin’ so close.

(Ingrid)

Your hoodie still smells like goodbye,

I wear it like it's part of my skin,

You're out there chasing your dream,

But where do I even begin?

Pre-Chorus – Wynona & Amaya

(Wynona)

All these red lights blinkin'

But my heart keeps thinkin’—

Maybe you’ll turn back?

(Amaya)

My love’s on reroute,

But I still can’t back out!

Chorus – All

GPS! (Going Please Stay!)

Don’t leave me stuck in yesterday

Your voice is lost in satellites

But my love’s still clear tonight!

GPS! (Going Please Stay!)

Even when you walk away

You take my heart like luggage too

I’m still here… waitin’ for you!

[Verse 2 – Amaya]

I keep your pin on the map,

You’re movin’ but I’m standin’ still,

Smilin’ through a video chat,

But I miss the way you feel…

[Bridge – Ingrid & Wynona harmonizing]

Baby if you're drifting far

Just follow the beat of my heart

It’s the signal I’ll send every day—

Just come back my way…

[Final Chorus – All + Key Change]

GPS! (Going Please Stay!)

Why does goodbye sound so cliché?

I’m singin’ in the rain for you

While you’re under skies so blue

GPS! (Going Please Stay!)

Love’s a road I still replay

If you’re lost, then find your way

Back to me… (back to me…) 

🎧 Outro (Reia, whispering):

"I dropped a pin where you left me..."

Muli, narinig namin ang lakas ng palakpak ng mga tao maging ang hiyaw. Nagsimula muli ang susunod na kanta namin, ang TAYA.

 [Verse 1 – Ingrid & Wynona]

(Ingrid – soft, almost whispering)

Nasa likod mo lang ako

Pero ‘di mo pa rin ako makita

You’re running fast, oh so fast

Pero ako pa rin ang taya...

(Wynona – dreamy tone)

Smiling while you disappear

Like I asked for this chase

But every time you leave me

I just crave a little taste…

 [Pre-Chorus – Amaya]

(Amaya – breathy, mysterious)

Stop hiding under the light

I see you in the dark

Every time you run away

You leave another mark...

 [Chorus – All]

Taya! Ako na naman ang taya!

‘Di mo ba ‘ko nakikita?

I'm laughing while I cry,

But I still try, I still try!

Taya! This love’s a twisted game—

You touch, then run away

But darling, don't you know?

I’m always just one step below...

 [Verse 2 – Reia]

(Reia – sings with a playful smile)

You say it's just a game,

But I play it like it’s fate

With every round,

My heart resets the pain...

 [Bridge – Spoken Vocals in Harmony (Amaya & Ingrid whispering):]

“Close your eyes… I’m right here.”

“Count to ten… and I’ll appear.”

Fans counting: 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10

 [Final Chorus – All, with layered haunting echoes]

Taya! Ako na naman ang taya!

Tago ka nang tago — ‘di ka pa napagod ba?

Every turn you take,

I’m already where you’ll break…

Taya! You love it when I fall

But baby, I’m not scared at all—

‘Cause even if I lose,

You’ll come back and make me choose…

Taya... o wala na.

Outro – Wynona (spoken)

"The scariest thing? I don’t want to stop playing."

And tonight… was the payoff. Pakiramdam ko ay may dumadaloy na kuryente sa aking katawan. Sabay-sabay kaming apat na bumuo ng formation, ngumiti kami sa isa’t-isa habang hinihingal. Ang tagal naming hinintay ang pagkakataong ito. Muli, naghawak-hawak kami ng aming mga kamay at sabay-sabay kaming nag-bow sa aming mga taga-suporta. 

Pinilit kong magpakatatag, kahit na gustong-gusto ko nang umiyak sa tuwa ay pinigilan ko, ngunit pagpasok na pagpasok ko sa dressing room ko, kung saan ako na lang mag-isa ay doon na lang bumuhos ang aking mga luha. 

Reia, totoo ito, nangyari ito, nagbunga na lahat! Kung dati ay winawari ko lang ito, ngayon totoo na, totoo ang W4RI, hindi na kami trainees, kami na ang W4RI!

At sa ngayon, sa aking puso, wala ng kirot, unti-unti nang nawawala ang lamat, may naramdaman na ako na siyang matagal nang nawala:ang pag-asa.

Bumukas ang pinto at pumasok si Sir Carl, ngiting-ngiti, tila hindi makapaniwala sa tagumpay ng gabi. Dating sikat na mang-aawit at kilalang composer sa buong Pilipinas, ngayon siya ang manager namin.

“Reia, congrats! Napasaya niyong lahat ang fans niyo ngayong gabi—and wow, this is phenomenal. First debut album, first concert, punung-puno ang Philippine Arena!”

“Thank you, Sir Carl. Hindi po ito magiging posible kung wala kayo. Kayo po ang unang naniwala sa aming apat.”

Maya-maya, may narinig kaming nagtatakbuhan. Bumukas ang pinto—sina Wynona at Ingrid, parehong pawisan at masayang-masaya. Agad nila akong niyakap.

“Grabe Reia, ang galing natin!”

“Sabi na nga ba eh, kaya natin to! Lahat ng kanta natin, sinasabayan nila! Diba, Sir Carl?”

“Mahusay. Sobrang mahusay. Pero teka—nasaan si Amaya?”

“Umuwi na, Sir Carl,” sagot ni Wynona, sabay irap. “Alam niyo naman yun… diva mode as always.”

“Ssshh, Wynona,” saway ko sa kanya. Ayoko nang magkainitan pa.

Tumikhim si Sir Carl, at sa tono ng kanyang boses, alam kong may bago siyang pakulo.

“Basta magpapatawag ako ng meeting this week. Dahil hindi lang ito basta debut... Reia, girls... this could be a show.”

“Ha? Anong ibig niyong sabihin, Sir Carl?” tanong ko, kumakabog ang dibdib.

Ngumiti siya, yung pamilyar na ngiti kapag may ideyang hindi mo pa kaya tanggapin.

“Let’s give the world a front-row seat. I-produce natin 'to. Isama natin yung training days niyo, behind-the-scenes, audition tapes... lahat. The world deserves to see how W4RI idols are made.”

Napatayo ako bigla. “Ano?! NO!

Tahimik. Nagulat sina Wynona at Ingrid.

“Reia, chill lang—baka napagod ka lang,” sabi ni Ingrid, marahang hinawakan ang braso ko.

Ngunit hindi ako napakalma. Hindi ako napatahimik ng kahit anong sinabi nila.

“Reia, pahinga ka na muna. Wala rin si Amaya, so skip na ang dinner tonight,” ani Sir Carl habang papalapit sa pinto. “See you this weekend. Meeting tayo.”

“Sir Carl, please—pwede bang... huwag mo na—”

Pero hindi na siya lumingon. “Pahinga ka na, Reia. Bye, girls!”

“Bye Sir Carl.”

“Okay Sir, goodbye.”

“Reia, una na kami ha. Ingat ka.”

“Ingat din kayo”

Pagkasara ng pinto, naiwan akong mag-isa sa dressing room. Tahimik. Ngunit sa loob-loob ko, hindi ako mapakali.

Lumapit ako sa locker ko, kinuha ang cellphone, at binuksan ang gallery.

Isang video ang tinitigan ko. Isang hindi kailanman dapat makita ng kahit sino.

Yung araw na gusto ko nang sumuko.

Napakuyom ang kamay ko.

If they show this… everything changes. And if they show this, the fans might find him, the man behind the heartbreak, the reason I started writing, the ghost hiding between every line of W4RI’s songs.

And I’m not ready for the world to know...

because I’m not ready to face him.

I don’t even want our paths to cross again. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 7 Memories of the Light 

    “Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 6  “Fractured Light”

    Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 5 "On Air Under Fire"

    Mainit pa rin ang ilaw ng studio kahit naka-aircon. Sa harap namin, nakatutok ang dalawang high-definition cameras, may nakasabit na “ON AIR” sign na kumikislap-kislap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaayos ni Ms. Reese ang mic sa harap ko.“Breathe, girls,” mahina niyang bulong, pero kita ko rin ang tensyon sa mata niya.Sa gilid, may countdown sa monitor. 00:00:10… 9… 8…Tumikhim si Wynona, si Amaya naman ay sumulyap lang sa amin pero halatang namumula ang mata sa galit at pagod. Ako, bilang leader, alam kong ako ang unang magsasalita. Pero paano mo sisimulan ang isang paghingi ng tawad sa libo-libong fans na naghihintay?3… 2… 1…Nagbukas ang ilaw at nagsimulang mag-stream. Sa gilid ng screen, sunod-sunod na pumapasok ang mga chat at emojis.“Magandang gabi Seers,” mahina pero malinaw ang boses ko. “Una sa lahat, nagpapasalamat kami na nandito pa rin kayo para makinig sa amin ngayong gabi.”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “May kumakalat po ngayong fake t

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 4 "Stolen Hype"

    Nagtungo kami agad sa backstage at sinusundan namin ang mabilis na paglalakad ni Sir Carl. Hindi magandang balita ito lalo na kapag mayroong perang involved lalo pa na halos karamihan sa aming mga fans ay estudyante. Agad agad na isinarado ni Sir Carl ang pinto at humarap sa aming apat. Nagkatinginan kami, walang nagsalita. Mula sa main stage hanggang sa maliit na silid sa likod ng venue, parang lumamig ang paligid. Ang ingay ng crowd na kanina’y nakaka-high, biglang naging parang malayong dagundong lang sa tenga ko.Agad na inilapag ni Sir Carl ang tablet sa mesa. Sa screen, sunod-sunod na larawan ng mga fan, masaya silang nakangiti habang hawak ang T-shirt, lightstick, at photo card na may mukha namin at logo ng W4RI.Sa unang tingin, dapat ikatuwa ko yun. Pero may kakaiba.“Hindi ‘yan official merch,” bulalas ni Wynona, kita ang pagkuyom ng kamao.“Exactly,” malamig na sagot ni Sir Carl. “At mas malala, dinisenyo ‘yan gamit yung exclusive merch designs na nakalaan para sa nationw

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 3 "Spotlight & Shadows"

    "3... 2... 1... Cue W4RI!" Umilaw ang buong stage sa kulay fuchsia at navy blue. Sumabog ang sigawan ng fans puno ang studio ng banners, light sticks, at pangalan naming apat.Nagsimula na kaming kumanta nang isa sa 12 tracks ng aming first album- ang Love Miles. [Intro - All] (Oh-oh-oh~) Running, running just to see you smile Flying through love miles~[Verse 1 - Reia]Humihiling sa mga tala,Binabanggit ang ngalan mo May mapa sa puso ko,At ang daan ay patungo sa’yo[Verse 2 - Wynona & Ingrid] (WY) Ilang countdowns pa ba,Ilang tulog pa?But don’t worry coz I will wait for you! (IN)Matagal pa ba?O naiinip na nga ba? [Pre-Chorus - Amaya] Ikaw ang tanong at sagot, Kahit malayo, I won’t stop Sa ‘yo pa rin babalik, Lahat ng daan sa ‘yo ang patik[Chorus - All] 🎵 Love miles, love smiles Every step feels worth the while Kahit saan, kahit kailan I’ll find my way back to your light Love miles, love dreams We’re connected by our hearts, it seemsNo matter, the dist

  • Chasing the Spotlight After Losing Him   Chapter 2 "After the Spotlight"

    Paggising ko ay hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng mga regalo na natanggap ko na halos mapuno ang aking kwarto. May mga sulat, may mga litrato ko, may stuff toys, bulaklak at may nagpadala rin ng mga paborito kong Filipino snacks. Ito na yun, ito na yung mga pangarap namin na nagbunga dahil mayroon na rin kaming mga taga-suporta. Mabuti na lang at nakatulog ako ng halos sampung oras dahil ilang araw na rin kaming hindi nakaka-kumpleto ng tulog dahil sa mga trainings at rehearsals namin. Dali-dali kong binuksan ang aking cellphone para tingnan ang mga messages at nakita ko rin ang mga litrato na ipinadala nina Wynona at Ingrid, maging sila ay masaya dahil nakatanggap din sila ng regalo, samantalang si Amaya naman, walang paramdam. Nakita ko rin na trending kami sa social media #W4RIConqueredPHArena, #TalaQueens. Napangiti ako dahil magiging busy na naman ako nito panigurado at sana mawala rin sa isip ni Sir Carl na i-produce yung show, tama, kailangan na mas pag-igihan namin pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status