LOGIN
Lucien POVGalit. Gutom. Hindi lang sa pagkain, hindi lang sa pera, kundi galit sa kabuuan ng mundo na sa tingin ko ay naglalaro laban sa akin. Wala na akong pakialam sa disiplina, sa image, sa lahat ng bagay na dati kong inaalagaan. Elviera ay umalis, at hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit iyon sa akin. Ngunit masakit pa rin, mas matindi pa rin, mas nakaka-inis ang ideya na may isa pang lalaki na nakatayo sa tabi niya at hindi ako kinakatakutan.Ngunit hindi ako aalis. Hindi ako papayag. Wala siyang karapatan na maramdaman na ligtas siya sa mundo. Wala siyang karapatan na huminga nang malaya habang ako ay nagdurusa sa pagkawala niya at sa kawalan ng kontrol ko. Kaya simula noon, inumpisahan ko na.Pinuntahan ko ang media, pinakawala ang mga pahayag. Mga news articles na may halong lihim na impormasyon, mga social media post na may insinwasyon tungkol sa foundation at sa lalaki na nagtatanggol sa kanya. Sa bawat post, sa bawat leak, ramdam ko ang kapangyarihan ko. Galit ako, oo,
THIRD PERSON P.O.VElviera slowly adjusted sa bagong trabaho sa foundation. Sa simula, tahimik siya, nag-oobserve, pinagmamasdan ang mga galaw ng iba. Pero unti-unti, nagsimula siyang magbigay ng mga ideya sa mga meetings. Hindi ito yung tipong sinasabi lang para mapasama, kundi yung may sense, practical, at makatulong talaga sa proyekto.Ang mga staff, una ay nagtataka. Pero habang lumalabas ang mga ideya niya, napapansin nila na may uniqueness ang approach niya. Nakikinig sila, nagtatanong, nagpo-provide ng feedback. Para sa kanya, ito ang unang beses na naramdaman niyang may pakialam sa sinasabi niya. Walang pang-aalipusta, walang pagsisiyasat sa bawat galaw.Samantala, si Caelum Virex Ashborne ay tahimik na nag-oobserve sa kanya. Nakikita niya ang determinasyon sa mata ni Elviera. Nakikita niya ang tapang kahit may halong kaba. Nakita niya rin ang bigat na dala-dala nito sa nakaraan. Pero sa kabila ng lahat, hindi siya nag-overstep. Hindi niya hinahawakan ang personal na bagay ni
Elviera POVPagkatapos ng mahabang biyahe at ilang araw ng tahimik na pag-iisip, nagdesisyon ako na kailangan kong magsimula muli. Hindi pabalik sa penthouse, hindi pabalik sa mundo ni Lucien. Kailangan ko ng lugar kung saan wala siyang impluwensya, kung saan puwede akong huminga nang malaya. Nag-apply ako sa isang foundation, simpleng trabaho lang sa admin, pero sa isip ko, ito ang unang hakbang para buuin ulit ang sarili ko.Pumasok ako sa building na simple at tahimik. Walang malalaking logo, walang mamahaling gamit na nakakalat sa paligid. Para itong lugar na hindi sinusubukang magpakita ng yaman. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, safe ako dito. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa reception. “Good morning po. May interview po ako para sa administrative assistant position,” sabi ko, pilit pinatigil ang nanginginig na boses ko.Dinala ako ng staff sa isang maliit na opisina. Tahimik lang. May isang lalaki sa likod ng desk. Malalim ang tingin niya. Malamig, pero hind
Lucien P.O.VNagising ako na may kakaibang tahimik sa paligid. Hindi iyon yung tahimik na sanay ako. Iba. Mabigat. Parang may kulang pero ayaw pang umamin ng utak ko kung ano iyon. Dumilat ako at unang bumungad sa akin ang ceiling ng penthouse. Walang amoy ng kape. Walang tunog ng mahihinang yapak. Walang boses ni Elviera na palaging maingat kapag ginising ako.Umupo ako sa kama at tumingin sa kabilang side.Walang tao.Napakunot ang noo ko. Hindi iyon normal. Kahit galit siya, kahit tahimik kami, lagi siyang nandiyan sa umaga. Palaging nauuna gumising. Palaging naghihintay. Palaging parang anino na hindi umaalis.Tumayo ako at dumiretso sa walk in closet. Binuksan ko ang ilaw. Doon ko unang naramdaman ang inis. Maraming hanger ang bakante. Hindi lang isa o dalawa. Halos kalahati ng gamit niya wala na. Mga damit niya. Mga bag niya. Mga sapatos na pinili ko pa mismo.Naglakad ako papunta sa banyo. Wala ang mga personal niyang gamit. Wala ang paborito niyang lotion. Wala ang toothbrush
Elviera Noelle P.O.VUmuwi ako nang mas maaga kaysa sa plano ko. Hawak ko ang folder na halos hindi ko binitawan buong araw. Mabigat iyon, hindi dahil sa kapal ng papel, kundi dahil sa pagod at pag asa na inilagay ko roon. Mga proposal iyon na inayos ko mismo. Mga numbers na pinagpuyatan ko. Mga idea na sa isip ko ay makakatulong sa kumpanya ni Lucien. Sa wakas, pakiramdam ko may silbi ako bilang asawa niya.Habang nasa elevator pa lang ako ng penthouse, ngumiti ako mag isa. Iniisip ko ang magiging reaksyon niya. Baka sa wakas purihin niya ako. Baka sabihin niya na proud siya. Maliit na bagay lang iyon para sa iba, pero para sa akin, sapat na iyon para maramdaman kong asawa talaga niya ako, hindi lang dekorasyon sa tabi niya.Pagbukas ng pinto, hindi ko agad binuksan ang ilaw. Sanay ako sa katahimikan ng bahay namin. Malaki ang penthouse pero madalas tahimik, parang museo. Kaya nagulat ako nang makarinig ako ng tawa. Babae. Malinaw. Masaya. Hindi iyon tawa ko.Huminto ako sa paglakad.







