Share

Chapter 2: The Wife Who Disappeared

Penulis: Ms. delulu
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-02 09:31:33

Lucien P.O.V

Nagising ako na may kakaibang tahimik sa paligid. Hindi iyon yung tahimik na sanay ako. Iba. Mabigat. Parang may kulang pero ayaw pang umamin ng utak ko kung ano iyon. Dumilat ako at unang bumungad sa akin ang ceiling ng penthouse. Walang amoy ng kape. Walang tunog ng mahihinang yapak. Walang boses ni Elviera na palaging maingat kapag ginising ako.

Umupo ako sa kama at tumingin sa kabilang side.

Walang tao.

Napakunot ang noo ko. Hindi iyon normal. Kahit galit siya, kahit tahimik kami, lagi siyang nandiyan sa umaga. Palaging nauuna gumising. Palaging naghihintay. Palaging parang anino na hindi umaalis.

Tumayo ako at dumiretso sa walk in closet. Binuksan ko ang ilaw. Doon ko unang naramdaman ang inis. Maraming hanger ang bakante. Hindi lang isa o dalawa. Halos kalahati ng gamit niya wala na. Mga damit niya. Mga bag niya. Mga sapatos na pinili ko pa mismo.

Naglakad ako papunta sa banyo. Wala ang mga personal niyang gamit. Wala ang paborito niyang lotion. Wala ang toothbrush niya. Parang sinadya. Parang pinagplanuhan.

“Dramatic,” bulong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto at tinignan ang buong penthouse. Tahimik. Masyadong tahimik. Sa may table, wala ang wedding ring niya. Nakatira lang doon ang bakas ng bilog na suot niya araw araw.

Naramdaman ko ang pag irap ng mata ko. “So this is her move,” sabi ko. “Magtatago.”

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Walang sagot. Tinawagan ko ulit. Diretso voicemail. Nag type ako ng message.

Nasaan ka.

Hindi ko kailangan mag explain. Hindi ko kailangan humingi ng tawad. Alam kong babalik siya. Palagi naman siyang bumabalik. Ganoon siya. Tahimik pero loyal. Nagagalit pero marunong magpatawad. Sinanay ko siya roon.

Lumipas ang isang oras. Dalawa. Tatlo.

Wala pa rin.

Nagsimula nang uminit ang ulo ko. Tinawagan ko ang assistant ko. “Hanapin niyo si Mrs Kross,” utos ko. “Now.”

Habang hinihintay ko ang update, sinubukan kong mag focus sa trabaho. Pero bawat minuto, mas nararamdaman ko ang pagkainip. Hindi ito dapat ganito. Dapat nasa bahay lang siya. Nag tatampo. Naghihintay na suyuin.

Pero habang lumilipas ang oras, may kakaibang pakiramdam na sumisiksik sa dibdib ko. Hindi takot. Hindi lungkot.

Inis.

Hindi ako sanay na nawawala ang mga bagay na akin.

Bandang tanghali, dumating ang unang report. “Sir, hindi po siya ma locate. Wala sa usual places.”

“Then search harder,” sagot ko, mariin. “She cannot just disappear.”

Pagkatapos ng tawag, napaupo ako sa sofa. Hindi ko alam kung bakit pero bumalik sa isip ko ang gabi kagabi. Ang tawa. Ang wine. Ang walang pakialam kong salita.

Naalala ko ang sinabi ko. Convenient.

Napangisi ako. Totoo naman. Hindi ko siya pinilit. Pumayag siya. Ginusto niya ang role na iyon. Kung nasaktan siya, kasalanan niya iyon dahil masyado siyang naniwala.

Pero bakit parang may kumakagat sa konsensya ko.

Tinaboy ko ang isip na iyon. Hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ako nagkakamali. Ako ang gumagawa ng rules.

Hapon na nang dumating ang mas masamang balita.

“Sir,” sabi ng legal head ko, halatang kabado. “Yung deal sa Valmere Port expansion. Na freeze po.”

Napatingin ako sa kanya. “What do you mean freeze.”

“May nag pull out na investors. Biglaan. May leak daw ng internal data.”

Tumayo ako bigla. “That deal is solid. Walang pwedeng umatras.”

“Sir, may name pong lumalabas.”

Tumahimik ang buong kwarto. “Who.”

“Caelum Ashborne.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Napangiti ako pero walang saya. “That bastard.”

So this is his move.

Parang sabay sabay nagsara ang pinto ng kontrol ko. Nawawala si Elviera. Sumasabog ang deal ko. At ang pangalan ng taong pinakakinamumuhian ko ang lumalabas.

“Fix it,” utos ko. “I do not care how.”

Pagkaalis nila, sinipa ko ang mesa. Bumagsak ang baso. Nabasa ang carpet ng alak. Hindi ko pinansin. Ang nasa isip ko lang, may kumakalaban sa akin.

At ayaw kong natatalo.

Habang ako ay nagwawala sa opisina ko, sa isang lugar na hindi ko alam, si Elviera ay umiiyak.

Hindi ko iyon nakita. Hindi ko narinig. Pero ramdam ko ang pagkawala niya sa paraan na hindi ko inaasahan. Hindi dahil mahal ko siya.

Kundi dahil hindi ko na siya kontrolado.

Kinagabihan, dumating ang final update mula sa mga tao ko. “Sir, wala po talaga. No records. Different name ang ginamit niya.”

Napatawa ako ng mapait. “She thinks she can run.”

Kinuha ko ulit ang phone ko at nag type ng panibagong message.

You cannot hide forever.

Hindi pa rin siya sumagot.

At doon ko unang naramdaman ang hindi ko kayang tanggapin. Hindi galit. Hindi yabang.

Takot na mawala ang hawak ko.

Sa gabing iyon, habang bumabagsak ang isa sa pinakamalaking deal ko, doon ko naintindihan na hindi lang negosyo ang nawala.

Fast Forward

Pag balik ko ng penthouse, mas lalong tumahimik ang lugar. Nakakabingi. Parang sinasadya ng bahay na ipamukha sa akin na wala na siya. Binagsak ko ang susi sa mesa at dumiretso sa kusina. Doon ko unang naramdaman ang gutom. Hindi yung normal na gutom. Yung gutom na may kasamang irita. Yung pakiramdam na dapat may naghihintay na pagkain sa mesa dahil ganoon ang nakasanayan ko.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina. Malinis. Masyadong malinis. Walang nakahandang pagkain. Walang mainit na ulam. Walang amoy ng lutong bahay na lagi kong sinasabi na hindi ko naman daw kailangan pero hinahanap ng katawan ko.

Binuksan ko ang ref. Puro raw ingredients. Mga gulay na hindi ko alam kung paano lutuin. Karne na hindi ko alam kung ano ang gagawin. Isang lalagyan ng sabaw na ako lang ang may alam na si Elviera ang nagluto noon.

Sumara ang pinto ng ref nang mas malakas kaysa sa dapat. Napamura ako.

“Useless,” sabi ko nang malakas. “Even this.”

Hinila ko ang isang drawer. Kutsilyo. Sandok. Mga gamit na hindi ko hinawakan kailanman. Para saan ba ito kung wala naman siyang gagamit. Para saan ang kusina kung wala siya.

Tinapon ko ang isang pinggan sa sahig. Nabiyak agad. Sumunod ang isa pa. At isa pa. Hindi ako tumigil. Kinuha ko ang kahit anong abot kamay at binato ko sa sahig. Plato. Baso. Isang maliit na appliance na binili niya dahil sabi niya baka magamit ko raw balang araw.

“Look at this place,” sigaw ko. “Parang akala mo marunong akong magluto.”

Huminga ako nang malalim pero hindi nabawasan ang galit. Mas lalo lang lumaki. Pakiramdam ko niloloko ako ng katahimikan. Para bang sinisisi ako ng bawat pader.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya ulit. Walang sagot. Tinawagan ko ulit. Wala pa rin.

“Answer me,” sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig.

Naupo ako sa stool sa gitna ng gulo. Gutom na gutom na ako pero ayokong umorder. Hindi dahil ayaw ko talaga. Kundi dahil galit ako na wala siya para gawin ang isang bagay na dati niyang ginagawa nang walang reklamo.

“Iniwan mo ako para saan,” bulong ko. “Para mag drama.”

Sa isip ko, sinisisi ko siya. Kung hindi siya umalis, hindi ako ganito. Kung hindi siya naglaho, hindi magugulo ang araw ko. Hindi babagsak ang deal ko. Hindi ako magugutom sa sarili kong bahay.

Tinayo ko ulit ang sarili ko at binuksan ang kalan. Tinitigan ko ang mga pindutan. Hindi ko alam kung alin ang dapat pindutin. Naramdaman ko ang inis sa sarili ko pero mas pinili kong ilabas iyon sa kanya.

“Ganyan ka talaga,” sabi ko. “Kahit kailan hindi ka nag iisip. Lagi mo lang iniisip sarili mo.”

Parang may boses sa utak ko na gustong magsabi na kasalanan ko ito. Na ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Pero pinatay ko agad ang boses na iyon. Hindi ako ang problema. Siya ang umalis. Siya ang nagkulang. Siya ang hindi marunong umintindi.

Hinila ko ang isang upuan at itinumba ito. Umalingawngaw ang tunog sa buong kusina. Sa sandaling iyon, naisip ko kung gaano ka tahimik ang bahay kapag wala siya. Walang nagtatanong kung okay lang ako. Walang nag aalok ng pagkain kahit hindi ako humihingi. Walang nag aayos ng kalat ko.

Bigla akong tumawa. Walang saya. “So this is what you want,” sabi ko. “Para maramdaman ko na kailangan kita.”

Umupo ako sa sahig, napapalibutan ng bubog. Hindi ko pinansin ang hapdi sa kamay ko. Mas masakit ang inis na nararamdaman ko. Ang pakiramdam na may nawala sa akin na hindi ko kontrolado.

Kinuha ko ulit ang phone ko at nag type ng message.

You think you can punish me by leaving. You are wrong.

Hindi ko sinend. Binura ko. Pinalitan ko ng mas malamig.

Come back. This is not funny anymore.

Hindi pa rin sinagot.

Napatayo ako bigla. Parang may sumabog sa dibdib ko. “You owe me,” sigaw ko sa hangin. “Everything you have came from me.”

Doon ko mas naramdaman ang gutom. Hindi lang sa pagkain. Gutom sa kontrol. Gutom sa kapangyarihan. Gutom sa pakiramdam na may sumusunod pa rin sa akin.

Lumabas ako ng kusina at iniwan ang gulo. Hindi ko nilinis. Hindi ko inayos. Hinayaan ko ang bubog sa sahig. Bahala na ang mga staff bukas. Hindi ko trabaho iyon. Hindi ko kailangang mag ayos ng bagay na dapat hindi naman nasira kung hindi siya umalis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy    Chapter 5: When Love Turns Into War

    Lucien POVGalit. Gutom. Hindi lang sa pagkain, hindi lang sa pera, kundi galit sa kabuuan ng mundo na sa tingin ko ay naglalaro laban sa akin. Wala na akong pakialam sa disiplina, sa image, sa lahat ng bagay na dati kong inaalagaan. Elviera ay umalis, at hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit iyon sa akin. Ngunit masakit pa rin, mas matindi pa rin, mas nakaka-inis ang ideya na may isa pang lalaki na nakatayo sa tabi niya at hindi ako kinakatakutan.Ngunit hindi ako aalis. Hindi ako papayag. Wala siyang karapatan na maramdaman na ligtas siya sa mundo. Wala siyang karapatan na huminga nang malaya habang ako ay nagdurusa sa pagkawala niya at sa kawalan ng kontrol ko. Kaya simula noon, inumpisahan ko na.Pinuntahan ko ang media, pinakawala ang mga pahayag. Mga news articles na may halong lihim na impormasyon, mga social media post na may insinwasyon tungkol sa foundation at sa lalaki na nagtatanggol sa kanya. Sa bawat post, sa bawat leak, ramdam ko ang kapangyarihan ko. Galit ako, oo,

  • Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy    Chapter 4: The Man Who Never Raised His Voice

    THIRD PERSON P.O.VElviera slowly adjusted sa bagong trabaho sa foundation. Sa simula, tahimik siya, nag-oobserve, pinagmamasdan ang mga galaw ng iba. Pero unti-unti, nagsimula siyang magbigay ng mga ideya sa mga meetings. Hindi ito yung tipong sinasabi lang para mapasama, kundi yung may sense, practical, at makatulong talaga sa proyekto.Ang mga staff, una ay nagtataka. Pero habang lumalabas ang mga ideya niya, napapansin nila na may uniqueness ang approach niya. Nakikinig sila, nagtatanong, nagpo-provide ng feedback. Para sa kanya, ito ang unang beses na naramdaman niyang may pakialam sa sinasabi niya. Walang pang-aalipusta, walang pagsisiyasat sa bawat galaw.Samantala, si Caelum Virex Ashborne ay tahimik na nag-oobserve sa kanya. Nakikita niya ang determinasyon sa mata ni Elviera. Nakikita niya ang tapang kahit may halong kaba. Nakita niya rin ang bigat na dala-dala nito sa nakaraan. Pero sa kabila ng lahat, hindi siya nag-overstep. Hindi niya hinahawakan ang personal na bagay ni

  • Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy    Chapter 3: The Enemy She Did Not Know

    Elviera POVPagkatapos ng mahabang biyahe at ilang araw ng tahimik na pag-iisip, nagdesisyon ako na kailangan kong magsimula muli. Hindi pabalik sa penthouse, hindi pabalik sa mundo ni Lucien. Kailangan ko ng lugar kung saan wala siyang impluwensya, kung saan puwede akong huminga nang malaya. Nag-apply ako sa isang foundation, simpleng trabaho lang sa admin, pero sa isip ko, ito ang unang hakbang para buuin ulit ang sarili ko.Pumasok ako sa building na simple at tahimik. Walang malalaking logo, walang mamahaling gamit na nakakalat sa paligid. Para itong lugar na hindi sinusubukang magpakita ng yaman. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, safe ako dito. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa reception. “Good morning po. May interview po ako para sa administrative assistant position,” sabi ko, pilit pinatigil ang nanginginig na boses ko.Dinala ako ng staff sa isang maliit na opisina. Tahimik lang. May isang lalaki sa likod ng desk. Malalim ang tingin niya. Malamig, pero hind

  • Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy    Chapter 2: The Wife Who Disappeared

    Lucien P.O.VNagising ako na may kakaibang tahimik sa paligid. Hindi iyon yung tahimik na sanay ako. Iba. Mabigat. Parang may kulang pero ayaw pang umamin ng utak ko kung ano iyon. Dumilat ako at unang bumungad sa akin ang ceiling ng penthouse. Walang amoy ng kape. Walang tunog ng mahihinang yapak. Walang boses ni Elviera na palaging maingat kapag ginising ako.Umupo ako sa kama at tumingin sa kabilang side.Walang tao.Napakunot ang noo ko. Hindi iyon normal. Kahit galit siya, kahit tahimik kami, lagi siyang nandiyan sa umaga. Palaging nauuna gumising. Palaging naghihintay. Palaging parang anino na hindi umaalis.Tumayo ako at dumiretso sa walk in closet. Binuksan ko ang ilaw. Doon ko unang naramdaman ang inis. Maraming hanger ang bakante. Hindi lang isa o dalawa. Halos kalahati ng gamit niya wala na. Mga damit niya. Mga bag niya. Mga sapatos na pinili ko pa mismo.Naglakad ako papunta sa banyo. Wala ang mga personal niyang gamit. Wala ang paborito niyang lotion. Wala ang toothbrush

  • Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy    Chapter 1: The Night Her World Broke

    Elviera Noelle P.O.VUmuwi ako nang mas maaga kaysa sa plano ko. Hawak ko ang folder na halos hindi ko binitawan buong araw. Mabigat iyon, hindi dahil sa kapal ng papel, kundi dahil sa pagod at pag asa na inilagay ko roon. Mga proposal iyon na inayos ko mismo. Mga numbers na pinagpuyatan ko. Mga idea na sa isip ko ay makakatulong sa kumpanya ni Lucien. Sa wakas, pakiramdam ko may silbi ako bilang asawa niya.Habang nasa elevator pa lang ako ng penthouse, ngumiti ako mag isa. Iniisip ko ang magiging reaksyon niya. Baka sa wakas purihin niya ako. Baka sabihin niya na proud siya. Maliit na bagay lang iyon para sa iba, pero para sa akin, sapat na iyon para maramdaman kong asawa talaga niya ako, hindi lang dekorasyon sa tabi niya.Pagbukas ng pinto, hindi ko agad binuksan ang ilaw. Sanay ako sa katahimikan ng bahay namin. Malaki ang penthouse pero madalas tahimik, parang museo. Kaya nagulat ako nang makarinig ako ng tawa. Babae. Malinaw. Masaya. Hindi iyon tawa ko.Huminto ako sa paglakad.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status