Share

Chapter 34

Noella’s Point of View

Hindi na ako nakapagsalita nang tawagin kami ni Maya dahil kakain na raw kami. Hindi natapos ang usapan namin ni Diego pero dahil sa sinabi niya sa akin ay nagdulot iyon ng matinding kaguluhan sa isip at puso ko. Hindi naman nagpahalata si Diego sa mga kasama namin samantalang ako naman ay tahimik lang na sumabay sa pagkain at masayang nakipag-usap ang binata kina Maya at Tito.

Kinakausap ako ni Mateo at sinasagot ko naman siya pero nagkunwari akong abala sa pagkain para hindi mapansin ng mga kasama ko at kaguluhang sa isip ko dahil sa pagtatapat na iyon ni Diego. Matapos kumain ay naligo muna kami sa ilog at doon na lang natuon ang atensiyon naming lahat sa masayang paliligo sa ilog na isa sa na-miss ko.

Nang umuwi kami ay hapon na at dumiretso ako sa kwarto namin ni Diego sa bahay nina Tito at Tita. Hindi na kami pinagbukod ng kwarto ni Diego dahil ang sabi nila Tita na nag-live-in na rin kami sa Maynila kaya hindi na kailangan pang maghiwalay kami ng kwarto d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status