เข้าสู่ระบบSometimes, lying is the only way to taste happiness, even if it’s poisoned.
Bahala na si Hulk! She doesn't care anymore kung nag-i-exist ba sa mundo ang lalaking nasa litrato o hindi. Basta ang mahalaga ay napasaya niya ang kanyang munting pasaway na anghel.
Iniwan muna ni Catriona ang anak sa kaibigan dahil kailangan na niyang humabol sa job interview. Kailangan niyang masungkit ang trabahong iyon dahil bukod sa malaking sahod ay pangarap rin niyang makapagtrabaho sa isa sa mga pinakamalaking kompanya sa Maynila na producer ng mamahaling alak sa iba't ibang panig ng mundo. Ang de Souza Distillery Company.
Alas nuebe ang itinakdang oras ng interview ngunit pasado alas dies na siya nakarating sa nasabing gusali.
"Miss, close na nga kasi ang interview at sa katunayan niyan ay pinaalis na nga ang lahat ng aplikante kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras na pumasok pa dahil kami po ang malilintikan kay Ma'am Abigail."
Mahigit sampung minuto nang pinagtatabuyan si Catriona ng mga guwardiya pero hindi pa rin siya nagpatinag at sinubukan pa rin niyag makapasok kahit dalawang guwardiya na ang humaharang sa kanya.
She desperately needs the job. Or kahit anong job dahil kung hindi ay baka sa lansangan na sila pulutin ng kanyang anak.
"Mga bossing, saglit lang naman ako at susubukan ko lang na iabot kay Mr. CEO ang application form ko. Baka nagkakamali lang ho kayo. Malay niyo ako na po iyong hinihintay ni CEO." Pagmamakaawa pa rin nito na halos lumuhod na sa harapan ng dalawang guwardiya.
"Naku, Miss. Kung ako saiyo may umalis ka na lang at sa iba ka na lang maghanap ng trabaho. Huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo rito. Masasaktan ka lang." Ani naman ng isang guwardiya.
"Alam ko. Alam ko po iyon pero wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba? Kaya please lang mga bossing, padain niyo na ako. Utang na loob. Maawa po kayo sa akin dahil may anak po akong kailangang bihisan, pakainin, pag-aralin at bibigyan ng pang-renta sa computer shop para maglaro ng mobile legend at COC. Nagmamakaawa ho talaga ako sainyo."
Napapailing na lamang ang dalawang bantay sa desperation na ipinapamalas ni Catriona. Ni wala na siyang paki sa ibang dumadaan na nagiging witness kong gaano siya kadesperada sa kanyang ginagawa.
"Naku, Miss. Pasyensya ka na talaga at kung ako saiyo, aalis na lamang ako kaysa magsayang ng oras dito para lang sa wala. Hindi mo rin magugustuhan kung madadatnan pa kayo ni Ma'am Abigail dito."
Sino ba kasi ang Abigail na ito? Kamalas naman oh!
Natahimik ng ilang sandali si Catriona at nang makakuha ng tiyempo ay mabilis siyang tumakbo at nilusutan ang dalawang guwardiya. Nakipaghabulan siya sa mga ito roon sa malawak na lobby hanggang sa makita niyang bumukas ang isang elevator. She jumped inside it. No, she jumped into the man who was inside it. Then the elevator door closed in time at hindi na siya napigilan ng mga guwardiya.
TREVER was in daze of shock when a woman literally jumped into him. Hindi siya naging handa sa pag-atake nito kaya nama'y natulak siya nito sa pader ng elevator and to his luck ay naging masama ang bagsak ng likod niya roon.
"Hell with you?" He hissed under his austere breath.
Hindi umimik ang babae, bagkus ay nagulat na lamang siya nang bigla itong humagulhol. Huli na no'ng nalaman niya na nakasubsob pala sa dibdib niya ang mukha nito. He can't see her face ngunit alam niyang mabango ito.
His petty anger instantly disappeared. Mabango kasi ito at parang mina-magnet ang kaluluwa niya sa matamis nitong amoy. Nakakahalina.
"Ehem, M-miss?" Salita niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang ialis sa katawan niya ang babae.
He was hoping na sana maganda ito para worth it naman. He smirked by that thought.
Bigla ay inalis ng babae ang mukha nito sa kanyang dibdib. Gusto niya itong pigilan sa hindi malamang kadahilanan.
He stood deadpan when he met the firing brown eyes of the woman. But what surprised him for real is that his instinct didn't disappoint him at all. The woman looked awesomely gorgeous, tall and has a pretty flawless skin. His eyes buried into the woman's attractive cleavage na nagpangisi sa kanya.
Wew! His weakness.
"Bakit ganiyan kayong mayayaman?" Natigagal siya nang pagkakuwa'y dinuro siya ng babae. Galit itong nakatitig sa kanya at naiiyak pa rin.
"Huh?"
"Wala kayong puso! Iyong pobreng taong nagbabakasakali lang na makakuha ng matinong trabaho, pinapalayas n'yo pa. Wala kayong awa. Hindi niyo man lang ba naisip na may batang umaasa sa aplikanteng tinataboy ninyo? May anak po akong kailangang bihisan, pakainin, pag-aralin at bibigyan ng pang-renta sa computer shop para maglaro ng mobile legend at COC tapos sasabihin ninyo na umalis na lang ako? E hayup pala kayo, e."
"W-wait, Miss? Anong kinalaman ko sa problema mo?" He asked a little bit bemused.
Umayos ng tayo ang babae at nagulat na lamang siya nang bigla itong ngumiti. Parang kidlat na nagbago ang ekspresyon nito. "Ah wala naman. Nagpa-practice lang ako sa sasabihin ko do'n sa nagngangalang Abigail na nagpapalayas daw sa mga aplikante."
Woah! She must be one of those fine ladies who wanted to be a secretary of that Roman fag, de Souza.
Trever was referring to his bestfriend named Zurick de Souza who also happens to be the current CEO and President of de Souza Distillery Company kung saan ay siya naman ang tumatayong COO.
Trever is a heir of the prominent shipping line Epsilon. Nga lang ay may iringan sa pagitan nila ng kanyang Ama na si Timothy de Gracia kaya ngayon ay nagtitiis na lamang siya sa posisyon niya sa company ng kanyang matalik na kaibigan.
"Sana lang maabutan ko siya at nang maipamukha ko sa kanya kung gaano siya kasama."
"You knew her, don't you?"
"Hindi pa. Bakit, alam mo ba kung saan ko siya makikita?"
"Yep. In CEO's office." Hindi mawari ni Trever kung bakit naaaliw siyang sumagot sa babae.
"Dalhin mo ako doon." Walang piltrong utos ng babae. Ngayon lang siya nautusan ng gano'n sa tanang buhay niya ng ibang tao.
Looks like the woman doesn't know who he is. Poor her.
He shrugged. "Okay. Here we go."
"Bakit nga pala nandoon sa office ng CEO ang Abigail na iyon? Nanay ba siya ng CEO?"
He almost frown disappointingly cause the woman seemed not interested to his presence which is so uncommon. Women could hate diamonds just to be with him but this woman? Well, siya tuloy ang naging interested dito.
"No, she's not the CEO's mother." He intentionally flashed his killer smile but again, wala itong epekto sa babae.
This is freaking new!
Tila nainsulto ang ego at charisma niya. Ang manhid!
"Kung gano'n, sino iyong atribidang Abigail na nagpalayas sa mga aplikante?"
"The CEO's fiancee." He answered dryly pero ang mga mata niya ay panaka-nakang sumusulyap sa malulusog nitong cleavage. Tila nag-init ang katawang-lupa niya sa tanawing iyon.
Oh man!
"The what? Fiancee? Niloloko mo ba akong tarantado ka?"
"What? What the fvck did you just addressed me?"
"Wala iyon. Na-carried away lang ako. Sorry. Hehehe."
NAGBAGO na ang isip ni Catriona na tumuloy nang malamang fiancee pala ng CEO ang Abigail na iyon. Nawalan na talaga siya ng pag-asa. Mabuti na lang at may nangyaring maganda sa araw niya ngayon.
Iyon ay ang makasama at makayakap sa napaka-guwapong lalaking lihim na bumubuhay sa pagnanasa niya. Ayaw niya lang ipahalata na halos maihi siya sa kilig sa tuwing ngumingisi ito sa kanya.
Bumabangon ang lahat ng temptasyon sa kalooban niya gawa ng presensya ng naturang lalaki. Sandali niyang ipinilig ang ulo.
He looks familiar.
Bumukas ang elevator. The man who has thousands pound of sex appeal stared at her nang hindi siya lumabas ng elevator.
"The CEO's office. Come on!"
"H-ha? Ah.. mauna ka na, Sir. Naalala ko na may ibang lakad pa pala ako. Bye." Pasara na sana ang elevator ngunit maagap itong napigilan ng lalaki.
Shucks! Bakit masyadong guwapo ang nilalang na 'to?
"Come with me."
"Ha?"
Doon naman dumating ang hinihingal na dalawang guwardiya. Natakot si Catriona at ibig na niyang lisanin ang lugar na iyon na sana ay kanina pa niya ginawa kung hindi lang matigas ang ulo niya.
"Sir Trever, nakuha po namin ito sa nahulog na gamit ng babaeng iyan."
May inabot ang isang guwardiya sa tinawag nitong Sir Trever. Pangalan pa lang ay parang lumuluwang na ang waist garter ng underwear niya.
Napansin ni Catriona na ito iyong litratong napulot niya na iyong isa'y nasa anak na niya.
Teka...
Pagkakuwa'y lumundo ang dibdib niya sa takot nang galit na tumitig sa kanya pabalik ang guwapong lalaking harap-harapan niyang pinagpapantasyahan sa isipan niya.
Portuguese Spanish! Kaya pala pamilyar kasi ito iyong guwapong lalaki sa litrato.
Damn. He really exists.
"Bring that woman to the nearest police station. Now!"
At sa puntong iyon ay labis na nagulantang ang mundo ni Catriona.
Sometimes, lying is the only way to taste happiness, even if it’s poisoned.Bahala na si Hulk! She doesn't care anymore kung nag-i-exist ba sa mundo ang lalaking nasa litrato o hindi. Basta ang mahalaga ay napasaya niya ang kanyang munting pasaway na anghel.Iniwan muna ni Catriona ang anak sa kaibigan dahil kailangan na niyang humabol sa job interview. Kailangan niyang masungkit ang trabahong iyon dahil bukod sa malaking sahod ay pangarap rin niyang makapagtrabaho sa isa sa mga pinakamalaking kompanya sa Maynila na producer ng mamahaling alak sa iba't ibang panig ng mundo. Ang de Souza Distillery Company.Alas nuebe ang itinakdang oras ng interview ngunit pasado alas dies na siya nakarating sa nasabing gusali."Miss, close na nga kasi ang interview at sa katunayan niyan ay pinaalis na nga ang lahat ng aplikante kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras na pumasok pa dahil kami po ang malilintikan kay Ma'am Abigail."Mahigit sampung minuto nang pinagtatabuyan si Catriona ng mga guwardiya
"PIERO, anak. Pakibilisan naman po riyan at baka ma-late na si Mama sa job interview." Katamtamang sigaw ni Catriona mula sa labas ng kanilang bahay.Kapagkuwan ay lumabas ang matamlay na anak nito sukbit ang backpack. Malaki ngunit walang masyadong laman."Ma, a-absent na lang ako." Ki aga-aga ay nag-aalburuto na naman ang anim na taong gulang na anak nito."Na naman?" Napangiwi na lamang si Catriona. Ni-lock na niya ang kinakalawang nilang gate bago pa makumbensi na naman siya ng anak sa kagustuhan nitong lumiban sa klase."Piero, naman. Dalawang araw ka nang absent tapos ngayon ayaw mo na namang pumasok. Maayos na naman ang pakiramdam mo. Teka nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin? May atraso ka ba sa school mo kaya ayaw mong pumasok, Piero?" Pag-iimbestiga ni Catriona sa anak.Naging tensyonado ang bata. "W-wala. Wala naman po, Mama.""Sigurado ka?""Mama, hindi ba malili-late na kayo sa lakad n'yo?" Pag-iiba sa usapan ng paslit. Smart kid.Tumango si Catriona. "Sabi ko nga."Dumi
Her eyes were blindfolded as they left the fortress. She had worn the same blindfold earlier, when Hera’s attendants had brought her into Dream Fortress. She assumed it was standard protocol. The only difference now was the roar of the rotor blades above—clearly, they were heading for a helicopter.The air trip seemed endless—more than twenty minutes, by her rough mental reckoning—before the subtle shift of weight and a deep, vibrating hum told her the helicopter was descending. The rush of wind pressed against her blindfolded face, carrying the scent of fuel and the faint tang of metal. Her stomach fluttered with every lurch and tilt of the aircraft, each second stretching taut with anticipation.Finally, Roque—Hera’s ever-watchful sidekick—spoke, his voice calm but authoritative. “Take off your blindfold.”Nasa isang helipad sila ng napakataas na gusali. It looks like an banadoned hotel. Mula roon ay tinahak nila ang ilang palapag pababa sa pamamagitan lamang ng hagdan. Hindi na nak
Catriona was having a hard time coming to terms with the oppressive rules of Dream Fortress, their weight settling heavily on her mind.Sa sitwasyon niya ay wala na sa mga patakaran ng Dream Fortress ang atensyon niya. Kalagayan ng kanyang Nanay Chanda ang tanging iniisip niya.Sa wakas, nakaharap na niya si Hera—the woman behind the enigmatic masquerade mask, lavishly adorned with rare beads that clearly cost an arm and a leg. The mask shimmered under the light, a decadent blend of gold and crimson, dusted with fine golden glitters that caught every movement, every breath, radiating mystery, power, and untouchable opulence.Hindi matiis ni Catriona na huwag titigan ang misteryosong babae. Mahaba ang manggas ng suot nitong itim na Dolman maxi dress. Batay sa limited na balat nitong naka–expose, maipapalagay ni Catriona na hindi purong Filipino ang pinangingilagang si Hera. Instinct na niya ang nagsasabing maganda ang ikinukubling mukha ni Hera sa likod ng maskara nito.Hindi naman pal
“CAT, pagsubok lang ‘to sa inyo. Malalampasan at malalampasan din ninyo ni Mader Chanda ‘to. Magpakatatag ka lang. Alam mo namang ikaw lang ang mapaghuhugutan ng lakas ng Nanay mo.”Bahagyang naibsan ang bigat na gumugupo sa lakas ni Catriona nang dumating sa ospital ang nag-iisa niyang kaibigan– si Silver. Isang binabae.Nasa trabaho siya kanina nang may emergency call siyang natanggap. Isinugod ng ilang concern nilang kapitbahay sa ospital ang Nanay Chanda niya.Madalas nilang pagtalunan ng Nanay niya ang bisyo nitong alak. Hindi kasi ito maawat kahit ano pang pakiusap ang gawin niya. Wala itong pinipiling oras sa pag–inom. Nag-umpisang malulong sa alak ang Nanay niya no’ng nangaliwa ang kinakasama nito na kanyang step–father. Sumama kasi sa mas bata at walang sabit.“Kaya kong magpakatatag dahil alam kong iyon lang ang higit na mas magagawa ko ngayon, Silver. Kapit na kapit na rin ako sa itaas. Nagmakaawa na ako sa lahat ng santong kilala ko na huwag muna nilang kunin iyong nag–iis







