LOGIN
SHAIRA
Nakatayo ako dito sa labas ng ICU at hindi ako mapakali pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Para bang sa oras na ito sobrang bigat na sa dibdib ko. Sa likod ng salaming pinto ay nakahiga ang ate kong si Helen. Nakakabit sa kanya ang iba’t ibang tubo at makikita kung gaano kalala ang kalagayan niya. Kanina lang namin nalaman ang lahat tungkol sa sakit niya, ilang buwan rin niya itinago sa amin. Kahit bihira lang kami magkita ng ate ko dahil sa puro ako barkada matapos kong maka-graduate ng college. Dahil gusto ko munang mag-enjoy bago pumasok sa isang seryoso na buhay ang negosyo na naisip ko. Nalaman ko rin na hindi rin alam ng kaniyang mapapangasawa ang kalagayan niya, lahat kami ay nabigla sa biglaan na pangyayari kay Ate. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko ng lumabas na ang doktor. “Pwede mo na siyang makita,” sabi nito. Parang pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad papasok sa loob, nang makita ko ang maputlang mukha ng ate ko, hindi ko napigilang umiyak. “Ate…” mahinang tawag ko at dahan-dahan na dumilat ang mata niya at bahagyang siyang ngumiti. “Sha-Shaira.” Napapikit ako dahil pati sa pagtawag niya sa pangalan ko hirap na siya, agad kong hinawakan ang kamay niya. “Ate, bakit mo ginawa ‘to? Bakit hindi mo sinabi agad sa amin?” Panay patak ng luha ko at napapikit siya. “A-ayokong m-ag-aala-la kayo a-at mapunta lahat ng aten-syon niyo sa a-akin, isa pa a-ayokong ma-makita na naaawa ka-kayo sa akin.” Mas lalo akong napaiyak at napayuko dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Hindi ko matanggap ang masiyahin kong Ate na never akong sinermunan dahil sa mga kamalian ko. At ang matapang kong ate na ganito na ngayon. “Shaira…” Napaangat ako ng tingin sa kaniya at gamit ang palad ko ‘yun ang ginawa kong pamunas sa luha ko. Ngunit hindi pa rin iyon tumitigil. “M-May hihilingin ako sa-sa’yo bawal tu-tumanggi.” ngiti niyang sabi sa kabila ng nararamdaman niya. Natigilan naman ako. “Bakit ano ‘yon ate?” Taka kong tanong at muling akong nagpunas ng luha. “W-wala kang kara-karapatang tumanggi.” Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero tumango ako dahil para sa kanya gagawin ko. “I-Ituloy mo ang kasal.” Hindi ako nakasagot para bang hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. “Pakasalan mo si Sebastian Falcon.” Tuwid na pagkakasabi ni Ate. Dito naman nanlaki na ang mata ko dahil naunwaan ko na. “A-ano?” Tanging nabigkas ko. “I-Ikaw ang pumalit sa akin, pa-pakasalan mo siya.” Pakiramdam ko ang buong paligid huminto dahil sa sinabi ni ate. Pakasal ko raw si Sebastian Falcon, ang bilyonaryong negosyanteng dapat sana’y magiging asawa ng ate ko. Isang beses ko lang nakita si Sebastian ngunit hindi ko na matandaan ang itsura niya dahil nga lagi akong wala. “Ate, seryoso ka ba? Wala pa akong balak na mag-asawa. Pwde bang iba na lang ang hilingin mo?” Saad ko sa nanghihinang pakiramdam. “Please, sa-sabi ko bawal tumanggi at su-sumangayon ka.” Hindi ako nakapagsalita dahil yun na nga sumangayon ako kanina. “Shaira, ma-malalaman mo ang dahilan ko.” “Bakit ano ‘yon?” Curious kong tanong. “Limang buwan.” Pag-iiba niyang sagot imbes na sagutin ang tanong ko. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang limang buwan. “Kapag h-hindi kayo mahulog sa… isa’t isa sa loob ng li-limang buwan… pwede ma kayong maghiwalay.” Dalawnag beses na kumarap ang mata ko dahil sa mga sinabi ni ate. “Pero ate…” bigkas ko. “Come on, just do it.” Kinapitan niya ang kamay ko at may kung anong nakita ako sa mata niya, kaya naman wala akong nagawa dahil iyon ang hiling niya dahil handa na raw siya. “Okay.” Sagot ko lang. Nakita ko naman ang isang matamis na ngiti kay ate at biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ngiti niya na ‘yon. __ Tatlong araw matapos kong mangako kay ate na tutuparin ko ang kaniyang huling kahilingan at tuluyan niya na kaming iniwan. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at hawak ko ang kamay niya, nandito pa rin ang sakit dahil yung maramdaman ko na bumitaw na ang kamay niya sa kamay ko. Nakatayo ako rito sa puntod, tahimik na nakatitig sa nakaukit niyang pangalan. Tulala malayo ang iniisip. Si mama na panay pa rin ang iyak tuwing gabi at si papa hindi ko man nakita na umiiyak siya pero ang pananahimik niya sapat na para maramdaman kong sobrang sakit rin para sa kanya. Napalingin ako sa gilid ko dahil naramdaman ko na parang may taong nakatingin sa akin mula rito. Isang matangkad na lalaki ang nakita ko nakasuot na itim na salamin at tuwid na nakatayo. Suot niya itim na suit, tahimik siyang nakatayo sa ‘di kalayuan. Wala kang makikitang emosyon pero dama mo ang mabigat na presensiya. Para bang kahit hindi siya magsalita alam mo na apektado rin siya. Nalaman ko kay mama at papa na walang malinaw tungkol sa relasyon nila nalaman nalang nila. Sabi ni Ate may nobyo na siya at magpapakasal na, nabigla sila lalo pa ang lalaking pakakasalan nito ay isang bilyonaryo. “Shaira, halika ba mainit na.” Aya ni mama na hindi ko naramdaman na lumapit sa akin dahil naka-focus ako kay Sebastian. “Nakausap namin ang abogado ng pamilya Falcon.” Kinabahan naman ako at hindi pa man sinasabi ni mama alam ko na agad. “Gusto nilang pag-usapan ang hiling ng ate mo dahil tinatanong nila ang kasal na nakaayos na at handa na. Ayoko man mag-isip pero parang sinisisi nika ang Ate mo bakit hindi sinabi na may sakit ito kung kailan ikakasal na.” Nakaramdam naman ako ng inis dahil nawala na nga ang ate ko yun pa yung mararamdaman ng ate ko. Nako hindi lang hiling ng ate ko hindi ko talaga to gagawin, bahala silang mapahiya. __ Kinabukasan, nasa loob ako ng isang napakalaking building ang Falcon holdings. Sa bawat hakbang ko ay lalo akong kinakabahan, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay rito. Oo kahit paano may kaya ang pamilya namin pero hindi katulad ng ganito. Naka-fiffted na maong na pantalon ako at puting blouse na naka-tack in at heels ang terno ko. Sukbit ko ang sling bag ko, kung titingnan simple lang ang suot ko pero kung kasama ako sa titingnan. Iisipin mo na modelo ako, dahil sa height ko na 5’6 mas matangkad ako sa ate ko at sa totoo lang maraming nagsasabi na mas maganda ako. Pagkalabas ko ng elevator napahugot ako ng malalim na buntong hininga, narito ako para pag-usapan namin ni Sebastian ang tungkol sa kasal dito sa opisana niya. Ilang minuto akong naghintay ng papasukin na ako ng secretary niya, sumalubong agad sa akin ang masarap na amoy ng kape. At sunod ang malaking glass window, mga mamahaling kagamitan. Sa pinaka-gitna. Si Sebastian, nakatalikod siya sa akin habang nakapamulsa na nakatingin sa malaking glass window. Napahinto ako sa paghakbang ng dahan-dahan siyang humarap. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at masasabi ko na napakagwapo talaga niya sa tingin ko mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Maitim ang alon-alon niyang buhok at may kakapalan na kilay, ang ilong na halos perpekto ang hulma. Gayun rin ang mga mata nito na kung tumingin parang may sinasabi sa’yo. Pangahan at may Clift chin na nakadagdag lakas ng dating at ang labi na natural lang ang kulay na hindi ganun kapula. Napapalibutan ng manipis na bigote at balbas. Malapad ang balikat at straight body, ang height niya siguro six footer? “Pasado ba ako sa looks?” Lihim na napalunok ako at nakaramdam ng pagkapahiya pero pinakita kong hindi ako apektado. “Yeah, hindi naman masama.” Sagot ko na hindi siya tinitingnan dahil binaling ko sa ibang direksyon. Napansin ko pa ang ngisi sa gilid ng labi niya, pagharap ko sa kanya nakatingin lang siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. “Mas maganda pala sa personal.” Diretsong sabi niya. Ewan ko ba pero bakit ganun parang may kakaibang epekto yon sa akin. “Thanks.” Tipid kong sagot at naupo siya sa swivel chair. “Okay, dahil nandito ka na at alam kong alam mo na kung bakit narito ka.” “Yes, ano pa bang pag-uusapan natin? Hindi ba nakahanda na lahat?” Sabi ko at pinahalata ko na hindi na ako interesado. “Hindi ako sang-ayon.” Nagulat ako sa sinabi niya at parang may bigat sa dibdib ko. Gusto ko sanang sabihin na ako rin naman hindi sang-ayon. “Mr. Falcon-” sambit ko pero naputol agad. “Sebastian.” Bigkas niya. “Okay.” Tango ko at naupo ako dahil mukhang wala siyang balak na alukin akong maupo. “Kapag kasal na tayo hindi mo ako tatawagin na Mr. Falcon.” Natigilan ako at naisip na tama naman siya. Pero sandali? Ibig sabihin matutuloy? “Pero gagawin ko.” Dito nakahinga ako ng maluwag at mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. “Gagawin ko hindi dahil sa gusto ko.” Saad niya at muling tumayo. “Tutuparin ko lang ang hiling ng kapatid mo,” Natahimik lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napansin ko na may kinuha siya mula sa drawer sa may lamesa niya at hawak niya ang isang folder. Nilapag niya sa harapan ko. Marriage contract?SHAIRATatlong araw na ang nakalipas simula ang halik na ‘yon pero hanggang ngayon hindi yon mawaglit sa isip ko. At napuyat ako no’ng gabi na ‘yon.Hindi ko rin nakita si Sebastian after no’n dahil nasa business trip siya at kanina lang siya dumating dahil ngayong araw ang kasal namin at nandito ngayon ang magulang niya. Matapos mo akong hindi pinatulog bigla kang hindi magpapakita? Bakit namiss mo ba? Ha? Hindi aa!Para akong tanga rito na kinakausap ang sarili ko habang inaayusan ako ng make-up artist dito sa kwarto. Bumukas ang pinto at napalingon ako doon isang ginang ang pumasok si Donya Carmela.“Matatapos na ba siyang ayusan? Ano’ng oras na.” Sabi nito sa nagma-make up sa akin.“Yes, patapos na rin.” “Good morning po.” Bati ko kanina nakita ko na siya may terrace nong dumating siya.“Good morning rin hija, ang ganda mo naman pala.” Hindi ko naman inaasahan ang sinabi niya at nawala yung kaba ko kanina dahil unang tingin ko masungit siya.“Salamat po.” Ngiting sagot ko at
SHAIRA Para akong bata na tuwang-tuwa habang naglalakad papunta doon sa malawak na balkonahe. Dala ang isang bote ng alak at baso, padadalhan raw ako ni Manang Cora ng ice tube at syempre pulutan.Sa totoo lang kaya gusto ko rin uminom para hindi ko lagi isipin si Ate, gusto kong makatulog agad dahil baka umiyak lang ako habang nakahiga. May lamesa at mga upuan dito, ang ganda ng tanawin dahil nag-uumpisa ng dumilim.“Hija ito na.” Napalingon ako si Manag Cora at yung isang kasambahay nilapag na sa lamesa, hindi ko alam kung anong ulam yung mga dala at may mga prutas rin.“Ay salamat po.” Yukong sabi ko.“Kaya mo ba yang ubusin?” Nagtataka si Manang Cora. “Ha? Ee, hindi naman po pero depende kapag nasa mood.” Ngiting sagot ko.“Ganun ba? Pero kapag nandito si Donya Carmela huwag kang iinom.” Natigilan ako at kahit hindi ko pa alam kung sino yon naisip ko agad ang mama ni Sebastian.“Bakit po?” Kuryos kong tanong.“Ayaw no’n sa babaeng mahilig umiinom lalo na sa babae.” “Aa ganun
SEBASTIAN Hindi ako sanay na magduda sa mga desisyon ko dahil sa edad kong tatlumpu’t dalawa ay natutunan ko ng kontrolin ang lahat. Negosyo, oras at maging ang emosyon ko.Ngayong nakaupo ako dito sa madilim kong opisina dahil sinadiya ko itong patayin, tanging ang mga ilaw sa labas na nagmumula sa mga gusali ang siyang nagbibigay liwanag sa akin. Tahimik akong nag-iisip kung tama ba ang ginawa ko, napalingon ako sa marriage contract. Pirmado na, napabuntong hininga ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ako sa ganitong klaseng hiling.Wala sa plano ko ang ganito lalo na ang sa ganitong kasal at sa nakababata pang kapatid ni Helen. Pitong taon ang tanda ko sa kaniya, dahil sa hiling ay mapipilitan si Shaira na magpakasal sa akin.Napapikit ako ng maalala ko si Helen.“Sa kapatid kong si Shaira mo ituloy ang kasal, pakiusap.” “Sana gawin mo kahit ‘yun lang.” “Pakakasalan kita kasalanan ko rin.” Nagising ang diwa ko dahil sa isang alaala na biglang pumasok sa isip ko
SHAIRAMarriage contract? Talagang may paganito pa siya?“Basahin mo.” Sabi niya.Kinuha ko yun at binuklat at una kong nakita doon ay ang Five months contract marriage. Eksaktong hiling ni ate. “Pagkatapos ng limang buwan,” mahina niyang sabi. “Maaari na tayong maghiwalay.”Tiningnan ko siya at mukhang pinaghandaan talaga niya dahil ito at gumawa talaga siya ng contract.“Kaya mo ba?” Seryosong tanong niya.Humigpit ang kapit ko sa folder, limang buwan lang naman magtitiis nalang ako. Tiningnan ko siya at nginitian na pinagtaka niya.“Okay. Limang buwan lang naman,” kalmadong sabi ko.Nakita ko naman sa mga mata niya na parang nasiyahan siya?Hindi siya nagsasalita dahil nakatingin lang siya sa akin at naillang ako sa tingin niya sa akin hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon.“May problema ba?” Tanong ko at bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.“Sa tingin ko mas matapang ka pa sa ate mo.” Nagsalubong naman ang kilay ko. “Bakit?” Kuryos kong tanong ko.“Talaga?” Sagot
SHAIRANakatayo ako dito sa labas ng ICU at hindi ako mapakali pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Para bang sa oras na ito sobrang bigat na sa dibdib ko.Sa likod ng salaming pinto ay nakahiga ang ate kong si Helen. Nakakabit sa kanya ang iba’t ibang tubo at makikita kung gaano kalala ang kalagayan niya.Kanina lang namin nalaman ang lahat tungkol sa sakit niya, ilang buwan rin niya itinago sa amin. Kahit bihira lang kami magkita ng ate ko dahil sa puro ako barkada matapos kong maka-graduate ng college. Dahil gusto ko munang mag-enjoy bago pumasok sa isang seryoso na buhay ang negosyo na naisip ko.Nalaman ko rin na hindi rin alam ng kaniyang mapapangasawa ang kalagayan niya, lahat kami ay nabigla sa biglaan na pangyayari kay Ate.Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko ng lumabas na ang doktor. “Pwede mo na siyang makita,” sabi nito.Parang pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad papasok sa loob, nang makita ko ang maputlang mukha ng ate ko, hindi ko na







