LOGINSEBASTIAN
Hindi ako sanay na magduda sa mga desisyon ko dahil sa edad kong tatlumpu’t dalawa ay natutunan ko ng kontrolin ang lahat. Negosyo, oras at maging ang emosyon ko. Ngayong nakaupo ako dito sa madilim kong opisina dahil sinadiya ko itong patayin, tanging ang mga ilaw sa labas na nagmumula sa mga gusali ang siyang nagbibigay liwanag sa akin. Tahimik akong nag-iisip kung tama ba ang ginawa ko, napalingon ako sa marriage contract. Pirmado na, napabuntong hininga ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ako sa ganitong klaseng hiling. Wala sa plano ko ang ganito lalo na ang sa ganitong kasal at sa nakababata pang kapatid ni Helen. Pitong taon ang tanda ko sa kaniya, dahil sa hiling ay mapipilitan si Shaira na magpakasal sa akin. Napapikit ako ng maalala ko si Helen. “Sa kapatid kong si Shaira mo ituloy ang kasal, pakiusap.” “Sana gawin mo kahit ‘yun lang.” “Pakakasalan kita kasalanan ko rin.” Nagising ang diwa ko dahil sa isang alaala na biglang pumasok sa isip ko. Napalingon ako ng may mahinang kumatok. “Come in.” Sagot ko. “Sir.” Si Viktor ang assistant ko. “Ano ‘yon?” Mahina kong tanong. “Naroon na po sa mansion ang mga gamit ni Ma’am Shaira. “ Tumango lang ako ngunit hindi pa rin umaalis si Viktor. Nilingon ko siya dahil parang may gusto siyang sabihin. “May problema ba?” Tanong ko. “Sir…” “Magsalita ka na Viktor.” Mahinang saad ko “Sigurado po ba kayo rito? Ibig kong sabihin sa pagpapakasal niyo.” “Late ka na para sabihin pa yan. Nakahanda at nagkasundo na kami,” sagot ko. “Ganun po? Sige po pasensiya na. Hindi na ako sumagot iniwan niya na ako at naiwan muli akong mag-isa. ___ SHAIRA Ilang beses akong napahugot ng malalim na buntong hininga habang papalapit na ako sa mansion ng Falcon. Tanaw na tanaw ko na rito mula sa bintana ng sasakyan. Pakiramdam ko para akong ikukulong dito at hindi na pwedeng lumabas. Siguro naman hindi kasama yung paglakwatsa ko at pag-inom pati na ang party. Yun nalang ang kaligayahan ko sa ngayon. “Ma’am, nandito na po tayo.” Marahan na napatango ako at nakita ko na bumukas ang napakalaking gate, pagpasok ng sasakyan sa loob grabe ang haba ng daanan. Sementado ang pinakagitna at mga maninipis na damo naman sa mga gilid at may mga puno pati na ang mga naggagandahan na halaman at bulaklak. Tanaw ko rin ang malawak na hardin sa may dulo at ang fountain, parang sa mga palabas at mga nababasa ko. Grabe labas palang to ang laki na ng espasyo. “Dito na ba talaga ako? Sa loob ng limang buwan?” Mahina kong bigkas. Hindi kaya ako maligaw rito? Parang yung labas ay kabuan ng bahay namin kasama pa yung parking at space. Huminto ang kotse dito sa may hagdan at napatingin ako doon banda sa may pintuan bukas yon at may matandang babae akong nakita at dalawang kasambahay base sa kanilang suot. Lumabas ako at sinalubong nila akong tatlo. “Miss Shaira? Tama po ba ako?” Nakangiting sabi nitong matanda. “Oho,” ngiting sagot ko. Napapitlag pa ako ng hawakan niya ako sa isang kamay at marahan na pinisil ang kamay ko. “Ako nga pala si Manang Cora. Mahigit dalawangpung taon na akong nagta-trabaho rito.” Wow aa, nakatagal siya? “Nice to meet you po.” Masayang sabi ko at napangiti siya. “Napakaganda mo pala talaga.” Para pa akong nahiya dahil sa sinabi ni Manang Cora, dahil grabe dama ko talaga yung totoo sa paghanga niya. “Salamat po.” Ngiti ko at niyaya niya na ako sa loob. Grabe mas lalo akong namangha sa loob dahila ang ganda at sobrang linis, ang luwag ng sala. Ang gaganda rin ng Chandler sa itaas, ang mga nagaggandahan na vase na sa tingin ko ay sobrang mahal no’n. “You're here.” Napalingon ako si Sebastian nasa kalagitnaan ng hagdan, grabe ang lakas ng dating niya para siyang sa mga bida na male lead. “Hi!” Bati ko sa kanya at pinakalma ko ang sarili ko dahil masiyado na akong apektado sa presensiya niya. Hindi siya sumagot nakatitig lang siya sa akin kaya ginawa ko napalingon ako sa likuran ko dahil baka hindi siya sa akin nakatingin. Nagkatinginan lang si Manang Cora at yung dalawa. “Are you hungry?” Seryoso ang mukhang tanong niya. “No, can I see my room?” Sabi ko. “Ako na sir,” sabi ng isang kasambahay. “Come on,” Aya niya sa akin at napalingon ako kila Manang Cora, marahan na tumango lang siya at ngumiti na parang ibig sabihin sige na. Sumunod na ako sa kanya at pagdating namin sa taas nasa likuran niya lang ako, pinagmamasdan ko siya. Ang tanggkad niya talaga tapos ang lapad ng balikat. Nagulat naman ako dahil bigla siyang humarap. “Ba-bakit?” Bigla akong kinabahan. “Hindi ako sanay na pinagmamasdan ako mula sa likod.” “Ha? Hindi aa, asa ka naman.” Mabilis kong sagot at nauna akong maglakad pero yung tibok ng puso ko grabe. “Shaira.” Napahinto ako sa paglakad ko dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ko at grabe yung dating sa akin. “Bakit ba?” Sagot ko na bahagya ko lang siyang nilingon. “Ay!” Napasigaw ako sa gulat dahil bigla niya akong binuhat katulad sa bagong kasal. “A-ano ba-bakit mo a-ako.” Nagkakandautal kong sambit. “Gusto ko lang malaman kung gaano ka kabigat, para alam ko.” “Ha?” Tanging nasabi ko at nagkakad siya na karga ako. Titig na titig ako sa kanya habang diretso lang ang tingin niya. “Ca-can you put me down?” Mahina kong sabi at tiningnan niya lang ako saglit at nagpatuloy maglakad. Gosh! Pakiramdam ko mabibingi na ako sa lakas nang tibok ng puso ko, naririnig kaya niya? Saka niya lang ako binaba ng makarating na kami sa sinasabi niya. Nailang tuloy akong tingnan siya kaya nauna akong pumasok sa loob. Grabe naman ang kwarto na ‘to parang triple sa kwarto ko. “Sino pa ang mga nakatira dito?” Tanong ko at humarap sa kanya. “Tayo lang pati na ang mga kasambahay at si Manang Cora.” “Ha? Ta-tayo lang? Nasaan ang magulang mo?” Taka kong tanong. “Yes.” Sagot niya. Seryoso? Grabe ee ang laki ng bahay na to dito palang sa kwarto ko ay puwde na ako magtatakbo. “If you need anything. Sabihin mo lang kay Manang Cora.” “Okay, salamat.” Nginitian ko siya ng tipid. Tumalikod na si Sebastian akmang lalabas na siya ng may maisip akong itanong. “Sandali may itatanong lang ako.” Pigil ko sa kanya at humarap naman siya. “Go ahead.” “Paano kayo nagkakilala ng Ate ko? I mean, naging magkaibigan ba muna kayo? Kasi wala kasi akong alam sa love life niya. Isa pa hindi talaga kita kilala.” mahabang litanya ko. Napansin ko na bahagyang natigilan siya at hindi agad nakasagot. “Magkaibigan kami, nagkakilala kami sa isang event at charity. Naging close kami sa isa’t isa.” Kuwento niya at napatango ako ibig sabihin nagsimula pala sila sa pagiging magkaibigan, okay naman pala. Pero bakit wala man lang nakwento si ate pati kay mama at papa? “Magpahinga ka na.” “S-sige, siya nga pala. May alak ba dito? Hindi kasi ako makakatulog agad.” Ngiting sabi ko. Napatingin siya saglit at napatango. “Marami dito magsabi ka kay Manang Cora.” “Talaga? Sige, thank you!” Masayang sabi ko at lumabas na siya. Okey ibig sabihin hindi bawal uminom kaya makakapagsaya pa rin ako, tatanungin ko nalang ulit kung pwede rin ba ako maglakwatsa.SHAIRATatlong araw na ang nakalipas simula ang halik na ‘yon pero hanggang ngayon hindi yon mawaglit sa isip ko. At napuyat ako no’ng gabi na ‘yon.Hindi ko rin nakita si Sebastian after no’n dahil nasa business trip siya at kanina lang siya dumating dahil ngayong araw ang kasal namin at nandito ngayon ang magulang niya. Matapos mo akong hindi pinatulog bigla kang hindi magpapakita? Bakit namiss mo ba? Ha? Hindi aa!Para akong tanga rito na kinakausap ang sarili ko habang inaayusan ako ng make-up artist dito sa kwarto. Bumukas ang pinto at napalingon ako doon isang ginang ang pumasok si Donya Carmela.“Matatapos na ba siyang ayusan? Ano’ng oras na.” Sabi nito sa nagma-make up sa akin.“Yes, patapos na rin.” “Good morning po.” Bati ko kanina nakita ko na siya may terrace nong dumating siya.“Good morning rin hija, ang ganda mo naman pala.” Hindi ko naman inaasahan ang sinabi niya at nawala yung kaba ko kanina dahil unang tingin ko masungit siya.“Salamat po.” Ngiting sagot ko at
SHAIRA Para akong bata na tuwang-tuwa habang naglalakad papunta doon sa malawak na balkonahe. Dala ang isang bote ng alak at baso, padadalhan raw ako ni Manang Cora ng ice tube at syempre pulutan.Sa totoo lang kaya gusto ko rin uminom para hindi ko lagi isipin si Ate, gusto kong makatulog agad dahil baka umiyak lang ako habang nakahiga. May lamesa at mga upuan dito, ang ganda ng tanawin dahil nag-uumpisa ng dumilim.“Hija ito na.” Napalingon ako si Manag Cora at yung isang kasambahay nilapag na sa lamesa, hindi ko alam kung anong ulam yung mga dala at may mga prutas rin.“Ay salamat po.” Yukong sabi ko.“Kaya mo ba yang ubusin?” Nagtataka si Manang Cora. “Ha? Ee, hindi naman po pero depende kapag nasa mood.” Ngiting sagot ko.“Ganun ba? Pero kapag nandito si Donya Carmela huwag kang iinom.” Natigilan ako at kahit hindi ko pa alam kung sino yon naisip ko agad ang mama ni Sebastian.“Bakit po?” Kuryos kong tanong.“Ayaw no’n sa babaeng mahilig umiinom lalo na sa babae.” “Aa ganun
SEBASTIAN Hindi ako sanay na magduda sa mga desisyon ko dahil sa edad kong tatlumpu’t dalawa ay natutunan ko ng kontrolin ang lahat. Negosyo, oras at maging ang emosyon ko.Ngayong nakaupo ako dito sa madilim kong opisina dahil sinadiya ko itong patayin, tanging ang mga ilaw sa labas na nagmumula sa mga gusali ang siyang nagbibigay liwanag sa akin. Tahimik akong nag-iisip kung tama ba ang ginawa ko, napalingon ako sa marriage contract. Pirmado na, napabuntong hininga ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ako sa ganitong klaseng hiling.Wala sa plano ko ang ganito lalo na ang sa ganitong kasal at sa nakababata pang kapatid ni Helen. Pitong taon ang tanda ko sa kaniya, dahil sa hiling ay mapipilitan si Shaira na magpakasal sa akin.Napapikit ako ng maalala ko si Helen.“Sa kapatid kong si Shaira mo ituloy ang kasal, pakiusap.” “Sana gawin mo kahit ‘yun lang.” “Pakakasalan kita kasalanan ko rin.” Nagising ang diwa ko dahil sa isang alaala na biglang pumasok sa isip ko
SHAIRAMarriage contract? Talagang may paganito pa siya?“Basahin mo.” Sabi niya.Kinuha ko yun at binuklat at una kong nakita doon ay ang Five months contract marriage. Eksaktong hiling ni ate. “Pagkatapos ng limang buwan,” mahina niyang sabi. “Maaari na tayong maghiwalay.”Tiningnan ko siya at mukhang pinaghandaan talaga niya dahil ito at gumawa talaga siya ng contract.“Kaya mo ba?” Seryosong tanong niya.Humigpit ang kapit ko sa folder, limang buwan lang naman magtitiis nalang ako. Tiningnan ko siya at nginitian na pinagtaka niya.“Okay. Limang buwan lang naman,” kalmadong sabi ko.Nakita ko naman sa mga mata niya na parang nasiyahan siya?Hindi siya nagsasalita dahil nakatingin lang siya sa akin at naillang ako sa tingin niya sa akin hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon.“May problema ba?” Tanong ko at bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.“Sa tingin ko mas matapang ka pa sa ate mo.” Nagsalubong naman ang kilay ko. “Bakit?” Kuryos kong tanong ko.“Talaga?” Sagot
SHAIRANakatayo ako dito sa labas ng ICU at hindi ako mapakali pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Para bang sa oras na ito sobrang bigat na sa dibdib ko.Sa likod ng salaming pinto ay nakahiga ang ate kong si Helen. Nakakabit sa kanya ang iba’t ibang tubo at makikita kung gaano kalala ang kalagayan niya.Kanina lang namin nalaman ang lahat tungkol sa sakit niya, ilang buwan rin niya itinago sa amin. Kahit bihira lang kami magkita ng ate ko dahil sa puro ako barkada matapos kong maka-graduate ng college. Dahil gusto ko munang mag-enjoy bago pumasok sa isang seryoso na buhay ang negosyo na naisip ko.Nalaman ko rin na hindi rin alam ng kaniyang mapapangasawa ang kalagayan niya, lahat kami ay nabigla sa biglaan na pangyayari kay Ate.Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko ng lumabas na ang doktor. “Pwede mo na siyang makita,” sabi nito.Parang pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad papasok sa loob, nang makita ko ang maputlang mukha ng ate ko, hindi ko na







