LOGINSANDALING natigilan si Elijah. Hindi niya inaasahan na marinig ang mga katagang iyon kay Bettina na noo’y sunod-sunuran sa kanya.
Naalala niya noon, na nanginginig ito sa takot sa tuwing tinuturok ang karayom sa braso nito. Madalas magkapasa si Bettina at matagal pa bago ito maka-recover. Pero kahit gano’n, ilang beses ito nag-donate ng dugo para kay Agatha, para sa kanya.May kung anong alinlangan nang tiningnan niya si Bettina. “Kung gano’n…”Agad na nagsalita si Agatha. “Bettina…” dilat ang mga mata ni Agatha sa gulat at namumuo ang mga luha nito sa gilid. “Ta…tama ba ang narinig ko? Sinusumpa mo akong mamatay?”Tinapunan lang siya nito ng malamig na tingin, dahil alam ni Bettina na umaarte lang ito para makuha ang sympatya ni Elijah.Napangisi si Bettina. “If you want to live, simulan mo nang maghanap ng blood donor. Dahil simula ngayon, wala ka nang makukuhang kahit isang patak ng dugo mula sa’kin.”Paglingon ni Agatha kay Elijah, agad itong hinawakan ang braso. “Elijah… ayoko pang mamatay. Gusto niya bang ma-ICU ako katulad ni mommy?”Si Edith Ramos, ang ina ni Agatha na limang taon nang nasa ICU mula noong iniligtas nito si Elijah. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagigising mula sa coma. Nakokonsensya si Elijah sa sinapit ni Edith, kaya naman sobra ang pagpapahalaga at pag-aalaga niya sa anak nito.Dahil doon, sinasamantala naman ni Agatha ang kabutihang loob ni Elijah. Lagi kasi nitong binabanggit ang ina sa tuwing nagkakagulo at gumagawa ito ng problema. At pinagbibigyan naman siya kaagad ng lalaki. Ngunit sa pagkakataong ito, bahagyang kumunot ang noo ni Elijah nang muling banggitin ni Agatha ang tungkol sa ina nito.Hindi kailanman mabubura sa isip niya ang nangyari limang taon na ang nakararaan. Noong mawalan ng kontrol ang isang truck at papunta na mismo sa kanya. Itinulak siya ni Edith palayo, pero ito naman ang nasagasaan. Bumagsak ang katawan niya sa ilalim ng truck, naliligo sa sarili niyang dugo.Nang mapansin ni Bettina ang tahimik na mukha ni Elijah, may kung anong pag-asang kumislap sa puso niya. Umaasa siya na baka sa pagkakataong ito ay piliin na siya nito.Kung tatayo lang ito sa tabi at ipagtatanggol siya… maiisip niyang hindi nasayang lahat ng pagtitiis at sakripisyong ginawa niya, at magkakaroon ito ng kahulugan.Kahit isang beses lang na piliin siya. Para sa kanya, sapat na iyon.“Bettina, nakikiusap ako… kahit ngayon lang, sana pagbigyan mo si Agatha.” Itinaas ni Elijah ang kaliwang kamay nito. “I promise this will be the last time asking you for a favor.”Tila naglaho ang pag-asang namuo sa kanyang puso. Tinapunan lang muli ni Bettina ng mapait na ngiti ang dalawa. Hanggang ngayon, ito pa rin ang naging desisyon ni Elijah.Bahagyang nakahinga nang maluwag si Agatha. At nong tiningnan niya si Bettina, nagsalubong ang mga kilay niya na para bang madadala niya ulit ito sa drama.“Bettina, alam kong mabait ka at mapagbibigyan mo ako. Maraming salamat ha?” malumanay na sabi ni Agatha habang ang kamay nito ay nananatiling nasa braso ni Elijah.
Inilipat ni Bettina ang tingin niya sa lalaki.Talagang mabait si Elijah kay Agatha—mas mabait kaysa sa kahit ano’ng ipinakita nito sa kanya.At doon niya tuluyang naintindihan: mali pala ang paniniwalang mapapaibig niya ito balang araw. Ngayon, sigurado siyang hinding-hindi siya magkakaroon ng lugar sa puso nito.Walang emosyong humarap si Bettina kay Elijah. “I’ve said this earlier… I’m not doing it again. Please stop asking, Elijah.”Kumunot muli ang noo ni Elijah. Nang makasalubong niya ang matalim at malamig na mga titig ni Bettina… may kung anong kaba ang gumuhit sa puso niya. Parang bang may bagay na biglang kumirot dito na hindi niya maipaliwanag.Bumalik sa nakaraan ang isip ni Elijah, no’ng unang beses niyang nakilala si Bettina. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga ngiti nito noon. Dinig pa niya kung paano ito tumatawa at binuhos ang pagmamahal sa kanya. Pero ngayon… tulad ng kandilang nauupos, wala na siyang apoy na nakita.Wala nang init, wala nang sigla.Tanging lamig na lang ang natira.When did she stop smiling? And why didn’t I notice that? Tanong niya sa kanyang sarili.At ang mas masakit… alam niyang siya ang dahilan kung bakit iyon nawala. Tinulak niya ito nang paulit-ulit. Nanatili si Bettina noon hanggang sa hindi na ito kinaya pa.“Anong gagawin natin, Elijah? Kung hindi magdo-donate ng dugo si Bettina, mamamatay ako!” nababahalang sabi ni Agatha. “Elijah, nangako ka sa mommy ko na aalagaan mo ako, hindi ba? Please… I’m begging you, convince her again.”Napalunok na lang si Elijah at kinuyom ang kamay. “I’ll find someone else to give you a blood transfusion right now. Hindi kita hahayaang mamatay, Agatha. I promise,” mariin na sabi ni Elijah habang nakatitig siya kay Bettina.Nanlaki ang mata ni Agatha sa gulat. Alam niyang rare ang blood type niya, alam niyang mahirap itong hanapin. At kung susubukan nila gawin iyon… matatagalan pa at baka hindi na siya makaabot. Mas lalo siyang nanghina habang iniisip iyon.“What if we can’t find a blood donor? Naalala mo ba na halos lahat ng nakita nating donor, si Bettina lang ang nag-match sa akin? Bakit kailangan pang maghanap tayo ng iba? Hindi pwede, Elijah… mamamatay ako kung maghahanap pa tayo!” reklamo ni Agatha.Natahimik na lang si Elijah. Walang salitang lumalabas sa bibig niya, dahil hindi niya alam paano siya makakahanap ng blood donor sa lalong madaling panahon. Maliban na lang… kung pagbigyan sila ni Bettina sa huling pagkakataon.Napaluha si Agatha. “Fine. Kung hindi mo ako kayang alagaan. Pupuntahan ko si Tita Regina!” singhal niya bago tumakbo papunta sa kwarto ni Regina.HINDI rin inaasahan ni Evander ang mga salitang binitiwan ni Bettina. Bahagya siyang napasinghap sa gulat na tila bang may biglang humigpit sa hangin sa pagitan nila. Hindi siya gumalaw agad. Hindi rin siya nagsalita. Para bang kahit isang maling kilos ay maaaring makasira sa maselang sandaling iyon.May kung anong mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.Samantala, si Bettina ay halos kagatin ang sarili niyang dila sa pagsisisi. Bakit niya nasabi iyon? Bakit hindi muna siya nag-isip bago nagsalita? Ramdam niya ang init sa pisngi at ang kaba sa dibdib habang pilit siyang naghahanap ng paraan para bawiin ang sinabi niya. Kailangan niya makahanap nang mas maayos na palusot, o kahit isang dahilan para takasan ang sarili niyang mga salita kanina.Ngunit bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang boses ni Evander. “It’s okay, Bettina.”Sandali siyang huminto, parang tinitimbang ang susunod na sasabihin, bago muling nagsalita. “Ayos lang tagala ako sa sofa. Matulog ka na.”Pag
NATAHIMIK na lamang si Evander habang nakaharap sa malawak na salaming bintana ng hotel. May nais pa sana siyang sabihin, ngunit naputol ang sandaling iyon nang marinig niya ang mahinang tunog ng pagbukas ng lock ng banyo.Agad siyang napalingon.Lumabas si Bettina mula sa banyo, suot ang simpleng cotton pajamas. Balot ng tuwalya ang basa pa niyang buhok, at may naiwan pang banayad na singaw ng init sa paligid dahil sa mainit na shower. Mapula ang kanyang mga pisngi, hindi lang dahil sa paligo, kundi dahil sa pagod at sa kakaibang katahimikang bumabalot sa silid.Nagtagpo ang mga mata nila.Sa sandaling iyon, tuluyang nalunok ni Evander ang mga salitang kanina pa nasa dulo ng dila niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at, sa malamig ngunit kontroladong tinig, sinabi sa kausap sa kabilang linya, “I’ll hang up now.” Hindi na niya hinintay ang tugon at agad niyang pinutol ang tawag.“Okay ka na?” tanong niya, pilit pinananatiling kalmado ang boses, na parang walang kakaibang nan
“I DON’T believe you, Attorney Hudson.”Bahagyang umiling si Bettina, halatang hindi kumbinsido dito. Ten years ago—ilang taon pa lang ba siya noon?At higit sa lahat, kaharap niya si Evander Hudson, ang nag-iisang tagapagmana ng Hudson Holdings Group. Isang lalaking sanay na hinahangaan, hinahabol, at pinapangarap ng napakaraming babae. Isang taong hindi kailanman kinailangang maghintay o maghabol ng pagmamahal.Paano mangyayari na may lihim siyang paghanga sa loob ng sampung taon?“Huwag na po kayong gumawa ng kuwento, Attorney Hudson,” sabi niya, pilit pinapanatiling magaan ang tono. “Parang imposible naman ’yon.”Marahang tumawa si Evander, walang pilit, walang depensa. Lumakad siya patungo sa sofa at naupo nang relaxed, saka bahagyang nagkibit-balikat. “If you don’t believe me, then forget it,” biro niya, parang wala lang.Sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Bettina. Hindi na niya pinatulan ang sinabi ng lalaki. Sa halip, tumalikod siy
DAHAN-DAHANG bumukas ang palad ni Elijah, nananatiling nakabitin sa ere ang kamay niya habang nakatitig siya sa singsing na mag-isang nakahandusay sa sahig. Para bang may mahigpit na kamay na pumipiga sa dibdib niya, unti-unting dinudurog ang bawat hininga hanggang sa halos hindi na siya makahinga sa sakit.“Bettina…” halos pakiusap ang boses niya habang kusang humahakbang palapit, “huwag naman ganito…”“Huwag ganito?” kalmadong tanong ni Bettina. “Elijah, tigilan mo na ’yang mga salitang ‘babawi ako’ at ‘magsimula ulit tayo.’ Dahil para sa’kin, wala na ’yang halaga. Mas pipiliin ko pang tumandang mag-isa kaysa bumalik sa’yo.” Sandali siyang tumigil bago tuluyang nagsalita, malinaw at mariin ang bawat salita.“Kaya itigil mo na. Wala ka nang babalikan.”Parang tinamaan ng kidlat si Elijah. Nabura ang huling bakas ng kontrol sa mukha niya habang nakatitig sa babaeng akala niya’y hinding-hindi siya iiwan. Hindi niya maintindihan—nagpakumbaba na siya, bumigay na siya, ginawa na niya ang
DAHIL maliit lang ang mundo ng mga abogado, hindi nagtagal ay kumalat sa buong legal circle ang balitang posibleng magkaharap sa korte sina Bettina at Elijah. Parang apoy na tinapunan ng gasolina, mabilis itong umabot sa Castillo Law Firm, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Elijah.Nabigla ang lahat.Halos karamihan sa mga abogado roon ay personal na nirecruit at hinubog ni Bettina noong panahong kasama pa siya sa firm. Kilala nila siya bilang mahusay, diretso, at higit sa lahat, bilang lider na marunong tumayo para sa mga tao niya. Hindi siya boss na mataas ang tingin sa sarili dahil palagi siyang nasa tabi ng team, handang sumalo kapag may nagkamali, handang magtanggol kapag may inaapi.Kaya ngayong may posibilidad na mapasama sila sa kasong laban mismo kay Bettina, parang may kumurot sa dibdib ng bawat isa. Hindi nila mawari kung paano sila haharap sa ganoong sitwasyon.“Hindi ako makapaniwala,” mahinang bulong ng isang associate. “Kinasuhan talaga ni Attorney Bettina si Agatha
SA VIP ROOM ay tahimik na nakaupo si Agatha, namumugto ang mga mata sa kakaiyak, habang nakatitig sa kanya si Elijah na may madilim at mabigat na ekspresyon. Hawak ng lalaki ang kopya ng reklamong iniwan ni Bettina, at sa lakas ng kapit ng kanyang mga daliri sa papel, halos mamutla na ang mga iyon, para bang doon niya ibinubuhos ang pagpipigil sa sarili.“Agatha,” mababa at malamig ang boses ni Elijah, walang kahit katiting na lambing, “huling tanong ko na ’to. Totoo ba ang paratang ni Bettina na nilagyan mo siya ng gamot?”Parang gumuho ang mundo ni Agatha sa sandaling iyon. Bigla siyang humagulgol nang mas malakas, tila ba hindi na niya kayang pigilan ang emosyon. “Elijah, pinagdududahan mo ba talaga ako?” umiiyak niyang sabi. “Hindi mo ba ako kilala? Siya ang naninira sa akin! Siya ang gumawa ng lahat ng ebidensyang ’yon para ipahamak ako!”Sa tabi, marahang hinawakan ni Edith ang kanyang dibdib at umubo nang mahina, halatang sinasadya ang pagpapakita ng panghihina. “Elijah…” mahin







