Share

Chapter 005: Blood and Betrayal

Author: Alia Ema
last update Last Updated: 2025-11-24 22:23:15

NAALIMPUNGATAN ng gising si Regina pagpasok ni Agatha sa kwarto niya. Pagod pa ang mga mata nito nang alalayan siyang lumabas ng kwarto.

Hindi niya alam ang mga pinagsasasabi ni Agatha kanina. Ngunit nang dumaan ang tingin niya kina Bettina at Elijah na nakatindig lang sa corridor ay biglang tumaas ang presyon niya. Alam niya na may problemang hinaharap si Agatha.

“Ano na namang kaguluhan ito, Elijah?” kunot-noong tanong ni Regina.

Magsasalita sana si Elijah ngunit biglang inunahan siya ni Agatha.

“Si…Si Bettina, Tita, hindi niya raw ako bibigyan ng dugo,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Agatha.

Huminga nang malalim si Regina.

“Tigilan niyo na ang pambubully kay Agatha, Elijah. Hindi mo ba alam nang dahil sa mommy niya ay buhay ka pa ngayon?” Nilipat naman ni Regina ang tingin niya kay Bettina. “At Bettina, transfusion lang naman ng dugo mo ang kailangan niya, hindi naman iyon malaking bagay, hindi ba? At saka ilang beses mo na ginagawa iyon kay Agatha. Kung hindi mo siya pagbibigyan, mamamatay siya!” panunumbat na sabi nito.

“Mom, sinabi ko na kanina na maghahanap ako kaagad ng ibang donor. May dugo naman sa blood bank, hindi na natin kailangan si Bettina,” paliwanag ni Elijah.

Napakuyom ng dalawang kamay si Agatha. Labag sa loob niyang hindi niya muli makukuha ang dugo ni Bettina. At higit sa lahat, mukhang kinakampihan na ni Elijah ang nobya.

“Did you see that, Tita Regina? Mas concern na siya kay Bettina. Mukhang wala na siyang pakialam sa akin,” mangiyak-ngiyak na dramang sabi ni Agatha.

Napahawak sa noo si Regina nang sumakit bigla ang ulo niya. Samantalang si Elijah ay nanatiling malamig ang ekspresyon niyo. Alam niyang kapag nagdesisyon na ang anak niya, ay hindi na iyon magbabago.

Wala na siyang nagawa kundi ang humarap kay Bettina upang pakiusapan ito. “Bettina, nakikiusap ako sayo… pwede bang pagbigyan mo na lang si Agatha? Kahit ngayon lang.”

Isang sarkastikong ngiti ang ginawa ni Bettina. Alam na alam niyang mauuwi ito sa ganito.

Kapag nagwawala si Agatha kaagad itong pinupuntahan si Regina. At ito namang si Regina–ang magiging biyenan niya sana—palagi ring gumagawa ng mga desisyong ikapapahamak niya.

Naalala pa niya kung paano niya unang nakilala si Regina. Malapit na noon ang pasko, limang taon ang nakalilipas.

Bago pa lang siya sa kolehiyo nang hilain siya ng isang lasing na lalaki sa isang madilim na eskinita dahil gabi na siyang umuwi. Wala siyang nagawa kundi ang manginig sa takot habang pinipilit siyang ipasok sa mas madilim pang bahagi ng daan.

Sa gitna ng panganib, isang matangkad na lalaking naka-black hood jacket na may tatak na wolf sa likod nito ang biglang sumulpot at sinubukang iligtas siya. Hindi niya makita ang mukha no’n dahil nakatakip ang hood nito. Pero malinaw niyang nakita ang pagsaksak ng lasing sa lalaking tumulong sa kanya bago ito tumakbo palayo.

Pagmulat niya sa ospital kinabukasan, doon niya nakita ang galos at sugat sa katawan ni Elijah. Doon niya naalala ang lalaking sumagip sa kanya. Para kay Bettina, si Elijah ang sumagip sa kanya.

Nahulog ang loob ni Bettina kay Elijah. Sino ba namang hindi? Sa sobrang gwapo ni Elijah, at sa tapang na pinakita no’ng gabing iyon, sa isip niya, siya na ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa.

Napasaya siya lalo nang malaman niyang transferee student si Elijah at naging kaklase niya ito.

Kahit na iba ang pakikitungo ni Elijah sa kanya ay mas lalo pa siyang nahuhulog dito.

Si Bettina ang isa sa pinakamagandang babae sa law school noon. Lahat ng uri ng manliligaw—mayaman, matalino, sikat ay tinanggihan niya para kay Elijah.

Noong araw mismo ng pasko na dapat ay kasama niya ang pamilya niya sa Makati, pasekreto siyang bumili ng bus ticket papuntang Aurora, kung saan nakatira si Elijah. Hindi niya sinabi kahit kanino. Basta na lang siyang umalis.

Galing siya sa mayamang pamilya. Lumaki siyang hindi nakakatikim ng hirap. Pero noon na nasa Aurora siya, nagtatanong-tanong sa mga tao, pilit hinahanap kung saan nakatira si Elijah.

At nang makita niya ito, halos manigas siya. Dinagsa si Elijah ng mga tao, pinapaligiran ito na parang pinipigilan itong magwala at umalis papuntang bundok.

“Bakit ba hindi ka marunong makinig sa amin? Ilang beses na naming sinasabi sa’yo na may mga baboy ramo sa bundok! Hindi mo ba nakita ang braso ng tiyahin mong si Michelle? Nakagat siya noon!”

“Naku! Malaki ang posibilidad na may mga baboy ramo ang sumalakay sa mommy mo. Huwag kang mag-alala, tinawagan na namin ang pulis. Hintayin natin silang dumating bago tayo umakyat. Huwag kang padalos-dalos.”

Sabay-sabay na nagsalita ang mga tao roon, halos hindi magkandaugaga sa pagpilit na pigilan si Elijah.

Walang emosyong nakatitig lang si Elijah sa bundok, ngunit bakas sa mga mata nito na para bang naglalagablab sa galit.

Parang bumagsak ang mundo ni Bettina na masaksihan niya ang pinagdadaanan ni Elijah. 

“Bitawan niyo siya!” sigaw ni Bettina habang tumatakbo papunta sa kanila.

Hindi naisip ni Bettina kung tama ba tong ginagawa niya.  Ang alam lang niya, hindi niya hahayaang manatili si Elijah sa ganoong kalagayan.

At sa lakas na ni hindi niya alam kung saan nanggaling ay naitulak niya pa palayo ang dalawang lalaking pilit sumusupil kay Elijah.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
thank you Miss A ...
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
nakakaranas kayong dalawa Elijah at Agatha .........
goodnovel comment avatar
Cherrie Baccay
thank you Miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 055: Sharing Same Bed

    HINDI rin inaasahan ni Evander ang mga salitang binitiwan ni Bettina. Bahagya siyang napasinghap sa gulat na tila bang may biglang humigpit sa hangin sa pagitan nila. Hindi siya gumalaw agad. Hindi rin siya nagsalita. Para bang kahit isang maling kilos ay maaaring makasira sa maselang sandaling iyon.May kung anong mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.Samantala, si Bettina ay halos kagatin ang sarili niyang dila sa pagsisisi. Bakit niya nasabi iyon? Bakit hindi muna siya nag-isip bago nagsalita? Ramdam niya ang init sa pisngi at ang kaba sa dibdib habang pilit siyang naghahanap ng paraan para bawiin ang sinabi niya. Kailangan niya makahanap nang mas maayos na palusot, o kahit isang dahilan para takasan ang sarili niyang mga salita kanina.Ngunit bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang boses ni Evander. “It’s okay, Bettina.”Sandali siyang huminto, parang tinitimbang ang susunod na sasabihin, bago muling nagsalita. “Ayos lang tagala ako sa sofa. Matulog ka na.”Pag

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 054: Intimidated by His Presence

    NATAHIMIK na lamang si Evander habang nakaharap sa malawak na salaming bintana ng hotel. May nais pa sana siyang sabihin, ngunit naputol ang sandaling iyon nang marinig niya ang mahinang tunog ng pagbukas ng lock ng banyo.Agad siyang napalingon.Lumabas si Bettina mula sa banyo, suot ang simpleng cotton pajamas. Balot ng tuwalya ang basa pa niyang buhok, at may naiwan pang banayad na singaw ng init sa paligid dahil sa mainit na shower. Mapula ang kanyang mga pisngi, hindi lang dahil sa paligo, kundi dahil sa pagod at sa kakaibang katahimikang bumabalot sa silid.Nagtagpo ang mga mata nila.Sa sandaling iyon, tuluyang nalunok ni Evander ang mga salitang kanina pa nasa dulo ng dila niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at, sa malamig ngunit kontroladong tinig, sinabi sa kausap sa kabilang linya, “I’ll hang up now.” Hindi na niya hinintay ang tugon at agad niyang pinutol ang tawag.“Okay ka na?” tanong niya, pilit pinananatiling kalmado ang boses, na parang walang kakaibang nan

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 053: Don’t tell me it was Bettina?

    “I DON’T believe you, Attorney Hudson.”Bahagyang umiling si Bettina, halatang hindi kumbinsido dito. Ten years ago—ilang taon pa lang ba siya noon?At higit sa lahat, kaharap niya si Evander Hudson, ang nag-iisang tagapagmana ng Hudson Holdings Group. Isang lalaking sanay na hinahangaan, hinahabol, at pinapangarap ng napakaraming babae. Isang taong hindi kailanman kinailangang maghintay o maghabol ng pagmamahal.Paano mangyayari na may lihim siyang paghanga sa loob ng sampung taon?“Huwag na po kayong gumawa ng kuwento, Attorney Hudson,” sabi niya, pilit pinapanatiling magaan ang tono. “Parang imposible naman ’yon.”Marahang tumawa si Evander, walang pilit, walang depensa. Lumakad siya patungo sa sofa at naupo nang relaxed, saka bahagyang nagkibit-balikat. “If you don’t believe me, then forget it,” biro niya, parang wala lang.Sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Bettina. Hindi na niya pinatulan ang sinabi ng lalaki. Sa halip, tumalikod siy

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 052: Attorney Hudson is my new boyfriend

    DAHAN-DAHANG bumukas ang palad ni Elijah, nananatiling nakabitin sa ere ang kamay niya habang nakatitig siya sa singsing na mag-isang nakahandusay sa sahig. Para bang may mahigpit na kamay na pumipiga sa dibdib niya, unti-unting dinudurog ang bawat hininga hanggang sa halos hindi na siya makahinga sa sakit.“Bettina…” halos pakiusap ang boses niya habang kusang humahakbang palapit, “huwag naman ganito…”“Huwag ganito?” kalmadong tanong ni Bettina. “Elijah, tigilan mo na ’yang mga salitang ‘babawi ako’ at ‘magsimula ulit tayo.’ Dahil para sa’kin, wala na ’yang halaga. Mas pipiliin ko pang tumandang mag-isa kaysa bumalik sa’yo.” Sandali siyang tumigil bago tuluyang nagsalita, malinaw at mariin ang bawat salita.“Kaya itigil mo na. Wala ka nang babalikan.”Parang tinamaan ng kidlat si Elijah. Nabura ang huling bakas ng kontrol sa mukha niya habang nakatitig sa babaeng akala niya’y hinding-hindi siya iiwan. Hindi niya maintindihan—nagpakumbaba na siya, bumigay na siya, ginawa na niya ang

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 051: Let's Start Again

    DAHIL maliit lang ang mundo ng mga abogado, hindi nagtagal ay kumalat sa buong legal circle ang balitang posibleng magkaharap sa korte sina Bettina at Elijah. Parang apoy na tinapunan ng gasolina, mabilis itong umabot sa Castillo Law Firm, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Elijah.Nabigla ang lahat.Halos karamihan sa mga abogado roon ay personal na nirecruit at hinubog ni Bettina noong panahong kasama pa siya sa firm. Kilala nila siya bilang mahusay, diretso, at higit sa lahat, bilang lider na marunong tumayo para sa mga tao niya. Hindi siya boss na mataas ang tingin sa sarili dahil palagi siyang nasa tabi ng team, handang sumalo kapag may nagkamali, handang magtanggol kapag may inaapi.Kaya ngayong may posibilidad na mapasama sila sa kasong laban mismo kay Bettina, parang may kumurot sa dibdib ng bawat isa. Hindi nila mawari kung paano sila haharap sa ganoong sitwasyon.“Hindi ako makapaniwala,” mahinang bulong ng isang associate. “Kinasuhan talaga ni Attorney Bettina si Agatha

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 050: This Ends in Court

    SA VIP ROOM ay tahimik na nakaupo si Agatha, namumugto ang mga mata sa kakaiyak, habang nakatitig sa kanya si Elijah na may madilim at mabigat na ekspresyon. Hawak ng lalaki ang kopya ng reklamong iniwan ni Bettina, at sa lakas ng kapit ng kanyang mga daliri sa papel, halos mamutla na ang mga iyon, para bang doon niya ibinubuhos ang pagpipigil sa sarili.“Agatha,” mababa at malamig ang boses ni Elijah, walang kahit katiting na lambing, “huling tanong ko na ’to. Totoo ba ang paratang ni Bettina na nilagyan mo siya ng gamot?”Parang gumuho ang mundo ni Agatha sa sandaling iyon. Bigla siyang humagulgol nang mas malakas, tila ba hindi na niya kayang pigilan ang emosyon. “Elijah, pinagdududahan mo ba talaga ako?” umiiyak niyang sabi. “Hindi mo ba ako kilala? Siya ang naninira sa akin! Siya ang gumawa ng lahat ng ebidensyang ’yon para ipahamak ako!”Sa tabi, marahang hinawakan ni Edith ang kanyang dibdib at umubo nang mahina, halatang sinasadya ang pagpapakita ng panghihina. “Elijah…” mahin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status