ログイン“HELLO, Miss Bettina?” tanong ng katulong na may halong pag-aalala.
“Yes, speaking.”Dinig ni Bettina ang paghugot ng hininga ng katulong sa linya.“Hindi kasi namin ma-contact si Sir Elijah. Bigla po kasing nagkasakit ang mommy niya at dinala agad namin sa ospital. Pwede po ba kayong pumunta rito?”“Sige, papunta na ako.”Pagdating ni Bettina sa ospital, nadatnan niya si Regina na nakaupo sa hospital bed, kinakain ang orange na binabalatan ng katulong niya. Pagkapasok na pagkapasok ni Bettina sa loob at tila namutla si Regina sa galit at pagkainis. Kaagad niya itong sinermunan.“Bettina, ano bang nangyayari sa inyo ni Elijah? Hindi mo ba alam kung anong kahihiyang dinulot mo no’ng kinansela mo ang kasal? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Ha?”May kung anong malilit na butil ng pawis ang namuo sa noo ni Bettina. At nang makita niya ang lagay ni Regina, alam niyang hindi naman talaga ito nagkasakit, malamang nagalit lamang ito dahil sa nangyari.“I-I have my reason, Tita. H’wag na po kayong magalit,” kabadong wika ni Bettina.“Paano ako hindi magagalit? Sa ginawa mong ‘yan, malaki ang magiging epekto nito sa kompanya ng anak ko,” mariin na tugon ni Regina habang nakakunot ang noo. Mabilis na kumabog ang dibdib ni Bettina sa tonong narinig niya.“Matigas talaga ang ulo ni Elijah, hindi talaga ito nag-iisip. Pero… bakit hindi mo man lang siya pinigilan?”Humugot nang malalim na hininga si Bettina. “Kailangan niya umalis. Tumalon kasi si Agatha mula sa building noong oras na ikakasal na sana kami,” paliwanag niya.“Ano?!” halos mapasigaw si Regina sa gulat. “K-Kumusta naman si Agatha? Ayos lang ba siya?” nababahalang tanong nito.“Maayos naman po. Nadala kaagad ni Elijah sa ospital si Agatha.”Napahawak sa dibdib si Regina. “Halos mamatay ako sa kaba… buti na lang at maayos na ang lagay niya.”Nakahinga nang maluwag si Regina matapos na marinig ang buong kwento. Paulit-ulit niyang pinaalalahanan si Bettina na ayusin ang gusot na iyon, at siguraduhing hindi magiging abala iyon kay Elijah at ang kompanya.Pagkatapos ang nakakapagod na pangyayari ay dinaluyan ng antok si Regina. Ilang sandali pa ay nakatulog na ito.“Maraming salamat sa pagpunta mo rito, Miss Bettina. Kami na pong bahala rito at kailangan na rin na magpahinga si Madam Regina. Pwede na po kayong bumalik sa opisina niyo,” magalang na sabi ng katulong.Napatingin si Bettina kay Regina na mahimbing na natutulog sa kama, saka mahinang sinabi, “Pakiusap na h’wag mo na akong abalahin pa kung may problema si Tita—”Bago pa matapos ang sunod niyang sasabihin ay biglang nagsalita ang katulong. “H’wag po kayong magalit, Miss Bettina. Intindihin niyo na lang si Madam. Ganyan lang po talaga ang ugali niya. Matagal na niya kasing kilala si Miss Agatha, kaya natural lang na mag-aalala siya at kampihan ito. Pero totoo pong gusto talaga kayo ni Madam para kay Elijah…”Bahagyang napabuga ng hangin si Bettina na may halong mapait na pag ngiti. Kahit ang katulong, napapansin na gusto talaga ni Regina si Agatha.“Hindi ako galit, Manang Nelia. Ang totoo niyan, nakipaghiwalay na ako kay Elijah. Hindi ko na responsibilidad ang mga problema niya. Kung may mga kailangang asikasuhin, tawagan mo na lang si Elijah,” walang emosyong pagsagot ni Bettina.Binalewala ni Bettina ang gulat na mukha ng katulong saka siya tumalikod dito at lumabas ng kwarto. Ngunit nang iangat niya ang tingin niya sa daan, natigilan siya. Dahil tanaw niya sina Elijah at Agatha na nakatayo sa corridor. Nang magtagpo ang mga mata niya kay Elijah, nasilayan niya muli ang gwapo nitong mukha. At heto na naman siya… pakiramdam niya’y parang hinihila siyang bumigay, mahulog muli, at umasa.Nakakainis lang. Dahil alam niyang hindi na dapat.Kung hindi lang dahil sa mukhang iyon… hindi na sana siya nasaktan pa nang ganito. Parang tanga lang.Kung may award sa pagiging marupok, matagal na sana siyang Hall of Famer.
Kunot ang noo nang lapitan siya ni Elijah. “Bakit hindi mo pa inaasikaso ang gulong ginawa mo sa kasal? Hindi mo ba alam na ang daming tumatawag sa akin tungkol sa nangyari?”Napalitan ng kirot sa puso ni Bettina nang marinig iyon.
Totoo nga. Hindi talaga siya gusto ni Elijah. Kailangan lang siya para ayusin ang mga gulong kagagawan din naman nito. Habang pinagmamasdan ni Bettina ang lalaki, iniipon niya sa isip ang mga masasayang alaala. Ang mga bagay na akala niyang minahal siya nito. Bawat alaalang pinanghahawakan ni Bettina noon ang siyang nagdala sa mapait na kinahihinatnan niya. Ngayon, oras na para tapusin ito.“Pasensya na Bettina kung nasira ko ang kasal niyo ni Elijah kanina,” malungkot na sabi ni Agatha na alam niyang nagdadrama lang ito.Nakatayo lang sa gilid ito saka hinawakan ang braso ni Elijah at malambing na muling nagsalita, “Elijah, tingnan mo… nag-sorry na ako. H’wag ka nang magalit sa akin, please…”“Hmm,” wika ni Elijah sabay tango.Umaliwalas bigla ang mukha ni Agatha saka ito ngumiti. Sinulyapan niya si Bettina na may halong mapang-asar na tingin. Ngunit malamig na tingin ang binalik ni Bettina rito. Alam na alam niya ang galawan ni Agatha para makuha lamang ang atensyon ng nobyo niya.Noon, kaya pa niyang harapin si Agatha. Pero ngayon, mukhang wala na siyang lakas para awayin ito.“Kailangan ko pang bumalik sa kompany para iligpit ang mga gamit ko, kaya mauuna na ako,” ani Bettina saka siya nagsimulang lumakad.Nang madaanan niya si Elijah, biglang hinawakan nito ang pulso niya. Napalingon si Bettina sa ginawa nito.“I have something to say—”Naputol ang sunod na sasabihin ni Elijah nang biglang nanghina si Agatha at bumagsak sa mga braso nito. Agad namang kumilos si Elijah at sinalo niya ito. “Agatha, okay ka lang ba?” pag-aalalang tanong niya.“Nahihilo ako, Elijah… baka dahil ang tagal ko nang hindi nakakapag-blood transfusion…” mahina nitong sabi.Sa pagbanggit pa lang ng salitang iyon ay napakuyom ng kamay si Bettina.May Beta Thalassemia Major si Agatha, isang congenital blood disorder na kailangan ng regular na blood transfusion. At sobrang hirap na hanapin ang Rh-negative blood type nito.Nagkataon lang na pareho sila ng blood type.Noong bago pa lang niya nakilala si Elijah, pumayag siyang mag-donate ng dugo kay Agatha dahil akala niya pinsan ito. Ginawa niya iyon para mapasaya niya ang nobyo.Ang hindi niya alam, na childhood sweetheart pala ito ni Elijah noon. Saka niya lang nalaman kung kailan dalawang buwan na lang bago sila ikasal. At dalawang buwan na rin siyang hindi nakakapag-donate ng dugo.Bahagyang lumingon si Elijah dito. “Bettina, please be ready. Kailangan na ni Agatha ng blood transfusion mamaya.”Sa unang pagkakataon, mapait na tumawa nang malakas si Bettina sa harap ng mga ito. Napagtanto niyang hindi lang pala katulong ang hinahanap ni Elijah, pati rin pala blood bank na anytime pwede siyang gamitin ni Agatha.Nanliit ang mga mata ni Bettina habang humakbang siya palapit sa lalaki. “Paano kung sabihin kong ‘ayoko’?” matigas niyang sabi.Nanlaki ang mata ni Elijah at muling napakunot ng noo. “Delikado ang kondisyon ni Agatha ngayon, Bettina. Kung hindi mo siya mabibigyan ng blood transfusion ngayon, mamamatay siya.”Napangiwi si Bettina. “Then let her die,” mariin na sagot niya kay Elijah.Kasunod noon ay sinulyapan niya si Agatha. Mukhang mapipilitan siyang patulan ito.“Hindi ba’t iyan naman talaga ang gusto mo, Agatha? Ang magpakamatay? Limang taon mo nang ginagawa ‘yan, bakit hindi mo na lang ituloy? Para hindi ka na nanggugulo sa amin,” sarkastikong sabi niya.HINDI rin inaasahan ni Evander ang mga salitang binitiwan ni Bettina. Bahagya siyang napasinghap sa gulat na tila bang may biglang humigpit sa hangin sa pagitan nila. Hindi siya gumalaw agad. Hindi rin siya nagsalita. Para bang kahit isang maling kilos ay maaaring makasira sa maselang sandaling iyon.May kung anong mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.Samantala, si Bettina ay halos kagatin ang sarili niyang dila sa pagsisisi. Bakit niya nasabi iyon? Bakit hindi muna siya nag-isip bago nagsalita? Ramdam niya ang init sa pisngi at ang kaba sa dibdib habang pilit siyang naghahanap ng paraan para bawiin ang sinabi niya. Kailangan niya makahanap nang mas maayos na palusot, o kahit isang dahilan para takasan ang sarili niyang mga salita kanina.Ngunit bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang boses ni Evander. “It’s okay, Bettina.”Sandali siyang huminto, parang tinitimbang ang susunod na sasabihin, bago muling nagsalita. “Ayos lang tagala ako sa sofa. Matulog ka na.”Pag
NATAHIMIK na lamang si Evander habang nakaharap sa malawak na salaming bintana ng hotel. May nais pa sana siyang sabihin, ngunit naputol ang sandaling iyon nang marinig niya ang mahinang tunog ng pagbukas ng lock ng banyo.Agad siyang napalingon.Lumabas si Bettina mula sa banyo, suot ang simpleng cotton pajamas. Balot ng tuwalya ang basa pa niyang buhok, at may naiwan pang banayad na singaw ng init sa paligid dahil sa mainit na shower. Mapula ang kanyang mga pisngi, hindi lang dahil sa paligo, kundi dahil sa pagod at sa kakaibang katahimikang bumabalot sa silid.Nagtagpo ang mga mata nila.Sa sandaling iyon, tuluyang nalunok ni Evander ang mga salitang kanina pa nasa dulo ng dila niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at, sa malamig ngunit kontroladong tinig, sinabi sa kausap sa kabilang linya, “I’ll hang up now.” Hindi na niya hinintay ang tugon at agad niyang pinutol ang tawag.“Okay ka na?” tanong niya, pilit pinananatiling kalmado ang boses, na parang walang kakaibang nan
“I DON’T believe you, Attorney Hudson.”Bahagyang umiling si Bettina, halatang hindi kumbinsido dito. Ten years ago—ilang taon pa lang ba siya noon?At higit sa lahat, kaharap niya si Evander Hudson, ang nag-iisang tagapagmana ng Hudson Holdings Group. Isang lalaking sanay na hinahangaan, hinahabol, at pinapangarap ng napakaraming babae. Isang taong hindi kailanman kinailangang maghintay o maghabol ng pagmamahal.Paano mangyayari na may lihim siyang paghanga sa loob ng sampung taon?“Huwag na po kayong gumawa ng kuwento, Attorney Hudson,” sabi niya, pilit pinapanatiling magaan ang tono. “Parang imposible naman ’yon.”Marahang tumawa si Evander, walang pilit, walang depensa. Lumakad siya patungo sa sofa at naupo nang relaxed, saka bahagyang nagkibit-balikat. “If you don’t believe me, then forget it,” biro niya, parang wala lang.Sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Bettina. Hindi na niya pinatulan ang sinabi ng lalaki. Sa halip, tumalikod siy
DAHAN-DAHANG bumukas ang palad ni Elijah, nananatiling nakabitin sa ere ang kamay niya habang nakatitig siya sa singsing na mag-isang nakahandusay sa sahig. Para bang may mahigpit na kamay na pumipiga sa dibdib niya, unti-unting dinudurog ang bawat hininga hanggang sa halos hindi na siya makahinga sa sakit.“Bettina…” halos pakiusap ang boses niya habang kusang humahakbang palapit, “huwag naman ganito…”“Huwag ganito?” kalmadong tanong ni Bettina. “Elijah, tigilan mo na ’yang mga salitang ‘babawi ako’ at ‘magsimula ulit tayo.’ Dahil para sa’kin, wala na ’yang halaga. Mas pipiliin ko pang tumandang mag-isa kaysa bumalik sa’yo.” Sandali siyang tumigil bago tuluyang nagsalita, malinaw at mariin ang bawat salita.“Kaya itigil mo na. Wala ka nang babalikan.”Parang tinamaan ng kidlat si Elijah. Nabura ang huling bakas ng kontrol sa mukha niya habang nakatitig sa babaeng akala niya’y hinding-hindi siya iiwan. Hindi niya maintindihan—nagpakumbaba na siya, bumigay na siya, ginawa na niya ang
DAHIL maliit lang ang mundo ng mga abogado, hindi nagtagal ay kumalat sa buong legal circle ang balitang posibleng magkaharap sa korte sina Bettina at Elijah. Parang apoy na tinapunan ng gasolina, mabilis itong umabot sa Castillo Law Firm, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Elijah.Nabigla ang lahat.Halos karamihan sa mga abogado roon ay personal na nirecruit at hinubog ni Bettina noong panahong kasama pa siya sa firm. Kilala nila siya bilang mahusay, diretso, at higit sa lahat, bilang lider na marunong tumayo para sa mga tao niya. Hindi siya boss na mataas ang tingin sa sarili dahil palagi siyang nasa tabi ng team, handang sumalo kapag may nagkamali, handang magtanggol kapag may inaapi.Kaya ngayong may posibilidad na mapasama sila sa kasong laban mismo kay Bettina, parang may kumurot sa dibdib ng bawat isa. Hindi nila mawari kung paano sila haharap sa ganoong sitwasyon.“Hindi ako makapaniwala,” mahinang bulong ng isang associate. “Kinasuhan talaga ni Attorney Bettina si Agatha
SA VIP ROOM ay tahimik na nakaupo si Agatha, namumugto ang mga mata sa kakaiyak, habang nakatitig sa kanya si Elijah na may madilim at mabigat na ekspresyon. Hawak ng lalaki ang kopya ng reklamong iniwan ni Bettina, at sa lakas ng kapit ng kanyang mga daliri sa papel, halos mamutla na ang mga iyon, para bang doon niya ibinubuhos ang pagpipigil sa sarili.“Agatha,” mababa at malamig ang boses ni Elijah, walang kahit katiting na lambing, “huling tanong ko na ’to. Totoo ba ang paratang ni Bettina na nilagyan mo siya ng gamot?”Parang gumuho ang mundo ni Agatha sa sandaling iyon. Bigla siyang humagulgol nang mas malakas, tila ba hindi na niya kayang pigilan ang emosyon. “Elijah, pinagdududahan mo ba talaga ako?” umiiyak niyang sabi. “Hindi mo ba ako kilala? Siya ang naninira sa akin! Siya ang gumawa ng lahat ng ebidensyang ’yon para ipahamak ako!”Sa tabi, marahang hinawakan ni Edith ang kanyang dibdib at umubo nang mahina, halatang sinasadya ang pagpapakita ng panghihina. “Elijah…” mahin







