Share

Chapter 12: Baby

Author: Yassieebells
last update Last Updated: 2025-07-09 21:14:34
Alona's POV

"Enjoying the view, huh?"

Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na n*******d. Argh!

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko!

"Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?"

Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko.

"Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Irine Macasinag
thank you sa update <3
goodnovel comment avatar
Irine Macasinag
may pgseselosan na ba c alona ms author?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 12: Baby

    Alona's POV "Enjoying the view, huh?" Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na n*******d. Argh! Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko! "Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?" Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko. "Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 11: Takot

    Alona's POV "Ipis! May ipisssss!"Pagkakita ni Kenneth sa akin na iniluwa ng pintuan ng kwarto ay patakbo itong yumakap sa akin na parang batang bubwit. Halos matumba ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Akala mo hinahabol siya ni Kamatayan sa sobrang takot nito."Aray! Ano ba! Bitaw ka nga. Aray!" Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap sa akin dahil nasasakal ako. Hinahampas-hampas ko pa siya para kumawala sa akin pero wala 'yon epekto sa kanya."Cy, may ipis, patayin mo baka kainin niya ako. Cyyyyy!" Pagsusumbong niya sa akin at tinawag niya ako sa nickaname ko na siya ang nakaisip non. Imbes na kiligin sa pagtawag niya sa nickname ko ay mas kumulo ako sa galit. Sa inis ko at takot na baka magising si Cleo na mahimbing na natutulog sa loob ay kinurot ko ang beywang niya. Mas mabilis pa sa kabayo ang pagkalas niya ng yakap sa akin kasabay noon ang maluto niyang pagmura."Aray! Ang sakit. Tang---""Ang OA mo!" Singh

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 10: Sign

    Kenneth’s POV“She’s on her way, Attorney. Be ready. Just do everything to make her stop.” Ibinaba ko ang telepono ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko. Nakatuon ang pansin ko kay Alona na abalang pumapara ng traysikel sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa bintana ng kanyang bahay. Ngiting-aso ang pinakawalan ko dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.Noong mawala na si Alona sa paningin ko ay napatingin ako kay Cleo na abalang naglalaro sa may playmat. Ni wala siyang pakealam na lumayas ang kanyang magaling na Ninang. Ganyan nga, huwag kang magkapake sa babaeng ‘yon.Linapitan ko siya upang subukan na lasunin ang utak niya. Kung hindi ko pa kaya sa Ninang, doon muna tayo sa inaanak. Mapipilitan siguro na makisama si Alona sa akin kapag alam niyang mas gusto ako o mas close si Cleo sa akin. Tama.Pumantay ako ng upo sa kanya saka mahina na kinalabit siya. Tinapunan naman niya ako ng tingin. “Cleo, ‘di ba mas favorite mo si Ninong kaysa kay Ninang?”Tatlong segundo muna sig

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 9: Rules

    Alona's POV"Sasalang ka ba sa board exam at nagkalat ang pa seepel sa dingding ng bahay?"Paglabas ni Kenneth mula sa kwarto ay napansin na niya 'yong mga sandamakmak na papel na nagkalat sa dingding na idinikit ko. Habang abala kanina siya na pinapatulog si Cleo, kinuha ko naman ang pagkakatao na 'yon para simulan ang plano ko. Tignan natin kung hindi pa kumaripas ng takbo pauwi ng bahay nila ang mokong na 'to."Obviously, hindi." Nakakrus na usal ko. "Marunong ka naman sigurong magbasa, 'no? Nakapag-aral ka naman siguro kaya wala kang rason para hindi maintindihan ang mga nilagay ko diyan." Pinanood ko siya habang isa-isang binabasa ang mga dinikit kong papel sa dingding. Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang mga pinaglalagay ko nang sa ganoon ay magtagumpay ako sa plano kong palayasin siya. Hindi ako makakapayag na magtagal ang mokong na 'to sa bahay ko."Ano 'to?" Tanong niya habang nakaduro sa mga dinikit kong papel sa dingding."'Yan ang gusto mo, 'di ba? RULES!" Pagdidiin ko p

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)    Chapter 8: Dark plan

    CHAPTER 8: Dark Plan"I don't think that's a good idea, Kenneth." Mababasa sa mukha ni Rhaiven ang takot at pag-aalala matapos kong ipaalam sa kanya ang plano ko.Napahinto ako sa pagsasaayos sa maletang dadalhin ko sa bahay ni Mahana. Nakapagdecide na ako na doon tumira para mabilis ko silang mapaamo ni Cleo. Wala naman akong nakikitang ibang paraan kundi ang mapalapit sa kanilang dalawa. Mas mapapadali kong makuha ang lahat kapag hawak ko sila."Pre, nagiging praktikal lang ako." Sagot ko. Napakunot-noo siya. Naroon siya sa upuan malapit sa study table ko. "Anong praktikal? Saan ang praktikal doon, Kenneth? You're going to used them para lang sa kagustuhan mo. At hindi ka ba natatakot na baka mas lalong magalit si Alona sa'yo?"Naupo ako sa dulo ng kama at hinarap siya. "This is for Cleo's and the company's future. Walang iba na makakapag patakbo ng maayos sa negosyo na 'yon kundi ako lang."Napailing-iling siya. "Kenneth, just think the consequences you'll going to face incas

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 7: Housemate

    ALONA'S POV "Aalis ka o sisipain kita?" Para akong tigreng galit na galit habang nakapameywang na nakaharap kay Kenneth na naroon sa sofa, nakadekwatrong nakaupo matapos ayusin ang kanyang mga maleta sa gilid. "O." Pilyong sagot nito kaya lalong umusok ang ilong ko sa galit. Tuwang-tuwa naman siya sa itsura ko kaysa matakot sa akin. Palibhasa gustong-gusto niya na inaasar ako noon pa man. "Anak ng....tumayo ka nga dyan at iuwi mo 'yang mga gamit mo." Singhal ko rito, humakbang ako palapit sa pwesto ni Kenneth. Taas-kilay ko itong tinitigan na sinamahan ko ng pagkrus ng braso sa dibdib ko. "Bingi ka ba? Dito na nga 'ko titira para incase hanapin ako ni Cleo ay hindi ko na kailangan byumahe pa ng malayo. Tsaka, ayaw mo ba na nandito ako?" "At nagtanong ka pa talaga. Psh!" Pagsusungit ko. "Aguy! Hindi naman ako magpapasaway dito e. Titira ako dito para matulungan kita sa pag-aalaga dyan kay Cleo." Depensa niya saka ngumiti pa ng ngiting-aso. Inirapan ko siya at hindi ko magawang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status