Share

Coincidentally Fated
Coincidentally Fated
Author: Aila tan

Chapter 1

"Hmmm... " malungkot na napanguso si Ezrah nang marinig ang mga katagang binitawan ng kanyang nobyo na Si enzo.

Batid naman niyang parte na iyon ng routine nilang dalawa at inaasahan na rin niyang mangyari iyon pero Hindi Pa rin maalis sa kanya ang malungkot sa tuwing mag papaalam ito.

"Baby Please don't make this hard on me than it already is... Alam Mo naman nahihirapan ako kapag nalulungkot ka ng ganyan eh," malambing namang tugon ng nobyo sa kanya habang hinihimas nito ng kanyang hinlalaki ang baba niya.

Mapait namang napangiti si ezrah at napabuntong hininga pagkatapos ay napayoko.

"I know... I'm sorry,"tugon niya habang nilalaro ang mga kuko, "pero kailangan mo ba talagang lumayo kapag nag tatrabaho ka?" Nakasimangot na tanong niya sa lalaki.

"Alam mo namang delikado ang trabaho ko Hindi Ba? ayoko Lang na mapahamak ka," buong suyong sambit nito na mas lalo niyang ikinabuntong hininga ng malakas.

"Yun na nga eh!" Bahagyang nagtaas ang boses niya na tila may bahid ng pagkainis, "alam Kong delikado ang trabaho mo kaya nga ako nag aalala! bakit ba kasi sa dinami rami ng trabahong pwede mong piliin ay yung may kinalaman Pa talaga sa mga kriminal ang pinili mo?!" Naiinis na hinampas niya sa dibdib ang nobyo kasabay ng marahang pag hikbi.

Bahagya namang natawa si enzo sa inasal ng kanyang nobya.

Hindi maikakaila na labis ang pagmamahal at Pag aalala nito sa kanya.

Sa ganitong pagkakataon ay Hindi rin niya maiwasan na pagsisihan ng kaunti ang propesyong napili niya.

Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang abogado kagaya ng kanyang ama...Ngunit kalakip nun ay ang panganib na laging nakaabang.

Bilang isang lawyer ay wala siyang magagawa kundi ang makipagsalamuha sa iba't ibang klase ng Tao, kriminal man o Hindi!

Yan ang dahilan para laging mag alala ang kanya kapareha.

"At nagagawa mo Pa talagang tumawa?!" Singhal ng nobya sa kanya ng marinig ang marahang pag tawa niya.

"Sorry..." Muli siyang tumawa habang buong pag mamahal na nakatingin ng diretso kay ezrah, "Wag ka nang mag alala... Hindi naman ganun kadelikado, it's not like I'm a policeman na kailangan makipagbarilan diba? Tsaka Mag iingat naman ako," pangangatwiran niya ngunit hindi Pa rin kumbinsido si ezrah.

Matalim ang tingin na pinukol nito sa kanya at histerikal na umiyak.

"Mag iingat?! Hindi delikado?! Mga kriminal ang kalaban mo! And being a lawyer is just as dangerous as being a policeman! Don't give me that crap enzo! Paano kung isang araw balikan kana lang ng mga kriminal na ipinakulong mo?! Paano kung mapahamak ka?! Paano kung mawala ka sakin?! Pa--" mabilis na niyakap ni enzo ang nobya para pakalmahin ito.

Naiintindihan niya kung anong pinanggagalingan ng babae lalo pa't alam nito na isang malaking tao ang kalaban niya... Isang kilalang kriminal na hindi mahuli huli dahil sa lakas ng koneksyon nito.

Kung magagawa Lang niya na tanggihan ang kasong ito ay ginawa na niya para Lang hindi mag alala ang kanyang nobya.

Pero kung tatakbo naman siya paano naman ang batas?

Paano naman makukuha ng pamilya ng mga biktima ang hustisyang inaasahan nila?

"Shhh...Shh..." Mahigpit na niyakap niya ang nobya at hinagod ang likod nito para kumalma, "Wag kang mag isip ng ganyan, I'll be fine I promise! And you know what?" Marahang kumalas siya ng yakap sa nobya at inangat ang tingin nito sa kanya.

"What?"

"Kapag natapos ko nang ipanalo ang kasong ito...i'll resign! Tapos pwede na tayong lumipat sa probinsya ninyo, mag sasaka nalang tayong dalawa roon kagaya Ng pangarap mo at itutuloy na natin ang kasal nating matagal na nating pangarap...how's that huh?" Natigil bigla sa pag iyak si ezrah at puno ng pag tatanong ang mga matang tumingin sa nobyo.

Tila hinihinuha niya kung nag bibiro ba ito o may katotohanan sa sinasabi nito.

"A-are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya ngunit malapad na ngumiti ang lalaki at mabilis na tumango bilang pag sang-ayon.

"Yes! Dead serious!" Puno ng determinasyong sagot ng lalaki dahilan para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ni ezrah.

Bahagyang nabawasan ang pangambang nararamdaman niya.

"You promise? gagawin mo yun para sakin?" Paniniguro ni ezrah habang pinipigil ang pag ngiti.

"I promise baby!" Sagot nito sabay hila sa kanya palapit upang ikulong sa mahigpit na yakap at siliin ng matamis na halik pero mabilis na humiwalay si ezrah at nag tatanong ang mga matang tumingin sa nobyo.

"But...you love you job! Ayokong isuko mo ang pangarap mo at mga bagay na gusto mong gawin nang dahil sa Akin! Oo nga at gusto Kong kasama ka araw araw pero hindi ko naman gustong itigil mo ang buhay mo at umikot nalang ang mundo mo sakin!" Muling siyang napanguso at napayoko sa isiping isusuko ng nobyo niya ang lahat para sa kanya.

"Hey listen... Yes I love my job but I love you more than anything! At anong masama kung sayo lang iikot ang mundo ko? Ikaw naman talaga ang pangarap ko eh, natupad ko na ang halos lahat ng pangarap ko, may ipon na tayo at secure na ang future natin kahit hindi na tayo mag trabaho... Ikaw nalang ang kulang, ang pakasalan ka nalang ang huling pangarap na hindi ko Pa natutupad," muli nitong hinaplos ang pisngi ng babae, "And as I said earlier, mag riresign ako pagkatapos ng kasong ito, magpapakasal tayo at mag bubukid at doon mag kakaron ng maraming anak! No more buts! That's final," buong pag mamahal at diterminadong litanya ng nobyo bago siya muling siilin ng halik na ngayon ay hindi na niya tinanggihan.

EZRAH

Walang pag aalinlangang tinugon ko ng mainit na halik ang mapag anyayang labi ng kasintahan Kong si enzo,hindi ako ganun kakumbinsido sa gusto niyang gawin pero hindi ko rin maitatangging gusto ko rin ang plano niya.

Enzo and I have been engaged for a long time at tanging mga trabaho na lamang namin ang pumipigil sa amin na mag pakasal... Well mainly trabaho niya Lang.

You see, enzo is a lawyer and mind you, one of the best!

Isa yan sa dahilan kung bakit kadalasan ay malalaking tao ang kumukuha sa kanya.

Parte ng trabaho niya ang magtanggol o lumaban sa mga suspected criminal dahilan para maging delikado para sa kanya ang trabaho niya Kaya naman hindi maalis sa Akin ang palagiang mag alala.

Hindi ko alam kung totoo bang mag riresign na siya pag katapos ng isang ito pero umaasa rin akong tutuparin niya.

Hindi ko kayang mabuhay palagi sa pag aalala na baka hindi na siya makauwi sa Akin.

Hindi ko kayang mamuhay na parati nalang akong nangangamba sa lahat ng bagay.

I can't have that!

No one deserves to live like you always need to look over your shoulder worrying about the danger that you and your family may or may not encounter.

I want a peaceful life.

A life where enzo and our future children are far from any danger.

Kasi sino ba naman ang gugustuhin na mamuhay sa magulong paligid hindi ba?

"Hey! You okay?" Yugyog sa Akin ni enzo nang Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kawalan dahil sa malalim na pag iisip.

"Huh? Oh yeah I'm fine! Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko para klaruhin ang sinabi niya kaninang hindi ko naintindihan.

"Sabi ko ihahatid na kita," pag uulit nito na mabilis ko namang sinang ayunan.

"Oh okay, let's go!" Maikling sagot ko naman at tipid na ngumiti.

Nag simula na siyang mag maneho ng tumingin sya sa gawi ko.

"Come on... Umidlip ka muna ng kaunti habang wala Pa tayo sa bahay, I know you're tired," bahagyang tinapik tapik niya ang hita niya gamit ang isang kamay para imuwestrang doon muna ako mag pahinga.

Malayo layo Pa ang byahe namin kaya naman sumunod nalang ako sa sinabi niya..

"And stop worrying already," sambit muli niya nang mapansin niya ang pananahimik ko.

Isang matipid na ngiti Lang ang itinugon ko sa kanya bago ko ipinikit ang Mata ko.

He's right...I really am tired, dahil ilang minuto lamang matapos akong humilig sa hita ni enzo ay nakaidlip na agad ako.

Naalimpungatan nalang ako sa kalagitnaan ng byahe namin ng marahas na tapakan ni enzo ang break ng sasakyan dahilan para mauntog ako sa biglaang pag preno niya!

"Oh shit! You okay?" Tanong niya ng makabawi sa pag kabigla.

"Aw! It's okay... Anong nangyari?" Tanong ko habang pupungas pungas pa dahil sa antok.

"I don't know... I bumped into this car...nag over take siya at bigla nalang himunto sa harap natin," sagot niya na pinapahid ang kaunting dugo na nakuha niya ng mauntog rin siya sa manibela.

"You're bleeding!" Nag aalalang sambit ko sa kanya ngunit tila wala Lang iyon sa kanya.

"I'm okay baby... Just wait here okay? Titignan ko Lang kung walang ibang nasaktan," paalam niya sa akin bago siya bumaba ng kotse para tinignan ang sasakyan sa unahan namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit tila ginapangan ako ng kakaibang takot sa katawan nang lumabas siya ng sasakyan.

Mabilis na iwinaksi ko ang ganoong pakiramdam habang pinipilit kong pakinggan ang sinasabi ni enzo sa driver ng isa pang sasakyan.

Tila may kung ano silang pinagtatalunan kaya naman bumaba na rin ako para sana alamin ang nangyayari at awatin ang tila nanunuong tensyon sa pagitan nila,ngunit ganun na lamang ang takot ko nang makita Kong galit na lumabas ang dalawang lalaking may hawak na baril!

Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng itutok nila iyon kay enzo na ngayon ay nakataas ang kamay tanda ng pag suko.

"Boss said This is for sticking out your neck into something that you shouldn't have!'" Yan lamang ang mga katagang binitawan ng isang lalaki bago umalingawngaw ang hindi ko mabilang na putok ng baril na walang mintis na tumama lahat sa katawan ni enzo!

Pakiramdam ko ay namingi ang tenga ko dahil sa tanging matining na ingay lamang ang naririnig kong pumapailanlang sa kailaliman ng gabi habang tila ba bumagal ang takbo ng lahat.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig kasabay ng hindi normal na pag tibok ng puso ko habang pinapanood Kong dahan dahang humandusay sa kalsada ang katawan ng lalaking pinakamamahal ko!

Isang mapait na ngiti ang nakaukit sa labi niya habang nangungusap ang mga Mata niyang nakatingin sa gawi ko.

Ngayon ko Lang nalaman na maaari pa Lang mag kaaroon ng tinig ang isang tingin... Tinig na nagsasabi sa aking tumakbo ako ng mabilis palayo sa panganib.

Tinig ni enzo na tila nag mamakaawang iwanan ko na siya at iligtas ko ang sarili ko!

"NOOOOO!!!!!" Yan ang tanging namutawi sa labi ko dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga lalaking pumatay kay enzo.

"Habulin mo! We can't afford any witnesses!" Utos ng isang lalaki sa kasama niya na mabilis namang tumalima.

Mabigat ang loob ko na iwanan ang wala nang Malay na si enzo pero dahil sa sobrang takot ay mabilis rin akong kumaripas ng takbo.

Dinig ko ang nakakapangilabot na boses ng dalawang lalaking naghahanap sa akin habang walang tigil ang pag takbo ko sa hindi ko makitang daanan.

The surrounding was pitch dark but my feet don't seem to mind it!

Tila may sarili itong isip dahil tuloy tuloy Lang ito sa pag takbo at hindi alintana ang mga sugat na nakukuha ko sa bawat matatalas na sanga na natatapakan ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong tumatakbo dahil nang madapa ako sa hindi ko na mabilang na pag kakataon ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa kalagitnaan ng gubat.

Isang madilim at masukal na gubat na tila ba sumisigaw na dito na ang magiging kamatayan ko!

Gustuhin ko man ay hindi ko magawang sumigaw ng tulong dahil sa takot na baka marinig ako ng mga taong humahabol sa Akin.

Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito ngunit nangingibabaw roon at lungkot at takot.

Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang imahe ng walang buhay na si enzo bago ako tuluyang nawalan ng Malay!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status