Share

Chapter 2

Author: Aila tan
last update Last Updated: 2024-01-30 17:58:30

FEW MONTHS LATER

"Ezrah iha! Akin na nga iyan! Sinabi ko naman sayo na tawagin mo nalang ako kung may kailangan kang gawin hindi ba? Para Ako na ang gagawa para sayo," bahagyang napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni mang Nolan na bigla nalang lumitaw sa kung saan.

Kasalukuyan akong nag wawalis sa malawak na bakuran ng bahay ko...Or should I say bahay namin ni enzo.

"Ayos Lang ho mang Nolan. Gusto ko rin ng may ginagawa ako, Sa ganitong paraan kasi naiiwasan ko ang mag isip ng sobra," malungkot na tugon ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pag wawalis ng mga tuyong dahon patungo sa kumpol ng iba pang mga kalat na kanina ko Pa nawalis.

"Hmm! Maiwasan mag isip ng sobra? Kaya ba ganun nalang ang gulat mo ng marinig ako?" Pag kontra niya sa sinabi ko.

Bata Pa Lang ako ay kasama ko na Si mang Nolan kaya naman kilalang kilala na niya ako.

alam Kong alam niya na nag sisinungaling ako nang sabihin Kong hindi ako nag iisip ng sobra, dahil ang totoo ay malalim ang iniisip ko kaya ako nagulat at hindi siya namalayan.

"Akin na Yan, ako na ang magtutuloy," pag agaw niya sa walis na hawak ko kaya wala akong nagawa kundi ang ipaubaya nalang ito sa kanya at maupo na lamang sa kahoy na upuan habang pinanonood siyang ipagpatuloy ang pag lilinis.

Hapon na at ilang sandali nalang ay mag didilim nanaman, bagay na dumadagdag sa bigat ng nararamdaman ko.

Sa tuwing didilim kasi ay wala akong ibang maramdaman kundi ang labis na pighati at kalungkutan.

Ang dilim na bumabalot sa paligid at ang katahimikan na imbes mag bigay sa Akin ng panatag na pakiramdam ay mas lalo lang naghahatid ng takot sa Akin.

Ilang buwan na ang lumipas pero sariwa pa rin sa Akin ang gabing iyon.

Ang gabing nagpabago ng takbo ng buhay ko.

Ang gabing akala ko ay katapusan na ng buhay ko!

Nang gabing iyon ay maswerte akong nakaligtas... Bakit at paano?

Well that's a story for another day.

Basta ilang linggo matapos ang insidenteng iyon ay wala akong nagawa kundi ang umuwi rito sa probinsya kung saan may iniwan sa aking malawak na farm ang yumao Kong mga magulang.

Ang farm na sana ay magiging tahanan namin ni enzo.

Tahanan kung saan sana kami gagawa ng maraming alala, pero lahat ng iyon ay bigla nalang nag laho sa isang gabi lamang!

Simula nang gabing iyon ay hindi ko man Lang nakita ang bangkay niya... Ni hindi ko magawang dumalo sa libing niya para makapagpaalam man Lang sa huling pagkakataon.

Sinubukan kong bumisita noon sa lamay niya ngunit naroon nagmamasid ang mga taong pumatay sa kanya na marahil ay nag aabang sa'kin kaya naman napilitan akong lumayo nalang.

Nabalitaan ko nalang na hanggang ngayon ay iniimbestigahan Pa ang pag kamatay niya.

Kinailangan Kong lumayo kahit na labag sa kalooban ko dahil alam kong hanggang ngayon ay pinag hahanap pa rin ako ng mga taong iyon!

"Ezrah!"

"Ahh!" Gulat na napatayo ako mula sa pag kakaupo ng yugyugin ni mang Nolan ang balikat ko.

Hindi ko namalayan na halos madilim na pala ang paligid at natapos na rin niya ang nililinis ko kanina.

"Pasensya na kung nagulat kita," pag hingi niya ng paumanhin kahit wala naman talaga siyang kasalanan.

Simula kasi ng gabing iyon ay hindi Pa rin ako napapanatag.

Pakiramdam ko ay palagi nalang may nakamasid at nakaambang panganib sa Akin.

Kaunting kaluskos Lang ay ikinagugulat ko na.

Isa ito sa mga bagay na ikinatatakot ko noon... ang mamuhay na palaging may kinatatakutan.

I am the victim but it sure feels like I am the criminal!

A fugitive on the run!

Bakit kailangang ako ang mag tago habang malayang nakapamumuhay ang masasamang loob na gumawa ng masama?!

This is so unfair!

"Ayos lang ho mang Nolan,Wala naman kayong kasalanan," tipid na ngumiti ako sa kanya habang sinasabayan siya na mag lakad papasok sa bahay.

"Alam Kong mahirap para sayo ang pinagdadaanan mo ngayon at hindi mo deserve ang mamuhay sa takot,kaya Kung kailangan mo ng kausap alam mong nandito lang ako diba?" Puno ng awa ang mga tingin niya sa akin at hindi maiwasang kumawala nanaman ang mga luhang pilit kong sinusupil!

This is ridiculous!

I hate this kind of feeling!

The feeling of being helpless and pitied for!

"Alam ko ho mang Nolan... Salamat po, pero hindi pa ako handang mag kwento ngayon," magalang na sagot ko sa kanya sabay pahid ng luha sa pisngi ko.

Gustuhin ko mang mag open up sa iba tungkol sa nangyari at sa nararamdaman ko ay hindi ko magawa.

Sa tuwing ibubuka ko kasi ang bibig ko at akmang ikukwento ko ang nangyari ay para akong nabibilaukan!

Walang tinig na gustong lumabas sa bibig ko.

Sa tuwing maaalala ko ang nangyari ay nahihirapan akong huminga.

Na tila ba pinipiga ng paulit ulit ang puso ko!

Kaya paano ko naman magagawang ikwento ang lahat?

Kahit na gusto Kong kalimutan nalang lahat ay hindi ko magawa!

Hanggang ngayon ay sariwang sariwa Pa rin sa Akin ang lahat!

Ang mga putok ng baril na tila ba nag islow motion habang isa isang bumabaon sa katawan ni enzo... maging boses ng dalawang lalaki na gumawa nun sa kanya!

Ang nakakatakot na mukha nila habang hinahabol nila ako at pinagbabantaan ang buhay!

Everything is still clear in my mind!

Even the sound of my ragged breath as I run in the midddle of nowhere.

The feeling of being so afraid to die while sharp objects are piercing through my feet but I can't helped but to continue to run for my life!

Lahat nang iyon ay bumabalik sa tuwing susubukan kong ikwento!

"Sigurado ka bang ayos ka lang na mag isa?" Paninigurong tanong ni mang Nolan nang nag pasya na siyang umuwi dahil nga gabi na.

Sa araw lang narito si mang Nolan para tapusin ang mga trabaho sa farm... At dahil nga hindi ako maaaring lumabas ng lumabas ay siya na rin ang bumibili ng mga kailangan ko sa bayan.

Si mang Nolan ang care taker dito simula Pa man noon... Siya ang katiwala ng mga magulang ko at siya na rin lang ang nag iisang pamilya na meron ako bukod kay enzo.

Nang mawala ang mga magulang ko ay kay mang Nolan na naiwan ang pag aalaga ng lahat sa farm lalo na ang trabaho dito dahil may sarili buhay rin ako sa syudad.

Hindi naman kalayuan dito ang bahay niya pero alam kong nag aalala lang siya para sa kaligtasan ko.

Nakakatakot na mag isa pero mas gusto ko na iyon kesa makaabala pa ng iba.

"Mang Nolan... Ilang buwan na ho ninyo akong araw araw tinatanong ng ganyan sa tuwing uuwi kayo," bahagya akong natawa.

It was a force laugh but I make it sound so real.

"Pasensya na, hindi kasi ako komportable na lagi ka nalang mag isa...Alam ko kung paano ka mag luksa at ayokong maulit nanaman ang dati, " napabuntong hininga siya sa pag aalala.

Alam kong tinitukoy niya ay ang panahong namatay ang mga magulang ko at halos gumuho ang mundo ko.

Saksi kasi siya kung gaano iyon kahirap para sa Akin.

"I'll be fine mang Nolan, go home and be with your family," tipid na ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"oh siya kung gayon mauna na ako... Tumawag ka kapag may kailangan ka maliwanag?" tila napipilitan niyang sabi sa Akin.

Tumango naman ako sa kanya kaya bagsak balikat nalang na tumalikod siya.

Nang makaalis na siya ay malalim akong bumuntong hinga at isinara ang pinto bago ako tumuloy sa sala at ibinagsak ang katawan ko sa mahabang sofa.

"ugh! Shit!" D***g ko nang makalimutan Kong gawa nga pala sa kahoy ang sofang iyon.

Naiinis na hinihimas ko ang tumama kong balakang nang marinig ko ang mabigat na katok sa pinto dahilan para mag karerahan nanaman ang kung ano sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba!

Saglit akong napako sa kinatatayuan ko at nakiramdam sa paligid.

Hindi Pa ako nag sisindi ng ilaw kaya naman napakatahimik at madilim na ang paligid.

Agad akong napalundag nang muli akong makarinig ng isa pang katok ngunit sa pagkakataong ito ay may boses na iyong kasabay.

Isang mahina at tila nahihirapang boses.

"Tulong...!" aning boses.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit takot na takot ako ay hindi ko magawang hindi balewalain ang boses na iyon dahil namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat na ng pintuan at dahan dahan na binubuksan iyon.

Nag lalaban man sa utak ko kung bubuksan ko ba iyon o hindi pero tila may sarili isip ang kamay ko dahil ngayon ay bukas na iyon.

Isang sugatan at nanghihinang lalaki ang nakaharang doon!

Ang isang kamay niya ay nakatukod sa hamba ng pinto bilang suporta at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa dibdib niyang duguan.

Ang puso ko na sobrang kaba kanina ay mas lalo pang nadagdagan ng sipatin ko ang kabuuan niya!

Halos pikit ang Mata niya sa sobrang pamamaga at marami rin siyang tinamong sugat sa mukha.

Ang buong katawan niya ay nababalot ng dugo na animoy ipinaligo niya iyon.

"P-pakiusap tulungan m-mo ak-ko..." Hirap na usal niya habang tila hinahabol ang hininga.

Dumako naman ang tingin ko sa dibdib na hawak niya at kita ko roon ang tatlong tila tama ng bala ng baril dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko!

Muli nanamang bumalik sa akin ang alaala ng gabing iyon.

Pakiramdam ko may kung anong tumarak sa dibdib ko dahilan para mag sikip ang pag hinga ko.

Nasapo ko rin ang dibdib kong naninikip at bahagyang napaatras dahil sa takot.

I won't help this man!

Siguradong sangkot siya sa kung anong masama and I can't be around this kind of people especially after what happened to my fiance!

Nag hahabol pa rin ako ng hininga nang nag angat siya ng tingin sa Akin... Mga tingin na tila ba nag susumamo pero hindi ako matitinag!

Akmang isasara ko na sana ang pintuan nang bigla nalang siyang humandusay sa harap ko.

"Dyos ko po! Anong nangyari?!" Boses ni mang nolan na nagpabalik sa Akin sa ulirat!

Mabilis na binuhat niya ang walang Malay na lalaki habang ako ay hindi Pa rin magawang mag salita.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni mang Nolan sa akin at mabilis na wala sa sarili naman akong tumango.

"Sino ang taong ito?" Tanong uli niya sa Akin habang iniakbay niya ang lalaki sa balikat niya.

"H-hindi ko po alam! basta Nalang siyang lumitaw... Ilayo na ninyo ang taong iyan dito!" Utos ko kay mang Nolan ngunit tinignan lang niya ako na tila hindi makapaniwala.

"Pero mamamatay ang taong ito kapag Hindi natin siya tinulungan!" Katwiran ni mang Nolan dahilan para mapaisip ako.

Siguradong may hindi magandang dala ang taong ito pero hindi ko naman nga siya pwedeng hayaan nalang na mamatay!

"Fine! Let's get him inside," napipilitang pagpayag ko.

Mabilis namang kumilos si mang Nolan habang inaalalayan ko siya na dalhin ang lalaki sa isang bakanteng kwarto.

Malayo ang hospital dito at siguradong hindi aabot ang taong ito roon... Mabuti nalang at may medical background si mang Nolan kahit papaano.

Assistant veterinarian dati si mang Nolan bago siya nag pasya na iwanan ang propesyon para tulungan nalang si dad sa farm at kahit pa hayop ang ginagamot niya noon kahit papaano ay nagawa parin niyang gamutin ang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat bigat ng loob ko na pinapanood siyang gamutin ang lalaki!

hindi ko maalis sa isip ko na sana ay nag karoon din ng ganitong pagkakataon si enzo... Sana ay may tumulong rin sa kanya noon!

Pero wala!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Coincidentally Fated   EPILOGUE

    "Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay h******n ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila m

  • Coincidentally Fated   Chapter 62

    "Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong

  • Coincidentally Fated   Chapter 61

    "Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy

  • Coincidentally Fated   Chapter 60

    "Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily

  • Coincidentally Fated   Chapter 59

    SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa

  • Coincidentally Fated   Chapter 58

    "This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status