Share

Chapter 3

Author: Aila tan
last update Last Updated: 2024-01-30 18:53:55

"Mang Nolan, hindi ba mas maganda ho atang dinala nalang ninyo ang taong iyan sa hospital, kapag namatay yan sa atin problema pa natin ang taong iyan!" naiiling na sabi ko kay mang Nolan habang magkaharap kaming nag kakape sa mesa habang parehong nakatanaw sa hindi kilalang lalaki sa kwarto.

Masyado na akong maraming problema at iniisip para dumagdag pa ang lalaking iyan at mag paalaga!

I don't even know him!

Ilang araw na siyang nandito at walang malay, at hindi ko alam kung magigising Pa ba siya o hindi na.

At kung hindi na nga siya magising ay paniguradong magiging problema pa namin siya!

Maging si mang Nolan ay ilang araw na ring hindi umuuwi para lang samahan akong bantayan ang taong ito.

Masyado nang nagiging abala sa ibang tao ang lalaking ito!

"Sa kalagayan niya ngayon paniguradong hindi kakayanin ng katawan niya ang bumiyahe palabas rito, mas malaki pa ang tsansa na mabuhay siya rito, at isa pa stable naman ang kondisyon niya kaya huwag kang masyadong mag alala," sagot ni mang Nolan sa akin sabay higop ng mainit na kape.

He's right... Baku-bako ang daan palabas ng farm at isa pa napakalayo ng hospital mula rito kaya baka mas lalo lang kaming mahirapan na dalhin siya roon.

Pero hindi naman ako nag aalala para sa kanya! ayoko lang na madamay na kung ano mang kamalasan ang kasunod niya.

"Hmmp!" Buntong hininga ko dahilan para sipatin ako ng tingin ni mang Nolan na puno ng pag tatanong.

Nakataas ang isang kilay niya at marahil ay iniisip niya kung bakit aligaga akong maalis na sa puder namin ang lalaki.

"Isa pa, delikado kung dadalhin natin siya sa syudad... tadtad ng bala ng baril ang katawan niya at malamang ay may nagtangkang pumatay sa taong ito kaya baka pinaghahanap siya ng mga taong gumawa nito... Tiyak na sa hospital siya unang hahanapin kung nakatakas lang siya," nag aalalang litanya ni mang Nolan na mas ikinakunot ng noo ko.

"That's exactly what I was thinking!" Mariing sabi ko na pinipigil ang pag taas ng boses, "nag aalala akong baka sangkot sa kung anong masama ang taong iyan! Paano nga kung balikan siya ng mga taong gumawa niyan?! Paano kung pati tayo madamay? Paano kung pati ikaw masaktan?! I don't want to be associated with his kind anymore! Not after what happened with Enzo!" hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko at bahagya nang nagtaas ang tinig ko.

Mang Nolan is right... tadtad ng bala ng baril ang lalaki and it's gonna raise some questions kapag dinala namin siya sa labas... mga tanong na hindi namin masasagot dahil wala kaming alam sa kanya! but what am I suppose to do? ampunin nalang siya?

Bakas ko ang magkahalong pag aalala at pagkadismaya sa mukha ni mang Nolan... I know I sounded like a bitch saying those words but can you blame me?

Kung ang lalaking iyan ay nakagawa ng masama paniguradong susundan siya ng kung ano mang kinasangkutan niya at ayoko nang may madamay ulit na ibang tao!

hindi ko na kayang makasaksi ng panibagong karahasan gayong hindi ko pa nga magawang kalimutan ang nangyari at ibalik sa ayos ang buhay ko!

"And what exactly is his kind?!" Balik ni mang Nolan na nag patanga sa akin.

Medyo nabigla ako maging sa paraan ng pagsasalita niya.

Napaawang ng kaunti ang bibig ko dahil medyo nag taas siya ng boses... hindi ko akalaing nagagawa pa niyang itanong ang ganyan!

nakalimutan na ba niya ang nangyari kay Enzo?!

Pareho na kaming nakatayo ngayon at tila may namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Criminals!" Mabilis na bulalas ko bilang sagot ko sa tanong niya.

He just answered me with a wry laugh, "you're so quick to judge aren't you?! Alam kong mahirap sayo ang nangyari kay Enzo pero hindi lahat ng taong may kinalaman o sangkot sa baril ay masamang tao! Paano kung biktima lang din siya kagaya ng nobyo mo? paano kung katulad ni Enzo ay may naiwan rin siyang kagaya mo rin? You disappoint me Ezrah! Nag bago kana! masyado ka nang nag papabulag sa galit at sama ng loob na nararamdaman mo! hindi na ikaw ang batang pinalaki ko!" He said strongly with a hint of disgust in his voice and I'm hurt!

Nasaktan ako ng kaunti sa sinabi niya kaya sandali akong natahimik at napaisip.

Maybe he's right... Maybe my judgment is just clouded because of what happened that night.

Baka nga ako lang itong nag iisip ng masama sa mga tao sa paligid ko.

Tama si mang Nolan... Paano nga kung isa rin lang pala siyang biktima?

Paano kung kagaya ni Enzo ay nadamay lang siya at napag initan ng masasamang loob?

Pero paano ako mag titiwala?

Saan ba ako dapat maniwala?

Sabi niya masyado akong nag papabulag sa galit, but what am I suppose to do?!

What am I supposed to feel?

Mali bang makaramdam ako ng galit?

Mali bang nakakaramdam ako ng sama ng loob matapos ng nangyari sa akin?

Even if it's bitchy of me to act this way, isn't it justified?

Wala ba akong karapatan sa ganitong pakiramdam?

"Pero paano kung hindi?!" Balik na tanong ko kay mang Nolan nang paalis na sana siya, "paano kung hindi siya ang biktima? Paano kung masamang tao pala siya? Ibig bang sabihin tumulong tayo sa masamang tao? Tumulong tayo sa taong kagaya ng pumatay kay Enzo?! And you make it sound like I was the bad guy! mali ho bang ganito ang maramdam ko ngayon? at kung mali ito, tell me! ano bang dapat kong maramdaman?!" Puno ng sama ng loob na tanong ko sa kanya.

Halos mabulunan ako ng sarili kong mga salita dahil sa hirap ng pag hinga.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak nanaman... Pero nasaktan ako.

Nasasaktan ako sa mga sinabi niya at sa paraan ng pag tingin niya sa akin!

kung tignan kasi niya ako ay para akong kasuklam-suklam na tao!

He of all people should understand me!

Nasasaktan ako na hindi ko magawang mag tiwala sa ibang tao.

I didn't even know the guy pero hinusgahan ko na agad siya.

"Ikaw na bata ka," tanging usal ni mang Nolan at muling humarap at lumapit sa akin.

Marahil ay naiintindihan naman niya ang nararamdaman ko dahil walang ano anong niyakap niya ako at hinagod ng marahan ang aking likuran.

"You used to be a trusting person... Naintindihan ko kung bakit nagdududa ka sa taong iyan, but will you just give him the benefit of the doubt? Masama man siya o hindi ang mahalaga ay tumulong ka sa taong nangangailangan... Tsaka pwede naman natin siyang tanungin oras na magising siya hindi ba?" Kumalas siya ng yakap sa akin at pinahid ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko.

"I supposed so... I'm sorry mang Nolan," muli akong napayoko at napasinghot, "natatakot lang kasi ako!I saw Enzo got shot and I left him there to die... Perhaps I was just scared that this guy might turn out to be a bad person, at ayoko rin na mawala kayo sa akin at madamay dito, you're all I have left. "

There I said it!

Ang bagay na kinatatakutan ko.

Ang mag tiwala ulit at nawalan nanaman ng taong mahal ko.

I've dealt with lots of losses already... Ayoko nang madagdagan iyon.

Ayoko nang may mawala nanaman!

Hindi ko na kaya!

"Shhh... Wag ka nang mag isip ng kung ano ano, walang masasaktan okay? Pangako iyan, at pasensya rin sa mga nasabi ko, Valid ang nararamdaman mo at hindi ko dapat sinabi yun saiyo," pinaupo niya ako uli sa inuupuan ko kanina at muling hinagod ang likod ko para kumalma.

He wasn't very good at giving reassurance, but I believed him.

Mang Nolan is like a father to me at alam kong hindi siya mag sisinungaling sa akin.

Kung sinabi niya na magiging okay ang lahat ay mag titiwala ako sa kanya.

But doesn't mean na mag titiwala na rin ako sa lalaking ito!

I guess matatanggap ko ngayon na mag pagaling siya dito but that's it!

Sa oras na magising siya ay kailangan na niyang umalis!

Biktima man siya o hindi ay ayoko nang magkaroon ng kaugnayan sa magugulong tao! I'm done with violence!

I just wanna live in peace! Drown myself in my sorrow and maybe die with it someday!

Saglit na nanatili si mang Nolan sa tabi ko para sabayan akong mag almusal bago siya nag paalam na uuwi saglit para kumuha ng pamalit niya at para narin makita ang pamilya niya...ilang araw na rin kasi siyang pasilip silip lang sa bahay nila.

"Mabilis lang ako, tawagan mo ako kung magkaproblema okay?" Paalala  niya sa akin habang sinasara ang mababang kahoy na tarangkahan.

"Sige ho, mag ingat kayo," tugon ko at mabilis naman siyang nag maneho paalis.

Malalim na bumuntong hinga ako bago muling pumasok sa bahay at nag tungo sa silid kung nasaan ang estrangherong lalaki.

Tahimik na sumandal ako sa may parteng pintuan at matamang pinagmasdan siya.

"Who are you really?" usal ko kahit alam kong hindi naman niya ako tutugunin.

Hanggang ngayon ay puno pa rin ng pag aalala at alinlangan sa isip ko.

Hindi pa rin maalis sa akin ang mag isip kung saan ba siya nanggaling at ano bang nangyari sa kanya.

Sa tuwing titignan ko kasi siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang takot... Ngunit sa kabila ng takot ng iyon ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kakaiba sa kanya.

Pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

I don't know if it's pity or anger, or fear.

His presence is making me feel so vulnerable... The same feeling I felt that night... The night that Enzo died.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Coincidentally Fated   EPILOGUE

    "Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay h******n ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila m

  • Coincidentally Fated   Chapter 62

    "Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong

  • Coincidentally Fated   Chapter 61

    "Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy

  • Coincidentally Fated   Chapter 60

    "Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily

  • Coincidentally Fated   Chapter 59

    SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa

  • Coincidentally Fated   Chapter 58

    "This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status