Share

4: Dom's Identity

CHAPTER FOUR

In an island situated somewhere in the seas between the Islands of Mindanao and Visayas, lies a small mountain covered with coconut trees and green vegetations.

From a distance, a white winding line can be seen going around the mountain to its top. It's a concrete road that served as the only access to the huge and luxurious Villa sitting at the top of the mountain.

Ang Villa na ito, na pag-aari ng taong siya ring nagmamay-ari ng buong isla na si Don Celestino, ay napapaligiran ng sementadong pader na nilagyan ng live wires sa tuktok dahilan upang kahit na hindi gaano kataas ang pader na ito ay siguradong walang makakapasok sa kaniyang malawak na bakuran kung hindi dadaan sa malaking gate sa harapan.

Sa magkabilang dulo ng gate naman ng Villa ay makikita ang dalawang matataas na guard house na nagsilbing watch tower. Sa itaas ng bawat guard house na nito ay nakapwesto ang dalawang lalaki na maya't mayang nakatingin sa buong paligid.

Isa rin sa kapansin-pansin sa mga guard house na ito ang dalawang fully loaded 60 caliber machine guns.

Dahil sa mahigpit ng seguridad ng Villa, ay wala talagang nangahas na pumasok o lumapit dito. Kahit ang mga bisita rito ay kailangan pang tumawag sa mga tao sa loob ng Villa bago sila makakalapit. At bago pa sila makapasok sa loob ay dadaan muna sila sa strict inspection ng mga bantay sa gate.

With these strict process, it is obvious that the person living inside the Villa is someone very important.

And it's true, because Don Celestino is one of the most influential person especially in the underground community.

Dahil sino ba si Don Celestino?

Siya lang naman ang Don na may hawak ng Assassin's Guild ng Dark Web.

The Assassin's Guild is not just some lowly organization of unknown assassins, dahil lahat nang membro ng organisasyong ito ay ang mga pinakamagaling na mga assassins at hitman ng bansa.

Lahat nang mga assassins na nakukuha ng mga Mafia Boss bilang mercenaries ay galing sa Assassin's Guild.

Kaya naman sa sandaling ito, matapos makatanggap ng tawag mula sa kaniyang dalawang kliyente, na walang iba kung hindi sina Don Antonio ng Romano Mafia at si Don Ronilo ang Head Council ng Council of Dons, ay kaagad na tinawagan ni Don Celestino ang mga Assassins nahiniling ng kaniyang mga kliyente.

Surprisingly, his clients has the same target. And it is none other than the Boss of the rising Mafia called the Lion Mob.

Walang ideya si Don Celestino kung sino ang Mafia Boss na ito, ngunit dahil nakuha nito ang atensyon ng Council of Dons at ni Don Antonio, alam niyang bilang na lamang ang araw ng taong ito.

Matapos mabigyan ng kani-kanilang misyon ang mga Assassins na kinontrata ng kaniyang mga kliyente ay kampanteng umupo si Don Celestino sa kaniyang malambot na upuan habang nakatingin sa magandang dalampasigan ng isla na makikita mula sa bintana ng kaniyang Villa.

Hindi ugali ng Don ang basta na lamang magpadala ng kaniyang mga Assassins sa isang misyon nang hindi pa niya napag-aralan ang kabuoan ng detalye nito. Ngunit matapos marinig na ang ipapatumba ng kaniyang mga kliyente ay isang baguhang Mafia Boss lang ay hindi na siya nag-abalang alamin ang background ng taong ito. Lalo pa at ang ang top assassin pa talaga niya ang kinuha ni Don Antonio.

Kaya ngayon, kahit kakabigay palang niya ng misyon ay naghihintay na siya sa resulta nito. Dahil kampante siyang magtatagumpay mga assassins na kaniyang inutusan.

At least that's what he believes.

Not until five hours later, when his phone rung.

"Don Celestino, we failed.. The man our clients wants us to kill was actually the Doomed!" Parang nanginginig sa takot na wika ng lalaking tumawag sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito.

"What?!" Don Celestino exclaimed, his hands were trembling. Not because he's angry, but because he's nervous when he heard the name.

"We're really doomed.." Pabulong niyang sabi at muntikan pang mabitiwan ang cellphone na hawak dahil sa pawis na lumalabas sa kaniyang palad.

'Why is he in Mindanao? Why in all places he chose to stay there?' Naguluhang tanong niya sa isip habang tumutulo ang malamig sa pawis sa kaniyang noo.

....

....

Five hours earlier, in Dom's Hideout, previously one of the late Mario's safe houses.

It was huge two story house built in the outskirts of San Diego City.

Napapalibutan ito ng matataas na pader dahilan upang hindi makikita ng kahit na sino ang kung anong nasa loob nito maliban nalang sa rooftop ng bahay.

Kaya naman, nang huminto ang sasakyan ni Mr. Valdez sa tapat ng malaking gate ng bahay ito, ay ingat na ingat ang anim lalaking lulan ng isa pang sasakyang nakahinto sa malayo habang matiim na nakatingin sa malaking gate.

Nakagilid ang sasakyan ng mga ito sa daan at nakatago sa lilim ng malalaking puno ng mahogany kung kaya't hindi ito madaling makita ng kung sino mang bubukas ng gate.

Sa kabilang daku naman ng lugar, sa isang mataas na gusaling nakatayo sa tuktok ng isang burol, makikita ang isang lalaking may dalang malaking shoulder bag na itim na paakyat sa ikatlong palapag nito.

Isa itong tourism building ng lungsod na hindi pa tapos dahil sa kakulangan ng pundo ng Gobyerno ng San Diego.

Ngunit kahit na hindi pa ito tapos, ay marami nang mga taong pumapasyal rito, at kadalasan dito ay mga mag-jowa.

Maliban kasi sa tahimik ang lugar, mataas din ang pwesto nito kaya makikita mula rito ang buong view ng lungsod. At makikita rin mula rito ang bahay ni Dom, kaya ito ang napiling pwesto ng lalaki.

Papalubog na ang araw ng mga oras na ito, kaya naman marami ang mga taong nasa rooftop ng gusali dahil paborito nilang tingnan ang magandang sunset sa kanlurang bahagi ng lungsod. Ngunit nang maglabas ng baril ang lalaking may dalang malaking bag, ay singbilis pa ng alas kwatrong umalis ang mga tao sa rooftop.

Ilang saglit lang ay naging tahimik na ang buong gusali dahilan upang kampante nang pumuwesto ang lalaki sa banta kung saan kitang kita ang bahay ni Dom.

Inilapag niya sa sahig ang dalang bag at nilabas ang laman nito. Mga parte ito ng isang mahabang kalibre ng baril, na nang matapos niyang ma-assemble ay lumantad ang kabuoan nito. Isang high powered sniper rifle.

Gamit ang malaking scope ng baril, sinilip niya ang kasalukuyang nangyayari sa bahay.

Ngunit napakunot ang kaniyang noo nang mapansing walang tao rito maliban nalang sa isang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang maid na naglalakad patungo sa gate ng bahay.

Sa labas naman ng gate ay makikita si Mr. Valdez na naghihintay na pagbukas nito.

"Something is wrong.." Bulong ng lalaki sa kaniyang sarili at tiningna ang paligid ng malaking bahay gamit ang telescope ng kaniyang baril.

Ngunit wala talaga siyang makikitang tao sa paligid. Dahil salamin ang ilang parte ng dingding ng bahay, kitang kita niya ang kung ano ang nasa loob nito. At base sa nakikita niya, walang palatandaang may tao sa loob ng bahay.

Maya-maya lang, matapos mabuksan ang gate ay pinapasok na ng maid si Mr. Valdez. Dahil dito, maingat na sinusundan ng lalaki ng tingin si Mr. Valdez habang naglalakad ito papasok ng bahay. Ngunit sa halip na pumasok sa loob ay umupo lang si Mr. Valdez sa isa sa mga upuang nasa balcony ng safe house.

Pumasok naman ang maid sa loob at pagkaraan lang ng ilang minuto ay may dalawang lalaking lumabas sa main door ng bahay. Kasunod ng dalawang ito ang isang lalaking nakasuot ng muscle sleeveless shirt dahilan upang kita ang napakaraming tattoo sa braso at balikat nito.

Matangkad ang lalaki, siguro nasa 6'0 o 6'1 ang height nito. Maganda ang built ng malaman nitong katawan dahilan upang napakatikas nitong tingnan.

Maluwang ang ngiti nito nang makita si Mr. Valdez, samantalang halata naman sa mukha ng huli ang inis sa kaharap.

Base sa larawang ibinigay sa kaniya, nalaman agad ng lalaki na ito ang kaniyang target - ang Boss ng Lion Mob na si Dominic Filipe.

Huminga ng malalim ang lalaki at dahan-dahang itinapat ang cross sign ng telescope sight ng kaniyang baril sa ulo ng kaniyang target habang dahan-dahang gumalaw ang kaniyang hintuturo upang kalabitin ang gatilyo nito.

Ngunit bigla siyang napahinto sa ginagawa nang tumingin sa banda niya si Dom sabay taas ng kamay nito at itinutok sa kaniyang direksyon na para bang binabaril siya. Para naman siyang na-estatuwa nang kumindat pa ito.

Isa lang ang ibig sabihin nito, alam ng kaniyang target ang kaniyang pwesto. At inaasahan na nito na may magtatangka sa buhay nito.

"As one of the top hitman of the Assassin's Guild, you're too predictable."

Bago pa nakalabit ng lalaki ang gatilyo ng kaniyang sniper rifle, ay ginulat na siya ng isang malamig na boses sa kaniyang likuran.

Mabilis naman siyang gumulong sa gilid sabay bunot ng kaniyang baril. Ngunit kung mabilis ang kaniyang biglaang paggalaw, mas mabilis pala ang reaksyon ng lalaking nasa kaniyang likuran.

Kaya naman nang itinutok niya ang kaniyang baril sa pinanggalingan ng boses nito ay nawala na roon ang kalaban. Sa halip ay nasa gilid niya na ito at habang may hawak ding baril na ngayon ay nakatutok na sa gilid ng kaniyang ulo.

"Shit.." Ito na lamang ang tanging nasabi niya nang marinig ang mahinang tawa ng lalaki sa kaniyang gilid. At nang kunin nito ang kaniyang baril ay wala na siyang nagawa kung hindi ang ibigay na lamang ito.

"Dom would be disappointed again." Sabi pa nito sabay luklok ng baril sa tagiliran.

Gano'n nalang ang pagtataka ng hitman nang mapansin ang ginawa ng lalaki. Kadalasan sa mga ganitong sitwasyon ay papaputokan na agad siya nito, ngunit hindi nito ginawa iyon. Sa halip ay bahagya pa itong lumayo sa kaniya.

Kaya dahan-dahan niya itong nilingon.

"K-Kris?!" Gulay na gulat na bulalas ng hitman nang makilala ang lalaking akala niya ay kalaban.

"Akala ko hindi mo na ako makikilala. It's been a long time, Frank." Nakangiting sabi ni Kris habang nilapitan ang kaniyang sniper rifle. "Nice toy." Sabi pa nito habang hinihimas ang mataas at malaking baril.

"Kris.. How come you're here? Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhan pa ring tanong ni Frank.

For him, everything doesn't make sense. Kris has disappeared two years ago right after the death of Salvatore "The Mafia King" Rossi. As the best assassin of Salvatore, it was expected that he will retire after his Boss' death.

But now, he's in front of him.

Kaya naguguluhan siya. Ayaw niyang isiping nagta-trabaho ito sa Lion Mob, dahil walang Mafia ang makaka-afford sa isang Kris "The Kingshand" Wade. Ni hindi nga ito na afford ng Assassin's Guild sa kabila ng yaman nila.

Kaya imposibleng magta-trabaho ito sa isang pipitsuging Gang na nagpapaka Mafia.

Pero ano'ng ginagawa nito rito kung gan'on?

"Ano'ng ginagawa ko rito?" Patawang ulit nito sa tanong niya. "Hindi pa ba halata?" Dagdag pa nito habang tinitigan siya na dahan-dahang tumatayo.

"I'm clueless.." He answered spreaking his arms looking like he's really clueless of what was going on. At ito naman talaga ang totoo.

"Well, I am the right-hand-man of the person that you're about to shoot using this toy." Nakangiting tugon nito habang hinawakan na ang baril. Dumapa ito sa sahig at tumingin sa telescope sight ng sniper rifle.

Bang!

Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla nitong ipinutok ang malaking baril.

"Ahh. That guy.. Why did he have to kill them all leaving me with only one?" Reklamo ni Kris habang nakasilip parin sa telescope sight ng sniper.

"W-what are you doing?" Seryosong tanong niya rito habang tinitigan ang direksyon kung saan nakatutok ang baril na ipinutok nito.

"Killing the other assassins that's about to shot my Boss." Kalmado namang tugon ni Kris habang tumatayo matapos makitang wala nang natitirang kalaban dahil naubos na.

"Y-your B-Boss?" Kinabahang tanong niya rito.

"Yes, my Boss na siyang target ninyo." Seryosong tugon nito habang nilibot sa buong paligid ang mga mata. "Kung hindi lang kita kaibigan, baka wala ka na rin." Sabi nito at tinapik siya sa balikat. "Nagkamali kayo ng tinarget, Frank. The Lion Mob's Boss was the right-hand-man of the Mafia King also known as the Doomed." Patuloy pa nito.

Ngunit nang marinig niya ang titulong the "The Doomed" ay bigla siyang pinagpapawisan.

"Shit.." Nanghihinang bulong nito at napaupo sa sahig.

The Doomed.

Ito ang titulo ng kanang kamay ng Mafia King. Kilala bilang isang notorious killer na walang sinasanto kung pumatay. Bagama't nasa loob lang ng kulungan, ay nagagawa nitong pumatay ng kahit na sinong gusto ipapatay ni Salvatore sa loob.

May sabi-sabi ring kaya nitong pumatay ng tao sa loob lang ng isang segundo gamit lang ang sariling kamay, walang patalim o aparatong ginagamit.

Ngunit ang pinakakilalang sabi-sabi tungkol sa taong ito ay ang bali-balitang may nangyaring riot sa loob ng bilangguan, dalampong inmates laban sa isa lang daw ang labanan, ngunit sa bandang huli, napatay pa ng isang tao ito ang dalampong kalaban nito. At ang taong 'yon ay walang iba kung hindi ang kanang kamay ni Salvatore.

Dahil sa dami ng napatay ng taong ito, na kadalasan ay mga kalaban ng Mafia King ay sinabing hindi na ito makakalabas pa ng kulungan. Kaya ito tinawag na "The Doomed".

Walang nakakaalam sa tunay na pangalan nito dahilan upang tanging titulo lamang nito ang kilala sa buong underground community ng bansa.

Kaya naman nang marinig ni Frank na ito pala ang Boss ni Kris ay biglang nanghina ang kaniyang tuhod dahilan upang mapaupo siya.

They're doomed for offending that man.

Wala naman sana silang dapat katakutan sa taong ito. Ngunit nang malaman niyang ito na ang Boss ni Kris, alam na agad niyang ito na ngayon ang pumalit sa trono ng Mafia King.

Tinaguriang mabait na Boss si Salvatore, madaling magpatawad at minsan ay maawain. Hindi natural na killer, kaya nga ito may mga assasins na katulad ni Kris. Ngunit sa pamumuno nito, lahat nang mga Mafia o organisasyong babangga sa kanila ay may kalalagyan talaga.

Kung napakalakas na at kinatatakutan ang Mafia na pinamumunuan ni Salvatore noon, gaano na pa kaya ngayong hawak na ito ng isang taong katulad ng "The Doomed"?

Ngayong isang cold blooded killer ang pumalit sa trono ng hari, siguradong mamamatay ang lahat nang babangga rito.

Whoever offends this Boss will be doomed.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status