CHAPTER FIVE
"Mr. Valdez! What a pleasure to have you here.." Nakangiting bati ni Dom sa kasalukuyang CEO ng Mindanao Summit Corporation pagkalabas niya ng kaniyang bahay."Quit being smug and kneel in front of me. Your life is now hanging in a thread. So if I were you, I'd return those shares that you've forcefully taken from our investors, before I am still nice." Seryoso at matigas na wika ni Mr. Valdez sa kaniya habang tinitigan siya ng matalim."Oh. So you're acting brave now.. Is it because of the sniper positioned over there?" Tugon naman niya rito sabay turo sa direksyon kung saan naroon ang gusali ng city tourism na hindi pa napatapos ng Gobyerno.Nag-finger gun pa siya at kumindat sa direksyon ng gusali dahilan upang pagpawisan si Mr. Valdez.Pssp.Pssp.Pssp.At hindi pa rito natapos ang sopresa. Dahil bigla pang bumunot ng baril si Dom at mabilis na pinutukan ang mga lalaking papasok na sana ng gate mula sa labas.Kung walang silencer ang kaniyang baril, siguro ay inatake na ng sakit sa puso si Mr. Valdez dahil sa mga putok niyon.Ngunit hindi pa rito nagtapos ang lahat dahil mahinahon pang naglakad si Dom patungong gate habang patuloy na pinagbabaril ang mga lalaking nasa labas.Ito ang mga lalaking sakay ng sasakyang nakasunod kay Mr. Valdez kanina.Walang ka kaba-kabang naglalakad si Dom habang patuloy ang pagkalabit ng gatilyo ng kaniyang dalang baril. At dahil nasa labas lang ng gate ang mga kalaban, hindi na siya nahihirapang pagbabarilin ang mga ito dahil wala naman na silang ibang matatagauan maliban nalang sa sasakyan ni Mr. Valdez.Bang!Sa kalagitnaan ng pamamaril ni Dom sa mga lalaking nasa labas, isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw dahilan upang biglang napalingon si Dom sa direksyon kung saan ito nanggaling."Hah! Drop dead you idiot!" Malakas na sigaw ni Mr. Valdez habang nagliwanag ang mukhang tumayo sa kinauupuang timber settee. Maluwang ang ngisi nitong naglakad palapit kay Dom sa pag-aakalang ito na ang tinamaan ng malakas na putok na iyon."It seems that my right-hand man has taken care of the sniper that you've brought to take me down." Nakangisi namang tugon ni Dom sabay baril sa wala nang buhay na mga katawan ng kalalakihang nakahandusay sa labas ng gate na bahagya pang nakabukas."W-what the fvck!" Namumutlang sambit ni Mr. Valdez nang makitang wala man lang tama si Dom kahit na daplis, at sa halip ay nakahandusay na sa unahan ang anim na katawan ng kalalakihang nakasunod sa kaniya kanina nang pumunta siya rito."H-how did this happen?!" Takot na takot at naguguluhang sabi ni Mr. Valdez habang unti-unting napaluhod sa sementadong pathway ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ni Dom."We've already expected this to happen. Honestly, I am disappointed. I expected more bloodshed to think that these hitmen were from the Assassin's Guild.." Tugon naman ni Dom habang naglakad palapit sa nakaluhod nang si Mr. Valdez. "What a shame, those guys died so fast when I was just warming up." Dadag niya pa sabay hawak ng mahigpit sa kwelyo nito nang makalapit na siya rito. Pagkatapos ay pakaladkad niya itong hinila pabalik ng balcony ng bahay.........Kamapanteng nakaupo si Dom sa paborito niyang upuan sa Balcony ng bahay habang sa kaniyang harapan naman ay nakaluhod si Mr. Valdez.Gusot-gusot at may mga butas na ang suot nitong damit at may mga malalaking pasa rin sa mukha nito, putok ang mga labi at dumudugo ang ilong, halatang katatapos lang na bugbugin."Don Celestino, we failed.. The man our clients wants us to kill was actually the Doomed!" Wika ni Frank, ang hitman na mula sa Assassin's Guild na kinontrata ni Don Antonio - ang Don na may hawak kay Mr. Valdez.Bagama't wala itong anumang pasa sa katawan, ay para naman itong maamong tupa sa gilid. Nanginginig ito sa takot habang nakaupo sa timber settee sa balcony ng bahay katabi ni Dom. Sa kaniyang likuran nakatayo si Kris na pangiti-ngiti lang.Kasalukuyan nitong kinakausap si Don Celestino, ang underground Don na may hawak ng Assassin's Guild. Halos lahat nang hitman sa underground community at Dark Web ay sa kaniya galing, dahilan upang lumaki ang kapangyarihan nito.Ngunit katulad ng ibang malalaking tao sa Dark Web at Underground Community ng bansa, kilalang kilala nila ang pangalang "The Doomed". Kaya naman inaasahan na ni Kris na tinubuan na ng takot ang amo ni Frank matapos nitong marinig ang sinabi ng huli.Nobody wants to mess with the Doomed. But now, they just send one of their assassins to kill him.Kaya paanong hindi sila matatakot nito? The Doomed is a ruthless killer. He's like a tiger that would bite anyone who'll step on his tail. And they did not just step on his tail, they tried to kill him.So what would they think the Doomed would do?"I am sorry, Boss. Napaka-istupido ko. Napakagago ko upang banggain kayo. Patawad po. Sana bigyan niyo pa ako ng pagkakataon.." Pagmamakaawa ni Mr. Valdez kay Dom habang nakahulod pa rin sa harapan ng huli.Kung gaano ka arogante at kalaki ang kompyansa ni Mr. Valdez sa sarili kanina nang pumasok siya sa bahay ni Dom, ay gano'n din kalaki ang pagbabago ng kaniyang ugali matapos makitang hindi sila nagtagumpay sa pagpatay sa kanilang target.Walang ideya si Mr. Valdez kung sino ba talaga si Dom, ngunit base sa naging reaksyon ng best hitman ng Assassin's Guild, siguradong hindi ito basta isang Boss lang ng maliit na Mafia na katulad ni Mario "The Bulldog".Kaya wala siyang ibang magagawa ngayon kung hindi ang magmakaawa upang maisalba lang ang sariling buhay."Look at you. You were so confident and smug when you came here earlier. But now, your character seemed to have shifted 360 degrees." Patawa namang sabi ni Dom habang nakahalukipkip na nakasandal sa kaniyang kinauupuan."Unfortunately, my limit of acting nice towards scums like you is only once. So? Basically, you have you chance, and you wasted it." Dagdag niya pa sabay bunot ng kaniyang baril at itinutok ito sa noo ni Mr. Valdez."Boss! P-please.. maawa kayo.. gagawin ko ang lahat wag mo lang akong patayin. Maawa--"Bang!Hindi na natapos ni Mr. Valdez ang kaniyang pagmamakaawa dahil tuluyan nang kinalabit ni Dom ang gatilyo ng baril dahil upang dumandusay sa sahig ang wala nang buhay na katawan ng una.Basag ang bungo nito at timalsik pa sa kamay ni Dom ang malapot nitong dugo. Ewan kung dugo ba talaga iyon o utak.Habang mahinahong nakatingin sa patay na katawan ni Mr. Valdez ang lahat, ay pinagpapawisan naman ng malamig si Frank dahil sa nangyari.Isa siyang hitman at ilang ulit na siyang kumitil ng buhay ng tao. Ngunit ngayon palang siya nakakita ng taong pumapatay ng tao habang nakatitig sa mga mata nito.'The Doomed is really a cold blooded killer.' Nanginginig pa rin sa takot na bulong nito sa sarili."Frank, right?" Wika naman ni Dom dahilan upang mas lalo pang namutla sa takot ang best hitman ng Assassin's Guild."Y-yes, Boss." Nauutal namang tugon nito habang nakayuko pa rin."Since Kris knew you, I am not going to kill you here. But you have to do something for me." Sabi ni Dom sabay tapik sa balikat ni Frank. "Dispose the body of this idiot and the others outside, make sure to make it look like an accident." Dagdag niya pa."Yes Boss! Yes Boss!" Tuwang-tuwa namang tugon ni Frank na nagliliwanag ang mukha. Pakiramdam niya, nakaligtas siya kay kamatayan sa mga oras na ito.........Kinabukasan, ginulat ang buong lungsod ng San Diego ng isang balitang namatay si Mr. Valdez, ang CEO ng Mindanao Summit Corporation matapos "aksidenting" nahulog sa bangin ang sasakyan na kinalulunanan nito.Lasug-lasug ang katawan nito at ng anim na mga lalaking kasama at halos hindi na ito makikilala.Lumabas din sa imbistigasyon na nawalan ng kontrol ang driver ng kotse matapos nitong iwasan ang isang malaking truck na nakasalubong dahilan upang mahulog ito sa bangin.Napangiti naman si Dom nang mapanood sa telebisyon ang balitang ito."Good job!" Puri niya kay Frank na ngayon ay nakatayo na sa tabi niya.Matapos nitong magawa ang inutos niya kahapon, ay tinawagan na rin ni Kris si Don Celestino at sinabi nitong hindi na gaganti si Dom sa Assassin's Guild kung ibibigay nila si Frank sa Lion Mob Mafia na agad namang sinang-ayunan ng Don.Nagpasalamat pa nga ito at walang ginawang aksyon laban sa kanila si Dom. Kaya naman nang marinig nito ang tanging gusto ng Lion Mob ay hindi na ito nagdalawang isip na pumayag.Malaking kawalan si Frank sa Assassin's Guild, ngunit mas matimbang parin para kay Don Celestino ang kabuoan ng Guild na siguradong mawawala kung gugustuhin ni Dom."Get yourselves ready, we'll go to the Mindanao Summit Corporation's Building. It's time to take over the CEO's seat." Maya-maya'y wika ni Dom sabay tayo at pumasok sa kaniyang silid upang magbihis.Pumasok na rin sa kani-kanilang silid sina Frank at Kris upang makapagbihis na rin.Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na sila ng bahay at tumungo na sa building ng Mindanao Summit Corporation lulan ng bullet proof SUV.Dahil sa bilis ng takbo ng kanilang sasakyan ay narating agad nila ang kanilang destinasyon sa loob lamang ng kalahatiny oras.Kabaliktaran no'ng una nilang pagparito, ay hindi na sila sinita ng dalawang security guards ng gusali. Alam na kasi ng mga ito na si Dom na ang may hawak ng majority shares ng kompanya, at alam na rin ng mga ito na siya ang kasalukuyang Boss ng Lion Mob Mafia.Pagkaakyat nila sa opisina ng CEO ay inutusan agad ni Dom ang sekretarya ni Mr. Valdez na tawagan ang lahat nang mga membro ng Board of directors ng kompanya.Wala namang nagawa ang sekretarya kung hindi ang tumalima dahil alam naman nitong siya ang may hawak ng majority ownership ng kompanya. At base sa kanilang corporate constitution, automatic na magiging membro siya ng board of directors.Naisip na rin ng sekretarya kung ano ang pakay niya, at ito ay dahil sa balitang namatay sa isang "aksidente" si Mr. Valdez. Kaya naisip nito na siguradong tatargetin talaga niyang magiging CEO ng Mindanao Summit Corporation. Kung nagawa niyang maging majority owner sa napakaikling panahon, ay siguradong magagawa rin niyang maging CEO nito kung gugustuhin niya.Pagkaraan ng halos isang oras ay nagsidatingan na ang mga membro ng Board of Directors ng kompanya. Nang makita nila si Dom ay iba-iba ang naging reaksyon ng mga ito. May parang nagagalit, may natatakot at may nginingitian siya.At dahil kompleto ang buong board, maliban syempre kay Mr. Valdez, ay sinimulan na nila kaagad ang meeting. Bilang majority owner, ay siya na mismo ang nag-preside nito. At diretso niyang tinalakay ang tungkol sa bakanteng posisyon ng CEO.Dahil siya ang holder ng majority shares ng kompanya, hindi na nakapalag ang ibang membro nang siya na mismo ang mag-initiate at mag-motion na papalitan na nila ang CEO. At hindi pa iyon nagtatapos doon, dahil ni-nomina pa niya ang kaniyang sarili na magiging isa sa mga kandidato na papalit sa posisyon ni Mr. Valdez.'What a shameless man.' Nasaisip ng ilang mga board of directors. Ngunit dahil sa takot nila kay Dom, ay sinasarili nalang ng mga ito ang isiping iyon.Dahil walang nag-object sa kaniyang motion at nomination, o mas mabuting sabihin na takot na mag-object ang lahat, sinarado narin niya ang nominasyon kaya wala nang nagawa ang lahat kung hindi ang ideklara siya bilang bagong CEO.Sa kabila ng kawalang bilib nila kay Dom, ay pikit mata na lamang ang lahat na tanggapin ang resulta ng kawalanghiyaan niya at lihim nalang na nanalangin na sana ay magiging palpak ang pamamalakad niya sa kompanya nang sa gano'n ay magkaroon sila ng dahilan na palitan siya.Pagkatapos madeklara bilang bagong CEO ay agad na pinatawag ng Board ang lahat nang top executives and managers ng kompanya upang ipaalam sa mga ito ang change of administration ng Mindanao Summit Corporation.Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa kanilang CEO, ngunit hindi talaga maiiwasang tumaas ang kilay ng ilan dahil sa mabilis ng pagpalit ng administrasyon.Ngunit ano pa bang magagawa nila? Nakapag-desisyon na ang board of directors, kaya wala na silang magagawa. Isa pa, empleyado lang sila ng kompanya, kaya wala sa kanila ang ganitong desisyon.Nang dumating na ang lahat nang executive officers at managers ng kompanya ay isa-isa silang pinakilala ng board kay Dom. At habang nasa kalagitnaan ng mahabang introduksyong ito, kapansin-pansin ang isa pamumula ng mukha ng isa sa mga babaeng managers ng kompanya habang nakayuko na tila ba nagtatago sa kanilang bagong CEO.Napakataas ng energy niya kanina nang pumasok sila sa conference room at nakipagdaldalan pa siya sa ibang managers, ngunit nang matitigan niya ang guwapong mukha ng kanilang bagong CEO ay para siyang na-estatuwa. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang dahan-dahang natutunaw dahil sa kakaibang kabang naramdaman niya."Finally, our Marketing Manager, Miss Autumn Romano."Mukhang pinaglalaruan pa talaga siya ng tadhana dahil siya pa ang huling ipinakilala ng isa sa mga board of directors dahilan upang mas lumala pa ang hiyang naramdaman dahil pakiramdam niya nasa kaniya na ang atensyon ng lahat.Ngunit gayon pa man, dahil tinawag ang kaniyang pangalan ay wala na siyang nagawa kung hindi ang tumayo at mag bigay galang sa bago nilang CEO katulad ng ginawa ng kaniyang mga kasama."S-Sir.." Matipid ngunit nauutal niyang sabi habang tumayo nang nakayuko pa rin ang ulo. Hindi niya magawang tingnan sa mukha ang bago nilang CEO dahil kilala niya ito.No. Hindi lang basta kilala."Mmm." Tugon naman ni Dom habang kalmado pa ring nakasandal sa upuan nito habang isa-isang tinitigan ang mga executive officers at managers na nasa kaniyang harapan.Kinabahan naman ang lahat dahil sa kakaibang awra ng bagong CEO.Kaya naman nang dinismiss na nito ang meeting ay nakahinga na ng malalim ang lahat at halos nag-uunahan pang lumabas ng conference room.Syempre, isa si Autumn sa mga nakikipag-unahang makalabas. Dahil kanina pa siya nagdarasal na sana ay kainin nalang siya ng sahig upang maitago niya ang kahihiyang naramdaman."Miss Romano, I want to see you in my office, now."Nakahinga na sana ng malalim si Autumn nang maihakbang niya na palabas ng conference ang isa sa kaniyang mga paa, ngunit para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang malamig at baritonong boses ng kanilang bagong CEO.'Shit.' Parang naiiyak na mura niya sa isip.CHAPTER FORTY FIVE[Warning! Contains Explicit Scenes not suitable for young audience]"DOM, 'eto na po ang babaeng ni-request ninyo," magalang na wika ng Prison Director sabay muwestra ng kamay sa babaeng hawak ng dalawang Jail Guards. Nakalagay sa likuran ang dalawang kamay nito at naka-posas iyon.Kapansin-pansin din na wala man lang nakiusyuso sa paligid to think na isa itong Maximum Security Compound para sa mga lalaki pero may dinalang babae ang mga jail guards. Kaya halatadong normal lang ang ganitong gawain ng management. Ibig ding sabihin nito ay hindi ito ang unang beses na may ganitong senaryo."Mmm." habang nakatayo sa pintuan ng kaniyang quarter ay pasimpleng sinulyapan ni Dom ang babaeng dinala sa kaniya ng Director. "Good Job, Director. It's earlier than what I have expected," napangisi naman agad siya ng bahagya pagkatapos makilala ang babae sabay tapik sa balikat ng direktor.Sa susunod na araw palang ang lunes na siyang binigay nitong petsa para dalhin nito sa kaniya
CHAPTER FORTY FOURSA PAGDAAN ng maraming taon, patuloy na namumuhay si Dom sa loob ng mala-impyernong kulungan. Ngunit hindi katulad no'ng unang taon niya rito, naging marangya naman ang buhay niya sa ilalim ni Salvatore.Naging parang impyerno lang ito dahil sa kasamaang araw-araw niyang ginagawa.Hindi niya na kasi mabilang kung ilang tao na ang napatay niya rito - mula man sa kaniyang misyon o mula sa halos araw-araw na riot at away na kinakasangkutan niya.Ngunit nagbunga naman ang lahat nang kasamaang ito dahil ginawa na rin siyang right-hand-man ni Salvatore dahil sa pinakita niyang performance. Nagkaroon pa talaga siya ng sariling quarter no'ng mapatay niya ang nakatira sa quarter 2 na isang political prisoner.Isa itong korap na politiko, kalaban ni Salvatore sa mga illegal na negosyo. Naghahari-harian kasi ito sa loob simula no'ng napabagsak ni Dom ang Carsel Group na isa sa pinakakilala at kinatatakutang grupo. May mga goons at prisoner guards ito kaya naging arogante. At d
CHAPTER FORTY THREE[Warning! This chapter contains fighting scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA NANGYARING riot na iyon, na maituturing na isa sa pinakamalaking rambulan sa kasaysayan ng Maximum Security Prison na ito ay napag-alaman nina Dom na umabot sa dalampo't apat ang napatay. Kabilang na rito ang labing siyam na dati niyang mga kakusa at limang membro ng Carsel Group - kasama na si Miguel na isa sa mga lider nito.Ngunit katulad nang mga nagdaang pangyayaring riot, pinalabas din ng Prison Management na tumakas ang mga ito dahilan upang mapatay ng mga bantay na PNP Special Action Forces matapos manlaban.Wala namang ibang nasabi ang mga prisong nasangkot sa riot na iyon dahil ang mga jail guards at ang mga lider lamang ng mga inmates ang tinanong ng media.Magiging malaki kasi itong kahihiyan ng Management kung malalaman ng lahat ang totoong nangyayari. Kasi lalabas na hindi pala kaya ng mga ito ang umawat ng mga nag-aaway na priso.Isa pa, magiging kaduda-d
CHAPTER FORTY TWO[Warning! This chapter contains disturbing scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA SUMUNOD na mga taon sa pananatili niya sa loob ng Maximum Security Prison ay naging bihasa na si Dom sa lahat ng mga masamang pinanggagawa niya.Sisiw nalang sa kaniya ang pagbi-benta ng droga.Ang pagpatay ng mga taong kalaban ni Salvatore sa loob ng kulungan.Sa loob ng mga nagdaang taon, ay umabot na sa dalampong katao ang napatay niya, lahat ay dahil sa utos ng kaniyang Boss.No'ng unang beses niyang pagpatay ay halos hindi siya pinatulog ng kaniyang konsenya. Kahit ilang ulit niyang ipinangalandakan sa sarili na masamang tao 'yong pinatay niya ay hindi pa rin siya tinantanan ng kaniyang konsenya.Isang buwan pa ang lumipas bago siya nakapag-move on doon.At nang tumanggap na naman siya ng bagong misyon kung saan papatay na naman siya ng isang rapist na kasapi ng Carsel Group, ay gano'n pa rin ang epekto niyon sa kaniya matapos niyang mapatay ang target.Ngunit no'
CHAPTER FORTY ONE"GOOD Job, Dom," masayang wika ni Salvatore nang salubungin siya nito. "I heard what you did. And you really did a good job out there," dagdag pa nito habang napakaluwang ng ngiti.Anim na buwan na ang nakalipas simula no'ng pumayag si Dom na maging isa sa mga tauhan ni Salvatore.At sa loob ng panahon na ito ay nakapagtapos na siya ng tatlong misyon. Syempre, tatlo palang ang nagawa niya dahil ginugol niya sa training at pag-aaral ang halos kabuoan ng anim na buwang iyon.Binigyan siya ni Salvatore ng personal trainer para sa Martial Arts at combat sports. Binigyan din siya nito ng trainer sa paghawak at paggamit ng baril. May sarili rin siyang tutor na nagtuturo sa kaniya ng mga bagay na gusto niyang malaman pagdating sa academics.At sa loob lamang ng anim na buwang ginugol niya sa training at pag-aaral ay para siyang naging ibang tao kompara sa kung ano siya dati. Nagawa niyang lahat ito hindi lang dahil sa likas na matalino siya sa academics kaya madali siyang n
CHAPTER FORTY"AHH," mahinang d***g ni Dom sa bawat pagdampi ng bulak na binasa ng alcohol na kasalukuyang ginagamit ng isang magandang nurse bilang disinfectant sa kaniyang sugat.Nasa loob sila ngayon ng Quarter 1 na pagmamay-ari ng Rossi Mafia. Napakalalim kasi ng sugat ni Dom at muntik na siyang mawalan ng malay kanina.Pagkatapos magsitakbuhan no'ng mga kalaban kanina ay kaagad siyang dinala ng mga tauhan ni Salvatore sa quarter nito. At dahil isa itong high profile inmate na may koneksyon sa mismong management ng kulungang ito ay nagagawa nitong makakuha ng personal nurse na siyang mag-aasikaso sa kanila kung sakaling magkaroon sila ng sakit.Isa ito sa mga special privilege na ini-enjoy mga mga mayayamang inmates dito sa loob."Thank you so much for saving him, Boss," magalang na wika ni Damian sa middle aged na lalaking kampanteng nakaupo sa malambot na sofa ng quarter na kinaroroonan nila."It's nothing. Alam mo naman ako, ayaw ko talaga 'yong makakita ng taong pinagtutulungan