Share

8: Dom's Influence

CHAPTER EIGHT

PATULOY NA UMALINGAWNGAW ang malalakas at sunod-sunod na putok ng mga baril sa paligid. Alam niyang isa sa kaniyang mga tauhan ang tinamaan at wala siyang ideya kung buhay pa ba iyon dahil wala na siyang panahon upang i-check ito.

Siguro kung wala siyang ibang kasama, mahihila pa niya iyon at maitago mula sa mga kalabang hindi nila nakikita.

Ngunit kasama nila si Autumn ngayon kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang umatras upang ibalik sa sasakyan ang dalaga dahil mas magiging safe ito roon. Habang umaatras sila ay nasa likuran niya si Kris at binibigyan siya nito ng cover fire.

"Quiet!" Matigas niyang utos kay Autumn dahil tili itong nang tili. Malakas ang sigaw nito kaya nakakabingi.

Sa kalagitnaan ng putukan ay ligtas niya itong nadala at naipasok sa bullet proof SUV niya.

Paalis na sana siya nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit sa leeg at hinila palapit sa katawan nito. At dahil hindi niya ito inaasahan ay napasubsob siya sa ibabaw ng katawan nito.

Babang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rhea Bautista
Miss A Ganda ng kwento
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status