Quizhiah’s POV
Araw ng Lunes ngayon, unang araw sa week na ‘to pero naka-upo lang ako sa sofa at nagbabasa ng literature book.
“Ma’am, ‘di ka po ba papasok sa school?” tanong ni Yaya Emily habang papalapit sa akin dala-dala ang isang baso ng gatas. Inilapag nito ang baso ng gatas sa ibabaw ng round glass table na katabi ng sofa na kinauupuan ko.
“Papasok.” sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin.
Balak ko sanang hindi pumasok kaso wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tinapos ko muna ang binabasa kong literature book bago ako naligo at nagbihis. Nagpaluto na rin ako ulam kay Yaya para sa breakfast.
Tatlong cheesy chicken hotdog at sunny side-up egg ang pinaluto ko sa kanya. Nag fried rice din siya at nagtimpla ng grape juice.
“Ma’am, si daddy mo tumatawag sa akin, ba’t daw off ang cell phone mo?” si Yaya habang kumakain kami. Magkasabay kaming kumakain ni yaya, hindi na rin kasi siya naming tinuturing na iba. Matagal na siyang nagseserbisyo sa pamilya namin simula bata pa ako. Siya na ang nag-alaga sa amin ni daddy, lalong-lalo na sa akin.
Huminto ako sa pagkain at uminom ng isang basong juice. “Sige Yaya salamat.” Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang cell phone ko. I turn my cell phone on, and got 45 missed calls from dad and an unknown number. In just a moment, my cell phone rang, si Daddy.
I was going to decline the call but I realised I need to answer the call. “Dad?” I answered.
“How are you?” agad niyang tanong.
“I’m okay dad. ”
“How did you know that you’re okay?” sagot niya. Natahimik ako sa sinabi niya.
Is this my fault?
“Bumibisita ka pa din ba sa doctor mo?”tanong niya ulit. “Sometimes, ”sagot ko.
“Oh dear, you should visit your doctor everyday, I want you to have a normal life, ”
“Dad, I’m living a normal life.” Umupo ako sa kama ko habang nakatingin sa calendar na nakapatong sa ibabaw ng lamesang katabing kama ko.
“Hays, sige na, I have to hang up na I have an appointment meeting. ”
“Bye dad. ”
“Bye I love you baby. ”
Mag ha-half day nalang ako, pupunta ako sa clinic ngayon. I’ll just catch-up with my missed activities and lesson.
“Yaya mag ha-half day ako,, I’ll have to visit my doctor,” usal ko habang pababa ng hagdan.
“Mag pa-padala ba ako ng excuse letter?” tanong niya habang naglilinis sa sala ng bahay.
“No need, pag may tumawag sa cellphone ko sabihin mo nagpunta sa doctor, ”
“Iyong isa niyo po bang cell phone ang dadalhin mo?” tanong nito na ang tinutukoy nitong cell phone ay ang palagi kong dala. Isang tango lang ang isinagot ko.
I was planning to take a taxi but I remember na matagal ko na palang hindi nasasakyan ang motor ko. Isa itong itim na Neiman Marcus Limited Edition Fighter, “Yaya, nakita niyo po ba ang susi ng motor ko?”
“Nandito po, ” sabay abot ng susi sa akin.
“Salamat Yaya, I have to go. ” Agad akong pumunta sa garage at neristart ang makina ng motor.
Sinundan ako ni Yaya sa garage. “Sige ma’am mag-ingat ka, ” usal niya. Agad ko namang pinaharurot ang motor ko.
—
Zi Shien’s POV
Naka-limang missed calls na ako, pero hindi pa rin sinasagot ni Quizhiah ang phone niya. Alalang-alala na ako sa kanya dahil ngayon lang siya hindi pumasok.
Katabi ko ngayon si Mari na nag-aalala rin. “Mari, are you sure this is Quizhiah’s number? Baka nagkamali ka lang, ” sabi ko kay Mari na abala rin sa pag-dial ng number ni Qhuizhia.
Nag-aalala kaming lahat sa kanya, gusto naming malaman kung bakit hi di siya pumasok ngayong araw.
“Zi ngayon pa lang ata kitang nakikitang nagkakaganyan,” usal ni Rhein.
“Bro, I’m worried,” sagot ko sa kanya. Paulit-ulit pa rin akong nagda-dial sa number ni Qhuizhia na ibinigay ni Mari sa akin. Naka-sampung dial na ako pero wala pa ding sumasagot. Muli akong nag-dial, pang labing-isang dial at sa wakas ay may sumagot na.
“Hello, sino po to?” tanong ‘nong nasa kabilang linya. Hindi boses ni Qhuizhia ang sumagot kaya nagtanong na lang ako.
“Nandyan po ba si Quizhiah?” tanong ko dito.
“Sino po sila?”
“Si Zi po ‘to kaibigan ni Qhuizhia, ”
“Kailan lang nakikipag kaibigan si Quizhiah?” sabi ng nasa kabilang linya. Bakas sa kanyang boses ang pagtataka.
“Nandyan po ba siya?” tanong ko ulit dito.
“Yaya niya ‘to, umalis na siya, sabi niya mag-half day lang daw siya. Bumisita siya sa doctor niya, ” sagot ng Yaya niya.
What? Anong nangyari? May sakit kaya si Zhiah?
“May sakit po ba siya?” alalang tanong ko dito.
“Wala naman, araw araw naman siyang bumibisita sa doctor, ” sagot ng yaya niya.
“Ah sige, salamat po,” usal ko at ibinaba ang tawag.
“Oh, ano daw sabi?” si Mari na alalang nakikinig sa tabi ko.
I released a deep sigh, “She’s visiting her doctor, ” usal ko.
“Bakit? Anong nangyari? May sakit ba siya? Kailangan ba nating pumunta sa hospital?” sunod-sunod na tanong ni Louise.
Medyo nanibago ako sa mga ikinikilos ni Louise. Kapag si Qhuizhia ang pinag-uusapan, halatang-halata sa kanyang mukha ang pagkainteres niya.
Nagkibit-balikat ako. “Ewan, sabi ng Yaya niya she’s visiting her doctor everyday, ” sagot ko.
“Hindi kaya may malubhang sakit si Qhuizhia?” usal ni Joshua.
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” si Louise na medyo napataas ang tono ng boses.
Napatingin kaming lahat sa kanya, halatang-halata na nag-aalala ito.
“Oh oh, kalma. Ang sa akin lang naman baka may tinatago siyang sakit sa atin,” page-explain ni Joshua.
“Grabi ka naman, papatayin mo ba si Quizhiah?” usal ko.
“Sinabi nang huwag magsalita ng ganyan e,” kunot-noong usal ni Louise.
“Teka nga lang. Bakit kayo affected? May gusto ba kayong dalawa kay Qhuizhia? ” tanong ni Mari. Medyo napa-isip ako sa sinabi ni Mari. Kayo? Ako at si Louise? Si Louise may gusto rin kay Qhuizhia?
Tiningnan ko si Louise na ngayon ay pinapakalma ni Rhein. Kanina pa itong tatayo at uupo na naman.
“Tsk! Napakakulit mo talaga, baliktad na baliktad mo si Qhuizhia. Hindi ka rin ba nagwo-worry kay Quizhiah?” tanong ko.
“Syempre bestie ko kaya siya, pero iba kasi kayong dalawa ni Louise, ” sagot niya. Tumingin ito kay Louise na ngayon ay kalmado nang naka-upo katabi ni Rhein.
“Sa akin ba nag-aalala ka rin?” hirit ni Rhein.
“Hindi, malusog ka naman ah, ” sagot ni Mari. Umirap pa ito kay Rhein.
Hay naku Mari, may gusto po sa’yo iyang best friend ko.
“Ouch, ang sakit ng dibdib ko, baka mamatay na ako, ” usal ni Rhein. Humawak ito sa dibdib niya na para bang inaataki sa puso.
“Tsk, ‘wag ka ngang magbiro kita ng nag aalala ‘yong tao e, ” usal ni Mari.
Umayos naman si Rhein, “Sorry babe, ” sagot niya dito. Nagpapa-cute pa ito sa harap ni Mari.
“Hoy Rhein! Kung akala mong maidagdag ako diyan sa haba ng listahan mo, huwag ako,” usal ni Mari at nag-walk out.
“Hala bro, ayan tuloy nagwalk out, ” si Joshua.
“Ganito na ba ako ka sama? Para hindi siya maniwala ?” si Rhein. Nakasimangot ito ngayon at medyo disappointed din.
“Mawawala na ba ang four Bed Masters?” usal ni Joshua. Ang tinutukoy nito ay ang grupo namin. Four bed masters ang tawag sa amin ng ibang estudyante dito sa campus. Sila na rin ang nagbigay ng pangalan na ito sa amin. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila ang mga pinaggagawa naming apat.
“Bakit?” si Louise. Ngayon lang ito nagsalita simula mainit na tensyon kanina.
“E kasi, parang may dalawang lalaki na humihina pagdating sa babae” patawa-tawang usal ni Joshua.
“Okay lang ‘yan bro, basta ang mahalaga may dalawa pa naman,” pabirong usal ko.
“Tumigil nga kayo!” si Louise. Halatang nairita ito sa sinabi ni Joshua kanina. Natahimik kami, insakto namang dumating si Mari.
“Oh babe, akala ko iiwan mo na ako, ”masayang usal ni Rhein. Nabuhayan ito, kanina kasi parang lantang gulay ang hitsura niya.
“Babe ka diyan, bumili ako ng snacks, ” sagot na Mari. Inilwpag nito ang mga pagkaing binili niya sa ibabaw ng lamesa.
“Birthday mo? Happy birthday! ” masayang usal ko.
“Tangi! Hindi ko birthday. At saka, hindi libre ‘yan no! May bayad ‘yan. ” Inilahad pa nito ang nakabukang kamay nito sa amin.
“Aba’y negosyante ka na pala ngayon, ” usal ko at akmang kukuha ng pera sa wallet ko.
“Biro lang sige mag-snack muna kayo, ” pangiti-ngiting usal ni Mari.
Agad naman kaming nagsipagkuha ng kanya-kanyang pagkain at lumamon. Pangiti-ngiti namang nagmamasid si Mari sa aming apat habang kumakain. Ilang minutopa ay nabusog na rin kami sa pagkaing binili ni Mari sa amin. “Ayan tapos na kayo, oh asan bayad niyo?” usal ni Mari. Naka-cross arm pa ito at itinaas ang isang kilay.
Ito talagang si Mari oh!
“Babe pwede bang itong katawan ko na lang ang ibayad ko?”usal ni Rhein.
“Katawan ka diyan, kainin mo yang katawan mo! ” sagot ni Mari sabay irap kay Rhien.
“Don’t worry babe, ikaw lang ang kakain sa katawan ko, ” sagot ni Rhein sabay kindat kay Mari. Natatawa na lang kaming tatlo sa inasal nilang dalawa. Para silang aso’t pusa na sa tuwing nagkikita laging nag-aaway.
“Hindi naman pera ang ibabayad niyo e,” usal ni Mari. Kinuha nito ang blue spring notebook niya.
“E ano?” takang tanong ni Louise.
“Tulungan niyo naman ako oh, birthday kasi ni Quizhiah sa Sunday, gusto kong e-surprise siya, ” seryosong usal ni Mari.
`Aba’t what a nice idea! ʼ sa isip-isip ko.
“I’m in!” masayang usal ko.
“Gusto kong mapasaya ang babe ko, so I’m also in, ” si Rhein na pangiti-ngiting lumapit kay Mari.
“Alangan namang hindi kami sasali, diba Louise? ” si Joshua. Inakbayan nito si Louise na ngayon ay malalim ang iniisip.
Sorry for the late update my babies. Medyo na busy pa ako sa acads ko. Wabyou all❤️
Third Person's POV Umalingawngaw sa loob ng bahay ang sigaw ni Qhuizhiah bandang alas tres ng madaling araw. Hindi naman mapakali ang asawa niyang si Zi nang makitang nasasaktan ang kanyang asawa. “Baby, w-what’s happening?” tarantang tanong ni Zi habang hapo-hapo ang tiyan ng asawa. “Shein, manganganak na ‘ata ako,” sambit ni Qhuizhiah habang nagpipigil umiyak. Napayakap na lang si Zi sa kanyang asawa dahil sa kanyang taranta. “Just wait for me here. I’ll prepare the car,’ sambit ni Zi at nagmamadaling pumunta sa kanilang garahe. Tinawagan na rin niya ang kapatid niyang si Rhein. “Rhein, h-help me. Zhiah’s into labor,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Zi. “Okay, pupunta na kami ni Mari d’yan. Kuya relax, okay. We’ll be there in a minute,” usal ni Rhein. Thirty minutes pa lang ang nakalipas mula no’ng tumawag siya sa kanyang kapatid ay dumating na ito kasama ang asawang si Mari. “Nasaan si Qhuizhiah?” bungad ng kanyang kapatid. “Nasa couch,” sagot nito habang papalapit sa kapatid. “Shein
Third Person’s POVTatlong araw na lang ang natitira at ikakasal na si Zi. Buong pag-aakala ni Qhuizhiah ay maging complete na siya dahil kay Zi, pero nagkakamali siya, pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang bawat parte ng puzzle na malapit na sana niyang mabuo. Pakiramdam niya binagsakan siya ng buong mundo nang mabalitaan niya mula sa mga barkada nila na ikakasal na si Zi. Mabigat ang kanyang pakiramdam niya dahil naniwala siya sa pangako nilang dalawa ni Zi na maghihintay sila sa isa’t-isa noong bago siya umuwi sa Italy.Nagkukulong lang si Qhuizhiah sa kwarto niya at napapabayaan na niya si Rhaivhien. “Mama, are you sad?” inosenting tanong ng anak niya nang mapansin nitong may luha sa mata ng mama niya. Nginitian ni Qhuizhiah ang anak. “Come here baby,” usal nito at opening her arms to hug her son. Dahan-dahang lumapit sa kanya si Rhaivhien. “Mama is not sad baby, I’m just not feeling weel,” sambit nito habang yakap-yakap ang anak. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niy
Quizhiah's POVTatlong taon na ang nakalipas simula no’ng umalis ako sa Pilipinas. I missed them, specially si Shein. Kahit noong graduation nila hindi ako nakadalo kahit na una akong nag-graduate kaysa kanila. Nabalitaan ko rin ang nangyari sa Uncle ni Zi, nakakulong na pala ito dalawang taon na ang nakalipas. I feel relived nang marinig ko ang balita. Sa wakas ay nakamtan na rin naming ang hustisyang hinahangad namin. May sarili na ring firm sina Zi, Rhein, Louise at Joshua, naging tanyag din ang mga pangalan nila sa buong Pilipinas. I am so happy for them. Nakikibalita lang ako sa kanila dahil sa sobrang busy ko at wala rin kaming communication ni Zi.Dalawang taon na ring kasal sina Mari at Rhein. Hindi ako naka-uwi sa kasal nilang dalawa dahil sa pag-aasikaso ko sa sarili ko ring firm na tinayo rito sa Italy. Naging full-time mom din ako kay Rhaivhien., lumaki siyang isang masayahing bata, manang-mana ang pagkabibo niya sa kanyang ama. May iilang traits din siyang nakuha sa akin,
Quizhiah's POV Kasalukuyan akong naghahanda ng mga gamit na dadalhin ko papuntang Italy. I have decided na doon na magtapos ng pag-aaral ko, total fourth year na rin naman ako. Gusto ko na ring makita siyang muli. Pero nalilito ako sa kung ano nga ba ang dapat kong gawin, tama kayang ipakilala ko na siya sa taong matagal na niyang hinahanap sa akin? Paano kung hindi siya tanggapin ng taong ‘yon, anong alibi na naman kaya ang ibibigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung nakita ba niya ang photo album na iniwan ko sa library noong huling pag-uuap naming. Mag-iisang linggo na kasi n’ong huli kaming nag-usap at hindi na rin pa ako bumalik sa library simula noon, natatakot akong baka makita kong nandoon pa rin ang bagay na ‘yon sa kung saan ko iniwan. I was also stuck between ipapakulong ko ba siya o hindi kasi sa totoo lang, hindi naman niya deserve na mapakulong pero paano na ang hinahangad ko na hustisya? Ano nga ba ang dapat kong sundin? Ang isip ko bang matagal ng naghahangad ng hustisya
Qhuizhiah's POVDalawang buwan ng hindi ako nagpaparamdam kay Zi. I blocked him from social media at maging ang number niya. Honestly I missed him, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kahit na nalaman ko na ang totoo. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan sa likod ng mga pangyayaring ‘yon. I want to know if he was an accomplice sa taong nagpa-kidnapped sa akin at sa mga taong pumatay sa Mama ko. Kasi wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ginawa ‘yon, nagugulohan ako, gustong-gusto ko siyang maintindihan pero paano?Dalawang buwan din akong naging mailap sa mga kaibigan ko, kahit si Mari hindi ko kinakausap. Nagpupunta rin siya dito sa bahay para alagaan ako, nagkukulong lang ako sa kwarto, kahit ang mga tao dito sa bahay hindi ko kinakausap. Kahit ang mga tawag ni Papa at ni Tita hindi ko sinasagot, alam kong nag-aalala sila sa akin at nagpapasalamat ako ‘don. Sa loob ng dalawang buwan rin ‘yon nagmistula akong isang mailap na hayop sa mundo ng dilikadong kagubat
Rhein's POVKasalukuyan ako ngayong nakakulong sa bahay, pinagbabawalan kasi ako ng boss ko na lumabas, kaya n’ong nag-aya si Louise at si Josh sa akin na mag-clubbing hindi ako nakasama. Sayang at madami pa naman akong time ngayon kasi unang linggo ngayon ng summer namin.“Babe, pwede ba—” I was cut off. “Hindi pwede,” diing saad ni Mari. Isang linggo na kasing nandito si Mari sa bahay ko. Nanpapatulong kasi siya about sa naisipan niyang small business na gusto niyang simulan ngayong summer. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pinapalabas ng bahay, I was told kasi na tulongan siya, malakas ang kapit ni Mari kina Daddy at Mommy e, kaya talong-talo ako.“Joke lang, ito naman ‘di mabiro. Sige, ano po ‘yon?” usal niya ahabng ngiting-ngiti.“Gusto ko sanang magpaalam na sumama kina Louise at Josh na mag-clubbing kahit ngayong gabi lang, gusto kasi naming samahan si Zi, mukhang na-busted kasi ng bestfriend mo. Promise uuwi rin ako before 12. Can I?” sagot ko.Lumapit siya sa akin at hina