CHAPTER 5
“Ubo… ubo…” Umubo pa nang ilang beses si Sydney. Ngayon, sobrang lakas na ng ubo niya kaya hindi na siya nakatayo pa. Bumagsak siya sa sahig, at kasabay ng tunog na “plak,” sumuka siya ng dugo. “Sydney!” nanginginig ang boses ni Daisy at dali-daling lumapit sa anak niya. Pulang-pula na ang mukha ni Sydney pero ang mga labi niya ay sobrang putla. “Okay lang ako, mommy…” mahinang sabi ni Sydney. Agad naman siyang binuhat ni Daisy. “Dadalhin kita sa ospital,” sabi niya habang nagmamadali. Mahigpit na humawak si Sydney sa ina gamit ang maliliit niyang kamay habang pulang pula ang mata ng ina. Nagmamadaling pumunta si Daisy sa ospital. Pagkatapos kuhanan ng dugo si Sydney para sa blood test, naghintay siya sa labas para sa resulta. “Mom… galit ba sa akin si Dad?” Mahina ang boses na tanong ni Sydney, parang doon lang lumabas ang tunay niyang nararamdaman. Sa sandaling narinig iyon ni Daisy, hindi siya agad nakasagot. Gusto niyang sabihin sa anak niya, na Hindi. Hindi ikaw ang kinamumuhian ng ama mo, kundi ako. Kung ikaw lang sana ang anak ni Pearl… Sigurado akong magiging masaya ka. Pero nagsinungaling ulit si Daisy sa anak niya. “Hindi, Sydney Hindi galit si Dad sa’yo. Sobrang busy lang talaga siya.” Sagot ni Daisy na may luha sa mga mata habang umiling sa bata. Bahagyang ngumiti si Sydney, maputla pa rin ang mukha niya at halatang pagod. Hinaplos niya ang buhok ni ng ina gamit ang maliit niyang kamay, “Basta masaya ka mommy.” Ang apat na salitang ‘yon halos magpaluha sa kanya, Pero pinigilan niya. Pilit siyang ngumiti, kahit mas pangit pa sa iyak ang itsura niya. “Doktor—” Isang malamig na boses ang narinig nila bigla. Nanigas ang likod ni Daisy ng marinig ang pamilyar na boses. Sabay silang napatingin ni Sydney, at nakita nila si Kent na dapat ay busy pero ngayon ay nasa ospital. At sa mga bisig niya, ay may ibang babaeng kayakap sa bisig nito. Si Pearl. Hindi namalayan ni Sydney na tinawag niya, ang kanyang ama. “Dad—” Narinig agad ni Kent ang boses ni Sydney at napatingin siya dito. At ganun na lang gulat siya nang makita niya ang bata kasama si Daisy. Sa mga sandaling ‘yon, ay nakita rin nila ni Pearl na nasa mga bisig ni niya. “Ah Chen, ang sakit...” sabi ni Pearl na hinawakan ng mahigpit ang manggas ng suot na ni Kent. “Darating na ang doktor.” Lalong luminaw ang tingin ni Kent at agad siyang pinakalma, Dumating na rin ang doktor at dali-daling lumapit sa kanila. Inalis ni Kent ang tingin sa mag-ina, at may sinabi sa doktor, umalis sila ni Pearl ay walang pag-aalinlangan sumama sa doctor. Nakatitig naman si Sydney sa papalayong likod ng ama, nakatulala lang siya at hindi alam ang iisipin. “Mom, bakit may niyayakap na ibang babae si Daddy?” Parang may tumapak sa dibdib ni Daisy sa tanong ng anak niya. “Baka kasamahan lang ni Daddy sa trabaho na nasaktan.” Mabilis ang naging paghinga ni Daisy pero pinilit pa rin niya ang ngumiti, “Talaga?” tulalang sagot ni Sydney. “Pero nasa ospital din tay. Bakit mas inaalala pa ni Daddy ang iba kaysa sa’tin?” Doon lang napagtanto ni Daisy na kahit nagsisinungaling siya, ramdam pa rin ng anak niya ang totoo. At pag nararamdaman na ‘yon ng bata, ibig sabihin, sobrang halata na talaga ang pagkakaiba ng turing ni Kent sa kanila. “Baka mas grabe lang talaga ang lagay ng kasama ng daddy mo.” sagot niya habang namumula na ang kanyang mga mata. Hindi na nagsalita si Sydney. At habang tumatagal ang pananahimik ng anak niya ay mas lalo naman siyang hindi mapakali. Pagkalipas ng isang oras, kinuha na nila ang resulta ng test ni Sydney at hindi nila inaasahan, na nakasalubong nila si Kent at si Pearl na ngayon ay naka-wheelchair.. Napatigil sa paglalakad si Daisy. Parang may bumara sa dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. Sa sandaling ‘yon, sobrang nagsisi siya kung bakit pa niya minahal si Kent. Tiniis niya noon ang lahat ng sakit at hiya ng hindi siya mahalin pabalik ng lalaki. Pero hindi niya kayang tiisin na pati ang anak niya ay maranasan ang parehong sakit. “Dad.” biglang tinawag ni Sydney, ang ama. Sabay silang napatingin ni Pearl at bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Kent pero nanatili siyang kalmado, “What?.” Malamig na sagot ni Kent sa bata. “Dad, sino po siya…” Nakatingin si Sydney kay Pearl. Kita sa malamig pero gwapong mukha ni Kent ang biglaang pag seryoso ng ekspresyon niya. “Siya ay…” magsasalita na sana siya nang biglang hawakan ni Pearl ang kamay ni Kent at ngumiti. “A friend, ako ang… kaibigan ng daddy mo.” Pagka sabi niya, ay lalo namutla ang mukha niya at nanginginig ang kanyang boses. Ang hirap niyang tingnan.nKahit si Daisy, parang naawa sa kanya. “Sydney, siya ang girlfriend ni Daddy.” Malalim ang boses na sabi niya at biglang ring dumilim ang mukha niya. Sa narinig niya na iyon, parang binuhusan ng kumukulong bakal ang puso ni Daisy. Tama nga siya, hindi kayang matiis ni Kent na makita si Pearl na nasasaktan. Dahil doon, alam niyang hindi na siya puwedeng magsinungaling. “Sydney, siya si Pearl, ang girlfriend ng daddy mo,” mahinahong sabi ni Daisy kahit ang sakit-sakit na sa loob. Biglang pumuti ang maliit na mukha ni Sydney. Lumuhod si Daisy sa harap ng anak at hinaplos ang pisngi nito. “Anak, may mga bagay pa si Mommy na hindi nasasabi sa’yo. Matagal na kaming hiwalay ni Daddy... Pero kahit anong mangyari, si Daddy pa rin ang Daddy mo, at si Mommy pa rin ang Mommy mo…” aniya at mapait na ngumiti sa anak. Ang akala ni Kent sinadyang dalhin ni Daisy si Sydney doon para manggulo. Lalo na’t may mga pinaggagawa na ito noon kaya nang ipinakilala ni Daisy si Pearl kanina, ay para na rin siyang nagpapakawala ng inis. Pero hindi niya inakala na si Daisy na mismo ang magsasabi ng totoo. Nagkamali ba siya ng hinala? Naguguluhan si Sydney—pero mas nangingibabaw ang lungkot. “Eh ikaw po, mommy…” Natigilan si Daisy sa tanong ni Sydney Bumagsak ang luha ni Sydney. “May daddy at mommy si ako… pero ikaw mommy, wala kang kahit sino…” Parang dinurog ang puso ni Daisy sa narinig sa anak. At parang isa-isang pinulot ang bawat piraso at pinilit buuin ulit ng anak niya. Oo nga. Nawalan na siya ng pamilya. At baka malapit na rin siyang mawalay sa anak niya. Nag-iisa na lang siya sa mundong ito. Parang nawala na ang lahat sa kanya.Chapter 114 – Daisy Lopez Tahimik lang si Sec. Ben habang pinapanood si Daisy na maayos na tinatapos ang lahat ng dokumento. Kahit siya, hindi makapaniwala sa bilis ng pagbabago nito. Dati, ‘yung babaeng kilala niya na tahimik lang at laging umiiyak sa sulok, ngayon ay kalmado, matatag, at may meron ngjt hawak ng sariling direksiyon.“Hindi ako makapaniwala, Miss Daisy,” sabi ni Sec. Ben na halatang mangha. “Ang bilis mong nagbago. Akala ko dati, tatanggapin mo na lang lahat ng ginagawa nila sa ’yo.”Daisy turned to him, her expression cool but graceful. “Why should I? May karapatan naman ako, di ba?”Ngumiti siya ng bahagya at tumingin diretso sa mata ni Ben. “I think I can protect my own legal rights, right?”“Yes, of course! That’s great, Miss Daisy,” mabilis na sagot ni Sec. Ben, medyo tuwang-tuwa. “Tama lang ‘yan. You should really maintain that attitude.”Satisfied na tumango si Daisy. “Let’s go. Marami pa tayong kailangang tapusin sa company. Hindi na kailangan na hintayin pa
Kabanata 113 — Close the Window!Ang pinaka-nakakaasar kay Kent James ay ang makita si Daisy na ngumiti sa iba lalo na kung ang taong iyon na nag papangiti sa kanya ay si Nick Suarez.Parang naisaksak iyon sa kanyang pride. Kaya bigla siyang lumapit at inilagay ang braso sa baywang ni Daisy, gaya ng isang nag-aangkin sa kanyang pag aari. Isang maliit na kilos lang, pero biglang parang may amoy ng pulbura sa hangin at tensyon na agad ang bumalot sa paligid.Tumingala si Nick, tumayo ng tahimik ng dahan-dahan, hindi pagmamalabis, at sinabi ng mahinahon, “Sige.I won’t bother you. I’ll go back first.” Para siyang umalis na may dignidad, at hindi drama.“Stop. And stop hanging around my wife,” mariing sabi ni Kent habang mahigpit siyang nakahawak kay Daisy, at ipinapahayag ang kanyang pagmamay-ari.“Wife?” tumingin si Nick, at mukhang hindi makapaniwala, saka bahagyang napangiti. “If you hadn’t told me, I really wouldn’t have known. She’s your wife, right?” Huminto sandali si Nick, sabay
CHAPTER 112 – NOTHINGNESSAkala ni Kent James ay nawasak na niya si Daisy sa ginawa niyang paninira at pagbabanta pero sa paningin ni Daisy, ang mga ganung banta ay parang biro lang. Mababaw at walang bigat.Minsan tuloy, napapaisip siya kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Kent. Noon, buong akala ni Daisy, siya ang umiibig ng totoo. Pero ngayon, habang nagbabalik-tanaw siya sa lahat ng nangyari, bigla niyang naisip baka si Kent ang mas baliw sa “pag-ibig.” Kasi kahit ilang beses siyang nasaktan, ilang beses siyang tinulak palayo, siya pa rin ang laging bumabalik. At ngayon, sa lahat ng nangyari, may ganang pa siyang isisi ang lahat kay Daisy?“Shameless talaga,” mahinang sambit ni Daisy, bago siya napangiti ng mapait.Humiga siya sa kama ng ospital, at marahang pinikit ang kanyang mga mata. Bahala siya. Mula ngayon, pipiliin niyang magpahinga. Hindi para sa kanya, kundi para makabawi sa sarili. Para tuluyang mapanatag ang kaluluwa ni Sydney.Samantala, sa loob ng kotse, tahim
Chapter 111 – Don’t Be Impulsive!“Ha? Tama ba yong narinig ko?” sabay tawang mapanghamon ni Mama Hernandez, ang boses ay punô ng pang-aasar. “Ang galing, Kent! Alam mo na pa pala kung sino ang tatay mo!”Tumalikod siya, at hindi na nakikipagtalo pa. “Sige na, ako na ang bahala sa bahay. Dahil wala na akong panahon sa mga drama mo.”Pero si Kent James ay nanatili na tahimik. Hindi na niya kinaya pang pakinggan ang sermon ng ina. Para bang bawat salita nito ay isa pang sugat sa konsensya niya. “Hindi ko inakala na mangyayari sa akin ‘to… ako mismo, nagulo ng sarili kong apoy.Nilingon niya si Pearl, na umiiyak na parang batang nawalan ng laruan. Ang mga mata nito ay puno ng takot at pagmamakaawa, at sa sandaling iyon, may bahagyang awa na tumusok sa dibdib niya.“It’s okay,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Mommy didn’t say anything wrong. It’s my fault… lahat ng ‘to, kasalanan ko.”“Ah Kent…” mahina pero desperado na bulong ni Pearl, gamit pa rin ang tawag na nakasanayan niya. “G
Kabanata 110 – Then Fight Back! (Lumalaban Ako!)“Then fight back!”Dahan-dahang nilapitan ni Nick si Daisy at marahang pinunasan ang mga luha nito gamit ang puting panyo. Nakatingin siya kay Daisy ng may lambing, at ang boses niya ay kalmado at puno ng malasakit.“Anuman ang desisyon mo, Daisy,” sabi niya, “nandito lang ako. Kakampi mo ako.”Napatitig si Daisy sa kanya. Sa sandaling iyon, para siyang batang nawala sa dilim na muling nakakita ng liwanag. Ngunit agad din niyang pinunasan ang sariling luha, at hinigpitan ang kamao, at marahang tumango. “Yeah,” sabi niya ng matatag. “You’re right. Let’s fight back. Hindi ako magpapatalo. Lahat sila, lahat ng nanakit sakin, dapat lang maturuan ng leksyon!”Napangiti si Nick, bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. “Yan ang Daisy na kilala ko. ‘Yung babae na kahit ilang beses pabagsakin ng mundo, tumatayo pa rin. Hindi ka nila kayang talunin.”Hinaplos niya ang buhok ni Daisy, at sa simpleng haplos na iyon, para bang unti-unting nawala ang
Chapter 109: It Turns Out to Be You“Who would even dare to scold you secretly?” biro ni Nick Suarez, sabay buntong-hininga habang pinagmamasdan si Daisy na parang batang nagtampo.Napailing siya, may halong ngiti sa labi. Kahit sugatan, at kahit halatang pagod, may kung anong lambing sa bawat kilos ni Daisy na hindi niya kayang ipaliwanag.“I suspect… it’s you,” sagot ni Daisy, sabay tilt ng ulo, nakatitig sa kanya na parang nabubuyo. “Tell me honestly, Nick — ikaw ba ang nag susumpa sa akin sa isip mo?”Tumawa si Nick at umirap.“If I ever curse you, Daisy, hindi ko ‘yan gagawin sa isip ko,” sabi niya, na may halong asar sa boses. “I’ll do it right in front of you! At sisiguruhin kong mapuno ng pasa’t dugo yang bibig mo sa kakasagot!”Napa simangot si Daisy, pero hindi rin napigilang matawa.“Grabe ka talaga, Nick. Hindi ka pa rin marunong magpatawa ng hindi nananakit.”Ngumisi lang ang lalaki, sabay apak nang mas madiin sa gas pedal. “Mas mabuti nang totoo kaysa plastic.”Tahimik s