Bahagyang umiling si Alaric, pinili pa ring maging kalmado. “Totoo ang sinabi mo, hindi maikukumpara ang family background ni Selena kay Heather. Pero si Selena ay nagtapos sa isa sa mga top university sa bansa bilang magna cum laude. Marami din siyang honors, medals, at trophies na napanalunan sa iba’t ibang paligsahan gaya ng science fair, mathematics olympiad, at kung anu-ano pa. Ano pa ba ang hindi kahanga-hanga sa kanya?” paliwanag ni Alaric.“Para saan ang lahat ng mga na-achieve niya kung hindi rin naman siya nanggaling sa isang mayamang pamilya?” pangangatwiran ni Abigail, nanlilisik ang mga mata.Huminga nang malalim si Alaric. “Abigail, marahil mas mabuti kung alalahanin mo rin kung papaano tayo nagsimula bago tayo ikinasal.”Iyon lamang ang iniwan niyang salita bago siya tumayo at lumabas ng silid, nagtuloy sa study area dahil may ilang papeles pa siyang kailangang basahin.Naiwan mag-isa si Abigail sa kwarto, at sa kabila ng inis ay tila biglang napaisip sa mga salitang bi
“Ako ang dahilan ng pagtatalo niyong mag-ina, hindi ba? Siguro mas mabuti na—”“Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo,” mabilis na putol ni Axel.Ramdam ni Selena ang bigat at angas ng tono ng lalaki, bakas din sa mukha nito ang galit dahil kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Dahil doon ay hindi na niya ipinagpatuloy ang nais sabihin.Maingat siyang inakay ni Axel sa kanilang kama, marahang inalalayan sa paghiga at saka kinumutan.“Kaya ko naman nang kumilos mag-isa,” malumanay ang boses ni Selena.“Mas mabuti na rin na alalayan kita. Wala pang isang linggo mula nang operahan ka,” sagot ni Axel, saka kinuha ang diary na binabasa niya kanina at inilagay iyon sa loob ng drawer ng bedside table.“Sandali lang, hindi pa ako tapos basahin ‘yan,” protesta ni Selena at balak pa sanang kunin ang diary mula sa kamay ni Axel, ngunit pinigilan siya ng lalaki.“Ipangpabukas mo na lang. Magpahinga ka na muna,” malumanay ngunit mariing sabi ni Axel.Bigla namang tumunog ang cellphone n
Napangiti si Selena, bahagyang lumambot ang mukha. “Sigurado naman na alam ni Axel ang dapat gawin.”“Dapat lang,” mahinang bulong ni Silas, halos hindi naririnig. “Kung hindi, iha-hack ko ulit ang system ng kumpanya niya kapag gumawa siya ng kalokohan o pinaiyak ang ate ko.”Hindi iyon narinig ni Selena. “Ano ’yon?” agad niyang tanong, kunot ang noo.“Wala! Ang sabi ko, inaantok na ako, Ate!” mabilis na palusot ni Silas, bakas ang kaba sa boses at agad na nagmadaling naglakad papasok ng kanyang kwarto, para bang nais takasan ang posibleng pagdududa ng kapatid.Napakamot na lamang sa ulo si Selena, nagtataka sa kinikilos ng kapatid. Hindi niya alam kung anong sikreto ang itinatago nito, pero sa halip na mangulit pa ay sumunod na lang siya sa loob upang linisan ito at ihanda bago matulog.Samantala, sa dining hall ay naiwan sina Axel, Abigail, at Heather na patapos na sa kanilang hapunan.“Narinig mo ba kung ano ang lumalabas sa bibig ng batang ‘yon?” galit na wika ni Abigail, halos na
Pinayagan ko siyang manatili ng ilang araw, pero walang obligasyon si Selena na intindihin siya,” mariin at malalim na saad ni Axel. “Tutal nakakagalaw na siya at hindi na masyadong iniinda ang paso niya, wala nang dahilan para gambalain niya ang misis ko. Lalo na’t siya ang Madam ng mansyon.”Ang mga salitang iyon ay binigkas niya na may diin, sabay tiningnan ng matalim si Heather upang iparating na si Selena ang may pinakamataas na boses sa pamamahay na iyon.Lihim na napakuyom ng kamao si Heather, ramdam ang panibagong sugat sa kanyang pride. Isa na namang suntok sa kanyang puso ang sinabi ni Axel, at dagdag na naman na dahilan para uminit ang kanyang damdamin laban kay Selena.Si Abigail naman ay hindi na nakipagtalo pa, alam niyang wala nang saysay na pilitin pang baguhin ang desisyon ng anak. Ang mahalaga, hindi napaalis si Heather at iyon pinakaimportante para sa kanya.Nagpatuloy sila sa hapunan, at sa pagkakataong ito ay sumama na rin si Abigail sa hapagkainan upang makisalo.
Oo, totoo, pero hindi ibig sabihin no’n ay dapat niya nang pabayaan si Heather. Dapat lang na—”Mangangatwiran pa sana si Abigail pero agad siyang pinutol ni Axel. “Mom, ikaw ang may kasalanan ng lahat kaya bakit kailangan si Selena ang umako ng ginawa mo?”“Ano naman ngayon kung siya ang paakuhin ko?” mataray na sagot ni Abigail. “Dito naman nangyari ang lahat sa bahay niyo, kaya anong masama na si Selena ang umako ng responsibilidad sa pag-intindi kay Heather?”“Mom, hindi siya obligasyon o responsibilidad ni Selena. At bakit siya ang mag-aalaga kay Heather? Baka nakakalimutan mo na ilang araw pa lang mula nang isilang ni Selena sina Samuel at Asher. Hindi na dapat siya nag-iintindi ng ibang bagay at nagpapahinga na lamang, pero dahil sa ‘yo, kailangan pa niyang akuin ang mga pasaning hindi naman nararapat sa kanya,” mariin at matigas ang tono ni Axel, ramdam ang bigat ng paninindigan niya.Parehas na nanindigan sa sariling opinyon at pag-iisip ang mag-ina, parehong walang gustong m
Nagngangalit ang kanyang mga bagang habang pinipigilan ang paghikbi. “Wala na akong pakialam… kahit anong paraan pa ‘yan, kahit gaano ka dumi, gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka lang, Axel,” bulong niya sa sarili, mariing nakatitig sa likod ng lalaking unti-unting naglalakad paalis.Sa magarbong dining hall, magkatabing kumakain si Selena at Axel.Kahit pa malamig ang pakikitungo sa kanya ni Axel ay kinapalan niya ang mukha na tumabi at pumwesto sa kabilang upuan sa tabi ni Axel.Akala niya magpoprotesta si Selena nang maupo siya sa tabi ni Axel pero nagpatuloy lang ito sa kinakain, hindi siya pinapansin. Kahit si Axel, tahimik lang na kumakain habang inaabutan ng pagkain si Selena.Sinampal na naman siya ng selos at inggit. Pero tiniis niya dahil sa isip niya, hindi rin magtatagal at maghihiwalay rin ang dalawa.Nang maupo si Heather ay hinainan din siya agad ng mga kasambahay.Akala niya wala ng mas papait pa na makitang sweet sina Selena at Axel, pati ang kinakain niya ay wala