Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Fifty Three

Share

Chapter One Hundred Fifty Three

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-08-07 16:31:31

“Nagawa niyo ba?”

“Pasensya na, Mr. El Greco. Tumawag sila ng mga pulis kaya hindi namin sila nagawang dalhin—”

Hindi na niya ito pinatapos.

“Hayaan mo na,” malamig ang tono. “Marami pang susunod na pagkakataon. Bumalik na kayo agad. Siguraduhing hindi kayo mahuhuli ng mga awtoridad.”

Walang ibang sinabi, binaba niya agad ang tawag. Muli siyang tumahimik, saka dahan-dahang nilagok ang laman ng kanyang baso.

Sa ilaw ng sasakyan, lalo pang lumutang ang mala-rehente niyang postura, elegante, misteryoso, at walang bahid ng kaba.

Malamig ang kanyang tinig nang muling magsalita tila wala siyang kausap kundi ang sarili. “Hindi habangbuhay makakatakas ka sa ‘kin, Wisteria.”

Samantala, sa kabilang banda ng kalsada, nakahinga na nang maluwag sina Tyler, Barry, at Selena. Para silang binunutan ng tinik sa dibdib. Akala nila'y katapusan na nila at wala nang ibang pagpipilian kundi sumuko.

Lumapag ang helicopter sa gilid ng kalsada, at isa-isang bumaba ang mga pasahero, armado at mukhang mga train
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Nine

    Bago pa man siya umakyat patungo sa private ward ni Selena, naisipan na rin niyang bumili ng makakain para kina Selena, Axel, River, at pati na rin kay Neera.Pagkalabas niya ng elevator, maingat siyang naglakad papunta sa ward. Ngunit sa gitna ng kanyang paglalakad, natanaw niya sa dulo ang isang babae na tila kilala niya sa itsura, ang pamilyar na mukha ni Heather.Si Heather, sa kabilang banda, ay abala sa pag-iikot sa pasilyo. Iniisa-isa nitong silipin ang bawat kwarto na nadaraanan, at mabusisi rin sa pagtitig sa mga taong nakakasalubong, wari’y may hinahanap.Biglang kumirot ang kutob ni Russell.Ayaw niyang magpahalata, kaya nanatili lamang siyang kalmado at naglakad na parang walang napapansin.Ngunit gaya ng inaasahan niya, hindi siya nakaligtas sa matalim na paningin ng babae. Agad siyang hinarang ni Heather at walang pasubaling tiningnan mula ulo hanggang paa, pati na rin ang mga dala-dala niyang supot.“Russell?” tawag ni Heather, sabay lapit. “Anong ginagawa mo rito?” usi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Eight

    Hindi pa rin gumalaw si Klyde sa kinauupuan. “May balita ka ba kung ano ang nangyari kina Vincent?” malamig pa rin ang tinig niya.“Sinubukan kong tingnan ang mga hidden cam sa buong hideout nila, pero wala akong na-recover. Mukhang binura nila ang lahat ng record at sinira ang mga camera sa loob ng apartment. Kahit ang mga files sa loob ng mga computer nila ay nabura at walang bakas ng kahit anong history ng pag-transfer, pag-copypaste, o kahit log in,” paliwanag ni Lyka, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses kahit ramdam niyang nanlalamig ang kanyang mga palad.“Hanapin mo sila, at kapag nahanap mo na kung nasaan sila… alam mo na ang dapat mong gawin,” mariing wika ni Klyde, mabigat ang tono at malamig ang titig.Walang alinlangan, agad na naunawaan ni Lyka ang nais ipagawa sa kanya. Walang tanong, walang pagdadalawang-isip. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang at agad na nagpaalam na aalis na.Alam niyang mahalaga na mahanap kaagad si Vincent at ang mga kasama nito. Kila

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Seven

    Lumapad ang ngiti sa labi ni Selena. “Oo naman,” masayang tugon niya, malinaw na nagustuhan ang napiling pangalan.Hindi na siya makapaghintay na mahawakan at mahagkan ang kambal. Ramdam niya ang pananabik sa bawat tibok ng puso. Maging si Axel ay hindi rin makapaghintay na makarga ang kanilang mga anak sa unang pagkakataon.Pinanood pa nila nang ilang minuto ang kambal sa loob ng NICU, tahimik na nakamasid sa maliliit na katawan na unti-unting nadadala ng antok.Nang sa wakas ay makita nilang mahimbing at malalim na ang tulog ng mga sanggol, nagpasya silang bumalik na sa private ward ni Selena.Habang naglalakad pabalik ang dalawa, hindi nila namalayan na may ibang pares ng mata na nakasunod sa kanila.Sa parehong hapon, naroon din sa ospital si Heather. Inatake sa puso ang kanyang ama, si Harold, kaya agad itong isinugod sa ER. Sa likod ng biglaang pangyayaring iyon ay nakasalalay pa ang mabibigat na problemang kinahaharap ng kumpanya ng kanilang pamilya.Ngunit lahat ng iyon ay til

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Six

    Sa katahimikan ng ward, tanging tunog ng mabagal na paghinga ni Selena at ng mahinang pag-ugong ng aircon ang naririnig.Hapon na nang magising si Selena. Ilang oras din siyang nakapagpahinga matapos ang mahaba at nakakapagod na operasyon.Iminulat niya ang kanyang mga mata nang dahan-dahan, para bang sinusubukan munang masanay sa liwanag na pumapasok sa silid.Una niyang nasilayan ang pigura ni Axel na nakaupo sa tabi niya, bahagyang nakasandal sa sandalan ng upuan, ngunit abala sa pagtipa sa laptop na nakalapag sa kanyang hita. May seryosong ekspresyon ito, para bang malalim ang iniisip.Sa kabilang panig naman niya, naroon si River, abala rin sa pagtingin sa mga dokumento sa laptop na hawak nito, halatang may pinagkakaabalahan ding trabaho.Naramdaman ni Axel ang isang pares ng mata na nakatingin sa kanya kaya inangat niya ang kanyang ulo. Nang makita niyang gising na si Selena at tahimik na nakatitig sa kanya, bahagyang nabigla si Axel.Mabilis niyang kinalma ang sarili, isinara a

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Five

    Napalingon silang lahat.Isa…Dalawa…Dalawang magkasunod na iyak ng mga bagong silang na sanggol ang umalingawngaw.Napatayo si Axel, nanlaki ang mata habang nanginginig ang katawan.Makalipas ang isa’t kalahating oras, sa wakas ay namatay ang pulang ilaw sa itaas ng pinto. Bumukas ito, at lumabas ang dalawang nurse na tulak-tulak ang tig-isang bassinet.Napatigil ang lahat, napatingin sa dalawang munting nilalang na may kasamang musika ng iyak.Lumabas ang isang doktor, lumapit kay Axel na agad din naming sinalubong ng lalaki.“Congratulations, Mr. Strathmore,” nakangiting bati ng doktor. “Parehong lalaki ang kambal mo!”Nabigla si Axel, hindi alam kung ano ang unang dapat sabihin. Sa halip na sumagot sa doktor, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa dalawang bassinet kung saan mahimbing na natutulog ang kambal.Ilang segundong kumunot ang noo ni Axel bago tuluyang nagbago ang ekspresyon nito, mula sa seryosong titig ay naging kalmado at tila relax.Nakita iyon ng lahat. Marami ang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifty Four

    Agad nilang inilagay si Selena sa stretcher at itinakbo sa NICU para isagawa ang emergency cesarean section.Hindi na nag-aksaya ng oras ang mga nurse at doktor.Si Axel naman ay napilitang manatili sa labas, iniwan sa hallway habang sinusubukan niyang panatilihin ang sarili sa katinuan.Ilang minuto ang lumipas, muling bumukas ang pinto ng NICU at lumabas ang isang doktor, seryoso ang ekspresyon. “Mr. Strathmore?” tawag nito.Agad na lumapit si Axel. “Ano’ng lagay niya?” aniya, halos hindi makahinga.Hindi maganda ang anyo ng doktor. May bigat ang bawat salitang bibitawan.“Mr. Strathmore, sinabi mo na halos o papasok pa lang sa walong buwan ang dinadala ng asawa mo kaya magiging premature ang panganganak niya. May tumulo mula sa kanyang pwerta dahil maaga ring nabutas ang panubigan ni Mrs. Strathmore kaya’t nagsimula na ang contractions, kasabay ng matinding pagdurugo. Malakas ang sakit na nararamdaman niya kaya siya namumutla. Binigyan na siya ng painkillers at pinapakalma ang kond

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status