Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Ninety Nine

Share

Chapter One Hundred Ninety Nine

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-09-07 20:59:26

Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”

“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”

Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.

“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.

Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.

Bigla niyang naalala si Silas.

“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”

“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”

Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.

“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.

“Ano naman kaya ang pinag-usapan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
FourStars
thank you rin po :)))
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
thanks author ...️, nice move silas
goodnovel comment avatar
FourStars
ang bilis mo madam, ah hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Three

    Tumaas ang kilay ni Lyka, halatang hindi impressed sa mga tanong niya. “Simple lang ang kailangan mong gawin. Gusto ni Mr. Strathmore na magmanman ka para sa kanya.”Natigilan si Nessa nang marinig ang apelyido.“Mr. Strathmore?” ulit niya, unti-unting bumababa ang kutsilyo sa pagkakahawak. “Sino sa mga Strathmore ang tinutukoy mo? Kasi ang kilala ko lang… si Klyde.”Sandaling natahimik si Lyka bago tuluyang sumagot. “Siya nga.”Napangisi si Nessa, malamig at puno ng hinanakit. “Ano naman ang kailangan sa akin ng manggagamit na ’yon?” tanong niya, halata sa boses ang matinding galit kay Klyde.“Bago ’yon,” putol ni Lyka, “hindi ba’t matagal mo nang gustong maghiganti sa stepsister mo?” Sandaling tumigil ito bago muling nagsalita. “Pinapunta ako rito ni Mr. Strathmore. Kailangan niya ang tulong mo para pabagsakin ang sarili niyang pinsan.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Nessa. “Ano naman ang kinalaman ko sa away niya at ng pinsan niya?”“Ang pinsan ni Mr. Strathmore—si Axelius Strathmor

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Two

    Tumawa nang malakas ang babae. “Surprise!” ani Nessa, taas-baba ang kilay. “Ang tagal mo namang napagtantong ako ’to. Dahil ba sobrang ganda na ng buhay mo ngayon kaya nakalimutan mo na ako? Ha?” Ang ngiti nito ay parang kutsilyong humihiwa sa hangin.“P-paano ka nakasakay ng barko?” mahina ngunit mariing tanong ni Selena. “Imposible… imposible na ikaw lang mag-isa ang nakagawa ng paraan. At lalong imposibleng tulungan ka ni Nigel—”Hindi na niya natapos ang sasabihin.“Manahimik ka!” sigaw ni Nessa, malakas, basag, at puno ng poot na nagpatigil sa hangin sa pagitan nila. “Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng hinayup*k na ’yon!” Nagngingitngit na halos magdugtong ang mga ngipin niya. “Demonyo ang hayop na ’yon!”Namula ang mga mata ni Nessa sa galit. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga panahong kinaladkad siya ng mga tauhan ni Nigel papasok ng sasakyan at dinala sa night club nito.Pagdating doon, hindi siya tinanong, hindi siya pinakinggan. Ipinuwesto agad siya bilang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety One

    “Ganoon ba. Tara, ihahatid na kita pabalik sa suite natin,” sabi ni Axel habang tumatayo para alalayan si Selena.Tumayo rin si Selena, hawak ang kamay ni Axel. “Huwag na. Baka naninibago lang ako. Motion sickness lang siguro—unang beses ko kasing sumakay ng barko.”“Sigurado ka?” tanong ni Axel.Tumango si Selena. “Oo. Doon na muna ako sa open deck para magpahangin sandali.”“Sige,” sang-ayon ni Axel. Lumingon siya kay River. “Samahan mo siya roon.”Tahimik na tumango si River at sinundan si Selena palabas ng Grand Event Hall, patungo sa open deck.Paglabas nila, sumandal si Selena sa railings at malalim na huminga, nilalanghap ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Pinagmamasdan niya ang madilim na karagatan habang sinasalubong ng alon ang gilid ng barko. Maliban sa maingay na usapan mula sa loob ng hall, tanging lagaslas ng alon ang maririnig sa labas—payapa at nakakalma.Habang nagpapahinga, may tumawag sa kanya.“Mrs. Strathmore!”Napalingon si Selena, pati si River. Nakita nil

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety

    Ilang minuto silang namili ng pagkain bago sabay na naglakad pabalik sa kanilang mesa. Pagdating nila roon ay akmang uupo na sana si Selena nang may biglang humawak sa kanyang braso—isang babae, halatang nagmamadali at kinakabahan.“Mrs. Strathmore, puwede ba kitang makausap kahit sandali lang?” pakiusap nito, mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Selena.Agad napansin nina Russell at River ang sitwasyon at lalapit na sana para ilayo ang babae, ngunit pinigilan sila ni Selena sa isang mahinang senyas.“O sige, pero sandali lang, ha? Nagugutom na kasi ako at gusto ko nang kumain,” mahinahong sagot ni Selena.“Ganoon ba. Huwag kang mag-alala, Mrs. Strathmore. Sandali lang naman—ilang minuto lang ang kailangan ko,” mabilis na sabi ng babae.Tumango si Selena. “Okay. Ano ba ang kailangan mo?”“Ah, oo nga pala. Ako si Lorraine Harrington,” pakilala nito. “Lumapit ako dahil gusto ko sanang itanong kung puwede kang mag-invest sa maliit kong shop na gumagawa ng handmade perfume.”Sinimulan ni

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Nine

    Nang makalapit si Selena sa mesa, agad siyang inabutan ng isa sa mga server ng plato. Nagpasalamat muna siya bago nagsimulang mamili ng dessert na kanyang susubukan.Halos umapaw ang pagkain sa kanyang pinggan kaya nang matapos siyang mamili, nagdesisyon siyang lumakad pabalik kay Axel.Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay aksidenteng nagtagpo sila ng kasalubong niyang waitress na may dalang tray ng wine glasses.Mabuti na lamang at mahigpit at maingat ang hawak ni Selena sa kanyang pinggan—kabaliktaran naman ang sinapit ng waitress. Nabasag ang mga wine glass at natapunan ang mga tao sa paligid, lalo na ang waitress na nabasa ang kanyang uniform.Saglit na iniabot ni Selena ang kanyang pinggan sa server na malapit at agad yumuko upang tulungan ang nakakaawang waitress.“Hala! Hindi ko sinasadya. Pasensiya na. Kung ano man ang nabasag, babayaran ko. Ako na ang bahala. Pati sa uniform mo, ipapa-laundry ko. Pasensiya talaga,” paulit-ulit niyang sambit habang tinutulungan ang wai

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eighty Eight

    Sa loob ng Grand Event Hall ng luxury cruise, lalong namangha sina Selena sa gagarbo ng paligid. Malawak ang lugar, may mataas na kisame na may nagliliwanag na crystal chandeliers, at mula sa sahig hanggang dingding ay elegante ang disenyo—parang hotel ballroom sa gitna ng dagat.Sa magkabilang gilid ay nakahain ang samut-saring international cuisine na ikagugulat ng ilang sasampa ng barko.Sa labas ng hall ay siksikan ang mga bisita dahil halos lahat ng guest ng cruise ay inimbitahan sa gabing iyon. Kaya naman bahagyang natagalan sina Selena at Axel bago makapasok.Pagpasok nila, saglit na tumingin si Axel sa paligid, hinahanap ang host ng event. Nang makita niya, marahan niyang inakay si Selena papunta roon.Habang naglalakad sila, napapalingon ang mga tao. Hindi lang dahil kilala ang Strathmore Group sa balita nitong mga nakaraang ilang buwan, kundi dahil parang naging celebrities na rin ang kanilang pamilya sa buong bansa—si Axel na nakilalang mabuting ama, si Selena na hinahangaa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status