Nanlaki ang mga mata ni Selena. “P-paano mo nalaman?!”“Yung tawag kanina?” sagot ni Neera, nakatitig. “Si tito Lucas ‘yon. Tumawag siya para paimbestigahan ang aksidente at para hanapin ka. Ngayon, gusto ko malaman... may alam ka ba? O may pinaghihinalaan ka bang may kinalaman sa nangyari?”Napayuko si Selena, mariin ang titig sa sahig bago muling nagsalita.“Dahil natanong mo ‘yan, mayroon.” Huminga siya nang malalim, bakas ang alinlangan. “Si Heather at si Nessa… pero hindi ako sigurado. Wala akong matibay na ebidensya. Si Nessa, alam kong wala siyang kakayahang gumanti o gumawa ng gulo. Dahil sapilita siya ngayong pinagtatrabaho ng lending shark para tulungan si Ricardo na bayaran ang utang niya. Tapos si Heather… siya ang dating fiancée ni Axel. Pinutol ni Axel ang partnership ng Strathmore Group at Faulkner Metalworks dahil sa kanya. Silang dalawa lang naman ang nakaalitan ko.”Tahimik si Neera habang nakikinig. Makikita sa mga mata niyang nagsisimula nang gumulong ang makina sa
“Maliban sa paghanap kay Mrs. Strathmore, gusto ni Mr. Strathmore na tutukan mo rin ang imbestigasyon sa totoong pagkatao ng salarin. Gagawin niya ang lahat para matukoy kung sino ang nasa likod ng trahedya. Huwag kang mag-alala, babayaran ka niya kahit gaano kalaki ang halaga basta’t matagumpay mong matapos ang misyon.”Napaisip si Neera. “Saka na lang natin pag-usapan ang bayad kapag natapos ko na ang trabaho,” aniya, matatag ang boses. Hindi siya kailanman nauuna sa usapan pagdating sa kabayaran hangga’t hindi pa niya natatapos ang trabaho.Nagtagal pa ng ilang minuto ang kanilang usapan. Nagkumustahan pa sila sandali dahil matagal na rin kasi silang hindi nagkausap.Ngunit sa kabila ng mainit nilang pagbabalik-komunikasyon, pinili pa rin ni Neera na huwag sabihin kay Lucas ang tungkol sa kanyang anak na si Kyle.Ayaw man niya itong itago, ngunit takot ang nangingibabaw. Takot na malaman ng lalaking iyon na may bunga ang gabing hindi nila inaasahan.Sapagkat kung mangyari man iyon,
Tahimik muli.Sa totoo lang, hindi naman talaga sila nagkaroon ng pagkakataon para makapag-usap nang masinsinan. Hindi rin sila naging malapit.Si Neera ang kakambal ni Nessa, pero malayung-malayo ang ugali ng dalawa. Si Nessa ay laging uhaw sa atensyon, gustong laging sentro ng lahat, maging ng kanilang mga magulang. Samantalang si Neera, tahimik at tila walang pakialam kung mapansin man o hindi.Pareho silang naging working student at scholar. Pero ni minsan ay hindi niya nakita si Neera na sumama sa mga gala o inuman kasama ng mga barkadang laging bitbit ni Nessa.Pagkatapos ng high school graduation nila, bigla na lang itong umalis at namuhay mag-isa. Laking pagtataka ni Selena noon kung bakit hindi man lang ito pinigilan ni Nadine.Humigop ng kape si Neera habang nakatitig sa kanya.“Wala ka na bang ibang gustong sabihin? Itatanong?” tanong nito, direkta at walang paligoy.Nagdalawang-isip siya sandali, halatang litong-lito. “Ano’ng ginagawa ko rito sa bahay mo? Bakit ngayon ka l
Napabuntong-hininga si Axel. Mabigat. “Lucas… hinahanap ko pa rin siya.”Parang tinamaan ng kidlat si Lucas. “Hinahanap?” ulit nito, halos hindi makapaniwala. “M-may nangyari ba kay Mrs. Strathmore?!”Mabilis siyang sinenyasan ni Axel. “Shh,’’ inilapit nito ang hintuturo sa kanyang labi. “Walang nakakaalam nito maliban kina Tyler, Barry, at Russell.”Nanatiling nakatayo si Lucas, hindi makagalaw. Halos manlambot ang tuhod. Sa edad niyang 57, sanay siya sa mabibigat na trabaho. Kahit may edad na, kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga mas bata sa kanya. Pero ang ideya na nawawala si Selena ay napakasakit para sa kanya. Hindi man siya kadugo, naging malapit na ang loob niya rito. Parang anak na rin ang turing niya kay Selena.“Naaksidente ang bus na sinakyan ni Selena,” saad ni Axel, mabigat ang tinig. “Nawalan ng preno, sumabog ang makina, at gumulong pababa ng bangin.”“Diyos ko…” bulong ni Lucas, halos hindi makapaniwala.Hindi man nagtagal si Selena sa mansyon, sa maikling panahon
Tumango si Abigail. “Oo.”Tahimik na tumayo si Axel mula sa sofa. Tumitig siya kina Abigail at Heather ng mariin, mabigat ang titig na para bang hinuhusgahan ang kanilang mga katahimikan. Walang sinayang na salita.“Sige. Papayagan ko siyang manirahan dito. Pero kung madadatnan ko ulit ang gano’ng eksena kanina…” napalingon siya kay Heather, malamig ang tingin, halos nanlilisik. “Simulan na niyang mag-empake agad.”At tuluyan siyang umalis, paakyat sa silid nila ni Selena, bitbit ang bigat sa dibdib na hindi niya maipaliwanag.Hindi niya na nakita ang bahagyang panginginig ng labi ni Abigail, isang saglit na pagsuko sa tensyon ng sitwasyon. Lalo na ang galit na pumunit sa mukha ni Heather, isang uri ng galit na tila kayang sumunog ng buong bahay. Lumulutang sa mga mata nito ang matinding paghihiganti, kasabay ng ngitngit na pilit pinipigilan.Muling tumingin si Abigail kay Heather, kinuha ang kamay nito at marahang hinimas, halos bulong ang boses.“Huwag kang mag-alala, Heather. Kung
Napatingin si Axel sa mga luha ng bata at marahang pinunasan ang mga ito.“Ano bang sinabi nila sa ’yo?” tanong niya, mahina ngunit mariin ang tinig.Lalong namutla sina Abigail at Heather.“Ang sabi nila… hindi mo raw mahal si Ate Selena,” garalgal na sagot ni Silas, nanginginig. “At… palalayasin mo raw kami rito…” Tumulo na naman ang luha sa pisngi ng bata. “T-totoo ba ’yon, kuya Axel?”Napako sa katahimikan si Axel. Bahagyang natigilan sa tanong ni Silas.Kailan niya sinabi ang gano’ng bagay? Totoong nagpakasal sila ni Selena na walang pagmamahal sa simula pero hindi ibig no’n magagawa niya ang sinabi ni Silas sa kanilang magkapatid.Mabagal siyang tumingin kina Abigail at Heather. Mula sa dating malambot niyang tingin kay Silas, ngayo’y matalim na, parang punyal na tumatagos kina Abigail at Heather.Unang dumepensa si Abigail, pilit na pinapahupa ang sitwasyon. “Silas, masama ang magsinungaling—”Ngunit mabilis siyang pinutol ng bata. “Hindi ako sinungaling!” sigaw ni Silas, umiiy