Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Seventy One

Share

Chapter One Hundred Seventy One

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-08-20 21:18:03

“Ms. Faulkner? Narito ka ba para bisitahin ang kaibigan ko?” wika ni Russell na may tila kaswal na ngiti.

Napatalon sa gulat at kaba si Heather, wari’y nahuli at natuklasan sa isang bagay na hindi niya dapat ginagawa, ngunit agad niyang pinilit pakalmahin ang sarili bago sumagot.

“Ha? Eh… oo… o-oo! Narito ako para dalawin ang kaibigan mo. Naawa kasi ako, pakiramdam ko parang nasaktan din ako nang makita ko siya noong una na nahihirapan siyang maglakad,” paliwanag ni Heather na pinilit gawing natural at normal ang bawat salita.

Ngumiti si Russell. “Maraming salamat sa concern, Ms. Faulkner. Pero… paano mo nga ba nalaman na dito ang ward ni Neera?”

Akala ni Heather ay ligtas na siya sa hinala, ngunit dahil sa tanong ni Russell ay muling kinabahan at agad naghanap ng palusot.

“Uhm… t-tinanong ko kasi sa nurse k-kung saang w-ward naka-stay ang kaibigan mo. K-kinulit ko talaga y-yung nurse hanggang sa sabihin niya sa ‘kin. S-siguro dahil sa sobrang pangungulit ko, napilitan na rin siyang s
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Three

    Mabilis na tumalikod si Heather, naglakad pabalik sa guest room. Mabilis na napalitan ang pekeng ngiti sa totoong pagkamuhi niya kay Selena.Hindi naman nakaligtas kay Lucas ang madilim na anyo at tila may tinatagong balak na titig sa mga mata ni Heather.Sa kanyang pakiramdam, hindi matatapos sa insidente kanina ang mga masasamang pangyayari, mas lalo pa itong magpapatuloy.Tahimik siyang napabuntong-hininga at tanging hiling niya na sana’y tuluyan nang mawaksi ang mga trahedyang nagbabadya, at manumbalik muli ang dating payapa at tahimik na paligid ng mansyon. Poop getTuned p naghahabol ng hininga dahil sa walang patid na pagtatrabaho sa buong maghapon. Kaunti lamang ang pahinga at halos walang pagkakataong makabawi ng lakas.Ganoon rin ang sinapit ni Pablo. Mas matindi pa ang kanyang pagod sapagkat isa siya sa tatlong hardinero ng mansyon. Araw-araw siyang babad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, at ramdam na ramdam sa kanyang katawan ang bigat ng trabaho.Nanginginig na ang kat

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Two

    Sa nursery room, nakabalik na muli sa mahimbing na pagtulog ang kambal. Lumabas na rin sila at pansamantalang iniwan ang dalawang sanggol.Pagkalabas nila ay naroon na si Lucas, tila matiyagang naghihintay sa paglabas ni Selena.“Mr. Gardner?” tawag niya sa matandang butler.“Mrs. Strathmore, naibigay ko na ang kaukulang parusa kina Lilia at Pablo ayon sa iniutos ninyo,” magalang na sagot ni Lucas.Tumango si Selena na may kasamang malamig na ekspresyon. “Iiwan ko muna sa pangangalaga mo sina Samuel at Asher. Aalis kami ni Barry para mamili ng isusuot kong gown para sa party bukas ng gabi,” paalam niya.“Pero Mrs. Strathmore… paano kung maulit na naman ang nangyari kanina sa kambal?” nag-aalalang wika ng matanda, halatang hindi mapakali. Alam niyang iyon pa lamang ang unang beses na may banta sa dalawang sanggol, ngunit halos atakihin na siya sa puso sa sobrang kaba. Sa isip niya, kung hindi sila naging maagap ni Barry kanina ay baka mas pinili na lamang niyang lamunin siya ng lupa ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety One

    Unti-unting gumulong ang stroller patungo sa direksiyon ng swimming pool.Sa kanyang isipan ay lihim siyang napangisi, sabay sapantaha na ilang sandali na lamang ay lulubog sa tubig ang kambal, malulunod, at sa huli ay mamamatay ang dalawang walang kamuwang-muwang na sanggol.Ngunit ang inakala niyang matagumpay na plano ay biglang naudlot.Sa isang iglap ay mabilis na sumaklolo sina Lucas at Barry, parehong tumalon sa eksena upang hablutin ang dalawang stroller kung saan sakay sina Asher at Samuel.Mabuti na lamang at naging maagap ang dalawa, agad nilang nasalo ang stroller sa mismong huling segundo bago pa ito tuluyang mahulog sa swimming pool na may lalim na anim na talampakan.Kung nagkataon ay siguradong lulubog at malulunod ang kambal, at hindi na maililigtas mula sa tiyak na kamatayan.Nagmadali si Selena na bumalik sa hardin matapos kumuha ng ilang pagkain at inumin mula sa kusina.Natagalan lamang siya dahil ipinag-bake pa siya ng mga kusinero ng ilang masasarap na pastries.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety

    “May kailangan ka ba, Ms. Faulkner?” malamig na saad ni Selena.Nanatili ang ngiti sa labi ni Heather ngunit nag-aalab ang kanyang dibdib sa tuwing nakikita niya si Selena.May pait at galit na pilit niyang tinatago sa likod ng inosenteng anyo.“Gusto mo bang kumain ng agahan na niluto ko?” anito na tila walang bahid ng masamang intensyon.Hindi agad sumagot si Selena. Pinagmasdan muna niya ang ekspresyon ni Heather, wari’y sinusuri kung totoo ba ang kabaitan nito o isa lamang maskara. “Hindi pa ako gutom. Mauna ka na sa agahan. Babalik na lang ako sa kwarto namin,” malamig niyang tugon.Naglakad siya palayo, nilagpasan si Heather nang hindi na lumingon o hinintay pa ang anumang sasabihin nito. Mabilis siyang umakyat sa hagdan, diretsong bumalik sa kanilang silid.Kinuha niya ang diary mula sa drawer ng bedside table at pagkatapos ay nagtungo sa nursery room ng kambal. Doon niya planong ipagpatuloy ang pagbabasa ng laman ng diary.Makalipas ang halos isang oras na pagbabasa ay napahin

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Eighty Nine

    Bahagyang umiling si Alaric, pinili pa ring maging kalmado. “Totoo ang sinabi mo, hindi maikukumpara ang family background ni Selena kay Heather. Pero si Selena ay nagtapos sa isa sa mga top university sa bansa bilang magna cum laude. Marami din siyang honors, medals, at trophies na napanalunan sa iba’t ibang paligsahan gaya ng science fair, mathematics olympiad, at kung anu-ano pa. Ano pa ba ang hindi kahanga-hanga sa kanya?” paliwanag ni Alaric.“Para saan ang lahat ng mga na-achieve niya kung hindi rin naman siya nanggaling sa isang mayamang pamilya?” pangangatwiran ni Abigail, nanlilisik ang mga mata.Huminga nang malalim si Alaric. “Abigail, marahil mas mabuti kung alalahanin mo rin kung papaano tayo nagsimula bago tayo ikinasal.”Iyon lamang ang iniwan niyang salita bago siya tumayo at lumabas ng silid, nagtuloy sa study area dahil may ilang papeles pa siyang kailangang basahin.Naiwan mag-isa si Abigail sa kwarto, at sa kabila ng inis ay tila biglang napaisip sa mga salitang bi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Eighty Eight

    “Ako ang dahilan ng pagtatalo niyong mag-ina, hindi ba? Siguro mas mabuti na—”“Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo,” mabilis na putol ni Axel.Ramdam ni Selena ang bigat at angas ng tono ng lalaki, bakas din sa mukha nito ang galit dahil kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Dahil doon ay hindi na niya ipinagpatuloy ang nais sabihin.Maingat siyang inakay ni Axel sa kanilang kama, marahang inalalayan sa paghiga at saka kinumutan.“Kaya ko naman nang kumilos mag-isa,” malumanay ang boses ni Selena.“Mas mabuti na rin na alalayan kita. Wala pang isang linggo mula nang operahan ka,” sagot ni Axel, saka kinuha ang diary na binabasa niya kanina at inilagay iyon sa loob ng drawer ng bedside table.“Sandali lang, hindi pa ako tapos basahin ‘yan,” protesta ni Selena at balak pa sanang kunin ang diary mula sa kamay ni Axel, ngunit pinigilan siya ng lalaki.“Ipangpabukas mo na lang. Magpahinga ka na muna,” malumanay ngunit mariing sabi ni Axel.Bigla namang tumunog ang cellphone n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status