Sumimangot si Ophelia. “Nawalan na ako ng gana gumala dahil sa Nessa na ‘yon!”Nag-isip si Selena sandali, tinitigan ang kaibigan na halatang inis na inis pa din. “Hmm… gusto mo doon na lang tayo sa bahay namin magliwaliw? Isa pa, ilang oras na lang naman, magta-tanghalian na rin.”Napagdesisyunan na niyang magsabi ng totoo kay Ophelia. Panatag ang puso niya at buo ang loob. Alam niyang si Ophelia ay hindi lang basta kaibigan, isa itong kakampi, isang taong hindi magdadaldal ng lihim o susumbat sa mga desisyong ginawa niya para sa sarili at sa buhay niya.Tinawagan niya si Barry, at agad namang pinaandar ng drayber ang sasakyan na naka-park malapit sa café. Ilang minuto lang ay huminto na ito sa tapat, handang ihatid sila kahit saan nila gustuhin.Binuksan ni Selena ang pinto ng kotse at hinila si Ophelia papasok. Nang makaupo na sila sa loob, agad na napansin ni Ophelia ang napunit na bahagi ng blouse ni Selena.“Ay! Tingnan mo ‘yang suot mo! Magpunta muna kaya tayo sa mall?” alok ni
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, mabilis na umatras si Selena ng ilang hakbang, pulang-pula ang mukha sa hiya at kilig. Napangiti si Axel sa kanyang reaksyon, saka hinimas ang ulo niya nang puno ng lambing.Nagpaalam na sila sa isa’t isa. Hinila ni Russell ang mga bagahe nila ni Axel papunta sa security screening habang si Selena ay kumakaway pa rin, nakatitig sa direksyong tinahak ng dalawa hanggang sa tuluyang maglaho ang mga ito sa kanyang paningin.Matapos ihatid ang dalawa sa airport ay dinala naman siya ni Barry sa isang café kung saan sila magkikita ni Ophelia. Pagkapasok niya sa loob, agad siyang luminga-linga sa paligid. Nilibot ng paningin niya ang paligid ng café hanggang sa sawakas ay nakita niya si Ophelia na nakaupo sa isang mesa sa gilid ng bintana. Ngunit bago pa siya makalapit, napansin niyang may kausap ito at tila hindi maganda ang kanilang pag-uusap, batay sa nakakunot na noo ni Ophelia at sa tikas ng kanyang pagkakaupo.Habang unti-unting naglalakad ni Selen
Humigpit ang hawak ni Axel sa manibela, bakat ang mga ugat sa kanyang dalawang kamay. Mabigat ang dibdib niya, parang pinupunit, habang nakikinig sa sinapit ni Selena sa sarili nitong pamilya.“Hindi ko na mabilang kung gaano ako katagal nagtiis sa pagmamalupit nila sa ‘kin simula pagkabata. Ginawa ko naman ang lahat para bigyang-pansin ako ni dad…” anang tinig ni Selena, mababa ngunit puno ng hinagpis.Naalala pa niya ang bawat pagkakataong sumasali siya sa mga kompetisyon sa eskwelahan. Lahat ng iyon ginawa niya upang patunayan ang sarili. Pinagbubutihan niya hindi lamang ang pag-aaral kundi pati ang bawat laban, bawat pagsali sa anumang paligsahan, lahat para sa isang bagay. Ang makuha ang atensyon ng kanyang ama na si Ricardo.Pero anong naging kapalit ng lahat ng effort niya?Naalala niya ang isang insidente na hindi niya malilimutan.“Hindi ka na dapat nakikipag-agawan ng atensyon sa kapatid mo! Hinayaan mo na lang sanang manalo si Nessa! Wala namang kwenta ‘yang ginagawa mo!”M
Ramdam ni Nigel ang biglaang pagbabago ng paligid, at nang lumingon siya, nakita niya ang madilim na ekspresyon ni Axel, tila’y may malamig na aninong nakatingin sa kanya. “Mr. Strathmore, may problema—” Bago pa matapos ang sasabihin ni Nigel ay bigla itong bumagsak sa sahig, bagsak na parang tuod. Nag-blackout si Nigel sa biglaan at malakas na suntok ni Axel. Ilang saglit pa ay nagkamalay siyang muli. Masakit ang kanyang katawan, lalo na ang mukha na tila binasag ang panga niya. Duguan ang kanyang ilong at masakit ang panga. Pinunasan niya ito gamit ang manggas ng kanyang coat habang tinutulungan ng tauhan na makatayo. “Anong ibig sabihin nito, Mr. Strathmore!?” galit ngunit halatang takot na tanong ni Nigel. Hindi pa rin nawawala ang nakakatakot na ekspresyon ni Axel. Halos umuusok sa galit ang boses nito. “‘Yan ang dapat kong itanong sa’yo, Mr. Giordano. Bakit kasama ng mga tauhan mo ang misis ko?” Nanigas ang buong katawan ni Nigel. Hindi makapaniwala sa narinig.
Ngayon ay naisakatuparan na ang plano ni Ricardo sa tulong ng anak niyang si Nessa.Tiningnan niya ito nang may tuwa. “Maaasahan talaga kita, Nessa. Hindi kagaya ng nakakatanda mong ate na si Selena,” malambing ang tono kay Nessa pero may bahid ng pangungutya kay Selena.“Syempre naman, Dad. Kahit ano gagawin ko para sa pamilya natin,” masayang saad ni Nessa, pero ang tunay na dahilan ng kanyang kasiyahan ay ang maaaring sapitin ni Selena sa kamay ni Nigel Giordano.“Napakaswerte ko dahil may anak akong kagaya mo,” ani Ricardo sabay yakap kay Nessa, punung-puno ng pagmamalaki at kagalakan.“Tara na’t pumasok na tayo. Ang ginaw dito sa labas,” aya ni Nadine.Natutuwa rin si Nadine, dahil kitang-kita niyang tuwang-tuwa si Ricardo kay Nessa at higit sa lahat, wala na silang problema sa utang.“Bukas lumabas tayo para kumain sa restaurant,” masiglang mungkahi ni Ricardo habang papasok sa bahay, hawak-hawak pa rin ang limpak-limpak na pera na ibinigay ng tauhan ni Nigel at binibilang ito h
Habang pababa ng hagdan, napansin ni Nessa na naghihintay na sa sala si Selena. Agad siyang lumapit dito na waring may siglang dala sa tinig."Ito na, Selena. Pakisilip muna kung ito na lahat ng naiwan mong gamit," aniya, may ngiti sa labi pero tago ang panlilinlang sa bawat salitang bitawan.Kinuha ni Selena ang kahon mula kay Nessa. Medyo mabigat ito kaya ibinaba muna niya sa ibabaw ng coffeetable upang suriin ang laman.Nandoon ang apat na photo album, mga picture frame nilang tatlo nina Silas at Sofia, isang diary, at lumang music box ng kanyang ina. Matapos silipin ang mga laman, binitbit niya ang kahon at tuluyang lumakad palabas ng bahay.Paglabas niya ng pinto, agad siyang nagtaka nang makita ang mga lalaking nakasuot ng itim na business suit na nakapalibot sa labas ng bahay. Sandali siyang napahinto, pinakiramdaman ang sitwasyon, bago muling lumakad. Ngunit bago pa siya makalayo, bigla na lang may humawak sa kanyang braso kaya nabitawan niya ang kahon.Lumingon siya at nakita