Share

Chapter Seventy Five

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-06-05 23:02:49
Tumayo sa harapan nina Selena at Axel si Dr. Rubio, seryoso ang mukha habang hawak ang isang papel.

“Base sa laboratory analysis, ang laman ng bote ay hindi pangkaraniwang prenatal vitamins,” panimula niya, mababa ang boses at mabigat ang tono. “May nahanap kaming bakas ng misoprostol, isang gamot na karaniwang ginagamit para sa medical abortion.”

Natahimik ang buong silid. Parang binagsakan ng mabigat na bato si Selena sa dibdib. Napahawak siya agad sa kanyang tiyan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot. Mabilis ang tibok ng puso niya, para bang hindi niya alam kung iiyak ba siya o hihimatayin.

Nanigas sa kinauupuan si Axel, mariing nakatitig kay Dr. Rubio.

“Nagsagawa kami ng tatlong sabayang pagsusuri gamit ang sample mula sa boteng ibinigay ni Mr. Strathmore. Lahat ng resulta ay pare-pareho,” dagdag pa ni Dr. Rubio.

Nanginginig ang labi ni Selena habang nagsalita. “P-pero... Wala akong natatandaan na may ganyan akong gamot,” halos pabulong na sabi niya, puno ng pagkali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
FourStars
pasensiya na, madam. ngayong gabi, double update tayo ☆ thank you sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
Liza Paballa
more update author pls paisa isa lng lagi
goodnovel comment avatar
AANC71320
more update plssssss!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Eight

    Ilang sandali pa, muling nagsalita ang reporter sa live broadcast, hawak ang mikropono at nakatutok sa kamera.“Sa ngayon ay inaresto na at dinala sa istasyon ng pulis sina Ivan Brandt at Warren Cruz upang kunan ng kani-kanilang panig. Humaharap si Warren Cruz sa patung-patong na kaso kabilang ang Manufacture of Dangerous Drugs, Plunder, at Falsification of Corporate Documents. Samantala, si Ivan Brandt naman ay nahaharap sa kasong Obstruction of Justice at Accessory to Plunder. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang lawak ng kanilang operasyon at kung sinu-sino pa ang posibleng sangkot sa mga iligal na gawain.”Doon na naputol ang live broadcast.Halos malaglag ang panga nina Abigail at Eve matapos marinig at mapanood lahat ng mga nangyari.Si Abigail ang unang nagsalita, puno ng galit ang boses. “Ang walang hiyang ‘yon! Ang lakas ng loob ni Warren na gamitin si Axel para lamang makatakas sa batas! Siya pala ang totoong nagpapatakbo ng drug laboratory na siyang dahilan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Seven

    “Ayos lang, naiintindihan ko naman na nag-aalala ka lang sa akin, Mom. Pero hindi na kailangan dahil nariyan naman sina Barry, Tyler, Russell, at River para protektahan ako. Maaasahan ko naman silang apat,” paliwanag ni Selena.Napabuntong-hininga na lamang si Abigail at hindi na pinilit pa ang gusto.“Sige, ikaw ang bahala—”Naputol ang sasabihin ni Abigail nang bigla na lamang sumigaw si Eve.“Tita Abigail! Selena! Panoorin n’yo ’to!”Agad tumayo si Eve at iniharap kina Selena at Abigail ang kanyang cellphone upang mapanood nila ang live broadcast mula sa isang media outlet. Sabay-sabay nilang pinanood ang aktwal na pagdakip ng mga pulis kay Warren Cruz.Pinakinggan nilang mabuti ang ulat ng nagbabalitang reporter na nasa mismong eksena.“Kasalukuyang pinoposasan ngayon ng mga pulis ang isa sa mga shareholder at miyembro ng Board of Directors ng Strathmore Group na si Warren Cruz. Makalipas ang dalawang taon, muling binuksan ng mga awtoridad ang kaso ng dating may-ari ng kumpanyang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Six

    “Maraming salamat, Mom,” tanging sabi ni Selena bago siya pumasok sa loob ng kwarto upang makatulog.Kinabukasan, nabulahaw ang mahimbing na tulog ni Selena nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.“Selena!” sigaw ni Eve, halatang nagmamadali.Napabalikwas ng bangon si Selena, nagulat sa malakas at biglaang tawag ng kapatid. Akala niya ay may malalang nangyari.“Bakit? Ano’ng nangyari? Anong mayroon?” tanong niya habang pilit pang iniimulat ang mga mata, halatang inaantok at naguguluhan pa.Iniharap ni Eve ang cellphone niya sa mukha ni Selena. Antok pa at papikit-pikit si Selena habang binabasa ang ipinapakita sa kanya.Ilang segundo lang ay naningkit ang kanyang mga mata, tila unti-unting nagigising habang tahimik na binabasa ang laman ng balita.Pagkatapos ng ilang sandali, kinuha niya ang sarili niyang cellphone at agad na tinawagan si Tyler.Pagkakonekta pa lang ng tawag ay bumungad na ang nag-aalalang boses ng lalaki.“Mrs. Strathmore, nabasa mo na ba ang balita na magka—”“M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Five

    Hindi siya agad sumagot. Paglingon niya kay Enzo, kalmado lang niyang sinabi, “Mr. Dalmacio, mauuna na kami. May kailangan pa akong asikasuhin. Mag-iingat sa biyahe.”Tumango lang si Enzo at pinanood ang pagpasok ni Selena sa sasakyan hanggang sa umalis ito.Pagkasakay ni Enzo sa sarili niyang kotse, tahimik silang bumiyahe ni Kenjie. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang assistant.“Mr. Dalmacio, napansin kong parang hindi nagulat si Mrs. Strathmore. Parang alam niyang may mangyayari.”Bahagyang tumango si Enzo. “Oo. Napansin ko rin.”Tahimik muli ang loob ng sasakyan. Pareho nilang alam na hindi matatapos sa gabing iyon ang nangyari.Sa loob ng kotse ay sakay sina Selena, Russell, at Barry. Pabalik na sila sa Crystal Lake Mansion.Tahimik ang biyahe hanggang sa biglang magsalita si Selena—seryoso, diretso, at walang pasakalye.“Russell, sabihin mo kay Tyler na huwag na niyang imbestigahan ang nangyari kanina. Gusto kong abangan niya ang mga balitang lalabas bukas,” utos niya.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Four

    Ito mismo ang naging pangunahing dahilan kung bakit pinili ni Enzo Dalmacio na makipag-collaborate sa Ascend Robotics. Para sa kanya, hindi lang basta teknolohiya ang hatid ng proyekto, kundi kapayapaan ng isip at proteksiyon sa tahanan.Hindi maikakaila na pinag-isipan, pinaghandaan, at pinagbuti ng Ascend Robotics ang bawat detalye ng kanilang produkto. Hindi sila tulad ng ibang kompanyang nagpaparami lang ng produksiyon para kumita agad; sa halip, inuuna nila ang kalidad.At kahit mataas ang presyo ng mga produkto ng AR, naniniwala si Enzo na sulit ito — dahil bawat function at feature ay dinisenyo nang may layunin at katalinuhan.Matapos ang halos isang oras na pag-uusap tungkol sa proyekto, iniabot ni Russell kay Selena ang folder na naglalaman ng kontrata. Maingat naman itong tinanggap ni Selena at iniabot kay Enzo.Tahimik na sinuri ni Enzo ang bawat pahina, ang mga mata’y seryosong gumagalaw sa bawat linya ng dokumento. Ilang minuto lamang ay kinuha niya ang ballpen sa tabi at

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Three

    Maingat na inayos ni Selena ang mga dokumento at kagamitan sa ibabaw ng mesa bago tumayo, dala ang kanyang bag. Kasunod niya si Russell nang lumabas sila ng opisina at tumungo sa lobby sa ground floor. Sa labas ng gusali, naghihintay na si Barry sa itim na kotse upang ihatid siya sa restaurant kung saan nakatakda ang meeting kay Enzo Dalmacio.Tahimik ang biyahe. Habang nasa loob ng sasakyan, tiningnan ni Selena ang oras sa kanyang relo, sinigurong hindi siya mahuhuli. Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang one-star Michelin restaurant — elegante ngunit hindi labis na marangya. Bumaba siya, kasabay si Russell, at agad silang sinalubong ng isang waiter na naghatid sa kanila sa isang private room na ni-reserve ni Russell para sa meeting.Pagbukas ng pinto, dalawang lalaki ang bumungad sa kanila.Ang una ay isang lalaking may gold-rimmed glasses at blond hair — mukhang foreigner at may aura ng karanasang negosyante. Sa likuran nito ay isang mas batang lalaki, marahil an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status