Mag-log inKumalabog ang puso ni Evelyn. Bakit bigla yatang dumating ang buwanang dalaw niya?
Nagmadali siyang paandarin ang sasakyan. Noong halos kalahati na siya sa tila bundok na daan, bigla siyang pinagpawisan ng malamig sa buong katawan.
Masyadong masakit ang puson niya.
Agad niyang tinigil ang sasakyan at tinawagan si Rose, "Rose... nakabalik ka na ba? Pwede bang... sunduin mo ko?"
"Eve, nasaan ka? Anong nangyari?"
"Nasa kalagitnaan ako ng daan malapit sa mansyon ng mga Del Rosario..."
Bigla, narinig niya ang ugong ng ambulansya. Mabuti na lang at nakatawag agad ng ambulansya si Rose.
Noong maidala sa ospital si Evelyn ay ala-una na ng madaling araw.
Matapos ang maraming test na ginawa, gulat sila sa naging resulta. Sa kasamaang palad, nakunan siya. Siya ay anim na linggo na pa lang buntis!
Nanghihinang napahiga na lang siya sa higaan habang tahimik na naglalandas ang masaganang luha sa pisngi niya.
Kawawang bata, ni hindi man lang nakita ang mundo.
Sumabog sa galit si Rose dahil doon, madiin at matalim ang kanyang mga salita, "Bwisit na lalaking 'yon! Hindi ba niya alam na buntis ka? Lagi ka niyang pinapasundo sa butler niya para dalhin sa master bedroom at malamang! May nangyayari sa inyo roon."
Hindi kasi regular ang menstrual cycle niya kaya hindi niya alam na buntis na pala siya.
Siguro ay nabuo ang baby noong nakaraang buwan pa. Wala siya sa master bedroom noong nakaraang buwan, imbis ay nagpunta siya sa Country A.
May business trip si Dominic doon. Dinala siya nito roon. Kasama niya ito ng tatlong buong araw bago bumalik ng bansa.
Pinaalala pa nito na ang quota nila ng pagtat*lik ay nagamit na lahat para sa buwan na iyon.
Kaya hindi niya inasahan na ngayong buwan naman ay pinakuha siya sa butler para sa schedule nila.
Nasa ganoon silang ayos noong kumatok at pumasok ang babaeng doktor, dala-dala nito ang medical report.
"Hindi ka nag-iingat. Alam mong buntis ka pero uminom ka pa rin ng contraceptive pills. Nailigtas pa sana ang bata kung hindi ka lang uminom ng ganoon."
Contraceptive pills?
Pagkarinig pa lang doon ay pareho na silang nanigas ni Rose.
Kailanman ay hindi siya gumamit ng ano mang birthcontrol habang kasal kay Dominic. Paanong nagkaroon siya ng contraceptive pills sa katawan?
Lalong nagalit si Rose, "Ang bastardong iyon! Pasikreto ka niyang pinainom ng contraceptive para kay Lydia Mendoza. Kung ayaw niya ng anak sa'yo, sana ay sinabi niya! Bakit ka niya kailangang saktan nang ganito?"
Ramdam ni Evelyn ang milyong karayom na tumutusok sa d*bdib niya.
Si Dominic ba talaga ang may gawa?
Sa tuwing matatapos sila ay lagi itong nagpapahanda ng bird's nest porridge o kaya ay chicken soup para sa kanya. Hinaluan ba nito ng gamot ang pagkain?
Noong nakaraang buwan na nasa Country A sila, wala itong pagkakataon na gawin iyon. Kaya ngayong buwan, nagkaroon ito ng pagkakataon na painumin siya ng contraceptive?
Bigla, nanghina siya at nawalan ng lakas.
"Maghintay ka rito, pupunta ako sa Del Rosario mansion at pagbabayarin ko sila sa buhay ng anak mo!"
Galit na galit si Rose at hinablot ang cellphone para makaalis na.
"Rose," nanghihina at namamaos na bigkas ni Evelyn, "Huwag ka ng pumunta roon."
"Eve!" Marahas itong lumingon at hindi makapaniwala sa kanya, "Pinatay niya ang anak mo. Hahayaan mo na lang ba ang nangyari?"
Marahang pinikit ni Evelyn ang mga mata at malalim na huminga. Noong magmulat, kasing lamig na ng yelo ang titig niya at puno ng determinasyon.
"Nakapagdesisyon na akong ipawalang bisa ang kasal namin. Ayoko na ng ano pa mang kaugnayan sa kanya."
Tumigil siya sandali, nag-angat ng tingin kay Rose, at malinaw na binigkas, "Pero aalamin ko kung paanong nawala sa akin ang anak ko. Kung sino ang gumawa nito, hindi ko sila hahayaang makaligtas."
Sa sobrang lamig at talim ng titig niya ay kinilabutan si Rose.
Ito ang Evelyn na kilala ni Rose. Mukhang babasagin ngunit mas matigas pa kahit kanino.
Binaba ni Rose ang hawak na cellphone at agad na hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Evelyn.
"Huwag kang mag-alala. Maghihiganti tayo. Sino man ang gumawa nito, pagbabayarin natin sila."
…
Sa kalagitnaan ng gabi, nagising si Evelyn sa malakas na kulog. Nagpabaling-baling na siya sa higaan ngunit hindi pa rin makatulog.
Napatitig na lamang siya sa malamlam na liwanag ng gabi habang naglalakbay ang isipan niya.
Labin-dalawang taon niyang sinusundan si Dominic, tiniis ang lahat ng paghihirap, at hanggang sa maging asawa ito. Naibigay na niya lahat ng pwede niyang ibigay sa lalaki.
Iyon nga lang, aksidente siya nitong nabuntis. Aksidente nga lang talaga iyon.
Noong mapagtanto iyon, agad na bumagsak ang masagana niyang luha sa kanyang pisngi.
Mukhang kinuha na rin ng tadhana ang huling pag-asa niya. Awtomatikong nagiba ang lakas niya.
Iyon na ang huling alaala niya sa tatlong taong pagiging mag-asawa nila.
Wala na ang baby niya.
Habang buhay na wala na.
Tinakpan niya ang mukha at humagulhol.
Ang gabi ay sobrang dilim.
Sa labas, umuulan nang malakas. Tumatama ang malakas na patak ng ulan sa salaming dingding na gumagawa ng marahas na tunog.
Biglang napaupo sa kama si Dominic, marahas ang paghinga, tagaktak ang pawis sa kanyang noo.
Kaparehong panaginip muli.
Sa kanyang panaginip, pinapalibutan siya ng malamig na tubig. Kahit anong pilit niyang gawin, hindi siya makahinga. Ang tanging kaya niyang gawin ay panoorin ang sarili na lumubog sa kailaliman at kadiliman. Ang kawalan ng paghinga ay tila totoo kaya't nanginginig siya.
Nasabunot niya ang buhok sa inis at agad na lumapit sa malaking bintana na abot mula sa sahig at kisame, tinitigan niya ang siyudad na nababalutan ng ulan.
Gaano pa man kalakas ang ulan, hindi noon kayang tangayin ang bigat sa puso niya.
Naglakad siya patungo sa lagayan ng alak, nagsalin ng whiskey sa malaking baso at nilagok iyon agad.
Ang mainit na likido ay humapdi sa lalamunan niya, ngunit hindi pa rin noon maalis ang kaba at pagkabahala niya.
Pakiramdam niya ay may nangyaring kung ano na gumugulo sa isip niya.
Parang pinilipit sa sakit ang puso niya, nawawala, at hindi matulungan.
Sunod na umaga, dinala na ng nurse sa operating room si Evelyn.
Malamig na bakal, nakasisilaw na ilaw, at amoy ng alcohol ang paligid.
Kunot noong binasa ng doktor ang medical report niya.
"May naiwan pang tissue sa bahaybata mo. Kailangan kang i-raspa. Alam mo rin sigurong may lahi kayo na allergic sa mga anesthesia. Kaya ngayon, hindi tayo pwedeng gumamit ng anesthesia sa'yo."
Ibig sabihin ay kailangan niyang tiisin ang sakit habang mulat ang mga mata.
Tumango na lamang siya. Ang katawan niya ay nanginginig na sa takot at panlalamig.
Nagtagis ang mga ngipin niya at naib*on ang mga kuko sa palad.
Noong maramdaman na ang malamig na instrumentong pumasok sa katawan niya ay siya ring pagsiid ng nakamamatay na sakit sa buong katawan niya.
"Ugh…"
Hindi niya mapigilan ang mahinang d*ing habang namuo na ang malamig na pawis sa noo niya.
Hindi niya makayanan ang sakit.
Pakiramdam niya ay pinira-piraso ang mga lamangloob niya.
Tumutulo na rin ang masaganang luha niya, humahalo sa kanyang pawis, at nanlalabo na rin ang kanyang paningin.
Madiin niyang kinagat ang ibabang labi hanggang sa magdugo iyon. Nalasahan niya agad ang kalawang sa bibig niya.
Gusto niyang tandaan ang sakit na ito.
Alalahanin kung sino ang dahilan ng paghihirap niya. Itatak sa isip niya ang pagluluksa sa pagkawala ng baby niya.
Hinding hindi niya hahayaang makatakas ang taong dahilan ng pagkawala ng anak niya.
Iyon ang nasa isip niya hanggang sa mawalan siya ng malay.
Sa kaparehong oras, sa opisina ng CEO ng Del Rosario Group.
Salubong ang kilay na nakatitig si Dominic sa screen ng cellphone niya.
Alas diyes na ng umaga pero hindi pa rin matawagan ang cellphone ni Evelyn.
Nakap*tay iyon.
Ang babaeng ito, nawawala ng wala man lang bakas?
Hindi ba dapat ay ngayon sila pipirma para sa annulment papers nila? Plano ba nitong iwan siya sa ere sa napag-usapan nila?
Bigla siyang nakaramdam ng galit. Hinagis ang cellphone niya sa mesa sa sobrang inis.
Sa hindi malamang dahilan, kaninang umaga pa siya hindi mapakali, na para bang may nangyaring masama.
Kay Evelyn ba?
Ano namang posibleng mangyari dito?
Siguro ay sinusubukan nitong gumamit ng ibang paraan para makuha ang simpatya niya at ma-delay ang annulment nila.
Nakukuryuso tuloy siyang makita kung ano na namang sunod na laro ang binabalak ni Evelyn.
Nanginig sa galit si Lydia, ngunit ang sabi ng isip niya ay huwag gumawa ng eksena.Humugot siya nang malalim na paghinga, sinusubukang kalmahin ang sarili, "Hindi ko alam ang sinasabi mo. May gagawin pa ako. Makiraan.""Huwag kang magmadali." Hinablot ni Rose ang palapulsuhan nito. Dum*ing si Lydia mula sa sakit.Dumukwang si Rose, nagsalita na sila lang dalawa ang makaririnig, isang malisyosong ngiti ang gumuhit sa labi niya."Miss Mendoza, nakapaganda ng suot mo ngayong gabi. Bakit hindi ka magtungo sa matandang Del Rosario at ipaalam ang presensya mo? Dinig ko na ang MK ay naghahanap ng bagong ambassador, at ang nangunguna sa pagpipilian ay si Miss Bianca. Kung wala kang gagawin, mawawala ang oportunidad na 'yon."Ang MK ay isa ng international luxury brand, at pagmamay-ari ito ng Del Rosario Group.Nanikip ang puso ni Lydia.Endorsement ng Del Rosario? Si Miss Bianca?Ang babaeng iyon ay ang pinakalamakas niyang karibal. Kapag nakuha ni Bianca ang posisyon, manganganib ang posisy
Nangyari lahat ng iyon sa kisapmata.Dalawang matangkad na pigura ang parang palaso na lumalapit, mula sa pagkakagulo ay tumatakbo ang mga ito sa direksyon ni Evelyn.Humaba ang oras nang walang hanggan.Ang inaasahang pagdurusa ay hindi dumating.Segundo lang bago umulan ng bubog, nakita niya ang puting pigura—Tapos ay malapad, at mainit na d*bdib ang bumangga sa likod niya, hinila siya nang mahigpit para sa isang yakap. Ang lakas ng epekto na halos masakal siya, ngunit napalitan iyon ng hindi maguguhong kaligtasan. Ang tunog ng mga nabasag na baso ay tumama sa sahig na parang fireworks, nakakabingi, ngunit naglaho dahil sa naging panangga. At ang tao na iyon ay ginamit ang katawan nito upang protektahan siya sa lahat.Unti-unting nawala ang ingay. Mula sa nanginginig na mga pilikmata ay napakurap siya at unti-unting minulat ang mga mata.Ang nagtagpuan ng paningin niya ay ang hulmadong panga ni Ryan Blackwood, at ang pag-aalala sa malalim nitong mga mata.Ang mga braso nito ay n
Sa mga sumunod na araw, halos hindi lumalabas ng bahay si Evelyn. Inabala niya ang sarili sa maliit niyang laboratoryo, ginugugol ang oras sa pag-research.Sabado ng gabi, ang pribadong daungan ng pamilya Del Rosario ay nabalutan ng ilaw, kasing liwanag na ito ng umaga.Isang colossal five-story na mamahaling yate ang dumaong doon, nakakamangha at puting-puti na parang niyebe. Mula ilalim ng ilaw, kumikinang ito na parang perlas.Hindi lang ito yate. Simbolo iyon ng kapangyarihan at yaman ng Del Rosario Group.Ngayong gabi ang selebrasyon para sa anibersaryo ng Del Rosario Group. Gaganapin iyon sa yate, na pinangalang Polaris.Sunod-sunod na dumating ang mga mamahaling sasakyan sa daungan. Kada pinto ay bumukas upang ipakita ang mga mayayaman, mga negosyante, sikat na tao, at artista mula cebu at iba pang parte ng bansa.May mga bitbit na gintong invitation card sa kamay, sumampa sila sa yate nang sunod-sunod at nasa ayos."Narinig mo ba? Gumastos ng malaki si Mr. Del Rosario ngayon.
Sa ibaba.Ang lalaking nakabulaklaking damit, na kanina ay nagyayabang, ngayon ay tulala.Bahagya itong nagyuko kay Evelyn, sumusukong ngiti ang nakapaskil sa mukha, ngunit ang tono ay may katapatan, "Natalo ako nang walang pandaraya."Humarap ito sa madla, tinaas ang kamay, at swabeng sumigaw, "Ang pustahan ay pustahan. Ngayong gabi, sasayaw ako para sa lahat. Lahat ng inumin ay ako ang magbabayad. Cheers!""YES!!!"Nag-ingay muli ang mga tao, may pumito at nalunod sa hiyaw ang paligid.Umakyat sa entablado ang lalaki at nagsimula sa sayaw nito base sa tugtog. Tumawa ang mga tao, nag-ingay, ngunit ang mga mata ay hindi naalis kay Evelyn.Lahat ng lalaki na namangha sa kakayahan ni Evelyn kanina ay lumapit sa kanila ni Rose."Binibini, pwede bang manghingi ng iyong pirma?""Isa kang dyosa, pwede bang mahingi ang numero mo?"Pinalibutan ng mga tao si Rose at Evelyn, sobrang sikip na halos wala ng daanan palabas.Kaya pang sumagot nang mangilan-ngilan ni Rose, pero si Evelyn ay hindi in
Natahimik sandali ang paligid, pagkatapos ay umalingawngaw ang gulantang na paghiyaw."Walanghiya! Tatlong bola agad?""Kakaiba ang binibining ito!""Baka sinwerte lang?"Ang lalaking nakabulaklaking t-shirt, na kanina ay kalmado, biglang sumeryoso. Dumilim ang mga mata at naging tensyonado.Parang wala namang naririnig sa paligid si Evelyn. Lumakad siya sa sunod na pwesto, dumukwang muli at tum*ra. Ang mga galaw niya ay pulido, malinis, at kalkulado, walang ni ano mang tapon.Thud. Thud. Thud...Ang mga natirang bola ay tila ba nakaprograma. Isa-isa, gumulong ang mga ito sa butas nang walang sablay. Parang tubig na humahagos sa ilog, tuloy-tuloy ang paggulong.Anim na t*ra, nalinis agad ang mesa. Noong makapasok lahat ng siyam na bola, naging sobrang tahimik ng bilyaran. Tanging musikang mula sa speaker ang maririnig.Lahat ay nakatitig sa nakakamangha, kalmadong magandang babae, tila ngayon lang nila nakita.Ilang segundo lang, nagwala na sa ingay ang mga tao, na parang maaalis na a
"Ngayong gabi ipapakita ko sa'yo ano ba talaga ang totoong hormones."Bumunghalit sa tawa si Evelyn."Rose, hindi ko alam na meron kang... ganitong libangan."Nagmamalaking nagtaas ng kilay si Rose at sinabing, "Ito ang tinatawag na panlasa. Muscles ang pinaka-sexy na bagay sa mundo."Pumasok sila sa VIP room No. 1, pinakamagandang pwesto sa buong lugar. Mula roon, napakaperpekto ng tanawin. Napakalinaw ng mga naglalaban sa loob ng ring sa ibaba.Tumunog ang bell, at umingay ang paligid. Magsisimula na ang laban."Tingnan mo, tingnan mo! Paparating na si No. 17!"Tinuro ni Rose ang boksingerong nakasuot ng kalahating kulay pilak na mask, ang boses niya ay malakas at matinis."No. 17, ikaw ang walang hanggang ginto ko!"Sinundan ng tingin ni Evelyn ang daliri ni Rose at nakita ang boksingero. Maganda ang tindig ng katawan nito at hulmado. Bawat muscle ay mukhang gawa sa bakal na puno ng lakas."Rose, masyado kang fangirl," tukso dito ni Evelyn nang nakangiti."Ano ngayon? Nag-e-enjoy a







