Share

KABANATA 3

Author: Yenoh Smile
last update publish date: 2026-01-29 11:02:27

Sa labas ng operating room, pabalik-balik ang lakad ni Rose, kinakabahan ito, maya't maya ring sumusulyap sa nakasaradong pinto.

Sa wakas, bumukas ang pinto.

Nilabas mula roon si Evelyn ng isang nurse. Wala pa itong malay ngunit may bakas ng pag-iyak sa mukha nito at hindi pa halos natutuyo ang mga luha. Maging ang maputla nitong labi ay may bakas ng kagat mula sa ngipin nito.

"Eve!" tarantang lumapit si Rose.

Inalis ng doktora ang suot na medical mask, seryoso ang mukha nito, "Maayos naman ang naging operasyon, ngunit masyadong mahina ang pasyente. Paalala lang, sa kondisyon niya ngayon, kailangan niya ng sapat na pahinga at kailangan niyang magpagaling. Kung hindi... mahihirapan siyang magbuntis muli."

Nanakit ang puso ni Rose sa narinig. Nilingon niya ang natutulog na si Evelyn at agad na namuo ang mga luha niya.

Mabait na babae si Evelyn. Paanong napunta ito sa halimaw na katulad ni Dominic?

Noong magising si Evelyn ay hapon na.

Dumating ang Mama ni Rose, bitbit ang mainit pang mangkok ng karneng lugaw.

"Eve, gising ka na ba? Kumain ka muna ng lugaw habang mainit pa. Makatutulong ito para mabilis kang gumaling," anyaya ni Tita Mariana.

"Salamat, Tita Mariana," nanghihinang ngumiti si Evelyn at sinubukang umupo.

"Huwag ka munang gumalaw. Humiga ka lang. Susubuan na lang kita," bigkas ni Tita Marianna, agad rin siya nitong tinulungan. Sumandok ng lugaw sa kutsara, hinipan iyon, at marahang pinasubo sa kanya.

Kahit noon pa, walang mapuntahan si Evelyn. Bilang kaklase ni Rose, sinasama siya nito sa bahay nila, at ang pamilya Ashford rin ang sumuporta sa pag-aaral niya.

Parang tunay na anak din ang trato sa kanya ni Tita Marianna.

Mabagal na sumimsim sa lugaw si Evelyn. Nagbigay init iyon sa kanyang tiyan, kaya lang, namula muli ang mga mata niya.

Nasa malapit lang si Rose habang may kausap sa cellphone, mababa lang ang kanyang boses pero ang tono ay madiin.

"Martin Santos! Sinasabi ko sa'yo, kung patuloy kang madadamay diyan sa bastardong si Dominic Del Rosario, tapos na tayo! Ika-cancel ko ang engagement natin. Hinding hindi na natin makikita ang isa't isa kailanman!"

Ang pamilya Ashford at Santos ay pinag-uugnay ng kasunduan. Eigteen pa lamang sila ay nakatakda na nilang pakasalan ang isa't isa.

Sa pribadong kwarto ng mamahaling club. 

Nababalutan ng malamyos na musika, at ang hangin ay napupuno ng amoy ng mga mamahaling alak at pabango.

Hawak ni Martin ang cellphone, at nalilito.

Sinulyapan niya si Dominic, inosente at naguguluhan, "Bakit bigla nababaliw na naman siya? Ang sabi niya ay makikipaghiwalay siya sa akin kapag dumikit pa rin ako sa'yo?"

Hinawakan ni Dominic ang baso niya, ang mahahaba niyang daliri ay marahang ginalaw ang baso upang gumalaw ang alak. Umangat ang isang kilay niya, wala ni kahit anong emosyon sa mukha.

Si Marcus, na nakatayo sa tabi niya ay tumawa, "Wow, Mr. Santos. Mukhang may galit pa rin ang babae mo kay Dominic. Ngayon may pagpipilian ka na."

Inis na ginulo ni Martin ang sariling buhok, "Walang nakakaalam kung anong nasa isip niya. Hayaan niyo na. Uminom na lang."

Doon naman bumukas ang pinto sa VIP room.

Isang babaeng nakakulay pula na sexy spaghetti strap dress ang pumasok, gumagalaw ang balakang sa bawat hakbang. Iyon ay si Lydia Mendoza.

Si Lydia ay ang anak na babae sa pamilya Mendoza, at isa siyang sikat na artista. Ang naka-publiko niyang selebrasyon ng kaarawan na kasama si Dominic kahapon ay umani na ng sandamakmak na followers sa social media niya, nasa twenty million na iyon. Siya na ang sentro ng atensyon, na para bang isa siyang superstar.

Kung maikakasal siya sa pamilya Del Rosario, siya na ang magiging kagalang-galang na babae sa bansa.

Pinakamayamang babae sa bansa. 

The richest woman in the city. Iniisip pa lang iyon ay hindi na niya mapigilan ang saya.

Dumiretso siya ng lakad kay Dominic, hindi pinapansin ang mga matang nakatitig sa kanya na puno ng paghanga at selos. Umupo siya sa tabi nito, awtomatikong inangkla niya ang braso sa braso nito, at hinilig ang ulo sa balikat nito.

"Dominic, para sa anibersaryo ng Del Rosario, pwede bang ako na lang ang date mo?"

Ayaw na niyang magtago pa sa likod nito.

Naghintay siya ng tatlong taon. Masyado na iyong matagal.

Namungay ang mga mata ni Dominic, "Bukas, may uutusan akong maghanap ng dress na susuotin mo."

Sabik na ngumiti si Lydia, "Sabi ko na nga ba! The best ka talaga."

Tinaas ni Marcus ang baso nito, "Congratulations, Lydia, bayaw ko. Malapit ka ng maging opisyal na miyembro ng pamilya."

Nakisama si Martin, "Mukhang tapos na ang tatlong taong napagkasunduan. Lydia, bayaw, tapos na ang paghihirap mo."

Malinaw na ang gusto ng dalawang kaibigan ni Dominic ay si Lydia. Ni minsan ay hindi nila nakitang dinala ni Dominic si Evelyn sa publiko.

Sikreto ang kasal nila, na halos hindi alam ng publiko.

Na para bang hindi naman nangyari.

Inangat ni Lydia ang sariling baso at nakitagay, "Salamat, Mr. Santos at Mr. Reyes."

Mula sa apat na malalaking pamilya sa bansa, ang tatlong lalaki ay nasa panig na niya. Kapag wala ng bisa ang kasal ni Dominic at Evelyn, pwede na niyang pakasalan ito at maging miyembro ng pamilyang Del Rosario.

Bigla, tumunog ang cellphone ni Marcus. Nabasa nito ang mensahe na halos nagpatalon dito sa sofa sa sobrang kasabikan.

"Hala—si Dr. N, magbabalik na!"

Tinaas niya ang cellphone, pinapakita ang malalaking letra na malinaw na malinaw sa screen.

【Founder of Bluebird Tech, Dr. N, Confirmed to Attend Next Month’s Global Medical Summit!】

Nanginig ang boses ni Marcus, hindi makapaniwala at sa sobrang tuwa, namula ang mga mata niya, "Pwede ng mailigtas ang lola ko! Magandang balita ito!"

Ang lola kasi ni Marcus ay may lung cancer at may taning na ang buhay.

Isang himala ang balita.

Ang dalawang lalaki ay napag-usapan din iyon.

"Si Dr. N? Ang doktor ba na gumawa ng formula kung paano gagaling sa cancer na tatlong taon na ang nakalipas, naging isang alamat siya, at nawala?" 

"Oh my God! Sa wakas ay lilitaw na siya? Akala ko ay nasa langit na siya!"

"Ang Bluebird Tech ay nangunguna sa mundo ng medisina. Ang solusyon na ginawa nito noong nakaraang tatlong taon ay maraming nailigtas na mga pasyente!" 

"Iyon nga. Bigla siyang nawala, iniwan ang formula at hindi na lumitaw. Walang makahanap sa kanya. Kung babalik siya ngayon, malaking balita nga iyon. Sa buwan ng medical summit ay magiging kapana-panabik iyon!" 

Hindi sa kalayuan, sumiklab ang apoy sa mga mata ni Dominic.

Samantala, ang Del Rosaeio Group's medical naman ay nangunguna na sa bansa. Dalawang doctorate degree sa medical technology at business management ang natanggap ni Dominic sa edad na bente dos noon. Bumalik siya sa Pilipinas at binuo ang nangungunang intelligent medical system sa bansa. Sa apat na taong nakalipas, naging pinakamayaman na siya sa bansa.

Dahil sa pamumuno niya, lumawak ang negosyo ng Del Rosario Group sa walo pang bansa. 

Pero si Dr. N... 

Hindi lang iyon alamat sa mundo ng medisina. Taglay nito ang pagiging pinuno at kapangyarihan.

Para kay Dominic, parang misteryosong isla si Dr. N, inaakit siya nitong lumapit dito.

Kung makikipag-ugnayan si Dr. N sa Del Rosario Group, ang kumpanya nila ay magiging sikat sa buong mundo.

Himigpit ang hawak niya sa baso, kumpyansang umangat ang gilid ng labi niya. 

Dagdag ni Martin, "Dinig ko ay maglalabas ng bagong "Floral Therapy" ang Bluebird. Ang sabi ay may bukod tanging amoy ng bulaklak ang gamit na hinahalo sa genes na pinupuntirya ang cancer cells. Si Dr. N na talaga ang pinakamagaling na scientist sa kasaysayan ng mga tao."

Lahat ay sabik, iniisip pa lamang ang pagbabagong gagawin ni Dr. N sa kanyang pagbabalik. Napuno ng intensidad ang paligid.

Sa oras na iyon ay bahagyang bumukas ang VIP room.

Isang batang waiter ang pumasok na bitbit ang tray, maingat itong nagsasalin ng alak.

Pagkakita naman sa tatlong lalaki ay bigla siyang kinabahan kaya't natapilok siya at nawalan ng balanse.

Ang baso sa tray ay nahulog at nabasag sa sahig.

Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag na sumira sa ingay sa paligid.

Huli na bago pa naka-ilag si Lydia.

“Ah!”

Impit siyang napasigaw. Agad na kumilos si Dominic, sinalo ang dalaga sa bisig niya kasabay ng pagkabasag ng mga baso.

Pinrotektahan niya ito mula sa mga bubog na lumipad, ngunit meron pa ring nakalusot at sumugat ng dalawang haba sa maputing kamay ng dalaga.

Nangunot noo si Dominic noong makita ang dumudugong kamay ni Lydia. Dumilim agad ang mukha niya.

"Damn it!"

Lumipad ang matalim niyang titig sa takot na waiter, nanigas na yata ito sa kinatatayuan. Samantalang malamig at matalim ang boses ni Dominic.

"Anong ginagawa mo?! Umalis ka na rito!"

Sa takot ay napatakbo paalis ang waiter.

"Dominic… ang sakit ng kamay ko…”

Humilig si Lydia sa braso ni Dominic, ang boses niya ay nanginginig at naiiyak na.

"Huwag kang matakot. Dadalhin kita sa ospital."

Naging malumanay ang boses ni Dominic. Iniwasan niyang masagi ang kamay nitong may sugat, binuhat niya ito na para bang bago silang kasal, at nilabas sa VIP room.

Pagdating sa ospital.

Amoy alcohol ang paligid. Sobrang tahimik ng mga pasilyo at tanging yabag lamang ang maririnig.

Binaba niya paupo si Lydia, hinayaan ang doktor na gamutin ang sugat nito at balutan ng gasa nang maayos.

Habang tinitingnan ang namumutlang mukha ng dalaga at nakakaawa, mahinahon ang pagsasalita ni Dominic at sinabing magpahinga itong mabuti roon.

Lumabas siya sa kwarto, ang plano niya ay ayusin ang mga importanteng bagay at tumawag sa pamilya.

Noong makarating naman sa gilid ng pasilyo, may nahagip ang paningin niya sa pintong kalahati lang ang pagkakabukas nang malapit na kwarto.

Pamilyar na bulto ang napansin niya.

Agad siyang tumigil.

Nagyelo ang titig niya sa higaan. Ang puting kobre kama, at ang maputlang mukha.

Ang babae ay tahimik na nakahiga, nakapikit ang mga mata. Ang mahahabang pilikmata nito ay may anino. Manipis na IV tube ang nakadikit sa balat ng babae, at malinaw na likido ang pumapatak patungo sa katawan nito.

Evelyn.

Bakit siya nandito? Bakit nakahiga ito sa kama ng ospital?

Hindi maipaliwanag na emosyon ang pumisil sa puso ni Dominic, na para bang may hindi nakikitang kamay ang pumisil doon nang mahigpit.

Binuksan ni Dominic ang pinto at diretsong pumasok doon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 48

    Pwersadong binuksan ni Evelyn ang mga mata. Namimigat ang ulo niya at nanlalabo, siguro ay dahil sa banggaan ng sasakyan kanina.Mild concussion siguro ang nakuha niya.Masakit na bumaliktad ang sikmura niya, nasusuka na umaakyat sa lalamunan niya.Ang mga kamay niya at paa ay mahigpit ang pagkakatali. Nananakit din ang kanang bukong-bukong ng paa niya. Nakaupo siya sa sahig, nakatakip ang bibig niya gamit ang makapal na tape.Maliit ang kwarto pero nakakagulat na malinis 'yon.May dalawang camera na nakatayo sa malapit. Ang isa ay nakadirekta sa kanya, ay ang isa ay sa kaliwa niya. Ang mga maitim na lense ng camera ay parang mga matang nakamasid sa kanya.May bulaklaking ding kurtina na tumatakip sa maliit na bintana, kakaunting liwanag lang ang tumatagos doon. Ang naiisip niya ay isang farmhouse iyon. Kada segundo ay naririnig niya ang tahol ng aso mula sa labas. Maging ang hangin ay dala ang malakas na amoy ng mga hayop.Bumukas ang pinto.May lalaking pumasok.Meron itong mahabang

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 47

    Naintindihan na ni Dominic.Naintindihan na niya ang ginawad na sampal sa kanya ni Evelyn. Naintindihan na rin niya kung bakit siya nito sinigawan ng "Get out!"Naintindihan na rin niya ang pagkabasag ng puso nito sa likod ng pinto, ang hagulhol nito na sinubukan nitong supilin.Hindi iyon basta drama lang at hindi maliit na bagay. Kun'di hinagpis mula sa pagkawala ng anak nila.Tatlong taon na birth control pills. Tapos ay pinatay pa ang unang anak dapat nila.Kasalanan ng kasambahay na 'yon na basta pa naman niya pinalaya kay James.Ibig sabihin, noong ma-ospital si Evelyn sa simula ng buwan... Hindi lang basta sakit ng tiyan.Kun'di dahil nakunan ito.Buntis na pala ito sa anak nila.Naglakbay sa katawan ni Dominic ang panlalamig at pakiramdam na para bang gusto niyang pum*tay, mabigat at nakakasakal.Malamang na pinilit ni Evelyn na hanapin ang salarin. Tapos basta lang niya pinalaya ang taong 'yon.Ginamit pa niya ang legal team ng mga Del Rosario!Paano siya naging kasuklam su

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 46

    Nasa ere pa ang kamay ni Evelyn, humapdi ang palad niya.Tumabingi naman ang mukha ni Dominic dahil sa lakas ng sampal ni Evelyn. Ilang segundo lang ay nagmarka na sa pisngi nito ang mga palad ng dalaga.Tinitigan ito ni Dominic na para bang hindi nito kilala ang kaharap."Evelyn what the hell is wrong with you?"Marahas na tumahip ang d*bdib ni Evelyn, ang mga mata ay namula sa galit."Iyong si Agnes.... Ginamit mo ba ang legal team ng kumpanya mo para pyansahan siya?" nginig na rin ang boses niya sa galit.Nangunot noo si Dominic. Pamilyar ang binanggit nitong pangalan.Kaninang hapon kasi, tumawag sa kanya si Lydia, sumisinghot at humahagulhol, ang sabi ay nakulong ang pinsan nito dahil lang sa na-offend nito si Evelyn. Nagmakaawa itong tulungan niya. Wala na siyang oras na pag-isipan iyon kaya pinaasikaso niya na lang kay James."Oo," sagot niya, may bakas ng pagtitimpi ang tono, "So what?""SO WHAT?" pag-uulit ni Evelyn tapos mapait na tumawa. Nagbagsakan ang mga luha niya sa kan

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 45

    Masyadong mahigpit ang bantay sa pirvate Villa ng mga Blackwood. Iilang mga lalaki na malalaki ang katawan ang nakatindig, diretso ang tingin, at alerto ang postura.Bigla, isang pigura ang lumabas mula sa gilid ng gate.Nagmamadali si Rick, buhat ang dalaga sa kanyang bisig. Humahampas ang hangin sa kanila habang tumatakbo si Rick.Ang mukha ng dalaga ay parang p*tay na sa sobrang putla, halos wala na itong buhay. Kitang-kita ang kulay ube ng marka sa palibot ng leeg nito.Pinasok ito ni Rick sa naghihintay na sasakyan, binagsak ang pinto at agad niyang pinasibat ang sasakyan. Kasing bilis ito ng sibat na agad nawala sa paningin.Sa itaas, sa likod ng floor-to-ceiling window, tahimik na nakatayo si Ryan.Noong makaalis ang sasakyan ni Rick ay doon lang niya inabot ang kurtina at mabagal iyong sinara.Noong sumara ang malalaking kurtina, doon lang luminaw ang nanlalabo niyang paningin, napalitan ng malamig na titig.Walang ano mang emosyon ang mukha, kahit kaunting konsensya.Bigla,

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 44

    Sinubukang tawagan ni Dominic si Evelyn pero hindi ito sumasagot. Dumiretso na lang siya sa Del Rosario Mansion.May mga bagay na dapat niyang malaman nang personal.Wala pang sampong minuto ay nakarating na siya, agad pa siyang tinaboy ng Lolo Fernando niya.Nakasigaw agad sa kanya ang matanda, galit, at nagpipilit na umalis siya sa mansyon.Pero hindi siya umalis nang tuluyan. Imbis ay nahanap niya si Alfred, ang butler, na nagbabantay ng mga staff na nasa garden. Thirty years ng nagtatrabaho sa kanila si Alfred. Kaya noong makita nito si Dominic ay nagmadali itong lumapit."Sir Dominic, lumalala po ang pag-ubo ni Don Fernando nitong nakaraan. Huwag niyo na po siyang galitin. Kapag maayos na ang pakiramdam niya, tatawagan ko kayo."Napatango si Dominic, "Please, alagaan mo siyang mabuti. Dumaan lang ako para tingnan ang kalagayan niya."Sandali siyang tumigil at hininaan ang boses, "Alfred, may gusto akong itanong sa'yo.... Noong bata pa si Evelyn... Kilala na ba niya si Lolo?"Nag

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 43

    Ang itim at puting mga letra sa folder ay parang karayom na tumusok sa mga mata niya.[Evelyn Soriano – Personal Profile]Gender: FemaleAge: 24Orphan.Six years old - inampon ng Mendoza Family.10 years old - nawala at nawalan ng contact sa mga Mendoza.12 years old - dumating na mag-isa sa Pinas.Sa kaparehong taon, may report na dalawang beses itong bumisita sa mansyon ng mga Del Rosario sa hindi malamang dahilan.Tapos nagpalaboy ng tatlong buwan. Sa harap naman ng Cebu City Elementary School, tinulungan nito si Rose Ashford na nabu-bully.Nang dahil sa sponsorship ng mga Ashford, nakapasok ito Cebu City Elementary School, pumasok ng Grade Five sa kalagitnaan ng taon.Nang dahil sa baguhan siya sa eskwela, nahirapan siyang makipag-sabayan at hindi sinasamahan o kaya ay nabubully naman ng mga kaklase.Nagyelo ang mga daliri ni Dominic sa nabasa.Grade Five? Twelve years old at grade five pa lang ito? At nabully?Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.16 years old - pagkatapos makumpleto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status