Share

KABANATA 4

Author: Yenoh Smile
last update publish date: 2026-01-29 11:13:50

Tahimik na nakahiga sa higaan si Evelyn. 

Ang matapang ngunit malamlam na ilaw ay nagbibigay liwanag sa pagod nitong mukha. Ang noon na buhay na buhay at masiglang babae ay tila naubusan na ng kulay sa mukha. May karayom na nakadikit sa palapulsuhan nito, doon dumadaloy ang puting likido papasok sa katawan nito.

Nanikip ang dibdib ni Dominic.

Baka inatake ng gastritis si Evelyn.

Naalala niya noon lagi itong nagdudusa sa ganoong sakit. Na-ospital din ito noon dahil doon.

Noon pa iyon....

Agad niyang hinawi paalis ang mga magulong memorya niya sa kanyang ulo, bumagsak ang tingin niya sa maputlang labi nito.

Parang natutulog na walang pahinga si Evelyn. Ang mga kilay nito ay magkasalubong, ang katawan ay bahagyang gumalaw nang hindi nito alam.

Bumaba ang kumot nito nang bahagya.

Awtomatikong lumapit si Dominic, inabot ang kumot, at marahan iyong tinaas hanggang balikat ni Evelyn.

Ang mga daliri niya ay hindi sinasadyang dumikit sa balat nito. Napakalamig noon.

Nabitin sa ere ang galaw niya hanggang sa mabilis niyang nilayo ang kamay na para bang nakapapaso ang nahawakan.

Matapos iyong gawin ay doon niya lang napagtanto ang ginawa.

Bigla siyang nakaramdam ng pagka-irita sa sarili.

Umikot ang tingin niya sa paligid, ordinaryong kwarto lang iyon ng ospital. Ang hangin ay amoy alcohol. Ang sahig ay mababa, at ang ingay sa labas ay maririnig sa loob.

Madiing nagsalubong ang mga kilay niya.

Paano ito gagaling sa ganoong paligid?

Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan ang assistant niya, ang tono niya ay ma-awtoridad.

“Central Hospital, Room 302, Evelyn Soriano.”

"Ilipat mo siya sa VIP room sa itaas."

Nagdalawang isip ang assisstant kung susundin ang utos ngunit hindi na nagtanong pa. Agad itong sumagot, "Opo, Mr. Del Rosario."

Tumigil sandali si Dominic bago magsalita, "Ibili mo na rin ng Adobo at Arrozcaldo from Casa de Sariwa. Siguraduhin mong bagong luto."

Iyon kasi ang naaalala niyang paborito ni Evelyn.

Hindi niya alam kung paanong natatandaan niya iyon o kung bakit inutos niya iyon.

Siguro...hindi niya lang kayang tingnan ito nang nakakaawa.

Iyon nga siguro.

“Ipadala mo sa VIP room ng ospital.”

"Naiintindihan ko po, Mr. Del Rosario. Aayusin ko po agad."

Pagkatapos ng tawag ay binigyan niya pa ng isang sulyap si Evelyn na nasa higaan. Mukhang kumalma na ang mga kilay nito.

Pinirmi niya ang mga labi at tumalikod at naglakad na hindi na lumilingon pa muli, ang mga hakbang niya ay may taglay na lamig at walang pakialam.

Katatapos lang gamutin ni Lydia ang sugat niya, binalot iyon sa gasa, at hindi mapigilan ang nararamdamang galit niya.

Noong makalabas sa kwarto, nakita niya agad si Dominic na papalabas sa kwarto na malapit sa pasilyo.

Ang direksyon... parang ordinaryong kwarto lang?

Bumagsak ang puso niya, ngunit agad na pinaskil ang inosenteng ngiti. Nagmadali siyang lumapit kay Dominic at umangkla sa braso nito.

"Dominic, saan ka ba nanggaling? Hindi kita makita pagkalabas ko. Tinakot mo ko."

Pasimple niyang sinulyapan ang numero ng kwarto sa likod nito—302.

Kiniling ni Dominic ang ulo at sinuri ang kamay ng dalaga na may gasa. Malamig at may iba sa boses nito noong nagsalita.

"Wala lang. Mali ang napuntahan kong palapag."

"Maling palapag?" kumurap si Lydia, ang boses niya ay nakapatamis, "Hangal ka talaga. Paanong naligaw ka?" 

Pero sa loob-loob niya ay umingos siya. Ang katulad ni Dominic ay imposibleng maligaw nang walang dahilan.

Ang kwartong 302 ay may tinatagong kung ano siguro.

Hindi sumagot si Dominic sa kanya, ang sabi lang ay, "Masakit pa ba? Kapag nagamot na, ihahatid kita pauwi."

"Mm, hindi naman na. Salamat, Dominic," magiliw na sagot niya ngunit minememorya na ang numerong 302.

Gusto niyang malaman kung anong klaseng basura ang nasa loob ng kwartong iyon na pinuntahan pa talaga ni Dominic.

Pagdating sa bahay ng mga Mendoza, maliwanag ang mga ilaw.

Si Carol na nanay ni Lydia ay nagmadaling sumalubong noong makapasok sila.

"Diyosmiyo, anak ko! Anong nangyari sa kamay mo? Titingnan ni Mama!" 

Kinuha ni Carol ang kamay ni Lydia, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. Ngunit ang mga mata niya ay panay sulyap kay Dominic, at ang kanyang ngiti ay puno ng tamis.

"Mr. Del Rosario, maraming salamat. Naabala ka pa ni Lydia."

Nagsalita rin ang tatay ni Lydia, "Oo, salamat, Mr. Del Rosario. Taos puso kaming nagpapasalamat. Kung hindi dahil sa'yo, baka ano ng nangyari sa anak ko."

"Walang anuman," kalmadong sagot ni Dominic, ngunit walang emosyon. Hinabilinan niya pa si Lydia, "Inumin mo ang gamot mo sa tamang oras. Huwag mo munang hayaang mabasa ang sugat mo."

"Okay, alam ko. Salamat, Dominic," malambing na sagot ni Lydia.

Tumango si Dominic at walang balak na manatili roon, "May gagawin pa ako. Aalis na ako."

"Mr. Del Rosario, bumalik ka rito kapag may libreng oras ka na!" masiglang anyaya ni Carol habang hinahatid sa pinto si Dominic. Noong wala na ito ay nawala rin ang ngiti ng Ginang at napalitan ng matalim na ekspresyon.

Binalingan nito si Lydia at ang tono ay mapang-utos.

"Lydia, makinig kang mabuti."

"Itong si Dominc Del Rosario... kailangan mong kumapit sa kanya. Naririnig mo ba ako? Kapag naikasal ka sa kanya at maging pinakamayamang babae sa mundo, aangat ang pamilya natin!"

Bumukas ang pagnanais sa mga mata ni Carol, na para bang nakikita na niya ang magandang kinabukasan ng pamilyang Mendoza.

"Mama, huwag kang mag-aalala," kumpyansang sagot ni Lydia. Alam naman niyang may tao ng inutusan si Dominic upang ayusin ang annulment agreement nito.

Si Dominic Del Rosario.... ay mapapasa kanya.

Noong magising muli si Evelyn, ay madilim na ang paligid.

Nagising siya sa amoy ng pagkain.

Marahan niyang minulat ang mga mata, nahihilo pa nang kaunti. Ang tiyan niya ay walang laman pero nabawasan na ang sakit noon.

Ang mata niya ay lumipad sa iilang kahon ng pagkain sa gilid na mesa.

Isa roon ay may logo ng Casa de Sariwa. 

Anong...

Natigilan siya. Sino ang nagpadala ng mga iyon?

Naisip niya ay si Rose pero agad din niyang pinalis sa isip.

Posible kayang...

Lumitaw sa isip niya ang pangalan, ngunit madiin niyang tinutulan.

Imposible.

Hinding-hindi pupunta roon si Dominic para makita siya, at mas lalo na ang bigyan siya ng pagkain.

Mas gugustuhin pa nitong maglaho siya.

Huwag kang maging delusyonal, Evelyn.

Gumuhit ang mapait niyang ngiti.

Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at isang nurse na nakapink uniform amg pumasok, pormal ang ngiti nito.

"Miss Soriano, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nanghihinang tumango si Evelyn, "Mas maayos na. Salamat."

Sinuri nito ang IV bottle niya bago muling ngumiti, "Mabuti naman. Ililipat ka namin sa ibang kwarto."

"Ibang kwarto?" blankong tanong niya, "Bakit?"

Mas lalong tumamis ang ngiti ng nurse, "Inayos nila iyon. Ililipat ka sa VIP sa itaas. Mas maganda ang paligid at mas tahimik para gumaling ka agad."

"VIP?" gulat na tanong niya, "Sinong nag-ayos?"

Anong klaseng ospital ito na basta na lang naglilipat ng pasyente sa mas magandang kwarto?

Hindi nagbago ang ngiti ng nurse, at may katotohanan ang tono.

"Hindi namin alam. Utos lang sa itaas. Huwag kang mag-alala, maayos na ang mga dokumento. Sumama ka lang sa'kin."

Si Evelyn na nakahiga ay napatitig sa ekspresyon ng nurse na para bang sinasabi na nito lahat pero hindi rin lahat kaya lalo siyang nalito.

Una may crab soup dumplings at lugaw na bigla na lang lumitaw sa kwarto niya. 

Tapos ngayon ililipat siya sa VIP room.

Ano bang nangyayari?

Bigla namang dumating si Rose na may bitbit na sopas at pumpon ng bulaklak.

"Eve, maayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? May dalang sopas si Mama."

Napakurap ito tapos ay nakita ang mga kahon sa mesa, "Ano 'yang mga 'yan?"

Naguluhan si Evelyn, "Hindi ko alam sinong nagpadala."

Kinindatan siya ni Rose, "Mukhang may secret admirer ka. Sabi ko naman sa'yo, ang daming isda sa dagat. Bakit ba habol ka nang habol sa loko-lokong 'yon?"

Sa kabilang dako ay napabahing naman si Dominic.

May importanteng naalala si Rose kaya't umupo ito sa higaan.

"Hindi ka pa nakalalabas, bakit nag-anunsyo ka na babalik ka na?"

Napakurap si Evelyn, "Babalik?"

Nilabas ni Rose ang cellphone at pinakita sa kanya. Limang trending sa searches ay tungkol kay Dr. N.

Ilang oras lang, ang balitang darating sa global medical summit si Dr. N ay kumalat na.

Nanikip ang puso ni Evelyn. 

Dalawang tao lang sa mundo ang pwedeng mag-anunsyo ng ganoong balita.

Isa roon ay ang lalaking iyon.

Katatapos lang ng tatlong taong kontrata niya.

Ang baliw na iyon ay hindi man lang makapaghintay kahit isang araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 49

    Mabilis na umaandar sa highway ang gintong Rollls-Royse na sasakyan.Lulan nito si Gustavo na nakaupo sa backseat, nandidilim pa rin ang mukha. Kailanman ay hindi niya naramdaman ang ganoong pagkaba sa buhay niya.Tumunog ang cellphone niya. Boses ni James ang bumungad sa kabilang linya, madiin at nagmamadali."Sir, nahanap na namin.""Sa Barangay San Isidro. Isang suspicious van ang pumasok sa lugar kanina. Binabantayan na po ng mga tao natin ang lugar."Nag-popped up ang location pin sa cellphone niya.【Live Location: Abandoned Livestock Farm, Barangay San Isidro】Less than two kilometers ang layo sa kinaroroonan niya ngayon."Drive faster," madiing utos niya sa driver.Inapakan nito ang accelator kaya lalong bumilis ang takbo ng sasakyan.-----------------------Sa loob ng may kadilimang kwarto, inabot ng lalaki ang kulungan at kinuha ang dalawang hayop na mukhang blood bats. Lumitaw ang dalawang pangil ng mga ito.Lumapit siya kay Evelyn, kunwari pa nitong kinakalma si Eve, "Napak

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 48

    Pwersadong binuksan ni Evelyn ang mga mata. Namimigat ang ulo niya at nanlalabo, siguro ay dahil sa banggaan ng sasakyan kanina.Mild concussion siguro ang nakuha niya.Masakit na bumaliktad ang sikmura niya, nasusuka na umaakyat sa lalamunan niya.Ang mga kamay niya at paa ay mahigpit ang pagkakatali. Nananakit din ang kanang bukong-bukong ng paa niya. Nakaupo siya sa sahig, nakatakip ang bibig niya gamit ang makapal na tape.Maliit ang kwarto pero nakakagulat na malinis 'yon.May dalawang camera na nakatayo sa malapit. Ang isa ay nakadirekta sa kanya, ay ang isa ay sa kaliwa niya. Ang mga maitim na lense ng camera ay parang mga matang nakamasid sa kanya.May bulaklaking ding kurtina na tumatakip sa maliit na bintana, kakaunting liwanag lang ang tumatagos doon. Ang naiisip niya ay isang farmhouse iyon. Kada segundo ay naririnig niya ang tahol ng aso mula sa labas. Maging ang hangin ay dala ang malakas na amoy ng mga hayop.Bumukas ang pinto.May lalaking pumasok.Meron itong mahabang

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 47

    Naintindihan na ni Dominic.Naintindihan na niya ang ginawad na sampal sa kanya ni Evelyn. Naintindihan na rin niya kung bakit siya nito sinigawan ng "Get out!"Naintindihan na rin niya ang pagkabasag ng puso nito sa likod ng pinto, ang hagulhol nito na sinubukan nitong supilin.Hindi iyon basta drama lang at hindi maliit na bagay. Kun'di hinagpis mula sa pagkawala ng anak nila.Tatlong taon na birth control pills. Tapos ay pinatay pa ang unang anak dapat nila.Kasalanan ng kasambahay na 'yon na basta pa naman niya pinalaya kay James.Ibig sabihin, noong ma-ospital si Evelyn sa simula ng buwan... Hindi lang basta sakit ng tiyan.Kun'di dahil nakunan ito.Buntis na pala ito sa anak nila.Naglakbay sa katawan ni Dominic ang panlalamig at pakiramdam na para bang gusto niyang pum*tay, mabigat at nakakasakal.Malamang na pinilit ni Evelyn na hanapin ang salarin. Tapos basta lang niya pinalaya ang taong 'yon.Ginamit pa niya ang legal team ng mga Del Rosario!Paano siya naging kasuklam su

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 46

    Nasa ere pa ang kamay ni Evelyn, humapdi ang palad niya.Tumabingi naman ang mukha ni Dominic dahil sa lakas ng sampal ni Evelyn. Ilang segundo lang ay nagmarka na sa pisngi nito ang mga palad ng dalaga.Tinitigan ito ni Dominic na para bang hindi nito kilala ang kaharap."Evelyn what the hell is wrong with you?"Marahas na tumahip ang d*bdib ni Evelyn, ang mga mata ay namula sa galit."Iyong si Agnes.... Ginamit mo ba ang legal team ng kumpanya mo para pyansahan siya?" nginig na rin ang boses niya sa galit.Nangunot noo si Dominic. Pamilyar ang binanggit nitong pangalan.Kaninang hapon kasi, tumawag sa kanya si Lydia, sumisinghot at humahagulhol, ang sabi ay nakulong ang pinsan nito dahil lang sa na-offend nito si Evelyn. Nagmakaawa itong tulungan niya. Wala na siyang oras na pag-isipan iyon kaya pinaasikaso niya na lang kay James."Oo," sagot niya, may bakas ng pagtitimpi ang tono, "So what?""SO WHAT?" pag-uulit ni Evelyn tapos mapait na tumawa. Nagbagsakan ang mga luha niya sa kan

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 45

    Masyadong mahigpit ang bantay sa pirvate Villa ng mga Blackwood. Iilang mga lalaki na malalaki ang katawan ang nakatindig, diretso ang tingin, at alerto ang postura.Bigla, isang pigura ang lumabas mula sa gilid ng gate.Nagmamadali si Rick, buhat ang dalaga sa kanyang bisig. Humahampas ang hangin sa kanila habang tumatakbo si Rick.Ang mukha ng dalaga ay parang p*tay na sa sobrang putla, halos wala na itong buhay. Kitang-kita ang kulay ube ng marka sa palibot ng leeg nito.Pinasok ito ni Rick sa naghihintay na sasakyan, binagsak ang pinto at agad niyang pinasibat ang sasakyan. Kasing bilis ito ng sibat na agad nawala sa paningin.Sa itaas, sa likod ng floor-to-ceiling window, tahimik na nakatayo si Ryan.Noong makaalis ang sasakyan ni Rick ay doon lang niya inabot ang kurtina at mabagal iyong sinara.Noong sumara ang malalaking kurtina, doon lang luminaw ang nanlalabo niyang paningin, napalitan ng malamig na titig.Walang ano mang emosyon ang mukha, kahit kaunting konsensya.Bigla,

  • Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!   KABANATA 44

    Sinubukang tawagan ni Dominic si Evelyn pero hindi ito sumasagot. Dumiretso na lang siya sa Del Rosario Mansion.May mga bagay na dapat niyang malaman nang personal.Wala pang sampong minuto ay nakarating na siya, agad pa siyang tinaboy ng Lolo Fernando niya.Nakasigaw agad sa kanya ang matanda, galit, at nagpipilit na umalis siya sa mansyon.Pero hindi siya umalis nang tuluyan. Imbis ay nahanap niya si Alfred, ang butler, na nagbabantay ng mga staff na nasa garden. Thirty years ng nagtatrabaho sa kanila si Alfred. Kaya noong makita nito si Dominic ay nagmadali itong lumapit."Sir Dominic, lumalala po ang pag-ubo ni Don Fernando nitong nakaraan. Huwag niyo na po siyang galitin. Kapag maayos na ang pakiramdam niya, tatawagan ko kayo."Napatango si Dominic, "Please, alagaan mo siyang mabuti. Dumaan lang ako para tingnan ang kalagayan niya."Sandali siyang tumigil at hininaan ang boses, "Alfred, may gusto akong itanong sa'yo.... Noong bata pa si Evelyn... Kilala na ba niya si Lolo?"Nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status