LOGINMatapos makapagpahinga nang ilang araw, nakalabas na ng ospital si Evelyn.
Ayaw na niya ng amoy ng ospital.
Nasa business trip si Rose kaya nagpadala lang ito ng driver na susundo sa kanya.
Kahit nanghihina pa, pinilit ni Evelyn na makauwi sa paupahang bahay niya na binili bago ang kasal. Hindi iyon malaki, pero bawat sulok noon ay para sa kanya. Nagbigay iyon ng seguridad sa kanya.
Meron laging nag-aalaga ng paupahan niya. Malinis iyon at kahit ang bulaklak sa mesa ay bagong pitas.
Ang bahay ay nakatayo sa pinakamasagang lugar ng bansa, kung saan ang halaga ng lupa ay katumbas ng ginto. Ang tanawin sa teresa ay nakakamangha. Kita niya ang abalang daan, kapag tumingala, kita naman niya ang malaking building ng Del Rosario na nakatayo sa kalagitnaan ng Manila.
Bago siya ikasal, gustong-gusto niya ang tumayo roon at tumitig, na para bang makikita niya lahat. Dahil din siguro may isang tao roon na pinapahalagaan niya.
Ngunit ngayon, malamig ang titig niya, wala ng halaga ang lahat sa kanya, purong usok at salamin na lamang iyon.
Tahimik siyang bumalik sa loob at sinara ang kurtina.
Ang puson niya ay humahapdi pa rin, tila pinapaalala ang munting buhay na nawala sa kanya.
Malalim siyang huminga, umiling, at sinubukang kalimutan ang pait ng kahapon.
Wala siyang oras para magluksa. May mas importanteng bagay siyang asikasuhin.
Binuksan niya ang laptop na matagal na niyang hindi nagagamit. Lumiwanag ang screen, lumitaw ang mensaheng hindi pa nababasa at may marka ng bituin.
Binuksan niya iyon, pinasadahan ng tingin dahilan upang lalong lumamig ang titig niya. Nagsimula siyang magtipa sa keyboard:
"Ituloy ayon sa plano."
Pagka-send ay sinara niya ang laptop.
Lahat ay nangyari sa isang iglap, na ang kaninang mahinang Evelyn ay naglaho na.
Ininom niya ang gamot na bigay ng doktor, at lumagok ng maligamgam na tubig. Kumalat ang pait noon sa dila niya, ngunit umakto siyang walang nalasahan.
Ramdam niya ang sobrang pagod. Bumagsak siya sa kama at nakatulog...
Kinagabihan, sa loob ng opisina ng CEO ng Del Rosario Group.
Kumatok si James na dala ang report.
"Mr. Del Rosario, nakalabas na po ng ospital si Misis Del Rosario. Hindi po siya bumalik sa bahay. Dumiretso po siya sa condo na nasa pangalan niya."
May hawak na dokumento si Dominic. Noong marinig iyon, napatigil siya sandali.
"Mm."
Tanging binigkas niya, walang ano mang emosyon.
Nag-angat siya ng tingin. Ang titig ay malalim at madilim na parang tinta at hindi madaling mabura.
"Walang akong pakialam kung saan man siya nakatira."
Hindi naman sila nagsamang mag-asawa. Isa o dalawang beses lang silang magkita sa isang buwan.
Hindi na nangahas na magsalita si James. Parang lumamig kasi ang opisina.
Hinagis ni Dominic ang pinirmahang dokumento at kalmadong nagsalita na para bang nagbabalita lang ng panahon.
"Ipadala mo sa kanya ang annulment agreement. Ipapirma mo sa lalong madaling panahon."
"Masusunod, Mr. Del Rosario."
Masunuring sagot ni James ngunit sa puso niya ay hindi maiwasang maawa sa babae na kailanman ay hindi nakatanggap ng lingap kay Dominic.
Mukhang tapos na nga ang pagsasama ng dalawa.
Nagyuko si Dominic, tinitigan ang mga numero sa papel, na para bang ang nakasulat doon ay walang kwentang kontrata lamang.
Ngunit namuti ang kamao niyang nakahawak sa signpen.
Sa oras na iyon, dumating si Lydia Mendoza.
Mabilis na kinuha ni James ang annulment papers at umalis.
Ngayong araw, nagniningning si Lydia, napakahinhin din ng bawat galaw niya.
Maganda ang pakiramdam niya. Nalaman niya kasi na ang pasyente sa Central Hospital ay si Evelyn Soriano. At ang mas importante ay nakunan ito kaya na-ospital.
Ang buntis na asawa kasi ay mahirap paalisin kung sakali.
Ang babaeng iyon ay walang kwenta. Hindi man lang alam paano magbuntis at nakunan pa. Mukhang langit na ang tumutulong kay Lydia.
Dahil walang anak, hindi maiisipan ni Evelyn na manatili muli kay Dominic.
At mukhang walang ideya sa nangyari si Dominic.
Walang dudang ito ang magandang pagkakataon para kay Lydia.
Nag-angat ng tingin si Dominic kay Lydia, umamo ang titig nito kahit sandali.
"Bakit nandito ka?"
"Siyempre nandito ako para sabay tayong kumain ng hapunan," bigkas ni Lydia na may maliwanag na ngiti, "Hindi ako busy nitong nakaraan kaya gusto kong makasama ka ng maraming oras. Sunod na linggo, mag-audition ako para sa sikat na teleserye. Iniisip ko pa lang, natutuwa na ako!"
Ang galak niya ay hindi maitago.
Pinagmasdan ni Dominic ang ngiti ng dalaga at napangisi sa tuwa.
"Teleserye na gustong pagbidahan ng superstar naming si Lydia ay siguradong hindi ordinaryo."
Hindi makapaghintay si Lydia na sumagot, ang mukha niya ay puno ng yabang.
"Ang pamagat ay Ang Tahimik na Pagbagsak ng Bulaklak. Alam mo 'yon, di ba? Isa iyong sikat na nobela. Sampong milyon ang fans na nakasubaybay roon. Dinig ko ay simple lang ang may akda. Milyon ang ginastos ng Crownlight Media para lang makuha ang libro. Limang sikat na artista lang ang maglalaban para sa pinaka-lead role at ako ang nangunguna."
Pamilyar si Dominic sa libro. Sikat iyon sa literatura. Kung hindi ay hindi gagastos ng milyon ang Crownlight Media para sa libro. At si Lydia ang sikat na artista sa Crownlight Media at nakaraang buwan ay balak niyang bilhin ang kumpanya.
Madalas ay ilag siya sa ganoong industriya pero gusto niyang mag-invest para masuportahan ang karera ni Lydia.
Ngunit hindi pa iyon alam ni Lydia. Plano niya ay ibigay na surpresang regalo ang Crownlight dito kapag malapit na silang ikasal.
Tumango si Dominic at pinisil ang pisngi ni Lydia.
"Mabuti. Kailangan mong magtrabahong mabuti."
Kinuha iyong pagkakataon ni Lydia upang maupo sa kandungan nito. Ang maliliit niyang braso ay umikot sa batok nito, at naglambing.
"Dominic, napakaswerte ko na meron akong ikaw. Simula noong makilala kita, ang buhay ko ay nasa tamang landas na. Alam ko namang lagi kang nakasuprta sa akin sa likod ng camera. Maraming salamat sa suporta sa karera ko."
Puno ng pagmamahal na muling kinurot ni Dominic ang pisngi ni Lydia.
"Basta masaya ka."
Apat na taon na ang nakararaan, sa baybayin ng France, kung hindi siya nito niligtas ay matagal na siguro siyang nalunod sa kailaliman ng dagat.
Tingin niya karapatdapat itong handugan ng lahat, maging ang pagmamahal niya.
Sinandal ni Lydia ang noo sa noo ni Dominic, handa ng bigyan ito ng h*lik.
Tumama sa mukha niya ang mainit na paghinga nito. Hindi siya lumayo.
Bigla, nag-ingay ang cellphone niya. Nagsalubong ang mga kilay ni Lydia.
Ngumiti si Dominic at sinagot ang tawag. Nasasabik na boses ni Marcus ang nasa kabilang linya.
"Dominic, bumalik na si Ryan Blackwood. Dinig ko ay magho-host siya ng misteryosong bisita sa Vault Club. Tingin mo ba si Dr. N ang bisita?"
Sandaling tumigil si Dominic, kuminang ang liwanag sa mata niya.
"Pupunta na ako ngayon."
Pagkatapos ng tawag ay napaisip siya.
Si Ryan Blackwood ay tagapagmana ng malaking financial empire sa France at ito rin ang pasimuno sa Global Medical Summit. Apat na taon na nakalipas noong unang pagkikita nila sa France.
At ang balita tungkol kay Dr. N ay lumabas lang noong nakaraang araw, tapos ay sikretong dumating naman sa Manila si Ryan.
Mukhang nandito na nga sa bansa ai Dr. N.
Kailangan niyang mag-imbestiga kahit anong mangyari, kailangan niyang masiguro ang partnership ni Dr. N at ng Del Rosario Group.
Naguguluhan siyang tiningnan ni Lydia.
"May problema ba, Dominic?"
Sinuklay ni Dominic ang buhok niya.
"Wala naman. Ilalabas kita para makakain ng masarap."
Hinablot niya ang coat niya at giniya ang dalaga palabas ng opisina.
…
"Ring! Ring!"
Maingay na tumunog ang doorbell na siyang sumira sa katahimikan ng condo.
Nagising si Evelyn dahil sa tunog.
Sinuot niya ang tsinelas at mabagal na naglakad patungo sa pinto. Pinihit niya ang doorknob.
Bumukas ang pinto.
Sa labas, nakatayo ang lalaki.
Pamilyar na mukha, gwapo at ngayon may ilang marka na ng katandaan.
Pwersadong binuksan ni Evelyn ang mga mata. Namimigat ang ulo niya at nanlalabo, siguro ay dahil sa banggaan ng sasakyan kanina.Mild concussion siguro ang nakuha niya.Masakit na bumaliktad ang sikmura niya, nasusuka na umaakyat sa lalamunan niya.Ang mga kamay niya at paa ay mahigpit ang pagkakatali. Nananakit din ang kanang bukong-bukong ng paa niya. Nakaupo siya sa sahig, nakatakip ang bibig niya gamit ang makapal na tape.Maliit ang kwarto pero nakakagulat na malinis 'yon.May dalawang camera na nakatayo sa malapit. Ang isa ay nakadirekta sa kanya, ay ang isa ay sa kaliwa niya. Ang mga maitim na lense ng camera ay parang mga matang nakamasid sa kanya.May bulaklaking ding kurtina na tumatakip sa maliit na bintana, kakaunting liwanag lang ang tumatagos doon. Ang naiisip niya ay isang farmhouse iyon. Kada segundo ay naririnig niya ang tahol ng aso mula sa labas. Maging ang hangin ay dala ang malakas na amoy ng mga hayop.Bumukas ang pinto.May lalaking pumasok.Meron itong mahabang
Naintindihan na ni Dominic.Naintindihan na niya ang ginawad na sampal sa kanya ni Evelyn. Naintindihan na rin niya kung bakit siya nito sinigawan ng "Get out!"Naintindihan na rin niya ang pagkabasag ng puso nito sa likod ng pinto, ang hagulhol nito na sinubukan nitong supilin.Hindi iyon basta drama lang at hindi maliit na bagay. Kun'di hinagpis mula sa pagkawala ng anak nila.Tatlong taon na birth control pills. Tapos ay pinatay pa ang unang anak dapat nila.Kasalanan ng kasambahay na 'yon na basta pa naman niya pinalaya kay James.Ibig sabihin, noong ma-ospital si Evelyn sa simula ng buwan... Hindi lang basta sakit ng tiyan.Kun'di dahil nakunan ito.Buntis na pala ito sa anak nila.Naglakbay sa katawan ni Dominic ang panlalamig at pakiramdam na para bang gusto niyang pum*tay, mabigat at nakakasakal.Malamang na pinilit ni Evelyn na hanapin ang salarin. Tapos basta lang niya pinalaya ang taong 'yon.Ginamit pa niya ang legal team ng mga Del Rosario!Paano siya naging kasuklam su
Nasa ere pa ang kamay ni Evelyn, humapdi ang palad niya.Tumabingi naman ang mukha ni Dominic dahil sa lakas ng sampal ni Evelyn. Ilang segundo lang ay nagmarka na sa pisngi nito ang mga palad ng dalaga.Tinitigan ito ni Dominic na para bang hindi nito kilala ang kaharap."Evelyn what the hell is wrong with you?"Marahas na tumahip ang d*bdib ni Evelyn, ang mga mata ay namula sa galit."Iyong si Agnes.... Ginamit mo ba ang legal team ng kumpanya mo para pyansahan siya?" nginig na rin ang boses niya sa galit.Nangunot noo si Dominic. Pamilyar ang binanggit nitong pangalan.Kaninang hapon kasi, tumawag sa kanya si Lydia, sumisinghot at humahagulhol, ang sabi ay nakulong ang pinsan nito dahil lang sa na-offend nito si Evelyn. Nagmakaawa itong tulungan niya. Wala na siyang oras na pag-isipan iyon kaya pinaasikaso niya na lang kay James."Oo," sagot niya, may bakas ng pagtitimpi ang tono, "So what?""SO WHAT?" pag-uulit ni Evelyn tapos mapait na tumawa. Nagbagsakan ang mga luha niya sa kan
Masyadong mahigpit ang bantay sa pirvate Villa ng mga Blackwood. Iilang mga lalaki na malalaki ang katawan ang nakatindig, diretso ang tingin, at alerto ang postura.Bigla, isang pigura ang lumabas mula sa gilid ng gate.Nagmamadali si Rick, buhat ang dalaga sa kanyang bisig. Humahampas ang hangin sa kanila habang tumatakbo si Rick.Ang mukha ng dalaga ay parang p*tay na sa sobrang putla, halos wala na itong buhay. Kitang-kita ang kulay ube ng marka sa palibot ng leeg nito.Pinasok ito ni Rick sa naghihintay na sasakyan, binagsak ang pinto at agad niyang pinasibat ang sasakyan. Kasing bilis ito ng sibat na agad nawala sa paningin.Sa itaas, sa likod ng floor-to-ceiling window, tahimik na nakatayo si Ryan.Noong makaalis ang sasakyan ni Rick ay doon lang niya inabot ang kurtina at mabagal iyong sinara.Noong sumara ang malalaking kurtina, doon lang luminaw ang nanlalabo niyang paningin, napalitan ng malamig na titig.Walang ano mang emosyon ang mukha, kahit kaunting konsensya.Bigla,
Sinubukang tawagan ni Dominic si Evelyn pero hindi ito sumasagot. Dumiretso na lang siya sa Del Rosario Mansion.May mga bagay na dapat niyang malaman nang personal.Wala pang sampong minuto ay nakarating na siya, agad pa siyang tinaboy ng Lolo Fernando niya.Nakasigaw agad sa kanya ang matanda, galit, at nagpipilit na umalis siya sa mansyon.Pero hindi siya umalis nang tuluyan. Imbis ay nahanap niya si Alfred, ang butler, na nagbabantay ng mga staff na nasa garden. Thirty years ng nagtatrabaho sa kanila si Alfred. Kaya noong makita nito si Dominic ay nagmadali itong lumapit."Sir Dominic, lumalala po ang pag-ubo ni Don Fernando nitong nakaraan. Huwag niyo na po siyang galitin. Kapag maayos na ang pakiramdam niya, tatawagan ko kayo."Napatango si Dominic, "Please, alagaan mo siyang mabuti. Dumaan lang ako para tingnan ang kalagayan niya."Sandali siyang tumigil at hininaan ang boses, "Alfred, may gusto akong itanong sa'yo.... Noong bata pa si Evelyn... Kilala na ba niya si Lolo?"Nag
Ang itim at puting mga letra sa folder ay parang karayom na tumusok sa mga mata niya.[Evelyn Soriano – Personal Profile]Gender: FemaleAge: 24Orphan.Six years old - inampon ng Mendoza Family.10 years old - nawala at nawalan ng contact sa mga Mendoza.12 years old - dumating na mag-isa sa Pinas.Sa kaparehong taon, may report na dalawang beses itong bumisita sa mansyon ng mga Del Rosario sa hindi malamang dahilan.Tapos nagpalaboy ng tatlong buwan. Sa harap naman ng Cebu City Elementary School, tinulungan nito si Rose Ashford na nabu-bully.Nang dahil sa sponsorship ng mga Ashford, nakapasok ito Cebu City Elementary School, pumasok ng Grade Five sa kalagitnaan ng taon.Nang dahil sa baguhan siya sa eskwela, nahirapan siyang makipag-sabayan at hindi sinasamahan o kaya ay nabubully naman ng mga kaklase.Nagyelo ang mga daliri ni Dominic sa nabasa.Grade Five? Twelve years old at grade five pa lang ito? At nabully?Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.16 years old - pagkatapos makumpleto







