LOGINMasama ba ang loob nito at gagamitin na naman si Alexander upang pagbantaan siya at ilabas dito ang galit nito? Kapag nangyari na ang isang bagay, maaari itong maulit anumang oras. Talagang natatakot na si Aleisha. Bukod pa roon, bakit tila naninikip na naman ang kanyang dibdib? Hindi maganda ang p
Matapos matanggap ang katiyakan mula kay Raphael, nawala ang ngiti sa mga labi ni Aleisha. Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito. Dahan-dahan ngunit malinaw siyang sumagot. “Kung ganoon, sasabihin ko sa iyo ang totoo. Pumayag ako sa kasal na pakunwari para sa pera, upang mabayaran ang gastusi
Pagmulat niya ng mga mata, napansin niyang walang tao sa tabi niya. Wala pa rin ba si Raphael? Tiningnan niya ang oras. Ala una na pala ng madaling-araw. Kumunot ang noo ni Aleisha. Maraming meeting sa negosyo si Raphael, pero mula nang magpakasal sila, bihira naman itong umuwi nang ganito ka-late.
“Nandito na si Aleisha. Ipakikilala ko na kayo sa isa’t isa.” Nakangiting kumaway si Dok Rivera. “Ito si Aivan Cornello, ang nakatatandang kasamahan mo sa ilalim ng paggabay ko. Aivan, siya naman si Dr. Aleisha Redobles-Arizcon, ang nakababatang kasamahan mo.” “Hello, Dr. Arizcon.” Bahagyang ngumit
“Ang simpleng mabuhay ay isa nang napakahirap na pakikibaka para sa akin!” Para lamang mabuhay, kinailangan niyang magtrabaho sa isang lugar tulad ng Bad Haven, magtiis sa pananakit ng mga lalaki, at mabuntis nang hindi kasal... Hindi maisip ni Raphael kung gaano karaming paghihirap ang tiniis ni
“Ano iyon?” Nagtanong si Raphael. May halong pagtataka at hindi maipaliwanag na kaba ang unti-unting gumapang sa kanyang dibdib. “Raphael, si Aleisha...” Nag-alinlangan si Sophia bago nagpatuloy. “Hindi ka niya mahal.” Natigilan si Raphael. Biglang nanliit ang kanyang mga balintataw. Pinilit niyan
Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon. "Kumain ka! Wala ka talagang kwent
Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha. Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan. "Mabuti at
Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang. Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Do
"Raphael Arizcon..." Natigilan si Mr. Sandoval habang nakatingin kay Raphael. Kapag isa kang negosyante ay imposibleng hindi mo kilala ang isang Raphael Arizcon. "B-Bakit ka narito?" Hindi man lang pinansin ni Raphael si Mr. Sandoval. Nasa kay Sophia ang buo niyang atensyon na ngayon ay hilam na







