Nang matapos na sina Mia at Mona sa pag-aani ng gulay, dahan-dahan silang naglakad pabalik sa mansyon. Ang araw ay hindi pa gaanong mataas sa langit, kaya naman may kalamigan pa ang hangin. Habang naglalakad, dama ni Mia ang kakaibang kapayapaan na hatid ng umagang iyon—isang bihirang pagkakataon para sa kanya.
Pagdating sa kusina, agad nilang inilapag ang basket ng mga bagong aning gulay sa countertop. Sa tingin ni Mia, marami-rami rin silang nakuha, at naisip niyang mas magiging masarap ang kanilang hapunan mamaya. Dahil maaga pa, napagdesisyunan niyang linisin muna ang mga gulay bago ito iluto.
Habang abala siya sa paghuhugas, muling nagsalita si Mona. “Maaga umuuwi si Sir, kaya madalas ay maaga kong hinahanda ang pagkain. Pero, ineng, may kailangan akong bilhin sa botika. Pwede bang ikaw na lang ang magluto ng hapunan?”
Nagtaas ng tingin si Mia at saglit na natigilan. Hindi siya sigurado kung anong eksaktong ihahanda niya, ngunit alam niyang hindi siya maaaring tumanggi. Isa pa, gusto rin niyang makatulong kahit papaano.
“Okay po, ingat ho kayo,” sagot niya nang may maliit na ngiti.
Napangiti rin si Mona at marahang tumango bago nagpaalam. Nang tuluyan nang makaalis ang matanda, bumuntong-hininga si Mia at muling binalingan ang mga gulay.
Matapos niyang matiyak na malinis na ang mga ito, lumapit siya sa refrigerator upang maghanap ng maaaring ihalo sa kanilang ulam. Doon, napansin niyang may isang pakete ng ribs na maayos na nakabalot. Saglit niya iyong tiningnan at naisipang gamitin ito para sa kanilang hapunan.
Kinuha niya ang mga ribs at dinala iyon sa lababo upang banlawan. Matapos nito, inilagay niya sa isang malaking kaldero at napagdesisyunang pakuluan muna ito upang lumambot ang karne. Habang hinihintay niyang kumulo ang tubig, saglit siyang umupo at pinag-isipan kung paano niya mas papasarapin ang lutuin.
Dahil para sa hapunan pa ang nilulutong ribs, tiniyak ni Mia na mahina lamang ang apoy sa pagpapakulo nito upang unti-unting lumambot ang karne at mas lumabas ang lasa nito. Habang naghihintay, muli siyang lumapit sa refrigerator upang maghanap ng ibang maaaring iluto bilang meryenda. Doon, napansin niya ang isang tray ng mga hinog na strawberry, isang lalagyan ng whipped cream, at isang tetra pack ng all-purpose cream.
Saglit siyang napaisip, at sa huli, napagdesisyunan niyang gumawa ng homemade ice cream. Hindi man ito bahagi ng kanilang hapunan, naisip niyang magandang sorpresa ito para sa kanyang fiancé. Isa pa, sanay naman siyang gumawa ng dessert—isa ito sa mga paborito niyang gawin noong nasa dating mansyon pa siya.
Habang maingat niyang hinahalo ang mga sangkap, hindi niya mapigilang mapangiti. Para bang sa bawat galaw ng kanyang kamay, bumabalik sa kanya ang mga alaala ng kanyang nakaraan—ang mga araw kung kailan wala siyang ibang iniisip kundi ang pag-eeksperimento sa kusina.
“Sana masiyahan siya,” mahina niyang bulong sa sarili, sabay dampi ng daliri sa pinaghalong cream at tikim nito.
Nang matapos ang ice cream, maingat niya itong nilagay sa isang lalagyan at ipinasok sa freezer upang lumamig at lumapot nang tama. Matapos iyon, agad niyang binalikan ang nilulutong ribs. Tinignan niya ito at naisipang simulan na ang paghahanda para sa kanilang hapunan.
Napatingin siya sa orasan—malapit nang mag-alas sais ng gabi. Dahil dito, agad siyang nagsaing ng kanin at inihanda ang mga gulay na kasama sa ulam. Kumuha rin siya ng sliced beef at sinimulan na itong lutuin. Nang malapit na siyang matapos, narinig niya ang pagbukas ng pinto at napansin niyang dumating na si Mona.
“Hala, ineng, pasensya ka na, medyo natagalan ako,” wika ni Mona habang nagmamadaling pumasok sa kusina.
Napangiti naman si Mia at umiling. “Ayos lang ho. Malapit na rin akong matapos sa pagluluto.”
“Tutulungan na kita sa paghahanda, dahil maya-maya lang ay nandito na si Sir,” ani Mona, sabay lapit sa mesa upang ayusin ang mga plato at kubyertos.
Nang tingnan ni Mona ang beef dish na niluto ni Mia, hindi niya napigilang purihin ito. “Ineng, ang sarap niyang tingnan! Parang gawa ng isang propesyonal na chef.”
Palihim na napangiti si Mia at mahinhin na sumagot, “Hindi naman po… Mas magaling pa rin po kayong magluto.”
Napatawa si Mona sa sagot niya. “Nakakahiya naman! Being praised by a good cook like you is such an honor.”
Natigilan si Mia. Wala siyang naintindihan sa huling sinabi ni Mona, ngunit batay sa tono nito, tila nahihiya ito. Sa halip na magtanong, tumango na lamang siya at ngumiti.
“Oh, siya, ihahanda ko na ang pagkain. Salubungin mo na lang si Sir,” wika ni Mona.
Naintindihan naman ito ni Mia, kaya agad siyang nagtungo sa balkonahe upang hintayin ang kanyang fiancé.
Sa labas, malamig na ang simoy ng hangin, ngunit hindi ito alintana ni Mia. Nakatayo siya roon, marahang hinihimas ang kanyang mga braso habang hinihintay ang sasakyan ng kanyang fiancé. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya natanaw ang paparating na sasakyan, ang mga ilaw nito ay kumikislap sa madilim na daan.
Nang huminto ito sa tapat ng mansyon, mabilis na bumaba ang lalaki mula sa sasakyan. Napansin ni Mia ang mahinang pagbuntong-hininga nito, waring pagod mula sa mahabang araw ng trabaho. Ngunit kahit alam niyang hindi ito palakaibigan, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na ngumiti at bumati.
“Good evening, sir,” mahinang wika niya, sabay yuko bilang tanda ng paggalang.
Sanay siya sa paggamit ng simpleng Ingles—mga basic na pagbati tulad ng "Good morning," "Good evening," "Hello," "Sorry," at "Okay." Ngunit bukod doon, wala na siyang gaanong alam.
Hindi siya sinagot ng lalaki. Sa halip, hinubad nito ang kanyang coat at inabot iyon sa kanya. Agad naman niya itong tinanggap, marahang ipinatong sa kanyang mga kamay. Nang tumalikod ito at pumasok sa loob ng bahay, sumunod siya nang tahimik.
Nang makarating sila sa pinto, saglit siyang huminto, hinihintay na maunang pumasok ang kanyang fiancé. Ngunit sa halip na pumasok, tumigil ito sa tabi niya at tiningnan siya ng matalim.
“Mauuna ka nang pumasok,” malamig nitong utos.
Nagulat siya, ngunit agad naman niyang sinunod ito. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay at naghintay hanggang sa makapasok na rin ito. Matapos niyang isabit ang coat sa sabitan, agad siyang sumunod sa lalaki papunta sa kusina.
Pagdating sa hapag-kainan, agad silang sinalubong ni Mona. “Good evening, sir. Nandito na po ang dinner,” aniya habang maingat na inaayos ang pinggan sa harapan ng lalaki.
Umupo si Nikolai sa gitnang upuan, at si Mia naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ni Mona. Ngunit hindi nagtagal, napansin ito ng lalaki at agad siyang tinapunan ng matalim na tingin.
“What are you looking at? Umupo ka. Sasabay ka sa pagkain.”
Nag-aalangan man, sumenyas si Mona kay Mia na umupo na rin sa hapag-kainan. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa bakanteng upuan, hindi pa rin alam kung paano kumilos sa harapan ng kanyang fiancé.
Maya-maya, nagsalita si Mona habang nakangiti. “Sir, si Miss Mia po ang nagluto niyan.”
Napatingin si Nikolai kay Mia. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o kabahan sa reaksyon nito.
“Taste it,” malamig na utos ng lalaki.
Napakunot ang noo ni Mia. “Sorry?” tanong niya, hindi sigurado kung tama ba ang kanyang narinig.
“I said tikman mo,” ulit nito, mas malamig at matigas na ang boses.
Dahan-dahang kinuha ni Mia ang kanyang kutsara, ngunit hindi pa niya naisasubo ang pagkain nang biglang magsalita muli si Nikolai.
“Hindi ko ito kakainin. Hindi ko alam kung may lason ba ito o wala,” malamig nitong saad, walang bahid ng emosyon sa kanyang boses.
Napako si Mia sa kanyang kinauupuan, hindi makapaniwala sa narinig.
“Next time, galingan mo. Are you planning to kill me? Not in this way.”
Tumayo ang lalaki at walang lingon-likod na lumabas ng kainan. Matigas ang bawat hakbang nito, at hindi nagtagal, isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong bahay—ang tunog ng pagsara ng pinto. Parang dagok iyon sa dibdib ni Mia, isang patunay na hindi nagustuhan ng kanyang fiancé ang kanyang inilaan na pagkain.
Naiwan siyang nakaupo sa hapag-kainan, nakatitig sa kanyang pinggan na tila may hinahanap na kasagutan. Muli niyang binalikan sa kanyang isipan ang bawat hakbang na ginawa niya sa pagluluto. Sinigurado niyang tama ang mga sangkap, na maayos ang pagkakaluto ng karne, at na balanse ang lasa ng putahe. Wala siyang makitang mali.
Napayuko na lamang si Mia, pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman. Hindi niya namalayang mahigpit na niyang hinahawakan ang dulo ng kanyang bestida, tila ba iyon na lang ang kaya niyang kapitan sa sandaling iyon. Pakiramdam niya, isang malamig na pader ang humarang sa pagitan nilang dalawa ng kanyang fiancé, at kahit anong gawin niya, hindi niya iyon matibag.
“Gusto ko lang naman magkaroon ng silbi… pero parang hindi naman nauunawaan ang mga hangarin ko,” mahina niyang bulong sa sarili, halos hindi na marinig.
Pilit niyang nilunok ang buo niyang hinanakit at marahan siyang tumayo mula sa upuan. Isang pilit na ngiti ang kanyang ibinigay kay Mona bago nagsimula sa pagligpit ng hapag-kainan. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay.
“Mia…” tawag ni Mona, may halong pag-aalala ang kanyang tinig.
Mula sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, alam niyang gusto nitong sabihin na huwag niyang dibdibin ang nangyari. Na huwag niyang hayaang makuha ng lungkot ang kanyang buong gabi. Ngunit paano? Paano niya hindi iindahin ang ginawa ng kanyang fiancé?
Huminga siya nang malalim bago lumingon kay Mona. Mahinang ngumiti siya, pilit na tinatakpan ang lungkot sa kanyang mga mata. “Kayo na lang ho ang bahala kung ano ang gagawin sa pagkain… at saka may ice cream sa ref. Mauuna na ho ako sa itaas.”
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Mona. Marahan niyang iniwan ang kusina, tahimik na umakyat sa hagdanan, dala ang bigat ng kanyang damdamin. Sa bawat hakbang niya pataas, pakiramdam niya ay mas lalong bumibigat ang kanyang dibdib, na tila ba ang bawat hakbang ay isang paalala ng malamig na pagtrato sa kanya ni Nikolai.
Pagkarating sa kanyang kwarto, maingat niyang isinara ang pinto at sumandal dito, pumikit saglit, pilit na pinipigil ang pagluha.
Pagdating nila sa eskwelahan, medyo kinakabahan pa si Mia. Napatingin siya sa paligid—maraming estudyante ang nasa campus. Ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, habang ang iba naman ay nagkukumpulan na, mga estudyanteng nagkasundong sabay mag-enroll para sa paparating na pasukan."Ito pala ang paaralan? Ang daming estudyante," wika ni Mia sa kanyang sarili. Napansin din niya na maraming nakatingin sa kanila—hindi talaga sa kanya, kundi kay Nikolai. Napabuntong-hininga na lang siya at marahang napailing."Are you okay?" tanong ni Nikolai, marahil ay napansin ang marahan niyang pag-iling."Uhmm... Ayos lang ako," sagot ni Mia, at napahinto sila sa kanilang paglalakad. Malaki ang campus, at hindi alam ni Mia kung saan sila dapat pumunta."This school really changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati," wika ni Nikolai habang nakatingin sa paligid, waring may inaalala. Hindi alam ni Mia kung ano ang nasa isip nito."Magtanong na lang muna tayo sa help desk," dagdag pa ni
“The new academic year is going to start. Have you decided which school you’re going to attend?” tanong ni Nikolai habang magkasalo sila ni Mia sa hapag-kainan, ang kanyang tinig ay kalmado, ngunit may halong pag-aalalang hindi niya maitatago.“Wala pa akong napagpilian,” sagot ni Mia, sabay subo ng kanin. “Siguro sa public school na lang na malapit dito. Hindi ko din naman gusto sa private schools… I feel ma-o-out of place ako.”Bahagyang napatango si Nikolai habang pinagmamasdan ang dalaga. Sa nakalipas na limang buwan, napansin niya kung gaano kabilis matuto si Mia. Hindi na siya nahihirapan intindihin ang mga sinasabi niya, kahit pa madalas ay sa English siya magsalita. She’s a fast learner—matyaga, determinado. Kamakailan lang ay pumasa siya sa placement exam para makapag-proceed agad sa Senior High School. Iyon ay hindi basta-basta, at nakita ni Nikolai kung gaano kasipag si Mia para maabot iyon.“I can afford to send you to private schools… even international schools,” wika ni N
“Nikolai, how are you?” bungad ng kaniyang kapatid na si Natasha nang sagutin niya ang tawag, ang tinig nito ay puno ng kaswal na interes, ngunit may halong kuryosidad na agad niyang naramdaman.“I’m fine. Napatawag ka?” sagot ni Nikolai, bahagyang nag-aalangan habang kinokontrol ang kanyang tono, alam niyang ang bawat tawag mula sa kapatid ay hindi kailanman simpleng pangungumusta lang.“I just heard that your new fiancée is staying in the villa already. I want to meet her,” sagot ni Natasha, diretso at walang paligoy-ligoy, tila ba may itinatagong motibo sa kanyang nais.Napahawak na lamang si Nikolai sa kaniyang sentido, marahang pinisil ito, waring pinipigilan ang namumuong inis sa kanyang ulo. Kilala niya si Natasha—hindi ito basta-basta nagiging interesado sa mga babaeng dumarating at umaalis sa kanyang buhay.“You’re interested in her? Hindi ka naman dati eh?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit hindi maitago ang pagdududa sa kanyang tinig. Noon pa man, walang pak
Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork
Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang
“Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is