Share

Kabanata 6: Mia's New Life

Author: Yona Dee
last update Last Updated: 2025-03-19 22:36:45

Matapos kumain ni Mia, agad siyang tumungo pabalik sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Maingat niyang isinuot ang isang simpleng bestida bago mabilis na lumabas ng kwarto. Habang naglalakad siya sa pasilyo, ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bahagyang nakabukas na bintana. Tahimik ang buong bahay, tila may isang uri ng bigat na bumabalot sa paligid.

Pagdating niya sa kusina, saglit siyang huminto at luminga-linga, ngunit wala siyang nadatnan doon. Napakunot ang kanyang noo bago siya nagdesisyong lumabas patungo sa balkonahe. Doon, agad niyang napansin ang isang pamilyar na pigura—ang kanyang fiancé. Nakatayo ito sa tabi ng maid habang inaayos ng butler ang suot nitong coat.

“Sir, ayos lang ho kayo?” tanong ng butler habang maingat na isinusuot ang amerikana sa kanyang fiancé.

“I’m fine. You have nothing to worry about,” malamig na sagot ng lalaki. Bahagyang lumingon ito sa kanya, at sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Mia ay nanigas siya sa kinatatayuan niya.

Napalunok siya ng sariling laway bago naglakas-loob na magsalita. “Good morning—”

Ngunit bago pa niya matapos ang pagbati ay agad siyang pinutol ng kanyang fiancé.

“Bumati ka na kanina. Nakakarindi nang pakinggan,” malamig nitong sambit, dahilan upang mapayuko si Mia.

Pinilit niyang pigilan ang kaba sa kanyang dibdib at mahina niyang sinabi, “Pasensya na po…” Kasabay nito, mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang palda, tila isang paraan upang pigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Muling lumalim ang boses ng kanyang fiancé nang muli itong magsalita. “Wala ka na bang ibang alam na sabihin? You’re always saying sorry—it really pisses me off! Bakit ka ba ng sorry nang sorry?”

Sa biglaang tanong nito, hindi agad nakasagot si Mia. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan at ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Bahagyang nanikip ang kanyang dibdib, at pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kanyang lalamunan.

“Ah… sorry po,” mahina niyang tugon, halos pabulong, dahil hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin.

Napailing ang lalaki bago muling nagsalita. “Yuyuko ka na lang ba? Raise your head,” mariing utos nito.

Mabagal niyang iniangat ang kanyang mukha, ngunit bago pa niya lubos na mailapat ang kanyang paningin sa lalaki, narinig niya ang mahinang bulong ng yaya na lumapit sa kanya.

“Ma’am, huwag kang yuyuko,” paalala nito, at muli siyang tumingin sa kanyang fiancé.

Sa sandaling iyon, hindi niya mapigilang mapaangat ang kanyang paningin at titigan ang lalaki sa kanyang harapan. Noon lang niya napagtanto kung gaano ito kagwapo—tila perpektong hinulma ng tadhana ang bawat linya at hugis ng mukha nito. Ang matangos nitong ilong, ang malalim na mata na tila laging may binabasa sa kanyang kaluluwa, at ang malamlam ngunit matikas nitong ekspresyon ay sapat na upang iwan siyang nakatulala.

Napansin ng lalaki ang kanyang pagtitig, kaya bahagya itong napakunot-noo bago nagwika, “I haven’t introduced myself to you.”

Saglit itong huminto, tila sinusukat ang kanyang magiging reaksyon. Ngunit si Mia ay nanatiling tahimik, hindi agad naunawaan ang nais nitong ipahiwatig.

“I’m Nikolai Aziel Montgomery. You can call me Nikolai,” anito, at marahang tumango si Mia bilang pagsang-ayon.

Ngunit sa kanyang gulat, nakita niyang bahagyang napailing ang kanyang fiancé, tila hindi nasiyahan sa kanyang naging tugon.

“Banggitin mo nga kung nakinig ka ba sa akin,” malamig na hiling nito.

Mabilis niyang nireplay sa kanyang isipan kung paano binigkas ng lalaki ang sariling pangalan nito. Napalunok siya bago sinubukang ulitin iyon.

“Ni… Ko… La… I…”

Ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib, at dahil sa hiya sa sarili niyang pagbigkas, muli siyang napayuko. Sa kanyang isipan, biglang sumagi ang alaala ng panunuyang natanggap niya noon mula sa kanyang kapatid—ang panunuya sa kanyang kahinaan pagdating sa pagsasalita ng mga banyagang pangalan.

Laking gulat na lamang niya nang marinig ang mahinang buntong-hininga ng lalaki, kasabay ng malambing ngunit matigas nitong boses.

“Just call me Niko, para hindi ka na mahirapan,” anito.

Napatitig si Mia sa kanyang fiancé, hindi makapaniwala sa narinig. Inaasahan niyang pupunahin siya nito, pagtatawanan marahil, o kukutsain gaya ng madalas gawin ng kanyang kapatid. Ngunit hindi. Imbes na ipahiya siya, pinadali pa nito ang paraan ng kanyang pagtawag sa kanya.

Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman—kung siya ba’y matutuwa o mas lalong mailang sa presensya ng kanyang mapapangasawa.

Bubuksan pa sana niya ang kanyang bibig upang magsalita, ngunit bigla na lamang itong tumingin sa butler na nasa tabi nito.

“Let’s go. May meeting pa ako,” seryosong wika nito, saka siya muling tiningnan.

Muling bumigat ang pakiramdam ni Mia nang marinig ang sunod na sinabi ng kanyang fiancé.

“Take care of her. You know,” anito, at saglit na nagtagal ang tingin nito sa kasambahay.

Napatingin naman si Mia sa butler na tila may nais siyang itanong, ngunit wala siyang lakas ng loob upang magsalita. May kung anong misteryo sa mga salitang iyon, na tila may mas malalim na kahulugan kaysa sa simpleng pagpapaalala.

“Okay po, Sir,” sagot naman ng kasambahay, marahang tumango bilang pagsang-ayon.

Hindi na muling nagsalita si Nikolai. Sa halip, tumalikod ito at nagsimulang maglakad palayo.

Mia, na patuloy na nakayuko, ay mahina ngunit taos-pusong bumulong, “Ingat ho kayo…”

Hindi niya alam kung narinig iyon ng lalaki, ngunit sa kabila ng lahat, iyon lang ang tanging salitang nagawa niyang sabihin. Pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kanyang lalamunan—isang halo ng kaba, hiya, at kung anong emosyon na hindi niya maipaliwanag.

Nang tuluyan nang makaalis ang kanyang fiancé, unti-unti niyang iniangat ang kanyang tingin at saka napatingin kay Mona, ang nag-iisang kasambahay sa pamamahay na ito. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang isang maayos na usapan, ngunit nais niyang makilala kahit papaano ang iilang taong nasa paligid niya.

Napansin niyang nasa early fifties na ang babae, halata ito sa puti-puting hibla ng buhok nito. Bagaman may bakas ng pagtanda sa mukha nito, may kakaibang sigla pa rin ang kanyang mga mata—tila ba puno ng karanasan at kaalaman sa buhay.

“Ano po, uh, matagal na ho ba kayong nagtatrabaho dito?” tanong ni Mia, may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.

Napangiti si Mona bago sumagot. “Naah, oo, hija. Matagal-tagal na rin. Medyo pihikan din sa tao si Sir, kaya ako lang ang nandito,” paliwanag nito habang nagsimulang maglakad papunta sa isang lugar.

Sinabayan naman siya ni Mia at lihim na tinignan ang paligid. Noon lang niya napansin na tila may patagong kagandahan ang lugar na ito—hindi lang puro malamig at matigas na pader, kundi may mga bahagi ring may buhay at kulay. Sa kanilang nilalakaran, napansin niyang unti-unting lumalawak ang espasyo, hanggang sa makarating sila sa isang lugar na napapalibutan ng luntiang halaman.

“Mini garden pala ito…” napabulong na sambit ni Mia, napahanga sa simpleng ngunit maayos na taniman.

Napansin ni Mona ang kanyang pagkagiliw at napangiti ito. “Medyo pihikan si Sir sa pagkain, kaya may mini garden dito. May nag-aalaga naman nito pero hindi stay-in. Ako rin, hindi dito natutulog. Sa kabilang bahay ako, mga limampung metro ang layo.” Tinuro naman nito ang isang maliit na bahay na may pulang bubong, na bahagyang natatabunan ng mga puno.

Habang iniikot ni Mia ang kanyang paningin, may nakita siyang isang basket na nakapatong sa isang lumang bangko. Kinuha niya ito at marahang hinawakan, wari’y sinusuri kung para saan ito ginagamit.

“Tamang-tama, uuwi si Sir mamayang hapon. Magha-harvest tayo ng gulay para may mailuto sa dinner,” wika ni Mona, dahilan upang mapatingin si Mia sa kanya.

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon, at agad nilang sinimulan ang pamimitas ng gulay. Habang si Mona ang nagtatanggal ng mga dahon at bunga, si Mia naman ang maingat na naglalagay ng mga ito sa basket. Hindi niya namalayan na unti-unting lumalambot ang kanyang pakiramdam—tila ba nagiging magaan ang kanyang loob habang abala sila sa ginagawa.

Habang nagpipitas, hindi niya maiwasang mapangiti. Matagal na rin mula noong huli siyang nakaramdam ng ganitong kasimple ngunit taos-pusong kasiyahan.

“Tara, punta tayo sa manukan. Kukuha tayo ng itlog para makapagluto ng pang-meryenda,” aya ni Mona, sabay lakad patungo sa kabilang bahagi ng bakuran.

Sa pagkakataong iyon, hindi na nag-alinlangan si Mia na sumunod. Sa unang pagkakataon simula nang dumating siya sa bahay na ito, pakiramdam niya ay may isang bahagi ng lugar na kayang siyang tanggapin—isang maliit na sulok kung saan siya maaaring huminga at maramdaman na hindi siya nag-iisa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 26: More Than Words

    Pagdating nila sa eskwelahan, medyo kinakabahan pa si Mia. Napatingin siya sa paligid—maraming estudyante ang nasa campus. Ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, habang ang iba naman ay nagkukumpulan na, mga estudyanteng nagkasundong sabay mag-enroll para sa paparating na pasukan."Ito pala ang paaralan? Ang daming estudyante," wika ni Mia sa kanyang sarili. Napansin din niya na maraming nakatingin sa kanila—hindi talaga sa kanya, kundi kay Nikolai. Napabuntong-hininga na lang siya at marahang napailing."Are you okay?" tanong ni Nikolai, marahil ay napansin ang marahan niyang pag-iling."Uhmm... Ayos lang ako," sagot ni Mia, at napahinto sila sa kanilang paglalakad. Malaki ang campus, at hindi alam ni Mia kung saan sila dapat pumunta."This school really changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati," wika ni Nikolai habang nakatingin sa paligid, waring may inaalala. Hindi alam ni Mia kung ano ang nasa isip nito."Magtanong na lang muna tayo sa help desk," dagdag pa ni

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 25: A Quiet Kind of Care

    “The new academic year is going to start. Have you decided which school you’re going to attend?” tanong ni Nikolai habang magkasalo sila ni Mia sa hapag-kainan, ang kanyang tinig ay kalmado, ngunit may halong pag-aalalang hindi niya maitatago.“Wala pa akong napagpilian,” sagot ni Mia, sabay subo ng kanin. “Siguro sa public school na lang na malapit dito. Hindi ko din naman gusto sa private schools… I feel ma-o-out of place ako.”Bahagyang napatango si Nikolai habang pinagmamasdan ang dalaga. Sa nakalipas na limang buwan, napansin niya kung gaano kabilis matuto si Mia. Hindi na siya nahihirapan intindihin ang mga sinasabi niya, kahit pa madalas ay sa English siya magsalita. She’s a fast learner—matyaga, determinado. Kamakailan lang ay pumasa siya sa placement exam para makapag-proceed agad sa Senior High School. Iyon ay hindi basta-basta, at nakita ni Nikolai kung gaano kasipag si Mia para maabot iyon.“I can afford to send you to private schools… even international schools,” wika ni N

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 24: Unexpected Visitor

    “Nikolai, how are you?” bungad ng kaniyang kapatid na si Natasha nang sagutin niya ang tawag, ang tinig nito ay puno ng kaswal na interes, ngunit may halong kuryosidad na agad niyang naramdaman.“I’m fine. Napatawag ka?” sagot ni Nikolai, bahagyang nag-aalangan habang kinokontrol ang kanyang tono, alam niyang ang bawat tawag mula sa kapatid ay hindi kailanman simpleng pangungumusta lang.“I just heard that your new fiancée is staying in the villa already. I want to meet her,” sagot ni Natasha, diretso at walang paligoy-ligoy, tila ba may itinatagong motibo sa kanyang nais.Napahawak na lamang si Nikolai sa kaniyang sentido, marahang pinisil ito, waring pinipigilan ang namumuong inis sa kanyang ulo. Kilala niya si Natasha—hindi ito basta-basta nagiging interesado sa mga babaeng dumarating at umaalis sa kanyang buhay.“You’re interested in her? Hindi ka naman dati eh?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit hindi maitago ang pagdududa sa kanyang tinig. Noon pa man, walang pak

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 23: Mia's Improvement

    Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 22: Mia's First Tutoring Session

    Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 21: Night Out

    “Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status