BIGLANG nataranta si Katherine sa sinabi nito. Kahit makirot pa ang tiyan ay bahagya niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas. “H-Hindi na kailangan, hindi pa ‘ko nagkakaro’n.”“Kung gano’n ay bakit ka namimilipit sa sakit?” ani Cain saka marahang tinulak ang pinto upang makita ito nang malinaw.Nang mapansin ni Katherine na pahakbang ito papasok ay bigla siyang lumabas at nilampasan ito. Pero hindi pa man nakakalayo ay muntik na siyang mapatili nang buhatin ni Cain.“A-Anong ginagawa mo? Ibaba mo ‘ko!” Saka nagpumiglas.“’Wag kang malikot at baka maihulog kita.” Naglakad si Cain patungo sa kwarto at maingat na nilapag si Katherine sa kama. Inayos niya pa ang kumot saka muling nagsalita, “Magpahinga ka lang.”Mas naging alerto si Katherine. “At anong gagawin mo?”“Wala, babantayan ka.”“Hindi na kailangan. Baka dumating si Lian mamaya, ipagtatabuyan ka niya panigurado kaya mas mabuti pang umalis ka na lang.”“Pa’no kung matagalan siya? Gabi nang umuwi? Mas mabuting may magbabanta
NABIGLA si Katherine sa tanong nito magkaganoon man ay sinagot niya, “Hindi at wala na ‘kong balak na makipag-ayos pa. Masama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya binantayan niya ko.”Ngunit bahagya siyang nabahala sa confidence na pinapakita ni Cain. Kung paano ito makipag-usap kay Luke.Tila may karapatan pa rin ito sa kanya at kalmado pa kung umasta.“Okay ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” tanong ni Luke nang mapansin na tila natutulala ito.Pinilig ni Katherine ang ulo upang maalis sa isip ang kung ano man ang gumugulo saka ngumiti. “Oo naman, medyo hindi lang naging maganda ang tulog ko.”“Ang sabi nga kanina ni Cain pero ayos ka na ba talaga? Pwedeng dalhin kita sa ospital kung hindi.”Umiling si Katherine. “Hindi na, ayos lang talaga ako. Kumain na lang tayo.” Ngunit ilang sandali pa ay muling napaisip. “Luke,” tawag pansin niya sa kaibigan.“Ano ‘yun?”“Naisip ko lang ang kasinungalingan na sinabi natin sa magulang mo. Iyong pekeng relasyon… Pwede bang itigil na
HINAWI ni Katherine ang kalat sa desk saka nilabas ang hinandang paperworks. “Maghilamos ka muna’t sipilyo, saka mo ‘to sagutan.”Inis na napangisi si Gab. “Inuutusan mo ‘ko?”“Hindi pero kung gusto mong ganyan ang itsura mo habang tinuturuan kita, okay lang.”Napakunot-noo si Gab saka tiningnan ang sarili sa salamin. Napanganga siya nang makitang may kaunting bakas pa siya ng laway sa labi at muta sa mata. Sobrang gulo ng buhok at mukha siyang ewan ng mga sandaling iyon.Namula ang pisngi niya sa hiya at gustong sumigaw sa inis.“Tititigan mo na lang ba ang sarili mo sa salamin? Kumilos ka na’t sayang ang oras,” ani Katherine.Mabigat ang mga paa na pumasok sa banyo si Gab saka naligo ng isang oras. Paglabas ay ang nakataas na kilay ni Katherine ang bumungad habang nakahalukipkip.“Nananadya ka ba talaga? Isang oras ka sa loob.”Napangisi si Gab. “E, sa gano’n ako katagal maligo, pake mo ba? Lumabas ka nga at magbibihis ako.”Nanatili ang nakataas na kilay ni Katherine saka hinagod n
KUMIBOT ang labi ni Ericka sa inis matapos iyong sabihin ni Katherine. Pero sa halip na mag-react ay pinakita niyang hindi siya apektado at marahan pang pumalakpak habang nakangisi. “Palaban ka pala para sa isang babaeng stand-in lang naman.” Napakunot-noo si Katherine. “A-Anong ibig mong sabihin?” “At nagmamaang-maangan ka pa ngayon? Halata naman na sinasamantala mo ang pagkakataon dahil kamukha mo ‘yung nasa—” “Ericka!” umalingawngaw ang boses ni Yohan habang pababa ng hagdan. Napaigtad ang dalaga sa gulat saka mabilis ang hakbang palabas ng bahay. Si Yohan naman na tuluyang nakalapit ay mataman pinagmasdan si Katherine. “May sinabi ba siya?” Napakurap sabay iling si Katherine. “May gusto siyang sabihin pero bigla kang dumating.” Tumango at bahagyang nakahinga nang maluwag si Yohan. “Ano palang ginagawa mo rito?” “Hinihintay kong matapos sa pagkain si Gab… Sorry nga pala at pumasok ako sa study room. Hindi ko alam na off-limits pala roon.” Naningkit ang mga mata ni
NAGPUMIGLAS si Katherine ngunit wala talagang balak magpatalo ni Cain. “Ano ba, ibaba mo ‘ko! Kung hindi ay sisigaw—”Bago pa man niya mabuo ang salita ay mabilis na siyang hinalikan nito sa labi upang hindi makasigaw at makahingi ng saklolo. Mariing nilapat ni Katherine ang labi upang hindi nito magawang palalimin ang halik. Na-distract siya sa biglaang ginawa ni Cain kaya huli na nang mamalayan niyang naisakay na siya nito sa backseat.Tatakas pa nga dapat siya nang mabilis na nai-lock ang pinto kaya tiningnan niya nang matalim ang driver, si Marc ang assistant nito.“Buksan mo ‘to,” utos niya.“Lumabas ka muna, Marc at may pag-uusapan lang kami,” ani Cain.Tumango naman ito at saka lumabas. Susunod na rin dapat si Katherine nang pigilan ni Cain. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.”“Kailan mo ba ako lulubayan?! Pagod na pagod na ‘ko sa ginagawa mo!” Saka ito tinulak-tulak sa may dibdib.Napatiim-bagang si Cain. “Hangga’t hindi tayo nagkakaayos.”“Wala nang dapat pang ayusin! Tapos na ta
MATAPOS nang ginawa ni Cain ay pinakawalan niya ito at binuksan ang malapit na pinto. Hindi siya nagkamali ng hinala, kwarto nga mismo ni Katherine ang nabuksan. Ngunit bago pumasok ay natigilan siya nang mapansin ang bouquet na nasa side-table. Napatiim-bagang siya at nilingon ito. “Sinong nagbigay sa’yo ng bulaklak?”Pinagmasdan ni Katherine ang bulaklak pero hindi siya sumagot.Kaya inis na napangisi si Cain, gusto niyang sirain o itapon sa basurahan ang bouquet. Ngunit hindi niya iyon ginawa at sa halip ay hinila si Katherine at iniupo sa side-table, katabi ng bulaklak. Inilapit niya ang katawan sa pagitan ng hita nito upang madama ang init na kanyang nararamdaman.Sa ginawa nito ay nakaramdam ng pagkailang si Katherine saka iniwas ang tingin sa bouquet. “’W-Wag dito.”Napangisi si Cain. “Pero gusto ko rito,” mapang-akit niyang bulong.Kagat-kagat ni Katherine ang ibabang labi habang ang dalawang kamay ay mariing nakakapit sa table. Mas inilapit pa nang husto ni Cain ang katawan h
NAG-IYAKAN ang dalawa sa banyo hanggang sa mag-aya si Katherine na kumain, “Baka malamig na ‘yung ulam kaya iinitin ko. Gusto mo bang maligo muna? Amoy alak ka kasi.”Tumango naman si Lian. “Oo nga, ang baho ko.” Saka natawa kahit maga ang mga mata mula sa pag-iyak.“Okay, ikukuha lang kita ng pamalit.” Matapos ay lumabas na siya ng banyo at nagtungo sa kwarto kung saan ay naroon si Cain, naghihintay. “Ano pang ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Hindi pa tayo tapos—”“May bisita ako, si Lian. Kapag nakita ka paniguradong magkakagulo kayo kaya umalis ka na.” Pagtataboy niya pa rito.Tumayo lang si Cain saka lumabas ng kwarto. Kaya inakala ni Katherine na umalis na nga ito. Ngunit nang matapos silang kumain ni Lian at nagpasiya na itong matulog dahil nga nakainom ay napansin niya na may gumalaw sa balcony. Pagsilip ay nakita niyang nakasandal sa railings ang dating asawa habang naninigarilyo.Bahagya siyang nabigla dahil iyon ang unang beses na nakita niya si Cain na manigarilyo. Binuksan n
MATAPOS ang gabing iyon ay hindi na ginulo si Katherine ng dating asawa… isang linggo na ang nakakalipas.Kaya naging tahimik ang pang-araw-araw niyang buhay dahil walang gumugulo. Siyempre, masiya siya pero may parte sa kanyang naguguluhan, may agam-agam dahil baka bigla na lamang sumulpot si Cain at balik na naman sa dati.Hindi naman kasi siya naniniwalang dahil pinagbigyan niya itong makipagt*lik ay tutuparin na nito ang pangakong hindi na manggugulo.Magkaganoon man ay in-enjoy na lamang niya ang bawat araw at inabala ang sarili sa trabaho.“Pag-aralan mo ito at may exam sa susunod na linggo,” aniya kay Gab saka nilapag sa desk ang papel.Nang hindi siya nito pinansin ay napabuntong-hininga na lamang siya. Kahit isang linggo na niya itong tinuturuan ay ganoon pa rin ang trato ni Gab.Pero kahit papaano, kapag may inuutos naman siya ay ginagawa nito.“Naririnig mo ba ako?”“Hindi ako bingi,” ani Gab.“Naninigurado lang dahil kapag bumagsak ka, uulitin mo ang exam. Uulitin ko rin a
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb
HALOS isang metro na lang ang layo at mabubundol na si Lian ng sasakyan na paparating. Natapakan man ng driver ang preno pero nagtuloy-tuloy pa rin ang kotse.Si Jared naman na tumatakbo ay nagawang mayakap ang dalaga saka ito prinotektahan. Ang katawan niya mismo ang ipinangharang kung sakaling mabunggo nga silang dalawa.At hindi nga siya nagkamali dahil naramdaman niya ang impact at ang paggulong-gulong nila sa kalsada. Si Ulysses na naghihintay sa kotse ay napalingon matapos makarinig ng pagkabunggo.Nang makita niyang nakahandusay sa sahig ang amo at si Lian ay dali-dali siyang lumabas, tinakbo ang mga ito. "A-Anong nangyari, Sir Jared!" Bahagya siyang nataranta, hindi malaman ang gagawin dahil parehong walang-malay ang dalawa.Ang driver naman ay bumaba at tiningnan din ang nabunggo. "H-Hindi ko sinasadya, bigla siyang sumulpot!"Tumawag naman agad si Ulysses ng ambulansiya saka ito binalingan. "'Wag kang aalis, diyan ka lang!" babala niya rito nang akma itong babalik sa sasakya