LOGINMAHIGPIT ang pagkakahawak ni Sherwin sa cellphone, kung magagawa lang niyang wasakin ay baka kanina niya pa ginawa.“Ibig sabihin, alam mong nasa bansa lang siya, Ate?”“Sorry,” ani Katherine. “Nakiusap sa’kin si Laura, at hindi ko siya mahindian.”“Pa’no naman ako?!”Sa unang pagkakataon ay napagtaasan niya ng boses ang kapatid. Kaya bago pa siya may masabing hindi maganda ay tinapos na niya ang tawag.Si Jude naman ay hindi na napigilang magtanong, “Anong sabi? Nasa’n si Laura?”Hindi ito sinagot ni Sherwin, sa halip ay naglakad siya palabas—kailangan niyang bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Agad na sumunod si Jude at humarang sa daraanan. “Nasa’n sabi si Laura?!” sa pagkakataong iyon ay mainit na rin ang ulo niya sa nangyayari. Ilang araw na siyang walang balita sa asawa.“Wala si Laura sa kanila,” sagot ni Sherwin.Humarang bigla si Jude kaya siya tumigil. Nagsukatan sila ng matalim na tingin.“Anong meron sa inyong dalawa ni Laura?”Kumuyom ang kamay ni Sherwin, wa
DALAWANG ARAW ang lumipas pero wala pa rin natatanggap na reply si Katherine mula sa kaibigan. Noong una ay wala lang naman sa kanya, dahil baka abala pa ito pero nang tanungin siya ng asawa ay doon na siya nagtaka.“Akala ko ba’y nasa Canada si Laura kasama ng asawa niya? Ba’t tumawag sa’kin ‘yung assistant at pinapatanong sa’yo kung kumusta na siya?”“Ha?”“Hindi raw makontact ni Jude si Laura kaya tumawag sa’kin, pinapatanong kung kumusta na siya?” dagdag ni Cain, na naguguluhan. “Ano bang nangyayari?”Huminga naman nang malalim si Katherine, saka inamin sa asawa na hindi naman talaga sumama sa Canada ang kaibigan, “Kunwari lang para ‘di na hanapin ni Sherwin.”“Yet, pinapunta mo pa ‘ko kay Sherwin para sabihing aalis si Laura papuntang Canada kahit ‘di naman pala?”Mabilis na niyakap ni Katherine ang asawa para hindi ito magtampo. “Sorry, gusto ko lang na may gawin si Sherwin. Mahigit dalawang linggo na siyang ‘di umuuwi, at pakiramdam ko ay sinukuan na niyang tuluyan si Laura.”“
KASALUKUYANG nasa airport sina Laura at Jude nang makatanggap siya ng message mula sa kaibigan.Katherine: Sorry, nagpromise akong ‘di sasabihin kay Sherwin na ngayon ang alis mo pero ‘di ko talaga mapigilan.Katherine: He’s still my brother. Kaya gusto kong malaman niya kahit papa’no.Laura: Ayos lang, ‘di na rin naman siya makakaabot.Sabihin man nito ang totoo o hindi kay Sherwin ay wala na itong magagawa pa sa sandaling iyon.“Sinong katext mo?” tanong ni Jude.“Si Katherine,” tipid niyang sagot sabay tago sa phone.Sa gilid ng mga mata ay napapansin niya ang titig nito, hanggang sa magsalita na nga, “Sa totoo lang, nanghihinayang pa rin ako na ‘di ka makakasama sa’kin.”Pairap na tumingin si Laura. “Kunting-kunti na lang talaga maiinis na ‘ko.” —Paano ba naman kasi, ay lagi siyang pinipilit na sumama sa Canada.Pumayag naman siya, pero sa isang kondisyon…Kung papayagan siya ng Ina, pero hindi. Nang sabihin niyang buntis siya ay agad itong tumutol at sinabing umuwi para maalagaan
NANGHIHINA si Laura nang sandaling iyon, napapatingala siya sa kisame huwag lang tumulo ang luha sa mga mata. Makaraan ang ilang sandali ay inalis niya ang braso nitong nakayakap sa kanya.Saka siya tuluyang lumabas at nagmamadaling bumalik sa unit sa takot na baka sundan siya ng binata. Tuloy-tuloy siya hanggang sa makapasok sa sariling silid, hindi na alintana ang tingin ni Elma.Muling tumunog ang cellphone kaya sinagot na niya, “Hello…”“Hello, malapit na kami. May dinaanan lang sandali,” pahayag ni Jude.“Okay.”“Ayos ka lang? Ba’t parang iba ata boses mo ngayon?”Huminga nang malalim si Laura sabay ngiti kahit pa hindi naman siya nito nakikita. “Naghihiwa kasi ako ng sibuyas kanina,” pagsisinungaling niya pa.Pagkatapos ay may sinabi pa si Jude na hindi na niya masiyadong pinagtuonan ng pansin hanggang sa tapusin nito ang tawag.Lumupaypay ang kamay ni Laura pagkatapos ng pag-uusap nila sabay bitiw sa cellphone. Ilang sandali siyang ganoon hanggang sa napagpasiyahan na lumabas a
HINDI pa man sumisikat ang araw ay bumangon na si Sherwin sa kanyang kinahihigaan. Pagod siyang naupo, at ang siko ay nakadantay sa magkabilang hita habang hawak ang ulo.Ilang araw na siyang walang matinong tulog. Dalawa o tatlong oras lang ang pahinga niya mula sa maghapong trabaho. Masakit na masakit na ang ulo niya, na ngayon lang niya naranasan.Ngayon ay lubos na niyang nauunawaan ang sinabi ng ama na hindi madaling magtayo ng sariling negosyo, lalo pa at ang main goal niya ay palaguin hanggang sa tuluyang lumaki at maging malaking kompanya.May pagkakataong natatanong na niya ang sarili kung kakayanin pa ba ng katawan niya ang ganito?Isang linggo pa lang ang lumilipas pero nahihirapan na siya, lalo pa at miss na miss na niya si Laura.Mag-iisang linggo na rin niyang tinikis na ito ay i-text o tawagan. Pursigido siyang maging maayos at maging maganda ang resulta ng pinili niyang landas, malayo sa pagtuturo.“Para kay Laura,” anas niya habang hinihilot-hilot ang sintido.Gusto n
HUMINGA nang malalim si Katherine, naiintindihan kung saan nanggagaling ang kaibigan pero…“Laura, mas mabuti siguro na hayaan mo si Sherwin na magdesisyon. ‘Wag mong akuin, dahil hindi na lang ito tungkol sa’yo—may bata nang involved. Let him decide, hmm?”Mabagal ang pagtango ni Laura, matapos ay natahimik na silang dalawa. Nakatingin lang sa labas, sa mga nagdaraan na sasakyan.Ganoon sila ng ilang sandali hanggang sa napagpasiyahang bumalik na sa building.Paglabas sa convenience store ay napansin agad nila si Sherwin na palapit kahit pa marami ring naglalakad. Sa tangkad ba naman nito, paniguradong angat kahit maraming taong nakaharang sa daan.Huminto silang dalawa sa paglalakad at hinintay itong makalapit.“Sa’n kayo galing?” ani Sherwin, may kaunting hingal sa boses na tila ba galing ito sa pagmamadali.“Sa convenience store lang,” sagot ni Katherine, sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Ikaw, sa’n ka papunta?”“Wala… nagmessage si Cain. Ang sabi ay magkasama kayo kaya na







