MAY NAIS pa sanang sabihin ang dalaga pero binabaan na ito ni Cain ng tawag.Beep, beep—Mayamaya pa ay pumasok si Joey. “Hindi pa pala kayo tulog, Sir?”“Nagising lang dahil tumawag si Stella. Inatake si tito Ruel pero hindi naging maganda ang pag-uusap namin. Ginamit pa ang kondisyon ng Ama para malusutan ang ginawa nito sa kumpanya.”“Anong gusto niyong gawin ko, Sir?”Umiling-iling si Cain. “Sa ngayon ay wala muna at gusto kong tingnan mo kung anong magagawa nating tulong sa kanila. Kahit papa’no ay hindi naging iba sa’kin si tito Ruel.”“Masusunod, Sir.”Kinaumagahan ay inasikaso agad ng secretary ang inutos ni Cain. Pagbalik ay may ibinalitang isang importanteng bagay, “Sir, kinontak ako ng grupong may hawak kay Miss Margaret. Ang sabi ay… pat*y na ‘raw’ ito.”Napatiim-bagang si Cain. “Pa’no nangyari ‘yun?! Malinaw ko naman sinabi na—“ Saka marahas na nagbuga ng hangin. Hindi na tinapos ang sasabihin sabay kuha sa phone upang tawagan ang leader ng grupo. Ilang sandali pa ay sina
NANGHINA at nawalan ng lakas si Cain sa narinig. Tila dumoble ang sakit na naramdaman niya noong matuklasan na naglaho si Katherine at inakalang pat*y na ito.Ngunit kahit bigo ay ayaw niyang sumuko. Hindi niya ito susukuan kahit na makailang ulit pa siyang itulak nito palayo.Kaya kahit nanghihina ay hinabol niya ito habang hila-hila ang IV fluid stand. At naabutan itong kausap si Joey. “Katherine!” tawag niya sabay hila.“T-Teka, sa’n mo ‘ko dadalhin?!”“Hindi pa tayo tapos mag-usap,” iyon lang ang sinabi ni Cain saka ito hinila pabalik sa silid.“Ano ba!” pagpupumiglas pa ni Katherine pero naisara na nito ang pinto sabay lock. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan.” Saka nakipag-agawan sa doorknob ngunit hindi siya nito hinahayaan at kinorner pa sa pinto.Matapos ay idinantay ni Cain ang ulo sa balikat nito. “N-Nahihilo ako.” Walang halong kasinungalingan iyon.Nabahala naman si Katherine. “Ba’t mo kasi pinipilit ang sarili mong kumilos!”“Ayoko lang na umalis ka.” Saka ito niyakap
BAKAS sa mukha ni Joey ang pagsisisi. “Kasalanan ko ata ‘to, Ma’am. Hindi ko sinigurong kinakain niya ang pagkaing binibigay ko.”Hinawakan ni Katherine ang balikat nito, marahang tinatapik-tapik. “’Wag mong sisihin ang sarili mo. Kahit sino rin naman, hindi ito gugustuhing mangyari.” Pagkatapos ay tinanggap ang disposable container. “Ako nang bahalang magpakain sa kanya. I’m sure, pagod ka at na-stress sa nangyari.” Bakas sa mukha nito ang pagod at kawalan ng pahinga kaya sinabihan niya itong magpahinga muna kahit sandaling oras lang.Pagkatapos ay pumasok na siya sa silid at nakita si Cain na natutulog, namumutla at tila may iniindang sakit. Halata sa nakakunot nitong noo.Lumapit siya, dahan-dahang inilapag ang disposable container sa table, at naupo sa tabi ng kama. Inangat ang isang kamay, maingat na inilapit sa ilong nito at gusto lang kumpirmahin na humihinga ito nang maayos. Baka kasi nahihirapan na habang natutulog.Kaya nakahinga siya nang maluwag matapos makasiguro na okay
NAGHURUMENTADO ang puso ni Katherine sa narinig. Hindi niya iyon dapat maramdaman kaya marahan niyang pinukpok ang dibdib.Ano ba! maghunos-dili ka nga!Saway niya sa sarili.“Katherine?” ani Cain. “Nandiyan ka pa?”“Y-Yes! May ginagawa kasi ako. Ano nga ulit ‘yung sinabi mo?” Kunwaring hindi niya narinig.Nakagat naman ni Cain ang ibabang labi saka mariin napapikit. Minsan na nga lang maglambing tapos hindi pa nito narinig. “Wala… kumusta ka nga pala? Hindi agad ako nakatawag at medyo busy.”“I know, narinig ko—“ natigilan si Katherine matapos madulas.“…So, narinig mo talaga ‘yung sinabi ko?” Hindi ito sumagot kaya inakala niyang binabaan siya ng tawag. Pagtingin sa screen ng phone ay nasa linya pa rin naman silang dalawa. Tuloy, napangiti siya sa paglikot ng sariling imahinasyon.Pakiramdam niya ay namumula ito sa hiya kahit hindi naman niya nakikita.“Nandiyan ka pa?” aniyang may malawak na ngiti sa labi.Matagal bago sumagot si Katherine at tumikhim pa nga, tila may kung anong bu
NAPAKAGAT-LABI si Jared, natutuwa siya sa sinabi nito pero ayaw niyang ipahalata dahil baka magalit na naman sa kanya. “Wala ‘yun, inaalala mo kasi ang mga naiwan mo sa bar kaya pinaasikaso ko na at baka mapagalitan ka pa sa trabaho.”Tumango-tango lang si Lian na may panaka-nakang tingin. Sa kabila ng tulong na nagawa nito ay ayaw niyang magpa-uto.Hindi niya gustong maulit muli sa dati. Iyong aasa siya na magbabago ito pero sa huli ay sasaktan din pala.Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang hotel. Akmang lalabas siya ng magsalita si Jared.“Alam kong safe rito pero maraming pwedeng mangyari lalo at si Zapanta ang pinag-uusapan dito. Kung hindi mo mamasamain—““Salamat na lang pero okay lang ako,” putol ni Lian. “Marami ka ng nagawang kabutihan. Masiyado ng makapal ang mukha ko kung patuloy kong tatanggapin ang tulong mo,” malamig niyang tugon.Huminga lang nang malalim si Jared sabay tango. “Okay. Good night.”Walang lingon na lumabas si Lian sa kotse at naglakad papaso
NAPATIIM-BAGANG si Jared, ang mga mata ay namumula sa galit. Ngunit hindi dahil kay Lian kung hindi dahil sa muntik na itong mapahamak sa sobrang likot. “Ang tigas ng ulo mo.”Hindi na niya gustong makitang nasasaktan si Lian, physically or emotionally man. Natakot na siya noon, na lagi itong nakikitang nasusugatan. Husto na ang takot na naramdaman noong inakala niyang patay na ito.Napakurap naman si Lian, biglang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito. Pakiramdam niya, ano man sandali ay sasaktan siya sa sobrang galit nito.Mabilis naman nagbago ang ekspresyon ni Jared saka ito niyakap. “Sorry, natakot lang akong baka mabagok ka sa ginagawa mo.”Sa kabila ng ginaw dahil sa buhos ng ulan ay nakaramdam si Lian ng init sa yakap nito. Ngunit mayamaya pa ay nagpumiglas at pilit lumalayo pero mahigpit ang yakap nito.Hanggang sa tumayo si Jared at muli siyang binuhat patungo sa sasakyan. Hindi na siya nagmatigas pa dahil basang-basa na siya, hindi na tamang magmatigas sa panahong iyon.“I-I