NATAWA ang dalaga ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Levi ang kaibahan ng totoong tawa sa pilit.“Naging usap-usapin sa school ang tungkol sa pinsan niya,” ani Rowena.Na ipinagtaka niya dahil wala naman nakakaabot na ganoong balita sa kanya. Sa tingin niya rin ay wala sa mga kaibigan niya ang magkukuwento ng ganoon. “Kanino mo narinig ang tungkol kay Suzy?” tanong niya upang makasigurado.Ngunit tumunog na ang bell.“Pumasok na tayo sa loob bago pa maabutan ng professor,” ani Rowena saka nagmamadaling pumasok sa classroom.Kaya pumasok na rin siya at tuluyang nawalan nang pagkakataong magtanong ulit nang dumating ang professor.Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti niyang napapansing may kakaiba kay Rowena. Nariyang pinapakialaman nito ang gamit niya nang hindi nagpapaalam.Nang una ay hinahayaan niya dahil notebook, ballpen at libro lang naman ang kinukuha nito. Hanggang sa nahuli na niyang pinapakialaman ang phone nang maiwan matapos magtungo sa restroom.“Anong gin
TILA isang himala ang nangyari, dahil matapos mag-dinner ni Levi kasama ang pamilya Ferrer ay in-accept na nito sa wakas ang friend request ni Suzy na ilang taon na ring nakatengga.Gulat na gulat nga ang dalaga at nagtatatalon sa tuwa. Pakiramdam niya ay unti-unti na silang napapalapit ng binata.Kahit pwede naman niyang i-message si Levi anytime dahil walang restriction, pero iba pa rin ang pakiramdam na friend na sila sa social media.Kaya dali-dali siyang nagpunta sa messenger, in-open ang chat box para i-message ito. At nang makitang naka-seen na lahat ng mga messages niyang ilang taon na ring hindi napapansin ay bigla siyang nahiya dahil apat na taong hindi napapansin ang mga mensahe niyang iyon.Tuloy, bigla siyang nag-alangan kung magme-message ba siya?Makailang ulit siyang nagtipa ng mensahe pero binubura niya rin.Sa huli ay isang simpleng ‘hello’ lang ang na-send niya.Inabangan niyang mag-reply ito pero wala— naghintay siya sa wala.Gusto pa nga sana niyang mag-message ul
NAPABUNTONG-HININGA si Levi ngunit bago pa man siya muling makapagsalita ay tumakbo na palayo si Suzy. Tinaas niya ang kamay, tila gusto itong abutin pero kalaunan ay binaba niya rin.Bigla siyang nakaramdam ng guilt pero hindi nagtagal ay naisip niya ring mas mainam na nailabas niya ang inis. Baka sakaling tuluyan na itong tumigil.At simula nga nang araw na iyon ay hindi na niya ito nakita, para itong naglahong parang bula.Hanggang sa namalayan na lamang niya, isang taon na ang lumipas.“Hindi ka uuwi?” tanong ni Cain isang gabi nang tumawag ito.“Busy ako,” tipid na sagot ni Levi.“Talaga ba?” hirit ni Jared sa kabilang linya, magkasama ang dalawa. “Baka naman busy sa babae?”“Utot mo! You think, easy lang mag-aral? Halos ikamat*y ko na!” exaggerated niyang sigaw pero tinawanan lang siya ng dalawa. “Palibhasa kasi kayo, nagtatrabaho na!”“Ba’t kasi ‘yan ang pinili mo, pwede ka naman mag-business gaya namin,” ani Jared.“Paki mo ba?”Muling tumawa si Jared. “Pero seryoso, hindi ka
MATAPOS ang birthday party ng kaibigan ay madalas nang makita ni Levi ang pinsan ni Janna. Sa tuwing lalabas siya nang university ay nakikita niya itong nagtatago agad sa poste, na akala’y hindi niya mapapansin ang pagkalaki-laki nitong bag.Binabalewala na lamang ito dahil hindi niya gusto ang ideya na may sumusunod-sunod sa kanya. Buti sana kung babae at kasing edad niya pero hindi.Sa loob ng dalawang buwan ay ganoon palagi ang nangyayari. Noong una ay natitiis niya pa pero sa katagalan, lalo na’t may pagkakataong masama ang panahon ay nakokonsensiya siya.Kaya isang hapon, habang pauwi at napansin niya muli si Suzy na nag-aabang sa labas ng university at masama lang lagay ng panahon ay nilapitan niya ito na muling nagtago sa poste.Sumilip si Suzy sa pag-aakalang hindi siya napansin ngunit nang magkatinginan silang dalawa ni Levi ay agad siyang tumakbo— iyon nga lang ay hindi na siya nakausad matapos mahawakan ang backpack bag niya.“Umaambon na pero hindi ka pa rin umuuwi?” ani Le
MATAPOS iyong sabihin ng kaibigan ay dahan-dahan pang tumingin si Janna sa pinsan. Pakiramdam niya, ano man sandali ay bigla na lang itong iiyak.Kaya hinampas niya si Levi at natawa nang pagak. “Ano ba ‘yang sinasabi mo? ‘Di mo pwedeng maging kapatid si Suzy, hindi ka mabait na kuya.”Napatingin si Levi sa bata dahil natahimik na ito. “Ayos lang ba siya?” tanong niya sa kaibigan.Hinila naman ni Janna ang braso nito saka binulungan, “‘Wag ka na lang magtanong kung ayaw mong masamain. Umalis ka na nga lang, ‘di ka namin kailangan dito.” Saka niya ito tinulak at baka may masabi na namang hindi maganda.Rumehistro ang kalituhan sa mukha ni Levi at nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa kaibigan at sa batang nakatungo, hindi makita ang mukha. “M-May nagawa ba—” bago pa man niya matapos ang sasabihin ay inambahan na siya ng hampas ni Janna kaya siya napaatras. Napapailing na lamang siyang tumalikod ngunit bago pa makapaglakad ay may maliit na kamay ang pumigil sa kanya.Nang lumingon siya
PASADO ALAS-SINGKO ng hapon nang dumating ang sasakyan sa harap ng bahay ni Janna. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana matapos marinig ang busina ng kotse.“Goodness, hindi naman halatang excited siya, e, ‘no?” Saka siya lumabas ng kwarto at nakasalubong ang ama na paakyat ng hagdan.“May bisita ba tayo?”“Si Suzy lang, Daddy. Gustong sumama sa pupuntahan kong birthday party.”“Hindi ba’t nasa Japan sila ngayon?”“Nope, nagpaiwan,” sagot ni Janna.“Buti at pinayagan na sumama sa’yo?”“Yeah, I’m a bit surprised pero hindi na ‘ko nagtaka kasi alam mo naman ‘pag gusto niya, talagang nakukuha niya.”Matapos ang sandaling pag-uusap ay lumabas na siya ng bahay para salubungin ito. Pero, hindi naman lumabas ng kotse kaya kinailangan niya pa tuloy lumapit.“Hello, Kuya driver,” aniya saka sinilip mula sa bukas na bintana ang pinsan. Bihis na bihis na ito at ready.“Tara na, Ate.”“I’m not yet ready, saka, mamaya pang seven ang start. Ang weird na mauna ro’n.”Naglaho ang excitement sa mukha ni