Share

Chapter 39

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-16 19:13:55

BAHAGYANG nagmulat ng mata si Katherine nang mahimigan ang boses ng asawa.

Kahit nanlalabo ang paningin ay naaaninag niyang kaharap si Cain at yakap-yakap siya.

"N-Nandito ka," anas niya saka bahagyang ngumiti.

Sa wakas, dininig ng langit ang hiling niyang iligtas silang dalawa ng anak.

Kahit nananakit ang likod dahil sa hampas ay gumalaw si Katherine, gusto niyang tumayo.

"'Wag kang gumalaw," ani Cain. "Sa'n ka pa nila sinaktan?"

Mariing napapikit si Katherine. Sobrang hapdi ng likod niya, hindi siya makakilos nang maayos, kahit kaunti lang.

Si Jean naman na katabi si Amalia ay naglakas-loob na magsalita bago pa maisumbong ni Katherine, "Cain, alam mo bang binasag niya ang mamahaling vase ni Lola. Saka... tingnan mo nga ang ayos ng damit niya. Paniguradong may ginawa siyang kababalaghan para masira ng ganyan ang suot niyang damit. Nakikipaglandian siguro siya sa ibang lalake."

Ang malamlam at maamong ekspresyon ni Cain para sa asawa ay bigla na lang nagbago nang tingnan ang pinsan.

"
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Valen Tina
I have it until 264
goodnovel comment avatar
Madiline Alcantara
NXT chapter po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 266

    PAGKAUSAD ng trapiko ay muling nagtanong si Cain kung gusto ba nitong kumain ng dinner. Hindi man sumagot pero tumango si Katherine. Wala, gutom na talaga siya para mag-inarte pa.Napangiti naman si Cain dahil para sa kanya ay isang magandang senyales iyon upang magkaroon sila ng quality time.Mabuti na lang talaga at malapit sila sa BGC, madadala niya si Katherine sa magandang restaurant. Ayaw niya sa kung saan na lamang na kainan."Sa'n mo gustong kumain?" siyempre, ang asawa ang masusunod kung saan nito gusto."Ikaw ang bahala," ani Katherine habang nakatingin sa labas ng sasakyan dahil tumila na ang ulan.Nang makapili na nang makakainan ay ipinarada na ni Cain ang kotse, saktong tumunog ang phone kaya pinauna na niya ito sa loob. "Sasagutin ko lang 'to," aniya.Pagpasok naman ni Katherine ay nilapitan agad siya ng staff, tinanong kung may reservation o wala at kung mag-isa lang ba o may kasama "Wala kaming reservation ng isa 'kong kasama."Tumango naman ito at pagkatapos ay igin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 265

    NAKATUNGANGA lang si Katherine at panaka-naka ang tingin sa wall clock sa taas ng pinto. At pagpatak ng alas-singko ay tumayo na siya dahil oras na ng uwian.Paglabas ng opisina ay nasa kanya-kanya pang desk ang mga empleyado. Bigla siyang nahiya matapos pagtinginan ng mga ito. Pakiramdam niya tuloy, may nagawa siyang mali. Tuloy parang gusto niyang bumalik sa loob.Saktong lumabas naman sa opisina niya si Cain. "Uuwi ka na ba?""H-Hindi pa yata out," ani Katherine saka hinawakan ang pinto.Tiningnan naman ni Cain ang suot na relo saka inanunsiyo sa lahat na tapos na ang trabaho, "Bukas niyo na lang tapusin ang ginagawa niyo."Hindi pa agad gumalaw ang mga empleyado. Kanya-kanyang tingin sa mga kasama, naghihintay na may kumilos."Hindi niyo ba ako narinig?" ani Cain.Hanggang sa tumayo na sa desk si Joey at naglakad patungo sa elevator. "Ano pang hinihintay niyo? Uuwi na 'ko." Nang matapat sa dalawa ay bahagyang yumukod. "Mauuna na 'kong umuwi sa inyo, Sir... Ma'am." Tapos ay nagpatu

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 264

    SA ISANG IGLAP ay biglang sumabog si Katherine. "Ano?!" Nagtaas-baba pa nga ang dibdib dahil sa emosyong nararamdaman. "Nasisiraan ka na ba?!"Hindi naman na-offend si Cain sa narinig. Kalmado nga lang na tumayo saka nilapitan ang asawa. "Inaabot ng taon o mahigit pa ang annulment dito sa bansa.""So, what?" sarkasmong sabi ni Katherine.Nagkibit-balikat naman si Cain. "Wala lang, gusto ko lang sabihin sa'yong kahit pirmahan ko ngayon ang annulment papers ay mahaba-habang proseso pa ang mangyayari. Marami na 'kong iniisip at trabaho tapos dadagdag pa 'to? Baka naman kahit ito lang ay maging compensation ko na?""Babayaran na lang kita kung ayaw mo ng stress na maidudulot ng separation," ani Katherine.Natawa si Cain saka napakagat-labi. "Hindi ko kailangan ng pera mo. Marami ako niyan."'Yabang.'Muntik nang masabi ni Katherine. "Kung gano'n ay magsabi ka lang kung anong gusto mong kapalit, 'wag lang 'tong dini-demand mo."Umangat ang gilid ng labi ni Cain, halatang natutuwa. "Kaya ba

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 263

    HINDI muna pinaalis ni Juliet ang bisita. Inaya sila Sherwin na mag-stay kahit ilang minuto lang. Hindi naman tumanggi sila Katherine dahil magbibigay ng pasalubong ang kaibigan."Chocolates and biscuit para kay Sha-Sha saka may bag ako rito na magugustuhan mo," ani Laura habang hinahalungkat ang laman ng luggage."Meron bang para sa'kin?" hirit naman ni Sherwin sa pintuan, nakasandal at pinagmamasdan ang dalawa sa sahig."Chocolates na lang ang sa'yo, hindi ko kasi alam ang size mo," saad ni Laura.Tumango lang si Sherwin saka bumalik sa sala. Ang dalawa naman ay tuloy lang sa ginagawa. Hanggang sa matigilan si Laura, maya't maya ang tingin sa kaibigan. "Ahm, Katherine... May gusto sana akong sabihin."Nag-angat ng tingin si Katherine, naghihintay ng sasabihin nito.Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Laura, saka maingat na sinabi ang totoo, na kasal na silang dalawa ni Jude, "Sorry, kung ngayon ko lang 'to nasabi."Sumama ang loob ni Katherine sa narinig. Pakiramdam niya, nadaya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 262

    MARIIN hinawakan ni Katherine ang handle ng cart saka bahagyang tinulak upang makalayo sa mag-ina. "Maiwan ko na kayo," aniya ng hindi tinitingnan ang dalawa.Pero bigla na lamang humabol si Amelia, ang tingin ay halatang asiwa. "I-Ikaw pala si Ms. Madrigal... Kaya pala tila pamilyar ka. Pinakita ni Diana ang picture mo habang ini-introduce ka sa'min." Pagkatapos ay tinuro ang nakatalikod na si Aaron. "Ang anak ko, kung ano man ang ginawa niya sa'yo ay ako na ang humihingi ng despensa."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Katherine. "Ayos lang po, wala na sa'kin 'yun. Hindi niyo kailangan na mag-sorry, wala kayong ginawang kasalanan." Dahil kung may kailangan man humingi ng kapatawaran, si Aaron iyon.Ngunit umalma ang binata nang marinig ang sinabi nito, "Sa'yo, balewala lang dahil hindi naman ikaw ang nasaktan.""Aaron!" saway muli ni Amelia sa anak."Ba't ako, 'Mmy? Wala naman akong ginawang masama. Siya at 'yung kasama niyang lalake ang gumawa nito sa pagmumukha ko!"Dahil sa taas ng

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 261

    NAGPALIPAT-LIPAT naman ng tingin si Sherwin sa dalawa at baka bigla na lamang magkainitan, maawat niya agad."Matagal na tayong hindi nagsasama, wala na rin akong natandaan tungkol sa'yo kaya tama lang na maghiwalay na tayo nang tuluyan," ani Katherine."Paninindigan mo talaga 'tong kalokohan mong may amnesia ka?""Kung ayaw mo maniwala, wala na 'kong magagawa pa pero tuloy ang annulment."Nagngitngit ang bagang ni Cain habang mariin nakakuyom ang kamao. Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari, hindi ngayong nagkrus na muli ang kanilang landas.Kahit kumukulo siya sa galit ay ayaw naman niyang takutin ang asawa at baka lalong lumayo kaya huminahon siya. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong dahilan kung ba't mo 'ko iniwan..." aniya, saka hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa table.Kumabog ang dibdib ni Katherine nang hawakan siya kaya mabilis niyang binawi ang kamay bago pa ito makahalatang apektado siya. "H-Hindi ko rin alam kung anong sinasabi mo," an

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 260

    KINABUKASAN, nang paalis na si Sherwin dahil may importanteng lalakarin ay kinausap siya ng security personnel ng building, "Good day, Sir... May naghahanap po sa inyo kanina.""Sino?""Marc Pador, nag-iwan din siya ng calling card." Sabay pakita ng maliit na card.Napakunot-noo naman si Sherwin dahil wala siyang nakikilalang tao sa ganoong pangalan hanggang sa mahawakan na niya ang calling card. "Pambihira..." iyon na lang ang kanyang nasabi dahil empleyado pala ito ni Cain Vergara. "Sinabi mo bang nandito nga kami?"Umiling ito. "Hindi pwede sa'min maglabas ng information. Hindi rin namin sinabi na residents kayo rito."Nakahinga nang maluwag si Sherwin sa narinig. "Thank you, at kung sakaling bumalik ay i-inform mo agad sa'kin." Pagkatapos ay nagpatuloy na siya patungo sa kotse habang iniisip kung sa paanong paraan nalaman ni Cain na doon sila nakatira?Kaya matapos asikasuhin ang kailangan gawin ay sinadya niya ito sa pinagtatrabahuan nito."May appointment kayo, Sir?" tanong ng r

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo. "At do'n din sa airport!"Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status